"Bye everyone! I think Mist and I need a lot of time to catch up. Una na po kami. Don't worry I'll take care of her."
Naglabas ng invisible na kidlat ang mga mata ko ng marinig ko ang sinabi niya. Aba naman, kapal din ng balat ng isang to. Hindi na nahiya sakin? Hindi man lang ba sya nagiguilty sa ginawa nya?
"Mag-ingat kayong dalawa. Have a wonderful time!" Pahabol ni Lolo Art.
Wonderful time ba kamu Lo? Baka kabaliktaran. Gusto ko yan sabihin sa harapan nilang lahat pero pinili ko na lang manahimik.
Nauna na kaming tumayo ng hari ng mga Chimpanzee dahil nga sa kagustuhan ng mga matatanda na magspend daw kami ng time together. Sa oras na to, twelve midnight? Pano kami makakacatch-up ng dis-oras ng gabi? Ano bang plano nilang gawin samin? Balak ba nilang iparape ako sa kumag na to?
Umakbay pa sya sakin habang naglalakad kami palayo sa kanila. Pero nang marating namin ang ground floor ay agad ko syang tiningnan ng masama at tinanggal ang kamay nya na nasa balikat ko.
"Subukan mong ilagay ulit yang kamay mo sa kahit anong parte ng katawan ko makakatikim ka sakin." Banta ko sa kanya ng akmang ibabalik sa pagakbay ang braso nya.
"I wonder kung anong matitikman ko." Mapang-asar nyang sabi pagkatapos ay ngumisi pa at umakbay ulit sakin.
Siniko ko ang tagiliran nya ng lumapat ang braso nya sa balikat ko. Napaubo pa sya ng tamaan ng warning shot ko.
"Sabi ko sayo eh. Hindi ko alam kung nag-iinarte ka lang o nasaktan ka talaga. Pero kung totoo nga, subukan mo akong hawakan ulit hindi lang yan ang makukuha mo sakin." Sabay walkout palabas ng restaurant.
"Misty naman, ang init agad ng ulo mo. I'm just kidding." Sumunod naman sya sakin.
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Walang fine time o catch up-catch up na mangyayari. Wag mo na ako ihatid." Matigas kong sabi sa kanya.
"No. You're not leaving alone. They might see us." Sagot naman nya sakin. Ako pa ang tinakot?
"Nasa taas pa silang lahat at sabi nila satin they will stay there pa for one or two hours. Hindi nila malalaman kung hindi ka magsusumbong. Hah! Subukan mo lang." Pagkatapos ay umirap ako sa kanya.
"Misty, ano ba?" Halata sa boses nya na naiinis na. Like I care. As far as I know, mas kumukulo ang dugo ko sa kanya. Tch.
Imbes na sumagot, naglakad ako palayo. Nag-aabang na ako ngayon ng taxi na masasakyan. Bakit ba kasi hindi ko nadala si Skippy (sasakyan) ko? Hindi ko naman kasi akalain na ilalaglag ako sa ere ni Lolo.
"San ka ba pupunta Mist?" Nasa likuran ko sya at patuloy pa rin sa pagsunod. May balak pa yatang maging anino ko ang kumag.
"Mind your own business." Sagot ko sa kanya na hindi man lang tumitingin.
"I'll send you there kung saan man yan." Frustrated nyang sabi.
"Don't bother, I'll just ride a cab. I don't need you." Pagkatapos ng litanyang yun ay tamang-tama naman na may humintong sasakyan sa harap ko.
Bumukas ang bintana at dumungaw ang isang lalaki. "Mist, san ka?"
"Vince! Thank God! Hulog ka ng langit. I don't know yet. Maybe I'll decide kapag isinabay mo na ko."
"Hop in." Maikling tugon nito. Maikli nga pero ito ang pinakamasayang narinig ko ngayong gabi.
Bumukas ang pinto sa passenger side at sumakay naman ako. Hindi ko na rin inintindi ang bwisit na lalaki sa likod ko. Basta ang alam ko kailangan ko ng makaalis sa lugar na yun. Bahala sya magexplain kina Lolo.
"Salamat talaga Vince. You can drop me off at Euri's place." Bungad ko dito nang makaupo sa tabi nya.
"As you wish. Can I ask you something?" Tanong nya habang ang mga mata ay nakatutok sa daan.
"Yeah of course." Wala naman akong magagawa kung gusto nya magtanong, diba? Mamaya pababain nya pa ako pag hindi ako pumayag.
"Sino yung lalaking nasa likuran mo kanina." Ito ba ang tanong na tinutukoy nya? Sus! Maliit na bagay.
"Ah don't mind him, isa lang syang walang kwentang unggoy from New York." Walang kaabog-abog kong sagot habang tumatawa pa.
"May I guess? Ex-boyfriend?" He chuckled.
"Ex-bestfriend." As I corrected him
"I see, kaya pala ganyan ang ayos mo haha. Sa condo unit ba ni Euri o sa bahay nila?" Pang-aasar nito.
"Si Lolo ang pumilit sakin na mag-ayos. Sa unit niya." I creased my brows and crossed my arms.
After ng ilang minuto ay narating naman agad namin ang building kung nasan ang unit ni Euri. He was about to get out of his car ng pigilan ko sya. "Okay na ako dito. Wag mo na ako ihatid."
"I insist." Hinawakan nya ang mga balikat ko at ngumiti.
"Ano ka ba? Papasok lang naman ako dyan sa pinto na yan, sasakay sa elevator at bababa sa 15th floor. Tsaka na-out of the way ka na, grabe na ang abala ko sayo."
"Wala namang kaso yun. Pero sure ka? Kung hindi lang ako hinihintay ng younger sister ko sa bahay namin, hindi tatalab sakin ang tigas ng ulo mo." He said, na parang hindi convinced sa sinabi ko.
"Oo, okay na ako. Sige na. Thank you ulit. Bye!" Bumaba na ako at sinara ang pinto.
"I-hello mo na lang ako kay Euri. Bye Mist!"Kumaway lang sya tapos ay umalis na rin. Grabe kakahiya kay Vince, we're friends pero ang kapal ko talaga kanina, nagpahatid pa ako dito.
Pumasok na ako sa loob ng building at dumiretso na rin agad sa pad ng bestfriend ko. Hindi na ako nag-abalang magdoorbell dahil alam ko naman ang passcode nya. Para sa mga pagkakataon na tulad nito.
I found her lying in her couch na may yakap na bowl ng popcorn. Movie marathon na naman, kaya pa napupuyat. And I guess hindi nya pa rin namamalayan ang pagdating ko dahil sa lakas ng sounds ng TV nya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ginulat sya, "Booooh!"
"AY BRUHA KA!" Imbes na magsalita ay tumawa lang ako ng tumawa tapos niyakap si Euri. Nakakatawa naman kasi talaga ang reaction nya e. Priceless!
"Misty?" Nagtatakang tanong nito.
"Surprise bestfriend!" Sigaw ko tapos tinaas ko pa ang dalawa kong kamay.
"Anong surprise? Hindi ka pwede dito, makikita mo yung gift ko sayo." Tumayo sya mula sa pagkakahiga at tinulak ako papuntang pinto.
"Hindi ko titingnan, promise! I'll sleep here ha." Tinaas ko ang pinky finger ko as a sign na nangangako ako.
"What? What ano nga palang ginagawa mo dito? You're not supposed to be here. It's your birthday and may family dinner kayo ngayon."
"Sorry Euri, hindi kita naisama sa dinner." Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
"Ano ka ba, okay lang yun. Naiintindihan ko naman, tsaka we'll go to Palawan sa isang araw. Okay na okay na ako dun. Yun lang ba ang ipinunta mo dito?" Gumanti lang naman sya ng yakap sakin.
Umiling ako bilang sagot sa tanong nya.
"Then why are you here? What happened." Naguguluhang tanong nito.
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at umupo sa couch. Itinaas ko pa ang mga paa ko. Kumuha ako ng popcorn at isinubo.
"He's here. My birthday was ruined sa isang iglap dahil sa kanya." Hinampas-hampas ko pa ang throw pillow na kanina ay nasa harap ko.
"Who's he? Ohemgee! Si Zig?" Sabi nya tapos ay umupo sa tabi ko.
"Yeah. Ang damuhong yun, surprise daw ni Lolo Raph sakin. Argh! Kabwisit talaga sya!" Tapos ay binaba ko ang mga paa ko at pinadyak-padyak sa sahig.
"No way. Meaning to say, sya talaga yung nakita mo nung isang araw?" Namilog pa ang mga nya. Ang cute talaga ng kaibigan ko!
"Uh-huh." At tumango-tango pa ako.
"Ah I see. Eh bakit parang nr ka dyan?" Kumuha sya ng popcorn at binalik na ang atensyon sa pelikulang pinapanood nya.
"Anong nr?" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Nag-i-alien talk na naman ang bruha kong bestfriend.
"Ay juskulerd! Lola ba kita? Nr-no reaction." Tapos binato ako ng piraso ng popcorn.
"Aah. Hindi naman. Sus kung alam mo lang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nga basagin yang TV sa harap ko eh." Biro ko sa kanya.
"Sige na, bayaran mo na lang." Ganyan lang reaction nya. Ang supportive, diba?
"Pero wag na pala. Nagbago na ang isip ko. Kakahigh blood kaya. Medyo okay na rin naman ako kasi naaway ko na sya kanina." Nagtalungko ako at nakinood na rin.
"As in inaway mo? Bakit pinag-usapan nyo ba ang past?" Pag-uusisa nya.
"Hindi. Wala na akong balak ungkatin pa ang pesteng nakaraan na yan, tinarayan ko lang sya kanina. Winalk-outan ko sya nung lalabas dapat kami. " Proud kong kwento.
"Eh? Ganun lang?"
"Hindi, teaser ko pa lang yun." With my bitch resting face on.
"Bitch haha." Humalakhak pa sya.
"Ay hindi ah. Deserve nya yun. Tch." Confident kong sabi na parang isang lawyer.
"So yun lang ang nangyari?" Curious nyang tanong. Sa ngayon masasabi kong nag-aaksaya na kami ng kuryente kasi hindi naman kami nanunuod nang maayos.
"May mas bonggang nangyari kesa dyan bes." Sabi ko sabay off ng TV. Hindi na rin naman kasi namin naintindihan.
"C'mon sabihin mo na." Habang kumakain ng popcorn at walang kakurap-kurap na tumigin sakin na climax ng isang pelikula ang pinapanood nya.
"I think our entire family planned this. Hamakin mo Eurika sabihin ba naman sa harapan ko na magdate daw kami ni Zig, they're implying na gawin naming boyfriend-girlfriend ang status namin. Gusto ako pasamahin sa kumag na yun dis-oras ng gabi. Kulang na lang iparape at ipakasal ako kay Zig." Lahad ko with matching kaway-kaway pa sa ere.
"What the heck? Seryoso?" Hindi sya makapaniwala sa mga narinig.
"Seryoso nga." Tugon ko na inis na inis.
She held my hand and uttered,"Pano kung sa sunod na pag-uusap nyo sabihin sayo ni Lolo Art na pakasalan mo si Sigfreid, anong gagawin mo?"