Descargar la aplicación
94.73% Skinned and Murdered / Chapter 54: Kabanata Sampu [5]: Katapusan

Capítulo 54: Kabanata Sampu [5]: Katapusan

SUMASAKIT PA RIN ANG KANIYANG ULO at ramdam niyang parang umiikot ang paligid nang marahang idinilat ni Kariah ang sariling mga mata, ilang saglit pa ay naging malinaw na rin ang lahat at nagkamalay na rin siya sa kaganapan ng kaniyang paligid. Habang dahan-dahan niyang tinulungan ang sarili na tumayo ay ramdam naman niya ang pananakit ng sariling tagiliran at ulo kung saan may gumagapang na dugo na nagmula sa maliit na sugat at pababa sa kaniyang pisngi. Kumapit siya sa sariling upuan at nakikita niya mula sa labas ang mga nakapaligid na sasakyan at ang pagparada ng patrol car sa may 'di kalayuan; maraming mga tao ang nakikiusyuso sa nangyari kung kaya't doon lamang niya napagtantong bumunggo pala sila sa malaking kahoy sa may bungad ng parke.

Sa takot niya na maabutan sila ni Tobias ng mga pulis ay dali-dali niyang dinaluhan ang lalake na hindi na gumagalaw pa at nakadapa na sa manibela. Mahigpit niyang hinawakan ang balikat nito at saka malakas na niyugyog ang lalake upang gisingin, sumisigaw na rin siya at ang pangalan nito kahit na namamaos ang kaniyang boses, panay rin siya sa paglingon sa likurang bahagi upang tignan kung nariyan na ba ang mga pulis. At laking-gimbal nga niya nang makitang nagsibabaan na nga ang mga ito at may kaniya-kaniyang hawak na baril; gumapang ang takot sa kaniyang sistema kung kaya't gano'n na lang ang rahas niya nang yugyugin niya nang paulit-ulit ang lalake.

"Tobias, gising. Gumising ka." sigaw niya rito at malakas na niyugyog ito pero natangay lamang ito na nanlalanta at biglang bumagsak sa kaniyang tabi; sa tabi ng kaniyang hita ay roon napahiga lalake at kitang-kita niya ang maamong mukha nito.

At para siyang tinakasan ng kaluluwa nang gumapang ang kaniyang tingin patungo sa dibdib nito nang makitang napuno at basang-basa ng dugo ang suot-suot nitong puting damit, "T-Tobias!" sigaw niya sa kilabot at dali-daling kinapa ang dibdib nito.

Mas lalo siyang humagulhol at nanlumo sa sakit ng nadarama nang makapa na nagkabutas-butas na pala ang damit nito at gano'n na rin ang laman nito sa ilalim; hindi niya mabilang ang dami nito pero sa tantiya niya ay humigit-kumulang sampung bala ang bumaon sa katawan ng lalake. Hindi na niya makontrol pa ang panginginig ng sariling kamay at para siyang nabingi at nawala sa sarili, iyak siya nang iyak habang pilit na tinatakpan ng sariling duguang palad ang mga sugat nito upang pigilan ang walang-tigil sa pagbuluwak ng dugo.

"T-Tobias gumising ka pakiusap." iyak niyang pagmamakaawa na umaasang didilat na rin ito, marahan niyang kinapa ang leeg ng lalake at para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtantong wala na siyang nararamdaman pang pulso, "Tob' n-nagmamakaawa ako s-sayo, gumising k-ka na."

Saglit niyang inilipat ang tingin sa labas at hindi na siya mapalagay pa nang makitang nagsihawian na ang mga taong nakapaligid nang sumiksik ang mga pulis na humabol at umatake sa kanila; kaniya-kaniyang nakatutok ang baril nito kaniyang direksyon at halatang naghihintay lamang ng hudyat. Napakalakas ng kabog ng kaniyang puso at nahirapan na siyang huminga sa tindi ng sakit at takot na nadarama, lubos siyang nagsisisi sa katotohanang siya na naman ang dahilan kung bakit namatay ang minamahal niyang tao---siya ang salarin dito. Nais man niyang manlaban at tumakas ay 'di niya magawa dahil sa sumasakit din ang kaniyang kaliwang paa na napilayan, at lalong hindi naman niya maatim na iwan ang duguang bangkay ni Tobias alang-alang sa sariling kapakanan.

Sa nalalabi niyang sandali ay isa-isang nagbalik ang kaniyang mga alaala kasama si Tobias; mula no'ng araw nilang nagkaharap, nang atakehin niya ito, at ang pagtulong sa kaniya ng lalake hanggang sa pagsagip na naman nito ng sariling buhay. Hindi na alintana pa sa kaniya ang dugo sa katawan nito at walang pagdadalawang-isip niyang niyakap ang lalake; doon ay bumigay siya at mas lalong humagulhol sa pagdadalamhati habang pilit na dinadama ang katawan nito. Agad siyang bumuwag at marahang hinalikan sa labi ang lalake saka muli na namang niyakap ito at hinayaang bumuhos ang kaniyang luha sa dibdib ng lalake.

At sa pagkakataong ito ay hindi niya lubos aakalain na masasayang lang ang mga pangako ng lalake dahil sa nangyari, kasalanan na naman niya't hinayaan niya lang na kitilin ng mga pulis ang buhay nito ng walang kahirap-hirap. Labis siyang nanlulumo sa katotohanang hindi niya magawang protektahan ang lalake, napakahina niya at hindi man lang niya nasuklian ang pagsagip at kabutihang ginawa nito sa kaniya. Napakatanga pa rin niya at wala pa ring silbi ang kaniyang paghihiganti kung sa huli'y may 'di naman niya ito mabibigyan ng hustisya. 

"Kariah Centinales sumuko ka na!"

"Napapaligiran ka na namin!"

Sunod-sunod na ang mga pahayag hindi niya gaanong narinig dahil sa walang-wala pa rin siya sa kaniyang saili, pero nakumpirma naman niya ito nang muli siyang napatingin sa kaniyang paligid; naroon na nga ang mga nakaunipormeng mga lalake na pawang armado at kararating lang, kalakip na ang isa pang may hawak ng megaphone na kumakausap sa kaniya. Base sa kaniyang nakikita ay wala na talaga siyang kawala pa dahil sa maayos na pumuwesto ang mga pulis, napapaligiran na nga siya at hindi na siya makakatakbo pa papalayo---hanggang dito na lang siya. Saglit siyang napatingala at marahas na sinabunutan ang sarili, hanggang sa napatingin naman siya sa namumutlang lalake at muling bumuhos ang kaniyang luha kasabay ang paninikip ng kaniyang dibdib.

"Gumising ka na Tobias, pakiusap." humihikbing iyak niya, "Akala ko ba lalayo na tayo matapos ang lahat ng 'to? Akala ko ba---."

At isang bagay ang napagtanto niya, tapos na nga siya at nakitil na rin niya ang mga taong sumira sa kaniyang buhay---ang apat na puno't dulo ng lahat ng ito, "Hanggang sa muli." bulong niya sa lalake at dali-daling kinapa sa sahig ang nabitawang shotgun at hindi na pinansin pa ang paligid at binalewala ang pinagsasabi nito, sa halip ay buong-tapang niyang itinutok ang hawak-hawak na armas sa ilalim ng sariling bibig at saka walang pag-aatubiling kinalabit ang gatilyo nito sa kaniyang hudyat.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C54
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión