Reena's POV
Nakahabol ako sa uwian ng anak ko. Nagmadali ako na makarating dun bago sila palabasin ng teacher nila.
"Huh?" nagulat ako dahil wala na si Lenard sa loob ng classroom. May iilan din estudyante ang nakauwi na. Sinabihan ko pa man din si Papa na wag nang sunduin si Lenard.
Naisipan kong tanungin ang teacher nya.
"Hi. Mam. Nakauwi na po si Lenard?" tanong ko sa kanya.
"Nako Mam. Father nya po ba yan kasama nya kanina? Binantayan lang sya the whole class. Then sya na din nag uwi sa bata." I got speechless ng marinig yun. Kinuha ni Liam ang anak ko! Nagmadali akong umalis ng eskwelehan. Sumakay agad ako ng trike papunta sa amin. Ito na nga ba ang kinakatakot ko! Ang kunin nya sa akin ang anak ko. Talagang magkakamatayan muna kami bago nya makuha ang bata.
Wala pang ilan minuto nakarating ako sa bahay. Pawisan na ako pero hindi ko inintindi at nagtatakbo ako para buksan ang gate. Binuksan ko ang pintuan and..
"Mama!" nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang tinig ni Lenard sa pintuan palang ng bahay. Niyakap nya ako sa bewang ko at pansin kong nakabihis na sya ng pambahay. Huminga ako ng malalim. False alarm lang pala. Akala ko nandito si Liam at balak na nyang kunin si Lenard.
"Mama! Andito si Papa!" nawala ako sa pagiging kalmado ng sabihin yun ng bata.
"Ha!" nalilito ako sa sinasabi nya at hinatak nya ako papasok sa sala.
Nagsalubong na ang kilay ko ng makita si Liam na nakaupo sa isa sa mga upuan namin gawa sa kahoy. May malamig na apple juice sa lamesita na mukhang kabibigay palang ni Mama. Nakasampay sa sandalan ng upuan ang itim nyang coat. He's just wearing his white long sleeve.
"Ang tagal mo." matigas nyang sinabi. Nairita ako. Dahan dahan akong lumapit.
"Leave us muna anak. Mag uusap lang kami." Utos ko sa anak ko na agad nyang sinunod. Kami nalang naiwan ni Liam sa sala. Kinuha ni Mama si Lenard para sandaling ilabas muna ang bata. Binaba ko ang gamit ko sa upuan.
"Bakit ka nandito! Matapos mong saktan ang anak ko." singhal ko kaagad sa kanya. Bigla nyang hinagis ang isang folder sa lamesita. Nagtataka ako kaya't kinuha ko at binuksan.
"Talagang pina DNA mo pa ang anak ko!" nag alboroto na ako. Parang pinalalabas nya na nagsisinungaling ako.
"I just wanna make sure na totoo ang sinabi mo. Mayaman kami. At malay ko ba kung isa ka lang sa mga babaeng gustong yumaman kaya pinaaako sa akin ang bata." lalo akong nainis sa sinabi nya.
"Wala ka talagang modo!" sigaw ko. He chuckled.
"Now, I know that Lenard is a true Imperial. I've been processing some papers to be his legal guardian."
"Ano! Hindi ka nya kailangan!" natawa sya.
"He needs a father. At ako lang ang kailangan nyo." naiinis ako sa katotohanan na tama ang pinagsasabi nya. My son needs a father kahit sa maikling panahon lang, para ba unti unti namin maipaliwanag sa kanya na patay na ang tunay nyang ama.
"Ano bang gusto mong palabasin?" he smiled.
"Sinira ng anak mo ang iniingatan kong imahe. That's why you need to follow what I want." nagulat ako. Sabay naalala ko ang tungkol sa nangyari sa presscon.
"At bakit ako susunod sayo!"
"Because this is what you need." hindi ako makakatwiran sa sinabi nya.
"Dalawang buhay ang nagulo dahil sa pagsulpot ng bata sa presscon. Buhay ko at buhay nyo." He continued.
"Kung gusto mong maayos ang buhay natin pare pareho. Sundin mo ang gusto ko." matigas nyang wika.
"At ano yun?"
"Be my wife on public." nagulantang ang isipan ko sa sinabi nya.
"Ako! Magiging asawa mo! No hell!!" sigaw ko sa kanya.
"Ginusto ko ba to? If you just stopped your kid ruining the presscon! May mangyayari bang ganito!" hindi ako nakasagot.
"Hindi ko pinangarap mag asawa o magkapamilya. Pero ngayon malaki ng usap usapan ang pagkakaroon ko ng anak. Ayoko masira ang pinaghirapan ko. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, you need to act as my wife just to save my name from humiliation."
"Aacting lang ako?" tumango sya.
"Of course. Hindi ikaw ang tipo kung babae." nagsalubong ang kilay ko. Bakit, hindi ko rin naman sya type. Naunahan lang nya ako magsabi.
"Then you and your son will live with me."
"Ano! Hindi na kasama sa usapan yun!!" Sigaw ko.
"Your son requested it." nagulat ako. Si Lenard ang humiling nun?
"So for his protection. I'll let you and him live with me just for temporary."
"This are the documents for the legal guardianship." binigay nya ang isang piraso ng papel.
"Read then sign." utos nya saka ko binasa ang nilalaman nun.
He'll be the father of Lenard. Then we will live together in a same roof. Kahit ayoko. I have no choice. Its for my son. At lahat gagawin ko para maging masaya sya. Kahit ba na pakisamahan ang sira ulong lalake na to.
Kumuha ako ng ballpen sa bag ko then I signed it with my signature. Kinuha nya ang papel saka tinago.
"Its settled. Bukas ipapasundo ko kayo sa bodyguards ko." he said saka tumayo.
"Wait!" Natigilan sya.
"Why?"
"You haven't heard my rules." I smiled and he aggravatedly nodded.
---
Nasa kwarto ako ni Lenard at inaayos ang mga gamit na dadalhin namin bukas. Nag aalala ako dahil maiiwanan ko sina Mama at Papa.
"Anak." Nagulat ako kay Mama na pumasok sa kwarto ni Lenard. Naupo sya sa kama habang ako nagtitiklop ng mga damit.
"Ma. Sorry po." niyakap ko sya at lumuha ako. Matapos nila akong tulungan sa pagpapalaki sa anak ko. Heto, iiwan pa namin sila.
"Alam ko naman na para lang ito kay Lenard. Magkikita pa naman tayo. Papasyalan namin ang apo namin. Basta ikaw magpakatatag ka. Hindi madali ang pinasok mo." paalala nya at sumang ayon ako.
"Opo Ma." humigpit ang yakap ko sa kanya. Totoo ang sinabi nya kaya dapat mas maging matatag ako. Tinulungan ako ni Mama na mag empake ng gamit.
Bukas ay simula ng mas magulong buhay namin dahil sa pagsang ayon ko sa mga kagustuhan ni Liam. Pero hindi ko hahayaan na makontrol nya kami. O makuha nya ang loob ng anak ko.
---
"Put some of this on the kid's room." utos ni Liam sa isa sa mga katulong. May dala itong isang kahon ng mga laruan like remote controlled cars, video game consoles, balls, and some gundam robots. Pinaayos na din nya ang magiging kwarto ni Reena.
"Talagang desidido kana." nakangiting sinabi ni Anna.
"This is for me not for them." sagot nya at natawa ang pinsan.
"Para sayo?" Liam nod.
"Yes. Para maayos nya ang gusot na ginawa ng anak nya sa pangalan ko."
"And this include living together?"
"It is." matipid na sagot ni Liam.
"You really sure about that ha." pang aasar ni Anna. Sumimangot si Liam.
"Kasi ito ang unang pagkakataon that you let someone live with you." wika ng pinsan bago umalis.
Huminga ng malalim si Liam. He can't let his guard off. Lalo at may makakasama sya sa bahay nya. He used to be alone. Sanay syang gawin ang gusto nya without someone telling him what to do. Matigas sya. He doesnt show emotions. Pero natatakot sya na baka sa pagkakataon ito, lumambot sya. And much, worst.. he'll change.
---
"Mama!Mama!" sigaw ng anak ko ng dumating ang sasakyan susundo sa amin. Nakalabas na ang mga maleta namin sa gate. Habang kasama ko sina Mama at Papa na naghihintay. Nakabihis na kami pareho ni Lenard at kanina pa sya naghihintay sa susundo sa amin.
"I'm Jio. Mr. Imperial's Head Guard." pagpapakilala ng isang lalakeng nakaitim na suit. He talks like a professional body guard. Nakaka intimidate ang itsura nya.
"Hello po! Kuya Jio!" natawa ako ng salubungin sya ng anak ko. Bigla kasi nagbago ang itsura ng seryoso nyang mukha. Para bang nang makita nya ang bata, he felt happy. Iba talaga ang epekto ng anak ko sa mga tao. Madali nyang mapalambot. He's sweet and kind.
Hinatak ng bata si Jio sa may sasakyan para isakay sya. Sandali munang yumakap ang anak ko sa Lolo at Lola nya bago sya pumasok ng kotse. Naiwan nalang ako para magpaalam kina Mama at Papa. Kinuha na din ng ibang body guards ang mga dala namin.
"Ma. Aalis na po kami." paalam ko. Niyakap ako ni Papa.
"Mag iingat kayo dun. Papasyal kami." paalala ni Papa at ngumiti ako.
Ngumiti ako. Then unti unti na akong lumakad palayo sa kanila. Naiiyak ako. Parang di ko kayang iwan ang magulang ko after what happened. Pero mabuti na din ito. At least I'll learn how to be independent para sa anak ko.
Sumakay kami ng kotse. Nakita ko pa sa tinted na salamin sina Mama at Papa. Kumakaway. Ngumiti ako. Mamimiss ko sila.
---
Naka isang oras ang byahe namin. Then saka ko lang naramdaman na were in Makati. And we are about to enter the most expensive and luxurious village in the Philippines. The Forbes Park Makati. Napadungaw ako sa bintana habang papasok ang kotseng sinasakyan namin sa gate. I heard na dito nakatira ang pinaka kilala at ilan pinakamayayaman tao sa bansa, including Manny Pacquiao, Bench owner, Ben Chan at kilalang business tycoon na si Tony Boy Conjuangco with his wife Gretchen Barretto.
Hindi ko kailanman naimagine na isang araw makakapasok ako sa lugar na to at titira pa. Its like a dream come true. Pagdaan ng kotse sa savanna and some pine trees lying side by side sa mga kalsada, were about to see some biggest houses na halos humahalaga ng 500,000 million. Nalulula ako sa laki ng mga bahay. At sa iba ibang disenyo. Lumiko ang kotse. Then nakita ko na agad ang isang itim at mataas na gate na gawa sa kakaibang kahoy. Kusa itong nagbukas. Then sumambulat ang isang bungalow, tropical style house. Pinagbuksan kami ng pintuan. All I see are mirrors. The house is made up of transparent mirrors. Kitang kita ko sa labas ang itsura ng loob.
Malaki ang bakuran sa labas, its has bermuda grass then marble stones na tatapakan mo para makadaan ka sa likuran. I saw maids sa pintuan. Iilan lang sila. Mga dalawa lang.
"Dito po Mam." hinawakan ko ang anak ko at sabay kaming sumunod kay Jio na inaya kami sa loob. Hanggang sa pagpasok, hindi ako makapagsalita sa nakikita. Binubulag ako ng complicated glass design ng chandelier nila na parang babagsak sa akin once I reach for it. Sa tapat ng chandelier, there's a small opening and has waters on it. Then I saw some koi fish na sige ang paglangoy sa maliit na aquarium na nakabaon sa sahig.
Sumunod kami kay Jio na inaya kami sa sala. Dala ng iba pang body guards ang mga maleta namin.
"Papa!" nagulat ako ng bumitaw ang anak ko sa akin saka tumakbo sa isang matangkad na lalakeng nakatayo sa tapat ng painting. He's wearing plain shorts and shirt. Yumakap ang bata sa kanya sa bewang nya at hindi na bumitaw.
"Iwan nyo na kami." utos nya kay Jio na agad sumunod. Binaba nila ang dala namin maleta. At naiwan nalang kami pare pareho sa sala.
"Maayos na ang kwarto nyo ni Lenard." matipid nyang sagot. Hindi ako umiimik.
"Lenard." tawag ko sa bata pero mas pinili nyang yayain si Liam para ituro ang kwarto namin.
Dumaan kami sa isang mahabang hallway na binubuo din ng nga salamin. I saw the enormous pool sa kabilang side. Then the other side is a gazeebo. Humakbang ako sa ilan palapag ng hagdan bago narating ang kwarto namin.
"This is your room." said Liam saka binuksan ang magiging kwarto ni Lenard. Halos lumuwa ang mata ko sa laki ng kwarto nya. And the room was filled of things Lenard needs.
"Wow!"nagtatakbo ang anak ko sa kama nya na may kobre ng Batman. He loves Batman so much. Sa kabilang side ng kwarto may shelves ng iba't ibang libro. Then malaking flat screen tv then, game consoles. May aircon, may shower room, at may sariling wardrobe ang anak ko!
"Is this too much?" I asked ng sandaling mawala ang bata sa paligid namin.
"This is what he deserve." nagulat ako sa sinabi nya.
"Mama! Mama! Papa! Papa!" lumapit ang bata sa amin.
"Why baby?" malambing kong tanong sa kanya.
"Saan ka matutulog Mama?" bigla akong napuzzled kung saan nga ba ako matutulog.
"She has her own room." sagot ni Liam. Huminga ako ng maluwag.
"Own room? Pero diba you should sleep together in the same room? Diba Papa? Mama?" namutla ako sa sinabi ng bata. Nagkatinginan kami ni Liam.
What should we do!
We can't sleep together.
Wala sa pinag usapan yun!!
---
Expect some errors and enjoy :)