Chapter 4
Pulled and clicked
"Finally! Exam's done."
"Ayun oh! Kain tayo sa labas?"
I grinned at tinignan silang dalawa. "Libre niyo ako." Nakita kong lumingon sila saakin na nanlalaki ang mata at umiiling. I saw Janice crossed her arms like a wakanda tribe.
Ngumuso ako at tinignan sila, I blinked my eyes cutely. "Why?-" napahinto ako at napaisip. "Gusto niyo girl's out?"
In just a snap of fingers ay nakalapit na ito saakin at yinugyog ako. Nakahawak na sila saaking braso. Ngumisi ako at iniiwas ang tingin nila.
"Woah, totoo ba ito?"
"Am I not dreaming?"
Binitawan ko silang dalawa at pilit lumayo. "Basta, libre niyo ako!"
Nakita ko silang nagkatinginan at napapaisip. Napanguso ako sa reaksyon nilang dalawa. Ano na naman kaya iniisip nila?
Ilang segundo ay hinawakan uli ako sa magkabilang braso at agad kaming naglakad.
"Libre na namin ito, since first time lang namin marinig galing sa bibig mo." Ysa said with full of excitement on her face.
Kumunot ang noo ko. "Hindi kaya."
Umiiling silang dalawa at agad kaming lumabas sa school. Nakikita ko sa mukha nila ang excitement dahil sa girl's out namin.
'Girl's out' is their favourite things to do. They go shopping, buying dress and make ups and even doing some make over. Sinasamahan ko sila lagi, pero ako na mismo ang mababagot. I don't even buy stuffs, masasayang lang pera ko.
But right now? I want to enjoy first. Bibili ako ng damit ko dahil luma na at hindi pa ako makakauwi sa probinsya namin.
Nang marating na namin ang Mall ay kitang kita ko ang pagkislap ng mata nung dalawa. I don't understand, pero bakit natutuwa sila? Saakin kasi nakakapagod.
Our first destination ay kumain muna kami sa isang fast food dito sa mall, nagutom utak namin sa exams kanina. Inubos ang lahat ng subject since konti nalang dahil third year na ako sa college as a computer science student.
"Diba siya si Casseopia? Ang ganda niya sa malapitan 'no?"
"Oo nga, maganda talaga siya. Dapat sumali siya sa Myunghei Contest eh."
Uminit ang pisngi ko ng marinig iyon at pilit hinahanap kung sino ang nagsalita. Nakita ko din ang pagngisi nina Janica at Ysa, dahil alam kong narinig din nila iyon.
"Ang popular mo talaga, Casey." Janice commented.
Hinawakan ni Ysa ang pisngi nito at nagpapacute saamin. "Am I not that cute?" She blinked her eyes.
"Cute ka naman-"
Someone interupted me nang may isang nakita akong kamay na may papel sa aking mukha kaya napatingin ako sa may-ari 'nun.
Nakita ko ang isang juniors sa school namin kaya napataas ang kilay ko. "Ano 'yan?" Tinuro ko ang papel.
Nakita ko ang pagpula ng pisngi nito at yumuko. "Ate, pwede humingi ng number mo?"
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil ang cute niya. Kinuha ko ang papel at narinig ko ang pagsinghap niya dahil sa gulat. Napanguso ako at sinusulat ang number at agad binigay sakaniya.
"Thank you, Ate! Ang ganda niyo po."
Magpapasalamat sana ako kaso tumakbo na ito palayo. Grabe naman 'yun, biglang biglang aalis. I just shrugged my shoulder at bumalik sa kain.
"Grabe, highest level ang kagandahan mo!" Halakhak ni Ysa at sinapak ang balikat ko, napangiwi ako sa sakit at hinihimas ang braso ko. Grabe 'tong babaeng 'to.
"Casey, alisin mo din ang pagiging mahiyain mo. Try joining some clubs or contest." Janice sipped her coked at tinignan ako.
Umiling ako at pilit ngumiti. "I'll try."
Oo nga, I'll just try. Mahiyain ako, but when it comes to academics ay ibang usapan na iyan. But joining some extra curricular? No way! Masaya na ako sa pagiging gamer ko. Pagkatapos ng school ay laro kaagad. I love my life.
Pagkatapos naming kumain ay pinasok na namin lahat ang dress shops, shoes, and other stuffs. May nabili ako, libre naman nilang dalawa. Pero sakanila ay pakiramdam ko nahahakot na lahat dahil ang dami na nilang paper bags sa iba't-ibang shops.
Hindi naman ako mayaman tulad nila, in just a swipe of a card ay makakabili kaagad. I'm just a normal girl habang silang dalawa ay mayayaman. Nakapasok ako sa school bilang scholar.
"Hindi pa kayo napapagod?" Napaupo ako sa isang bench at hinihimas ang paa ko. Nakita kong huminti sila sa paglalakad at nilapitan ako.
"Cas naman eh, last na natin ay salon!" Pagpipilit ni Janice at lumapit sakin at hinila kamay ko.
"Libre ko naman!" Ysa said in a sweet tone at tumabi sa kinauupuan ko while rubbing her cheeks on my shoulder.
Napailing ako, nakakahiya naman kasi dahil puro libre nalang ako sakanila.
"Dali na!"
Hilang hila nila akong dalawa at pakiramdam ko ay namamanhid na ang buong katawan sa pagod. Halos nalakad na namin lahat at 'ni wala kaming pahinga.
Pagkapasok namin sa isang salon ay may isang baklang lumapit saamin. Her blond colored hair is so bright with his bronze skin. His contour is on point, especially on the cheek bones.
With its red lips ay doon ako napapatitig. "Ano gusto niyo, sis?" Impit ang boses nito at ang laki ng ngiti niya.
Tinulak nila ako doon kaya nahihiya akong ngumiti sakaniya. Kumunot muna ang mukha nito at hinawakan ang aking buhok. "Alam ko na 'to mga ka sis. Ako na bahala?"
Nanlaki ang mata ko at tinignan ang dalawa. What does it mean na siya ay bahala?
Pinanlakihan ko sila ng mata at kita ko ang pagpigil ng ngiti. "Don't worry, dito lang kami." Ysa said while showing the back of her hands at ibig sabihin ay magpapakulay uli ito, nail care.
"Sis, upo ka muna doon habang paghandaan ko ang nga gamit." Aniya at iginaya sa isang upuan.
Umupo ako doon at napatingin sa salamin. What am I doing right now? Nasisilawan lang yata ako sa libre ng dalawa kaya napunta pa ako sa salon.
Napatingin ako sa repleksyon na nakabalik na ang bakla st hinawakan ang mahabang buhok ko.
"Ako na bahala, I'm sure magugustuhan mo." He happily said while smiling so brightly.
Napanguso ako at hinawakan ang buhok ko, hanggang beywang na ang buhok ko at sobrang itim ni hindi pa nakakatikim ng medisina ang aking buhok My hair is just straight, and nothing else that makes it more lively. Just a plain Casey.
Napagisipan ko na dapat nga baguhin nalang ang buhok ko, una dahil libre at pangalawa I'm a teen so I need to look like one.
An hour passed ay nagising ako sa init sa ulo ko kaya napamulat ang mata ko at nagboblower na ito. Nakita niya yatang nagising ako ay tumig na ito.
"Okay lang ba, dear? Nakatulog ka kasi."
Napatulala ako sa repleksyon ko at napalapit 'don sa salamin. Hinawakan ko ang buhok ko na hanggang balikat na. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakita.
"Parang hindi ako."
I heard his laugh at inaayos ang buhok ko. "Natural beauty 'yan." Aniya sa likuran ko.
Napailing ako at nagpasalamat sakaniya. My hair is on my shoulder level, nilagyan niya rin ako ng uso na bangs dahil manipis lang ang pagkakagupit nito. With a medium golden brown hair, and to its little curl na nasa baba lang ng buhok ko. Hindi ko mapigilang ngumiti. Napakasulit na libre ito.
Tumayo ako at linapitan sina Ysa at Janice na nagbabasa ng magazine while some manicurist on their feet.
"Guys!" I called them kaya napatingin na ito saakin at kita ko ang panlalaki ng mata nila.
"Oh my, Casey!" I saw their eyes sparkle at pinalapit ako sakanila. I sat down between them at agad nilang hinawakan ang buhok ko.
"Ang ganda!" Janice commented at agad silang nag apir sa harap ko. Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon nila.
Pagkalabas namin sa salon ay may naisipang kabaliwan si Ysa.
"What? No freakin' way!" I reacted at agad umiiling.
"Ayaw mo?" Janice snorted at napahalukipkip. "Uunahin kita, tapos ikaw susunod."
Napatakip ako sa aking bibig ng umalis ito saaming tabi at may hinilang isang estrangherong lalaki. Bumulong muna ito sa lalaki at hinalikan ang pisngi.
I heard Ysa's laugh sa tabi ko. Nang nakabalik na saamin si Janice ay malaki ang ngisi nito. Their crazy games again.
"And now, you're next." Tumingin saakin si Ysa at ngumiti.
"Find some stranger, just peck him or anything. Or else-" pagbabanta nito.
Tinignan ko siya. "Or else what?"
Hindi ito sumagot kundi ngiti lang. Damn, inaatake na naman si Ysa sa kaniyang nga laro. Truth and dares, noon pa talaga siya ganiyan.
"Kill joy!" They both said in unison.
Tinignan ko silang dalawa. "Next time, hindi na talaga ako sasama sainyo."
Sasama ako sakanila, at may mga nakakabaliw rin na nagaganap. Wala na ito nung nakaraan but right now, inaatake na naman siya sa kaniyang fave game.
Napabuntong hininga ako at tumayo. "Last na talaga ito, Ysa."
Lumingon ako sa paligid at naghahanap ng mabibiktima. Nakita ko ang isang lalaki na nakatalikod ito saamin at nakabawak sa kaniyang DSLR while picturing something. Napanguso ako at linapitan ang lalaki.
"Kuya, sorry pero need ko lang gawin ito." Sabi ko at nakita ko itong lumingon saakin.
Kinagat ko ang labi ko, bago pa ito makalingon ay tumingkayad ako at pilit abutin ang mata para takpan at hinalikan ko ang baba.
Binitawan ko ang aking kamay at tuluyang nanlaki ang mata.
"What the hell?" Kita ko ang gulat din sa mata nito at unti unting nagaalab iyon sa galit.
Napatalikod ako sa kaba at tumakbo habang tinatakpan ang mukha ko. Damn! It's him.
Why him?