"Mahal, okey ka lang ba?"
Tanong ni Issay kay Anthon ng mapagisa sila.
Anthon: "Ha? Bakit mo natanong?"
"Oo, okey naman ako!"
Kinakabahan sagot nya.
'Nakakahalata na kaya sya!'
Issay: "Para kasing may gumugulo sa isip mo?"
"Ano ba yun? Sabihin mo naman sa akin kung ano yon!"
Nagaalalang tanong nya.
Anthon: "Ha? W_wala!" Sobrang stress lang!"
"Mahirap pa lang mag asikaso ng isang malaking selebrasyon! Hehe!"
Natatarantang paliwanag nito.
Issay: "Nahihirapan ka na agad dyan?"
"Pano na lang kung kasal na natin ang inaasikaso mo?"
Pagbibiro nito sa kasintahan.
Biro nga lang yon kay Issay pero hindi kay Anthon, dahil sa sinabi Issay, nadidinig na nya na dumoble ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib na tila gustong lumukso palabas ng puso nya sa sobrang kaba.
'Jusko alam na kaya nya?'
Napansin ni Issay ang pagiiba ng kulay ng kasintahan.
Issay: "Hoy! Anong nangyayari sa'yo?"
"Nabanggit ko lang ang kasal, namumutla ka na agad dyan!"
Ngunit hindi pa rin mawala ang pamumutla nito, at hindi nya magawang sagutin si Issay.
Issay: "Kung ayaw mong magpakasal hindi kita pipilitin!
Wala akong planong pikutin ka nuh! Hmp! Dyan ka na nga!"
Naiinis na nitong iniwan ang kasintahan dahil hindi nya nagustuhan ang naging reaksyon nito ng banggitin ang kasal. Kahit sabihin pang nagbibiro lang sya.
Mas lalo naman hindi nakakilos si Anthon sa kinauupuan nya. Gusto nya syang sundan upang magpaliwanag ngunit parang ayaw makisama ng tuhod nya.
Gene: "Bro, anong nangyari sa'yo ba't namumutla ka dyan?"
Tanong ni Gene sa kapatid ng mapansing hindi ito gumagalaw at ng lapitan nilang dalawa ni Joel namumutla na ito.
Joel: "Kuya, ba't naninigas ka? Na stroke ka ba o inaatake ka na sa puso? Ilulusob ka na ba namin sa ospital?!"
Natataranta nitong tanong.
Anthon: "S .. sa.. baba tayo!"
Nagpunta sila sa basement na magkakapatid para makapagusap.
Pina lock nito ang pinto para walang makapasok.
Gene: "Bro, uminom ka muna ng tubig para mahimasmasan ka!"
Nang mapansin nilang medyo umaayos na ang kulay nito saka ulit sila nagtanong.
Joel: "Kuya ano bang nangyari ba't namumutla ka kanina?"
Anthon: "Si Issay... parang .... may alam na sya!"
Nagkatinginan si Gene at Joel.
Joel: "Wala pang alam yun dahil kung may alam yun si Vanessa ang unang unang makaka alam nun!"
Kinuwento ni Anthon ang usapan nila ni Issay kanina.
Gene: "Bro, mukhang normal na tanong lang yun ni Ate Issay! Wagkang masyadong magisip!"
"Sa tingin ko wala pa syang alam!"
Joel: " Tama Kuya, sigurado kami na wala pa syang alam!"
"Pero pag hindi mo inayos ang kilos mo mukhang ikaw mismo ang magbubuko sa sarili mo!" "Malakas ang pakiramdam ni Ate Issay, kaya ayusin mo ang kilos mo para hindi ka mabuko dyan!"
Anthon: "Papaano? Hindi ko maiwasan kabahan sa tuwing nakikita ko sya!"
Gene: "Kung ngayon ganyan na katindi ang kaba, mo pano pa mismo sa araw na magpo propose ka?"
"Baka mauna ka pang atakihin sa puso bago ka magsimulang magsalita!"
Anthon: "Anong gagawin ko?"
"Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang pakiramdam pag may tinatago kang sekreto sa mahal mo!"
Gene: "Buti pa maghiwalay muna kayo para hindi mo sya palaging nakikita!"
"Dun ka muna sa resort mag stay at ako naman dito, tutal padating na rin naman si Jaime!"
Joel: "Tama Kuya! At habang nanduon ka magpraktis ka!"
"Magpraktis ka kung paano hindi kabahan! Hehe!"
Pangiinis nito sa kapatid.
*****
Tatlong araw bago ang birthday ni Mama Fe, dumating ang apo nitong si Jaime.
Pagka kita ni Issay sa kanya nilapitan nya ito at kinausap.
Issay: "Jaime, kamusta si Nadine?"
Walang paliguy liguy nitong tanong, na ikinagulat naman ni Jaime.
'Pano nya nalaman na magkasama kami ni Nadine?'
Jaime: "E, bakit nyo po sa akin tinatanong Ninang?"
Nagulat si Issay ng tawagin syang Ninang ng kausap.
Issay: "Ninang?"
Jaime: "Di po ba kayo po ang girlfriend ni Ninong Anthon ko, kaya Ninang ang tawag ko senyo!"
Issay: "Pero hindi pa kami kasal! Hindi ba nakakahiya!"
Jaime: "Ganun na din po yun, dun na rin ang punta nun!"
Issay: "Pero hindi mo pa nasasagot ang tanong ko!"
"Kamusta si Nadine?"
Pagbabalik nya sa usapan.
Jaime: "Hindi ko po alam kung paano nyo nalaman na magkasama kami, Ninang!"
"Pero nais kong pong malaman nyo na malinis ang hangarin ko kay Nadine!"
"Hinding hindi ko po sya paiiyakin, pangako po yan!"
Tiningnan nya ng matagal si Jaime, wala syang alam na magkasama sila.
Ang ibig lang naman nyang sabihin sa kamusta ay kung nagkakausap ba sila ni Nadine, hindi nya inaasahan ang sagot nya.
Pero hindi nya pinahalatang wala syang alam.
'Loko 'tong batang 'to, kinakamusta ko lang si Nadine ang daming sinabi! At magkasama pala sila ha hindi man lang nagkukuwento tong si Nadine! Humanda ka sa akin Nadine!'
Issay: "Ganun ba!"
Sagot nya kay Jaime, ayaw ipahalata sa kausap na hindi nya alam ang sinasabi nito.
Issay: "Kumakain ba sya sa tamang oras?"
Pagpapatuloy ni Issay.
Jaime: "Opo! Saka may pinabibigay po sya sa inyo!"
Sabay abot ng pinadala ni Nadine na pasalubong para kay Issay.
'Mukhang alam nyang mabubuko sya kaya nag padala ng suhol'
Batid ni Nadine na magkikita sila Jaime at Issay at natitiyak nyang malalaman kaagad ng Ate Issay nya na nagkikita sila ni Jaime, kaya nagpadala sya ng pasalubong para kay Ate Issay nya para hindi ito magalit.
Issay: "Salamat! Sige maiwan na muna kita!"
Sabay alis.
Gene: "Ang daldal mo!"
Jaime: "Pa?"
Pagbalik ni Issay sa bahay niya, tinawagan nya agad si Nadine.
Nadine: "Hello, Ate Issay!"
Issay: "Hmmm... Lumalablayf ka ha!"
Nang mga oras na din na iyon nakagayak na rin sa paguwi ng San Roque si Belen ng makatanggap sya ng isang hindi inaasahang tawag kaya naantala ang pag uwi nito.