Descargar la aplicación
18.18% Man With Red Eyes(tagalog) / Chapter 4: III

Capítulo 4: III

Hazel's POV

Hay naku, nakakainis talaga. Nandito ngayon ako sa cafeteria ng school namin at kanina pa ako nag hihintay para lang sa binili kong mango shake. Ang tagal tagal naman kasi eh. Kaylangan ko pa man din na mag palamig ng ulo ngayon.

Pano ba naman sinasapian ata ng masamang ispirito ang tong si Yuki. Bah mula nung makita nya ung bagong transfer student dina natahimik.

Kamukha daw nito yung lalaking napapaniginipan nya lalaking may wirdong kulay na mata.

Naalala ko nga dati ng sinabi nya sakin ung tungkol sa panaginip nyang yon. Paulit ulit daw kasi ung eksena pati daw ung mga character. Lagi nya akong tinatanong kung ano kaya daw ang ibig sabihin ng mga yon, pero dahil hindi naman ako isang manghuhula di ko rin alam. Anong palagay nya sakin kauri ni Madam Auring?

Pero minsan napapaisip narin ako bakit nga kaya nya laging napapanaginipan un. Hindi naman pwedeng totoo yung mga yon. Sa pagkakaalam ko wala pang taong may kulay red na mga mata kung i base ko scientifically.

Pero base sa mga pinapanood kong documentary and mga article na binabasa ko tungkol sa panaginip ng tao. Hindi kayang mag gawa ng ibang mukha ng tao ang utak mo para gawing character sa panaginip mo, kasi yung mga taong napapanaginipan mo mga taong nakita mo na.

Pusible kayang kilala na ni Yuki yung transfer student na yun, nung hindi pa sya na aaksidente?

Ay ewan, bakit ba pati ako napapaisip na rin? At bat ba ang tagal ng binili ko ? San naba ung lalaking nag seserv dito ang tagal. Ano na bang oras baka mamaya malate pa ako sa next class ko. Kinuha ko ang cp ko sa bulsa ng palda ko at tinignan ang oras.

Ah ok pa naman pala 12:45 pa lang naman, mamaya pang 1:30 ung pasok naming nitong si Yuki eh mag kaklase nanaman kasi kami. Dito sa school namin kami mismo ang mamimili ng oras ng pasok namin. Kaya nga sabay kaming nag enrol para magkasama kami sa ibang subject namin. Nag kakilala kami noong last sem. Kahit na malaki ang agwat ng edad namin di naman malayo ang ugali namin sa isat isa. Kaya nga agad kaming naging close sa isa't isa.

"Miss, to na po ung inorder nyo." Nagulat ako ng biglang mag salita ang lalaking nag seserv dito sa cafeteria ng school namin. Hmmm mukang bago to ha, ngayon ko lang nakita dito.

"Miss tama ka, kung iniisip mong bago lang ako dito. Bale pumapasok ako sa umaga tapos sa nagtratrabaho ako dito sa hapon." Nakangiting sabi nya. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Bah nakakabasa ba to ng iniisip ng mga tao pano nya nalaman ang iniisip ko?, Sure naman ako na di ko sya natanong ha.

" Bakit tinatanong ko ba kung bago ka dito at kung nag aaral ka man. Saka bat naman ang tagal mong mabigay tong binili ko? Ano un kinuha mo pa ung yelo sa north pole?." Mataray na sabi ko sa kanya at kinuha ko na ang shake sa kanya.

"Ang taray mo naman, but i like that." Aba't may i like that i like that pa tong lalaking to, ibuhos ko ata tong binili ko sakanya eh.

"Kung iniisip mong ibuhos sakin yang binili mo wag sayang naman yang binili mong shake, 85 pesos din yan."Nakangising sabi nya sakin.

"Anong sabi mo." Pano nya nalalaman ang iniisip ko. May sa dimonyo ata tong lalaking to ha.

"Wala sabi ko sorry kaylangan ko lang talagang tagalan." Napakunot noo ako sa sinabi nya.

"Ano? Anong kaylangan mo lang tagalan? Pinag tritripan mo ba ako ha!!0. Hay naku sinasabi ko sayo wag ngayon." Naiinis na ako sa lalaking to ha, isa pa man din sa ayaw ko ang pinag hihintay ako ng matagal.

"Ang taray mo talaga no, buti na lang maganda ka kaya ok lang." Pagkasabi nya bigla na lang nya akong kinindatan.

"Abat talagang,,,,,,, nang iinis ka ba ha. May pakindat kindat ka pang nalalaman jan." Anak ng pating tong lalaking to ha. Naiinis na nga ako kay Yuki sumasabay pa tong hambog na to.

Nagulat ako ng biglang tumawa ng malakas tong kaharap kong lalaking pinaka mayabang na atang nakilala ko sa tanang buhay ko. Baliw na ata to eh, tumawag na kaya ako ng ambulansya para madala na to sa mental.

"Nasisiraan ka na ata eh, bala ka na nga jan nasasayang lang ang oras ko sayo." Sabi ko sabay alis.

"Sure ako mag kikita pa tayo miss mataray."Pahabol na sabi nito sakin. Di ko na lang sya pinansin dahil baka naiinip na sakin si Yuki. Dahil parehas ko ayaw din non ng nag aantay ng matagal.

Pero pag dating ko sa mesa namin kanina wala na sya. Tumingin ako sa paligid ko pero wala parin sya. baka naman ng cr lang.

Kaya umupo muna ako, at kinalikot ko muna ang cp ko. Di pa man ako nag tatagal sa pag kakaupo ko ng biglang may mag lagay ng isang platito ng cake sa harap ko.

Napatingala ako at napa kunot nanaman ang noo ko ng makita ko ung lalaking hambog kanina. Ano nanamang kaylangan ng hinayupak na to sakin. Saka wala naman akong inorder na cake ha.

"Wala naman akong inorder na cake ha." mataray kong sabi sa kanya.

"Bakit sinabi ko bang sayo tong cake na to, akin kaya to." nakangising sabi nya sakin. " Nilapag ko lang dito sa yo na kaagad." pagkasabi nya ay bigla na lang syang umupo sa harap ko.

"At sinong nag sabi sayo na pwedi kang umupo jan, may kasama ako kaya lumayas layas ka jan."

"Bakit pag aari mo ba tong mesa, di naman diba kaya may karapatan akong umupo dito." nakangising sabi nya at sumubo ng cake na dala nya.

"Eh may kasama nga ako eh, di ka ba nakakaintindi?." medyo malakas kong sabi sa kanya bat ba kasi ang kulit ng tipaklong na to eh. Di ba to nakakaintindi ng tagalog.

Pero imbis na sumagot ay lumingon lingon sya sa paligid at binalik ang tingin sakin.

"Nakakaintindi at sa pag kakaintindi ko wala kang kasama dito sa table na to, in short ikaw lang mag isa dito. Kase kung may kasama ka nasan sya." at sumubo ulit sya ng cake nya.

Napapikit ako ng mariin at napabuntong hininga. wala na ata tong kasing kulit tong lalaking to. Pagkadilat ko nagulat ako ng makita kong titig na titig sya sakin.

"Bakit nanaman."

"Ang ganda mo no, pweding manligaw." di ko alam kung nakangisi ba sya o nakangiti pero wala na akong pakelam.

Tumayo na ako at kinuha ang bag ko at tinignan sya ng seryoso .

"Alam mo sinasayang mo lang ang oras ko."

Pagkasabi ko ay umalis na ako at lumabas na ng cafeteria.

Punta na nga lang ako sa room, dun ko na lang hihintayin si Yuki naiinis lang ako sa tanawin dito sa loob ng cafeteria.

Habang nag lalakad ako sa hall way iniinom ko yung shake na binili ko, in fairness naman masarap sya. Hindi sya masyadong sweet may nalalasahan akong medyo asim. Fresh mango kasi gamit nila eh kaya may pag kamahal yung presyo.

Napahinto ako sa pag lalakad nung may naramdaman akong parang may naglalakad din sa likod ko, alam kong normal na may makasabay ka sa hall way lalo na pag nasa school ka pero ang hindi normal pag may nararamdaman akong malamig. Napahawak ako sa pendant ng kwintas ko at huminto sa pag lalakad ko.

Pinakiramdaman ko yung nasa likod ko at alam ko kahit na hindi ako tumingin, alam ko na huminto rin sya sa pag lalakad. HIndi ako pweding mag kamali, mula pagkabata tinuturuan na ako ng lola ko kung pano pakiramdaman ang paligid ko. Tinuruan nya ako pano protektahan ang sarili ko. Basta ang sabi nya sakin kakaylanganin ko daw yun sa taktang araw at ang inisip ko na lang na para siguro protektahan ang sarili ko sa mga masasamang tao.

Natigil ako sa pag iisip ko nung naramdaman kong lumalapit na sya lalo sakin at kung kanina nararamdaman ko lang sya ngayon naririnig ko na rin ang pag takbo nya.

Dahil sa kaba ko, pumikit ako nang mariin habang hawak ko pa rin sa kaliwang kamay ko yung pendant ng kwintas ko at humarap ako at nung masigurado kong malapit na sya sakin ay biglang sinuntok ko na lang yung nasa likod ko gamit ang isa ko pang kamay.

Pero hindi tumama kung saan yung kamay ko may sumalong kamay sa kamao ko at biglang may malakas na hangin akong naramdaman.

Onti onti kong binuksan ang mata ko at napamulat ako nung makita ko kung sino yung may hawak sa kamay ko. Yung impaktong lalaki kanina sa cafeteria. Pero kung kanina nang iinis ang tingin nya ngayon seryoso na.

"Walangya ka papatayin mo ba ako sa takot ah, kala ko kung sino na nasa likod ko!" Sigaw ko sa kanya. At hinatak na yung kamay ko, nakakagigil na tong lalaking to kanina pa!

Tas ang mas lalong nakakainis wala man lang syang reaction basta nakatingin lang sya sakin. Bahala nga sya, at tumalikod na ako at tinuloy ko na yung pag lalakad ko papuntang room namin.

*********************************

Napatingin ako sa kamay ko na sumalo sa suntok nung mataray na babae. May kakaiba sa lakas nya, hindi katulad ng iba. Tinignan ko sya habang nag lalakad papalayo sakin at napa ngiti.

"Miss suplada, mukhang hindi lang ang amoy mo ang kakaiba sayo ah." Bulong ko sa sarili ko. Napansin ko na ang kakaibang amoy nya pag minamatyagan ko sila ni Yuki, kahit may kalayuan ako sa kanya naaamoy ko ang matamis na amoy na yon. Kung si Yuki ay may mala rosas na amoy sya naman ay parang honey ang dating sa akin.

Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang nag kalat na abo mukhang kaylangan na naming kumilos nang mas mabilis dahil kumikilos na rin sila.

Naglakad na ako pabalik sa cafeteria dahil di pa tapos ang duty ko at baka mawalan pa ako ng part time job, pero bago ako umalis sinugurado kong wala nang bakas ng abo sa hallway.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
Deirdre_Aileth Deirdre_Aileth

Hi guys, may update nanaman ako syempre. Kasi nakikita kong may nag babasa kaya syempre ginaganahan ako pano pa kaya pag may nag vote and comment diba hahahhahaha....

BTW thanks sa inyong pag tyatyaga sa pag babasa sana wag kayong mapagod sa pag babasa sa gawa ko bye bye!!!!!

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C4
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión