I took one vitamin from the glass bottle.
Nothing in this world can stop us.. I love you..
Malungkot akong pumunta sa school. Pumasok ako sa mga subjects ko pero wala sa pag-aaral ang aking attention.
Nang magkaroon ako ng oras ay hinanap ko si Chester sa mga classmates niya at nalaman kong hindi pala siya pumasok.
Lumipas ang dalawang araw at hindi pa rin siya pumasok. Nag-aalala na ako, baka kasi kung ano na ang nangyari sa kanya.
+++++++++++++++++
Maya't-maya pa rin ang pagtawag ko pero laging naka-off ang phone niya. Makaraan ang isang linggo, hindi pa rin siya pumasok. Nag-alala akong baka i-drop na siya ng mga teachers niya. Pumunta ako sa bahay nila. Nilakasan ko na ang loob ko.
My vitamin today says:
All my life I've waited for something like this.. You don't know how much I am in love with you..
Magpapakumbaba ako sa kanya. Hindi ko man magawang maibalik yung relasyon namin, pipilitin ko pa ring mapapasok siya sa mga subjects niya. Ayaw kong ako pa yung maging dahilan ng pag-stop niya sa pag-aaral. Made-delay siya ng isang taon bago maka-graduate.
Nagdadalawang isip pa ako sa pagpindot ng doorbell. Nakita naman ako ng isang babae na nakatayo sa harapan ng bahay nila at agad akong tinanong kung ano ang kailangan ko.
"Nandiyan po ba si Chester? Pwede ko po ba siyang makausap?"
Pinapasok ako ng tita niya sa salas at hinintay siyang bumaba mula sa kanyang kuwarto. Pumunta ulit ang tita niya sa labas ng bahay para iwanan kami ni Chester.
"Bakit nandito ka?"
Ngayon ko lang siya nakita sa ganung ayos. Mukhang pinabayaan ang sarili. Nangilid agad ang mga luha ko.
"Anong kelangan mo?" tanong ulit niya.
Pinilit kong makapagsalita nang maayos. "Pumasok ka na sa school, baka ma-drop ka sa mga subjects mo." sabi ko at medyo napayuko dahil sa pagkakatitig niya sakin.
"'Yan lang ba ipinunta mo dito?"
Naiyak na talaga ako. Nakita niya sigurong bumagsak ang luha ko sa tiles ng floor nila.
"Gusto ko ring mag-sorry dahil dun sa nangyari.." napapahikbi ako sa sobrang iyak ko.
"Tapos?.." walang katono-tono ang boses niya.
"Hindi mo ba ako mapapatawad? Kahit ano, gagawin ko. Matanggal lang 'yang galit mo sakin.." Nahihirapan akong magsalita habang napapaiyak pa din.
Matagal bago siya sumagot. "Sige, umalis ka na. 'Wag kang mag-alala papasok na ako bukas. Gaya ng dati, dun ka kakain at mag-i-stay sa apartment ko."
Nag-angat ako ng tingin. Hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Na-impeksyon yata ang tenga ko. Hindi na ba siya galit sakin? Back to normal na ba kami?
"Sabi ko, pwede ka nang umalis." at agad siyang tumalikod at bumalik sa itaas, sa kanyang kuwarto. Hindi ko alam kung dapat pa rin akong masaktan sa paraan ng pakikitungo niya sakin ngayon.
Hindi man lang niya ako inihatid sa labas ng bahay tulad ng dati niyang ginagawa.
+++++++++++++
I wondered and did not know why, but I kept on dreaming about that house..
Last time I dreamt about this, I learned I need to look for the sprockets to complete the machine. But this time, I saw myself standing in front of a big box.
Inside the box were metal pieces that remind me of donuts. I looked around…
I saw the sketch book open under a bright lamp. I also realized I have tools in my hands. Each of them looking very sharp. I took one metal piece and went straight to the table. I sat on a chair and started working on the metal piece.
I thought I have to look for them. It appears to me I need to make sprockets out of these metal pieces. I started curving the metal piece. There was a magnifying glass supported by a tripod. It hurts like hell to cut the thick metal.
I had an image of Chester still sleeping in the third room. And that gave me the energy to continue working on the piece.
I started feeling my hands get numb. I didn't care about my hands getting bloody red. I didn't care about the cuts and wounds I got.
All I cared about is Chester…
++++++++++++++++
Kinabukasan, sinubukan ko siyang tawagan pero naka-off pa rin ang cellphone niya. Nagpunta ako sa apartment at inabutan ko siyang nakaupo sa harap ng TV. Ang lakas ng volume nun kaya naman medyo nakakairita sa pandinig.
Napakagulo sa loob ng bahay. Nagkalat ang mga newspapers, ang mga books niya. Pati na yung isa kong book na iniwan doon ay nakabukas din at nakapatong sa center table. Binasa kaya niya yun? Nursing book yun eh.
Nagkalat din ang mga wrappers ng candy. May nakasampay na polo sa gilid ng sofa, may nalaglag na hanger malapit sa life sized mirror. May maruming plato at baso na nakapatong sa study table.
Ngayon ko lang nakita ang lugar na ito nang ganun kagulo.
"Nandyan ka na pala." sabi niyang hindi man lang ako nililingon. Wala ang sweetness sa kanyang boses na nakasanayan ko.
"Anong nangyari dito? Bakit ang kalat kalat?" tanong ko habang nagsisimula nang magligpit.
"Hindi na ko nakapag-linis kagabi, nakatulog kasi ako kaagad. Linisin mo na lang at magprepare na akong pumasok."
Tumayo na siya at nagtuloy-tuloy sa kuwarto. Nagsimula na nga akong maglinis sa bahay. Hindi ko na lang inintindi ang malamig pa rin niyang pakikitungo sakin. Alam kong sa una lang ito, hindi naman kasi ganun ganun lang ang nangyari samin. Kelangan pa niya siguro ng time para makalimutan ang mga nangyari.
Narinig ko ang tunog ng shower sa kanyang kuwarto. Hindi man lang niya itinanong kung may pasok ba ako bago niya ako pinaglinis. >.<
Hindi na lang ako papasok sa umaga para maasikaso ko ang paglilinis sa bahay. Ayos lang naman sakin. Para na rin makabawi ako sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Sobrang thankful pa nga ako at tinanggap pa niya ako ulit. At least, magkasama pa rin kami. I just wish na sana bumalik na sa dati yung relationship namin. As in yung normal. Nami-miss ko na kasi talaga siya. Yung mga masasayang araw na magkasama kami.
Buong umaga akong nag-ayos ng mga gamit sa bahay at naglinis.
Daily vitamin:
You're one in a million, best I ever had..
Dumating siya nang bandang 11:30 AM para matulog. May dala siyang mga papel na parang scratch. Ibinaba niya iyon sa center table. Aktong mahihiga na siya sa sofa nang tinanong ko siya.
"Kumain ka na ba?"
"Oo, kumain na ako kasama ng mga kaibigan ko."
Parang gusto ko na namang makaramdam ng sama ng loob. Hindi man lang niya ako tinanong kung kumain na ba ako. Hindi rin siya nagpasabi na kakain siya sa labas. Sana pala ay hindi ko na lang siya hinintay.
Hindi ko na lang pinansin at pumunta na ako sa kuwarto para maligo at magbihis. Kakain na lang din ako sa 7-eleven. Papasok din kasi ako sa mga afternoon subjects ko. Paglabas ko ulit sa salas, nakaupo na siya sa sofa at binabasa yung mga papel na dala niya kanina.
"Paki-encode mo nga pala 'to." utos na naman niya.
"Ano ba to?.." tanong ko pagkakuha sa mga papel.
"Homework ko 'yan. Bukas ko na 'yan kailangan." Nahiga na siya ulit at tuluyan nang natulog.
Bumalik ako sa kuwarto para itabi yung mga papel. Mamaya na lang pagkatapos ng classes ko iyon aasikasuhin. Hindi pa rin naging maganda ang pakiramdam ko nung araw na yun.
+++++++++++++
Pagkatapos ng mga klase ko, umuwi na ako sa apartment at ginawa ang homework niya. Ayos lang naman sakin. Hindi naman kasi masyadong marami.
Wala pa akong kaalam-alam na ito na pala ang simula ng lahat ng emotional burden ko. Ang simula ng halos araw-araw na kalungkutan..
Buti na lang may mga dance practice kami every other day. Sa pagsasayaw kasi, parang nawawala ang mga problema ko.
+++++++++++++
One day.. Kasama ko si Dex habang naglalakad sa tapat ng San Agustin Church nang makita ko sila Chester at Kim na kumakain sa skate park na malapit doon.
Nakita ako ni Kim at tinawag ako. -_______-
Hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad. Naintindihan naman ni Dex ang mga ikinilos ko. Hindi na lang siya nagtanong o nagsalita pa. Of all people, si Kim pa ang napili niyang isama.
Nasaktan ako dun ah.. :(
Hindi iyon ang huling beses na nakita ko silang magkasama. Minsan nakita ko silang magkatabi sa loob ng isang computer shop. Agad akong umalis sa internet shop na yun.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Of all people, si Kim pa.
++++++++++++++
Today's vitamin:
With you, every problem is gone because I see love everywhere and inside of me..
Kinabukasan, naalala ko na malapit na nga pala ang birthday ni Chester. Nagplano ako na ipag-luto siya ng mga paborito niyang mga food. Pero, alam nyo naman na hindi ako marunong magluto diba?
Kaya hiningi ko ang tulong ni Dex. ^ . ^
"Oo naman. Don't worry, ipagluluto natin siya.."
"Thanks best.."
"Ano ka ba, wala yun. Ikaw pa, eh love kita." Napangiti ako.
"Ay, pasensya ka na, hindi ako pumapatol sa tibo. Tibo ka pala, hindi mo sinabi agad." biro ko.
"Sira! Pati ba naman ikaw eh papatusin ko pa?! Landi mo ba. Tadyakan kita ng pwet ko eh.."
O_O
"Ang taray naman ng pwet mo best, talented."
"Ay yes!" Sinundan pa nito ng tawa.
"Uh, next week pa naman yung birthday ni Chester." sabi ko sa kanya.
"Sige na at ako na ang bahala." Nagpabeautiful eyes pa ang lukaret.
"Ang panget mo best, 100%."
"Bastos ka talaga. Meanie!" sigaw ng bading.
Magaling talagang magluto si Dex. Panganay kasing anak kaya marunong sa mga gawaing bahay. Sana nga ay maturuan niya akong magluto kahit na yung mga simpleng putahe lang. Gusto ko talagang matuto.
Siyempre para kay Chester kaya gustong-gusto kong maging marunong sa kusina.
Two days after.. Nasa gym kami nila Billy at Dex. Nagpa-practice kami ng sayaw na itinuturo ni Ms. Gwen.
Medyo gutom na ako noon. Kanina pa kasi kami nagsasayaw. Maya-maya lang ay hinayaan na kami ni Ms. Gwen na mag-lunch.
Madalang na nga pala kaming maglunch nang sabay ni Chester.
Cold pa din siya sakin. Sobrang nahihirapan ako sa situation namin. Parang wala lang naman sa kanya yung nangyayari samin and that adds up to my sadness.
Papababa na kami ng hagdan nang makasalubong namin si Chester at Kim. Tuloy-tuloy lang sila sa pag akyat. Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit.
Nang malapit na kami sa isa't-isa, nag-angat ako ng paningin at nakita kong nakatitig sakin si Chester.
Nagmamadali akong bumaba. Nagpaka-martyr na naman ako. >.<
Hindi ko man lang sila sinita. Sobrang sakit ng nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang magkasama pero wala akong ginagawa para i-confront sila. Hindi ko na lang ipinahalata kay Dex na sobrang apektado ako. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa gym para ipag-patuloy ang practice.
Nakasalubong ulit namin si Chester at Kim na mukhang masayang-masaya. Patay-malisya na lang ako. Iwas tingin na lang.
++++++++++++++
The next day, nagulat ako nang sa practice namin ay kasama na namin sila Chester. Nag-audition pala si Chester para maging dance troupe member. Sinamahan siya ni Kim kahapon. Kaya siguro sila masaya kahapon ay dahil nakapasa sila. Magaling din naman pala itong magsayaw.
Hindi nga ako makapag-concentrate sa pagsasayaw pag nakikita ko silang dalawa. Napaka-close yata talaga nila ngayon. Ayaw ko namang mag-isip ng masama.
It breaks my heart to see the person I love happy with someone else..
+++++++++++++
Before I hit the sheets that night, I knew I'm going to dream about that house again…
I was able to carve the metal piece into one sprocket. All angles detailed carefully explaining the bruises and cuts in my hands. I left the finished sprocket on a piece of cloth.
It looked so beautiful because it glistens with every ray of light. I consulted the sketch book. I read through the instructions. I examined the next sprocket's appearance carefully.
I started working on a second piece. This one's made of golden metal. I wanted to finish all three sprockets as soon as possible. I didn't care about how hard it is to use these tools.
I didn't care about how tired I am at this point…
++++++++++++++++++
After a few days, birthday na nga ni Chester. Pumasok na siya sa school. Tinawagan ko na si Dex para masimulan na namin ang pamimili at pagluluto. Wala nga pala akong pasok noon. Si Dex naman ay hindi na pumasok sa dalawang subjects niya.
Nagpasundo pa ang best ko sa bahay nila. Bitch talaga. Inabutan ko siyang nakatulala sa terrace ng bahay nila. May newspaper pa itong hawak.
"Emote ka teh?" tanong ko nang parang hindi man lang niya napansin ang pagdating ko.
Hindi sumagot ang bitch. Nice talking. -______-
Inagaw ko ang newspaper at napansin kong issue iyon kahapon. Tumayo ang bakla at pumasok sa loob ng bahay. Syempre sunod naman ako. Nawi-weirduhan ako sa kinikilos ng beki. Pumunta siya sa kusina. Sunod pa din ako.
"Magluluto tayo mamayang hapon ha best.."
Nakakita ako ng sandwich sa ibabaw ng mesa. Hugas naman ako ng kamay. Gusto ko ng sandwich eh. LOL. Tamang tama at gutom na ako.
Naghuhugas ako ng kamay nang biglang nagsalita ang bading.
"Ayaw kong umalis ng bahay ngayong araw best." sabi nito na nakatulala pa din.
"Bakit naman best? Nagpromise ka sakin diba?!" tears falling down my face. LOL.
-NO RESPONSE. -_____-
"Ayt naman best. Mongoloid ka talaga!!!" sabi ko na lang.
Huminga nang malalim si Dex. Sobrang lalim, sa tuhod pa yata humugot ng hininga ang bakla.
"Mamalasin daw ako today best. Sabi sa horoscope.."
Ako naman ang natulala.
Muntik ko nang nasakal ang bading. >.<
"Best! Naniniwala ka sa horoscope?!" exaggerated kong tanong. Kakaimbey!
"Iba kasi ang pakiramdam ko ngayon best eh." sagot pa nito.
"Natatae ka lang alam ko!" Hindi ako makapaniwala sa best ko.
"Hindi best. Bukod sa natatae nga ako, iba talaga ang pakiramdam ko sa araw na ito. Iba ang araw na ito sa lahat ng mga araw."
"Gusto mong tapusin ko na ang maliligayang araw mo?! Issue kahapon yung newspaper na binasa mo tanga. Kakabuset ka naman best eh. Ngayon ka pa ba aatras?"
"Feeling ko talaga malas ako today.."
Antokwa naman oh! I gave him a "I-am-gonna-kill-you" look. Sabay ko winisikan ng tubig sa mukha ang baklang nag-iinarte.
"Mamalasin ka talaga sakin buong araw pag hindi ka tumigil sa emote mo!" Natawa naman ako, medyo nakabukas kasi ang bunganga ng bakla at nakalunok ito ng tubig na winisik ko. LMAO.
Parang natauhan naman ang bading. Tubig lang pala ang katapat. Hahaha.
"Oo na! Hindi ako nauuhaw! Kelangan pang buhusan ako ng tubig sa mukha?!"
"Ang OA! Buhos talaga? Arte mo, bakla!"
Ayun napapayag ko din siya. Ang lakas ko talaga sa best ko. ^^,
++++++++++++
"Best, sa scale na one to ten, ten bilang pinakahibang sa lahat ng mga ginawa mo, eto yata fifteen! "
-_____- ← mukha ko.
Napahinto ako sa pagkain ng sandwich. Pero punong puno pa rin ang bibig ko nang nagsalita ako.
"Patience ish ha mirshue meshzt." sabi ko. Ang hindi maka-gets, engot! Hahaha. xD
"No, sa case mo. Patience is a talent."
"Suntok, you want?" =__________=
"No, thanks."
Nanahimik na lang ako.
"Sige kunin mo na lang yung alimasag sa ref at isama na natin sa mga lulutuin natin mamaya." sabi ni Dex sakin.
Lapit naman ako sa fridge.
At ayun, binuksan ko na ang ref…
O.O
Nakita ko yung alimasag, sobrang laki. Sing-laki ng kawali. Sa sobrang gulat ko, naisara ko agad yung ref. Natatakot ako hawakan yung alimasag haha. xD
"Best, ayaw ko. Hindi ako kumakain ng pokemon!!"
++++++++++
Before mag 5pm, tapos na kaming magluto at nakahanda na ang mga pagkain. Nasa gitna ang alimasag na lampas lampas pa sa plato ang mga kamay. LOL oo kamay! Haha. Hindi ko alam ang tawag sa kamay ng alimasag eh. xD
Hindi ko muna pinaalis si Dex at sinabihang makisalo na rin sa inihanda namin.
"I'm still lucky we're still together.."
"Ikaw na yata ang pinakaswerteng malas na nakilala ko."
=________=
Hindi ko na lang pinansin ang pambabara ni Dex.
Mga 6pm dumating si Chester. Sa salas muna nag-stay si Dex. Naamoy ko si Chester pagkalapit niya sakin.
Amoy alak. -______-
"Happy Birthday!" ^.^
Ibinigay ko ang nakabalot na regalong binili ko kahapon. Stainless bracelet iyon. Tinanggap naman niya at ipinatong sa mesa. Parang walang interest na tingnan kung ano ba ang laman niyon. Nasaktan na naman ako. Napansin niya ang mga nakahandang pagkain.
"Ano to?" tanong niya.
"Uh, niluto namin yan ni Dex. Birthday mo kasi. Tara, kain na tayo. Sandali tatawagin ko lang si Dex para sumalo na sa atin."
Papunta na ako sa kinaroroonan ni Dex nang bigla siyang magsalita.
"Kumain na ako. Kayo na lang ang kumain."
Aktong tatalikod siya nang ako naman ang nagsalita.
"Hindi mo man lang sinabi na kakain ka pala sa labas." May halong pagtatampo ang tono ng boses ko.
"Dapat masanay ka nang kumain nang hindi ako kasabay."
Napayuko na lang ako para maitago ang mga luhang unti-unti nang namumuo sa aking mga mata.
"Kung hindi kayo kakain, itago nyo na 'yang mga pagkain at baka langawin lang diyan sa mesa."
Tuloy-tuloy na siyang tumalikod para pumunta sa kanyang kuwarto. Naiyak na ako nang tuluyan. Agad naman akong dinamayan ni Dex.
+++++++++++++++
I wish that this is just a nightmare. Because when I have those, they aren't real like this one is.
Walang pagbabago ang mga pangyayari sa paglipas ng mga araw. Napaka-inconsiderate niya sa nararamdaman ko.
Buti pa ang puno ng saging, may puso! T.T
Seriously, nasasaktan na ako nang sobra.
Why can't we be ourselves like we were yesterday?
++++++++++++++
Sumunod na araw, nauna akong nakarating kay Chester sa apartment. Galing kami pareho sa practice. Agad siyang nahiga sa sofa. Mukhang pagod na pagod.
"Gusto mo ng massage?" tanong ko. Okay na sakin yung nangyari nung birthday niya. Siguro ay hindi lang talaga maganda ang mood niya noon.
"Yes, please." Pinadapa ko siya sa sofa at minasahe.
Mahal na mahal ko talaga siya. Kahit yata saktan niya ako nang ilang beses makakaya ko. Wag lang siyang mawawala sakin.
+++++++++++++++
The next day, nagpunta ulit ako sa apartment para daanan si Chester bago ako umuwi sa San Ildefonso.
Nakita ko si Chester na nakaupo sa gilid ng kanyang kama. Iniabot niya sakin ang isang manipis na libro.
"Paki-summarize naman 'to." Hindi man lang siya nakatingin habang iniaabot niya sakin ang libro.
"Ano ba 'to?" tanong ko.
"Project yan ni Ed." parang wala lang sa kanya habang sinasabi niya yun.
Nakakainis talaga. >.<
Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong sabihin. Pati project ng ibang tao, sakin ipinagagawa. Sumosobra na talaga yung mga ginagawa niya sakin.
Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko. Sobrang naiinis na ako. Para namang hindi niya pansin ang nararamdaman ko. Matagal bago niya ako tiningnan sa mga mata.
"Nakakalimutan mo na ba'ng sinabi mo sakin?"
Napaisip ako saglit.
"Gagawin mo ang lahat mapatawad lang kita."
Natulala ako sa huli niyang sinabi. Parang tinamaan ako ng kidlat. Hindi ko alam ang naramdaman ko nung oras na yun. I felt numb.
Tumalikod ako sa kanya upang itago ang mga luhang parang nag-uunahan sa pagbagsak sa mga pisngi ko. Binuksan ko ang computer niya at nagsimulang gawin ang book report na iniutos niya sakin.
Nanlalabo ang mga mata ko sa luha. Hindi ko halos mabasa ang mga letra.
++++++++++++++
Use me as you will..
Pull my strings just for a thrill..
And I know I'll be okay..
Though my skies are turning grey..
+++++++++++++++
Unti-unti namang lumilinaw sa akin kung bakit ganito na lang ang pakikitungo sakin ni Chester ngayon.
Gusto lang niyang gumanti sa kasalanang inaakala niyang ginawa ko sa kanya. Gusto niya rin siguro akong pag-mukhaing tanga.
Akala niya kasi ginago ko lang talaga siya. It really hurts to think that he is doing this because of what happened, which I totally did not see coming.
Mahal ko siya, at kung sa ganitong paraan siya magiging masaya, hahayaan ko lang siya.
He means the world to me. I still want him to feel how much I love him. Sana lang ay malaman niya na nagsisi na ako sa mga nagawa ko sa kanya. Sa bawat luha ko, hihilingin ko na maging masaya siya, iyon ang mahalaga sa akin.
Hindi ko kayang mawala siya. Okay lang kahit na ganito ang treatment niya sakin.
At least, kasama ko pa rin siya.
Kahit na pinagtatawanan ako ni Kim ngayon, wala akong pakialam. Kahit na pahirapan ako ni Chester nang todo-todo, tatanggapin ko.
Mahal ko siya..
Mahal na mahal ko siya..
+++++++++++++++
A heart break isn't always as loud as a bomb exploding. Sometimes it could be as quiet as a feather falling. And the most painful thing about that is, no one hears it but you.
+++++++++++++++
TO BE CONTINUED...
AUTHOR'S NOTE: Wow, thank you po sa mga reviews. 5 stars! Sana po madagdagan pa para tumaas naman ranking ko. Vote nyo din po sana. Salamat!