▨ Clyde's POV ▨
Nakaupo ako ngayon sa isang classroom na walang tao kundi ako lang. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Carson.
Alam niya kaya na may relasyon kami ni Roxanne?
Hindi niya pwedeng malaman at imposibleng malaman niya.
Bakit alam niyang sinasaktan ko si Syden para lang itikom niya ang bibig niya tungkol sa sikreto ko?
Sa pagkakaalam ko, curious siya kay Syden at sigurado akong gagawa siya ng paraan para malaman ang sikretong tinatago ko...kaya niya kinukuha si Syden sa grupo ko. Pero hindi ko naman hahayaang makuha niya si Syden sa Phantom Sinners.
Ano naman kaya ang pinaplano niya?
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko para puntahan ang isang tao na kailangan kong tanungin. Sigurado akong may alam siya sa sinasabi ni Carson at walang nakakaalam ng sikretong 'yon bukod sa kanya.
Lumabas na ako sa classroom na 'yon at naglakad sa hallway. Habang naglalakad ako, masama ang tingin ko sa mga nakakasalubong ko kaya ang iba napapahinto, ang iba naman napapaatras.
Sigurado naman akong nagtatago siya dahil member siya ng Silent Alliance. Pero tapos na ang kaguluhan kaya for sure lalabas na sila mula sa pinagtataguan nila.
Pagkarating ko sa lugar na 'yon, nagtago muna ako habang tinitignan kung nasaan siya. Naglalakad sila papunta sa pinagtataguan ko pero hindi naman nila ako makikita.
Pagkadaan ni Syden, hinablot ko siya ng patago ng walang nakakaalam. Tinakpan ko ang bibig niya para makasigurong hindi siya makakasigaw.
Dinala ko siya sa isang lugar na walang tao para kausapin. Nabigla siya ng makita niya ako.
"Clyde?! Anong ginagawa mo dito?" gulat niyang tanong.
Tinitignan ko siya ng sobrang sama at alam ko namang takot siya sa akin.
"Alam mo ba kung paano nalaman ng Blood Rebels na may sikreto akong tinatago na alam mo?" seryoso kong tanong sa kanya.
Napakunot ang noo niya at parang nagtaka siya,
"Ha?! Hindi" sagot niya sa akin.
"Baka naman binibigyan mo sila ng clue kaya nalaman nila?" tanong ko sa kanya.
"H-hindi. Hindi ko rin naman sila nilalapitan tulad ng sabi mo" habang sinasabi niya 'yon alam kong kinakabahan siya kaya hindi niya ako matignan ng diretso.
Unti-unti akong lumalapit sa kanya habang siya naman umaatras.
"Kahit anong mangyari...huwag mong sasabihin sa kanila" sabi ko sa kanya habang nilalapitan ko siya.
Wala na siyang maatrasan kaya napahinto siya at tumingin na lang sa akin.
"Naiintindihan mo ba?" nakakatakot kong sabi sa kanya.
"Oo. Alam ko naman" sambit niya habang pinagpapawisan pero nakatingin pa rin siya sa akin.
"Siguraduhin mo lang na walang makakaalam ng sikreto ko bukod sa 'yo. Kung hindi, malilintikan ka sa akin" nakakatakot kong sabi sa kanya.
Tinalikuran ko na siya para umalis.
"Paano kung sabihin na lang natin ang totoo para hindi na kayo mahirapan- " pagkarinig ko pa lang sa sinabi niya, napaatras ako sa pag-alis at galit akong lumapit sa kanya.
Sinuntok ko ng malakas ang pader at nakita niya 'yon. Tinignan ko siya ulit ng masama.
"Huwag mong sasabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin. Ako pa rin ang masusunod" sagot ko sa kanya.
"Hindi ba mas maganda kapag nalaman nila ang totoo?!" tanong niya.
Mas lalo pa akong nagalit dahil sa sinabi niya kaya lumapit ako sa kanya dahil gustung-gusto ko na siyang saktan para magtanda siya at manahimik.
Pero bago ko pa siya masuntok, may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa pumigil sa akin.
"Kahit pa member mo siya, wala akong pakielam. Wala kang karapatan na saktan ang kakambal ko" matapang niyang sabi.
I guess, it's Raven, her twin-brother. May kasama siyang lalaki na naka-cap kaya hindi ko mamukhaan.
Kaibigan niya siguro. At ang lakas ng loob nilang pigilan ako.
"Ang lakas din naman ng loob mo para pigilan ako?" sarcastic kong sabi sa kanila.
Tinignan ni Raven ang kambal niya at halata namang nabigla si Syden sa ginawa niya.
Tinignan ko ang kasama ni Raven na lalaki at sarcastic akong nginitian. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at
tinignan ko sila ng masama isa-isa bago ako umalis para iwanan sila.
Habang naglalakad ako papalayo sa kanila.
Iniisip ko kung anong plano ni Carson.
❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖
▨ Syden's POV ▨
"Anong ginagawa mo dito?!" gulat kong tanong kay Raven.
Hindi naman kasi ako nasaktan ni Clyde dahil pinigilan niya kaya nabigla ako sa ginawa niya.
"Ikaw ang dapat kong tinatanong kung bakit ka nanaman sinasaktan ni Clyde?" seryoso niyang tanong.
Umiling na lang ako,
"Hindi ko din alam. Wala naman akong alam sa binibintang niya" sagot ko sa kanya.
Wala naman talaga akong alam sa sinasabi niya at hindi ko rin alam kung bakit nalaman ng Blood Rebels na may tinatagong sikreto si Clyde.
"Ano bang binibintang niya sa'yo?" tanong ni Raven.
"Na may sinabi raw ako sa Bloo- " habang sinasabi ko 'yon napatingin ako sa likuran niya kaya napatigil ako.
Napansin 'yon ni Raven kaya tumingin din siya sa likuran niya. Ngumiti siya na parang kakilala niya yung lalaking tinitignan ko sa likuran niya at humarap siya sa akin.
"Sy. Si Axelle pala. Kaibigan ko" nahihiya niyang sabi.
What?! Seryoso ba siya?!
"Ha?! What did you say?! Kaibigan?!" gulat kong tanong sa kanya.
Never pa kasi siyang nagpakilala ng kaibigan niya sa akin. Kasi nga hindi siya friendly. Kaya nabigla ako sa sinabi niya.
Parang siyang babae kung magpakilala ng kaibigan pero okay lang 'yon, first time niya kasi.
"Oo nga" inis niyang sagot sa akin.
Tinignan ko si Axelle at naka-cap siya. Pero lumapit siya sa akin.
"Hi. Syden right?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti,
"Yes. Nice to meet you" sambit ko sa kanya.
Tinanggal niya ang cap niya at nagulat ako sa itsura niya.
Ang pogi! At astig din ang dating niya!
Hindi ko na lang pinahalata na napogian ako sa kanya kaya nagsalita ako.
"Maswerte ka at ikaw ang pinakaunang kaibigan ni Raven" masaya kong sabi sa kanya habang tinitignan si Raven. Si Raven naman normal lang ang reaksyon.
"Seriously?!" gulat na tanong ni Axelle.
Tumango ako,
"Oo. Buti naman naging mag-kaibigan kayo?" tanong ko sa kanila.
"Wala kasi akong makausap. Kaya kinausap ko si Sean. Then, tuluy-tuloy na ang pag-uusap namin" sambit niya.
Nabigla nanaman ako sa sinabi niya.
"Wait?! What did you just call him?! Sean?" tanong ko ulit dahil sa pagkabigla.
Tinignan ko si Raven at wala siyang reaksyon.
Sa pagkakaalam ko, ang sabi niya dati sa akin. Kapag nagpakilala siyang 'Sean' ibig sabihin, gusto niyang maging kaibigan ang taong 'yon.
Pero kapag Raven lang, ayaw niyang maging ka-close or kausap maliban sa akin.
"Hindi ba Sean ang pangalan niya?" tanong ni Axelle sa akin.
Ngumiti ako sa kanya,
"Sean Raven ang full name niya" sambit ko.
Mukhang nakuha naman ni Axelle 'yon kaya tumango siya.
"So, bakit ka nanaman sinasaktan ng lalaking 'yon ?" tanong ni Raven.
Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang totoong dahilan dahil nakaharap si Axelle, kaya sasabihin ko na lang sa kanya kapag kaming dalawa na lang.
"Ahhh...kasi...mahabang kwento, kapag maraming oras, doon ko na lang sasabihin sa'yo" sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka? o baka namam ayaw mo lang sabihin?" tanong niya sa akin.
Pero hindi ko talaga pwedeng sabihin ngayon.
"Uy hindi no! Sasabihin ko na lang sa 'yo kapag maraming oras. At saka, hindi safe na pag-usapan natin 'yon dito" sambit ko sa kanya.
"Sige. Bahala ka" sagot niya.
Tumingin ako kay Axelle at ngumiti,
"Sana makayanan mo si Raven. Cold kasi siya at mahirap pakisamahan" pabiro kong sabi kay Axelle.
"Mahirap ka pa lang pakisamahan Sean?" biro niya kay Raven.
Tumingin ako kay Raven at tinitignan niya ako sarcastically,
"Ikaw kaya itong mahirap pakisamahan. Ako lang ang nakatagal at nakapag-tiis sa'yo" pabiro niyang sabi.
"Sinabi ko bang pagtiisan mo ako?" sarcastic kong sagot sa kanya.
Dahil doon, napatawa si Axelle at habang tinitignan ko ang galaw at pananalita niya, may naalala ako sa kanya.
Si Jarred.
Ano na kayang nangyari sa kanya?
Noong huli kaming nagkita, nasaksak siya at hindi ko alam kung nakaligtas ba siya o hindi.
Si Axelle. Nakikita ko sa kanya si Jarred
Habang tinitignan ko si Axelle, naaalala ko si Jarred kaya hindi ko napansin na natulala pala ako habang nakatitig sa kanya.
"Sy?" tawag ni Raven sa akin dahil napansin nila na tulala ako.
"Huy! Sy, okay ka lang?" tanong niya pero hindi pa rin ako nakasagot.
Hinawakan niya ang balikat ko at doon ko pa lang sila napansin.
"H-ha?" napatingin ako sa kanila at nagtataka naman silang nakatingin sa akin.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Raven.
"O-oo. Gutom lang siguro ako" sagot ko sa kanya habang pinupunasan ang pawis ko gamit ang kamay ko.
"Ganon ba? Sige, kung gusto mo, kumain na tayo?" tanong ni Raven.
Tumango ako at tinignan siya,
"Sige" sambit ko.
Napatingin ako kay Axelle at parang hinihintay niya rin kami.
"Isabay na kaya natin si Axelle?" tanong ko kay Raven.
"Hmm, sige" napatingin din si Raven kay Axelle habang siya naman nabigla sa sinabi ko.
"Sabay ka na sa amin Axelle?" invite ko sa kanya.
Nagdalawang isip muna siya pero sa huli, tumango sin siya kaya pumunta na kami sa cafeteria.
❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖❖
▨ Carson's POV ▨
Nakaupo ako ngayon at narinig kong bumukas ang pintuan. Kahit hindi ako tumingin alam kong dumating si Roxanne dahil may kailangan kaming pag-usapan.
Lumapit siya sa akin at tinignan ko lang siya ng masama. Hindi siya katulad dati na mataray ang mata at alam kong takot siya.
Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko.
"A-ano bang pag-uusapan natin?" tanong niya sa akin.
Tumingin ako sa bintana kahit alam kong nakatingin siya sa akin.
"Marami" matapang kong sabi sa kanya.
Tinignan ko siya ng masama.
"Marami tayong dapat pag-usapan" sambit ko.
"Sabihin mo nga sa akin. Nakikipagkita ka pa ba kay Clyde?" dagdag ko.
Nakikita ko rin na kinakabahan siya.
Umiling siya at hinawakan ang kamay ko,
"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi. Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, right?" sabi niya sa akin.
Seryoso pa din ako habang nakatingin sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya nagtaka siya.
"Kung ganon, bakit tinatanong ka ni Clyde kanina kung bakit waka ka raw nabanggit sa akin about Chained School? So, ibig sabihin may sinabi ka sa kanya tungkol sa Chained School samantalang sa akin na boyriend mo, wala kang sinasabi?" pahayag ko sa kanya.
"H-hindi ko alam. Wala akong alam sa mga sinasabi niya" pagpupumilit ni Roxanne.
Wala naman akong pakielam sa Chained School. Ang gusto kong pag-usapan namin, kung bakit nasabi ni Clyde ang ganoong bagay.
Kaya naisip ko na baka nakikipagkita si Roxanne kay Clyde.
"Sigurado ka bang hindi mo talaga alam?" seryoso kong tanong sa kanya.
"I'm serious. Since naging tayo, kinalimutan ko na ang lahat tungkol sa kanya because I love you" sagot niya sa akin.
Tinignan ko ang mga mata niya at diretso siyang nakatitig sa akin pero pinagpapawisan siya.
Dapat ko ba siyang paniwalaan?
But because I love her, I think kailangan kong maniwala sa kanya. Pero once na malaman kong nagkikita silang dalawa. Makikita ng mga estudyante sa PS ang dating Blood Rebels na kilala nila.
"Just make sure na totoo talaga ang mga sinasabi mo. Once na malaman kong pinagtataksilan mo ako, baka hindi na kita makilala dahil sa sobrang galit ko at mapatay kita" pahayag ko sa kanya.
Siya naman nakatingin lang sa akin.
Kapag nagagalit ako, hindi ko makontrol ang sarili ko at wala akong kinikilala.
"I know" sagot ni Roxanne.
Tinignan ko siya ng maayos, pinagpapawisan siya at nanginginig. Pero kailangan ko pa rin siyang paalalahanan.
"Binigay ko sa'yo lahat. Kaya sana naman, huwag mong sayangin. Sa isang kumpas ko lang, mababawi ko lahat ng pagmamay-ari ko. Kahit Redblades, kaya kong sirain kung gugustuhin ko" paalala ko sa kanya.
Redblades ang kahinaan ni Roxanne. Dahil kapag nawala ang Redblades, mawawalan siya ng galamay at mawawalan siya ng kapangyarihan. At alam kong ayaw na ayaw niyang mangyari 'yon. Kaya dapat lang, siguraduhin niyang hindi niya ako niloloko.
"Don't worry. Hindi naman mangyayari lahat ng iniisip mo...at wala ka namang dapat isipin na makakasama para sa relasyon natin. Huwag mo na lang pansinin si Clyde, baka gusto niya lang na sirain ang relasyon natin k-kaya niya sinasabi sa 'yo ang mga ganong bagay" sambit ni Roxanne.
Tinignan ko siya at naisip kong hindi ko pala dapat siya tinatakot. Kaya hinawakan ko ang kamay niya at nanlalamig ang palad niya.
"Tama ka. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa mga sinasabi ni Clyde. Siguro nga, gusto niya lang sirain ang relasyon natin" pahayag ko sa kanya.
Napaluha siya kaya pinunasan ko 'yon at niyakap ko siya.
"Natatakot lang ako" sabi niya.
Humiwalay ako mula sa pagkakayakap namin at tinignan ko siya.
"Saan?" tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako ng diretso habang tumutulo amg luha niya.
"Marami kasing gustong sumira ng relasyon natin dahil naiinggit sila. I'm just afraid na baka paniwalaan mo ang kasinungalingan nila at hiwalayan mo ako" pahayag niya sa akin habang nakahawak siya sa mga braso ko.
I wiped her tears at ngumiti ako,
"Don't worry. I won't believe them" I said.
Although I said those words, nagtataka pa rin ako kung bakit ngayon niya lang nasabi 'yon, samantalang ang tagal na naming nakakulong dito.
Tinignan ko siya at ngumiti ako, ganon din ang ginawa niya sa akin.
Pero kahit nag-usap na kami, hindi pa rin ako mapalagay. May mali pa rin at 'yon ang dapat kong malaman. No worries maman since gumagalaw na ang mga member ko para sa plano namin.
I really want to know Clyde's secret. Dahil parang importante talag sa kanya 'yon. At isa pa, ayaw na ayaw niyang nilalapitan ko ang girl member niya, even Roxanne ayaw akong palapitin kay Syden. She even asked me na huwag ko na raw dukutin si Syden secretly.
Ano ba talagang mayroon sa babaeng 'yon?
To be continued...❀❀❀