\
\\
...
Simula nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, napaalis na ang mga Kastila. Ang Pamilya Sagrado naman ay nagtungo ng Espanya para doon manirahan. Dumaan ang maraming taon, natapos na ang giyera ng mga Hapon at Amerikano, bumalik na ang buong mag-anak na Sagrado sa Pilipinas.
Si Enrico, ang anak na panganay nina Alfredo at Nina, ay isang ganap na abugado. Samantalang ang mga kapatid niyang mga babae na sina Crisanta, Felisa at Madel ay nagaaral pa lang sa kolehiyo.
Pagdating ni Enrico sa Pilipinas, nagkita ulit sila ni Clarissa, ang kanyang kababata. Nagulat si Enrico na malaki ang pinagbago ni Clarissa. Muntik na niya itong hindi makilala. Dahil isa na siyang ganap na dalaga. Minahal niya ito maski magkaiba man sila ng ugali.
Tutol naman si Don Alfredo sa pagiibigan nina Enrico at Clarissa. Baka daw opportunista lang daw itong si Clarissa at gusto niyang masamsam ang buong kayamanan ng Sagrado. Pero, ang gusto pa rin ni Enrico ang nananaig. Silang dalawa ay nagpakasal, pero hindi naman dumalo ang mga magulang ni Enrico.
\
\\
...
-END-
\
\\
...
Si Claribelle ang kaisa-isang anak nina Enrico at Clarissa. Maganda, matalino, may talento at mayaman. Samantalang si Greg ay mahirap lang, anak lang ng isang magsasaka. Silang dalawa ay magkababata. Nang sila ay lumaki na, umusbong ang kanilang nararamdaman sa isa't isa.
Tutol si Dona Clarissa sa pagiibigan nina Greg at Claribelle dahil mahirap lamang siya. Ang nais ni Dona Clarissa ang mapangasawa ni Claribelle ay ang unico-ijo ng mga Cervantes na si Daniel. Pero, hindi iniibig ni Claribelle si Daniel. Nagdisisyon silang dalawa ni Greg na magtanan at lumuwas ng Maynila.
Pinaghahanap rin ni Dona Clarissa si Claribelle sa Maynila. Nang nalaman niya ang kanilang tirahan, hiningkayat niya itong umuwi sa villa. Pero, nagmatigas si Claribelle.
Dumaan ang maraming taon, namatay si Claribelle sa kanser sa matres. Samantalang ito naman si Greg ay nagpatuloy sa kanyang buhay.
\
\\
...
-END-
También te puede interesar
Comentario de párrafo
¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.
Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.
ENTIENDO