Descargar la aplicación
40% Weight of Love / Chapter 2: Chapter 1

Capítulo 2: Chapter 1

Holly's P.O.V

*kringgggg

*blag

Ugh! Ang sakit ng likod ko.

Ang hirap mahulog sa kama. Bwisit na alarm clock na yan.

*kringggggg

"Oo na tatayo na! Bwisit ka naman sa tulog eh."

Pinatay ko na yung bwisit na alarm clock na yun. Pasalamat siya at hindi ko siya binasag, dahil wala akong pamalit.

Hays! Hirap maging poor. Pero! Malaking pero! Di ka halatang poor at kulang sa kain kung ka-size mo ko.

Pakshet naman kase ang weight ko. Pati measurements palyado! Bagsak! Di ako pwedeng iregister para sa feeding program!

"Majinbu! Gising na! Tanghali na! Manghuhuli pa tayo ng dragonball!"

"Gising na ko Imaw . wag ka magaalala! Bwisit ka!"

Bwisit yung kuya ko! Alam kong mataba ako at nasuko ang weighing scale sakin pero wag naman si Majinbu. Ok na ko Kay Ms. Piggy eh. Sesame street pa yun.

Anyway, naligo na ko dahil wala namang kwenta pinagsasabi ko.

Ginawa ko na rin yung daily routine ko nang makapasok na ko.

-

After ko gawin ang routines ko pumunta na ako sa kusina.

"Kuya Lark, si Kuya heath ?"

"Nasa kwarto niya. Tulog pa, kakatulog lang kase kaninang madaling araw."

(Si kuya lark ang tumawag saking majinbu kanina. Bwisit na to.)

"Bakit?"

"Naki pagbreak yung higad niyang jowa. Ayun todo iyak ang gago."

"Ayan, sinabihan na kasing wag pumatol sa hayop eh."

"Bakit majinbu? Sa tingin mo tao ka?"

"Hindi. Sa tingin ko dyosa talaga ako eh. At di nababagay sa tulad ninyong mga mukhang paa."

"Kung dyosa ka, ikaw yung ibinaon na pang pataba sa lupa."

"Bwisit ka po Kuya! *smiling sweetly

Asset ko tong katawan ko noh. Kumain ka na lang diyan at ng may makain ka pa. At baka di ako maawa sayo at ubusan pa kita diyan."

"Ang takaw mo talaga maj. Kaya ka jan nalaki dahil sa katakawan mo ih."

(Maj shortcut ng majinbu.)

"Isa pang katotohanan na salita jojombagan na talaga kita kuya!"

"*hands up"

Ang sakit kaya masabihan ng katotohanan. Nangiti lang ako at nakikipag-asaran pero deep inside nasasaktaktan sa katotohanan. Sabi nila the truth will set you free. Sana maging the truth will make you sexy and healthy. Mas sasaya pa ako dun. Promise.

Ayon, so after my monologue inside my head kumaikain yung gago kong kuya. I forgot to mention pero kambal sila Kuya Lark at Kuya Heath. Two years ang tanda nila sakin.

May bunso kaming kapatid, his name is Rue, 5 years old ang pinaka-cute na bata sa balat ng mundo.

Di kami mayaman. Si mama may business which is maliit na karinderya, pero nasa probinsya namin sya ngayon para bisitahin yung Lola namin so kami munang magkakapatid nag-aasikaso. Nag three day vacation lang siya doon dahil nalaman namin nadulas si Lola kaya pumunta muna dun si Mama para kamustahin kalagayan ni Lola. Si papa naman nag-evaporate na. Hindi siya tegi ok? Si papa ay isang freelance photographer, medyo kilala rin siya sa photography world. Pero may contact pa rin kami sa kanya after one year, it's just because of the nature of his work. Nagta-travel siya around the world to discover some shits and capture the treasures. My Papa's own word. Hindi namin siya nakasama nang ipinanganak si Rue, sa loob ng isang taon wala kaming balita sa kanya. And then ipinaliwanag niya sa amin kung bakit siya nawala nung umuwi siya sa first birthday ni Rue. Sabi niya nung time kasing ipinanganak si Rue may naka-schedule na siya na alis, akala kasi nila maaabutan pa niya yung paglabas ni Rue eh ang kaso sumakto yun sa alis niya. Kaysa masayang ticket umalis na siya. Minsan sinasama niya si mama and most of the time hindi niya na nasasabi kung nasaan siya. Ilang months minsan year bago siya magparamdam o kaya minsan maaabutan na lang namin siya sa bahay na may dalang mga souvenirs. O kaya naman maabutan na lang namin wala na sina ni mama then tatawag si mama boarding na sila. Kaya si Papa lulubog lilitaw. Pero isang taon lang ang pinakamatagal na wala kaming maririnig na balita sa kanya.

Sila Kuya Lark second year college na ako naman grade 12 pa lang. Kung baga kakamoving-on lang namin nung nakaraang taon. Tapos onting kembot lang may pahabol pang isang taon. May thesis na nga last year at sana naman ngaun wala na. At yung pre-calculus ay sana wala na rin! And this is the first day of my school life! How Fun!

Not. (  ̄^ ̄)

Ang aga nanaman ng gising, malamig na tubig na ulit ang aking kapiling. (πーπ) Iba na ang tamad magpakulo ng tubig. (*≧艸≦)

Anyways, natapos na akong kumain kaya umalis na ako ng bahay.

-

Dumating na ako sa school, hindi ko na hinintay magising si Rue kanina kase alam kong malalate na na ako , like one to two hours ang magiging late ko . Pero wala akong magagawa kase napaka cute talaga ng baby boy namin.

And yes ako lang ang only girl but they don't treat me like the only unica hija kase si kuya Lark na nag-claim ng position na yon. Gulat kayo noh? Di expect na si kuya Lark isang beki? Well tanggap na tanggap namin yan, naghihinala na nga ako kay Kuya Heath eh, sa dinami rami ba naman kase ng naging jowa na hipon baka pumatol na sya sa unicorn. Dagdag info kay Kuya Lark, isa siyang Peppermint! And hindi siya marunong ng Gay Lingo, sadyang may pusong babae lang siya at isang ganap na UNICORN (pero ayaw niya na aasarin siyang unicorn.)

So as expected may thirty minutes late na ako. Ewan ko ba hindi ko talaga kayang di malate buong taon. Since Elementary days hindi na ako nalayuan ng dalawang major sakit ng mga istudyante; tardiness and procastination. Ewan ko, nakadikit na sakin yung mga sakit na yan. Hahaha! Bago ako dumiretso sa room namin idedescribe ko muna yung school namin. Private School siya with the name of ummm.... wait lang ha nakalimutan ko kase. hehe.

Isip...

isip...

isip....

Sorry nakalimutan ko talaga. Pagnaalala ko na lang sasabihin ko sa inyo. Pumunta muna ako sa announcement board namin. Tama ba ako? aba malay ko! Basta dun sa may mga memo, announcement and etc.

Nagbasa lang ako kase naka-post dun ang nakakuha ng highest exam. Kase nga di ba, kaka tapos lang namin ng grade 11 so tinitignan yung scores ng overall. And dun dun dun dun! Shet! Pang last na naman ako! Ang consistent ko talaga sa last place. hahaha! I won the last place with an average of 80.01% Shet! Di ko pa nasaktong 80.00 nakakaasar! XD

hahaha! titigil na nga akong kakatawa dito kase mukha na akong baliw. Matapos ko tingnan yung top samin umalis na ako at tumuloy sa room namin.

Pagpasok ko sa room nag gegetting to know each other yung mga classmate kong lalake. Parang meron pa nga silang conference meeting eh. Dumiretso na lang ako sa upuan ko.

"Holly baby!!!! Bakit ka na naman late?" tanong sakin ng kaibigan ko. Si Leeya Amelia pero LA tawag namin sa kanya sa room.

"Baka naman kase hindi muna pinalagpas na lumamon sa kanila." sabi naman ng bwisit kong kaibigan si Tony.

"Hindi mga gaga! Di pa ba kayo nasanay sa akin na lagi na lang late sa klase?"

"Hindi, kase naghihintay kami ng himala na maging on time ka man lang sa klase. Masama ba yon?"- LA

"HIndi naman. Si ma'am nga pala nasaan?"

"Ah may inasikaso, may meeting daw kase sila. Kaya wala tayong Basic Calculus ngayon."-tony

Haist, buti na lang at wala kaming calculus ngayon kase putik ba naman! Monday ngayon noh, tapos first subject calculus? Pakshet di ba? Bigti na. hahaha! Pinagdasal ko pa naman na sana wala nang calculus ngaun but I kind myself and tada! Pre-calculus to Basic Calculus real quick. 😥

Anyways, kaya nag-gegetting to know each other kami uli dahil nagiiba ANG section base on our grades and scores na nakuha sa finals. So ieexplain ko lang kung bakit ko kilala yung dalwang bruha na toh. Si LA or Leeya Amelia C. Priston classmate ko simula kinder. Sawang sawa na kami sa mukha ng isa't isa. Lagi kasing nanggagaya ng homeworks, sagot sa quiz, projects (copy paste pa, palit lang ng font size at style with different boarder) sa recitation lang kami nagkakaiba ng sagot eh. Kaya ayun laging parehas ang bagsak naming section, dahil almost same average lagi points lang nagkakaiba sa amin. -______-

Then there's Tony or Lizzette F. Tan ayaw niyang tinatawag siyang Lizzette kase nakakairita daw pakinggan ( ayon sa kanya -_- ) , nameet namin sya ni LA ng first year kami or nang grade 7 kami. Late enrollee siya kaya bagsak niya sa section namin. May average siyang 91.76% and dahil nga late wala na siyang nagawa. hahaha! Siya ang top 1 namin last year sa overall naman sa room namin ako yung last. HAHAHA! Pero wag kayo ha, sa room namin ako na ang pinakalast na top, pinaglalabanan pa namin yun ni LA. Anyways, this year hindi na siya nagpalipat pa ng ibang seksyon kase ayon sa kanya "Masyadong hassle. Katamad." So ayun nga, di na sya lumipat dahil lang tinatamad siya. XD And dahil top siya sa amin pinayagan na siya ng mga Heads para maging inspiration naman daw namin.

So wala kaming ginawa buong subject nagkwentuhan lang. Tapos nag fb, then kung anu-ano pa. Ako naman bored na bored na. May time na gusto ko nang magcutting, bwisit ang boring kase.

Last section pala kami kung hindi masyadong obvious, pero di naman ibig sabihin na last section kami, mga bobito't bobita kami, well slight. XD

Lahat kase ata kami na nandito may dyslexia. Oh di ba? may alam ako na disorder kase naman mahilig ako sa mga mental disorder. The mental health of a person is so fascinating. Nakakabaliw nga lang din kaya di ako masyadong nagaaral eh. Nakakabaliw kase. hahahaha!

Kanina pa nagbell pero mukhang malalate yung sir namin. Next subject namin is Chemistry! Pasabog confetti pati utak damay na! TT^TT Monday subjects namin tatlong related math subjects with computation lahat... HUHUHU! Pero wah pakels naman yung mga classmate ko. hahaha! Chillax lang kami dito kase first day of school pa lang naman, so introduce your chuchu muna , then your expectations blah blah at dahil din bawal ang stress kase nakakapangit at nakakadami ng wrinkles and pimples. XD

*blag

Tumingin kami sa pinto...

"wow lucas ang aga mo ah! Ang aga mo sa recess grabe!"-mga loko kong lalaking classmate. Sila yung mga classmate ko na friendship din ata yung kakadating lang. Oh di ba? may mas late pa kaysa sa akin. Nginitian lang sila ni Lucas guy. Oh my gosh! Mukhang hindi uso dito ang Perfect Attendance and Clean Records. Kase tungkol sa chismis, halos lahat kami may record na sa Guidance (yes! muntik din akong mag-karecords sa guidance pero buti na lang binigyan ako ng good moral! (__ ___ ") well dahil talaga yun kay LA kung bakit ako muntik mag-karecord eh)

Ang balita ko pa yung homeroom teacher namin gusto daw sukuan kami dahil lang sa mga records namin dahil sa naging scores namin sa finals, kaya ayon sa source ko puro subject teachers lang ang meron kami and yung mga terror pa ang nilalagay sa amin, yun ang napagdesisyonan ng board. Yung ibang students kase ay galing sa mga higher section, eh ano nga ngayon kung galing sila don di ba? Napunta sila dito, meaning demoted. From top to bottom real quick. Ayon din kay source, judgemental yung ibang teachers and yung vice principal. Haler! yung mga mukhang tinataglay is one in lifetime lang makita, kung baga extinct na! XD tapos kung maka-judge yung ibang teacher ( tandaan po hindi ko nilalahat ) makahusga wagas! Maganda kayo mga ma'am? sir?

Anyway, nasaan na nga ba ako? ah yes, school something. So ayun nga, binibigyan kami ng mga projects pero binibigay na sa amin lahat agad, Pre-Lim pa lang tatlo na agad projects namin sa bawat subject. Project na namin yun hanggang finals para naman hayahay kami. At ang aking mga klasmeyt ay nag-gegetting to know each other pa rin. Yung source na sinasabi ko kanina, galing lahat ng information na yun kay LA, ang hilig kase maki-chismiss ng bruhang yun, anyway useful naman yung mga nakukuha niya plus accurate pa. Right now nakikipagkwentuhan kami sa bagong classmates namin. May nahagilap daw kasi silang mainit init pang balita.

"Guys nalaman nyo na ba yung announcement na imemerge tong school natin sa sister school nila?"-classmate one

Don't Ask me about their names kase makakalimutin ako at hindi ko kabisado ang pangalan ng lahat ng classmate ko plus kakakilala ko palang yung iba sa kanila. kaya by number ko sila ilalagay ah. (^_<)

"Hindi pa, pero ngayon alam ko na merong balita kase ikikwento mo na nga eh. =_="-LA

"Hmph! So ayon nga, kaya daw imemerge kase walang kwenta yung school natin, pagiba na kaya ang gagawin dun muna tayo sa sister school makikituloy."-classmate one

wow ha? Private school pero pagigiba na at walang kwenta. My gosh! kung pagiba na para sa kanila ang mga buildings nila, my gosh! sila na mayaman! Kung i-cocompare mo nga tong school namin sa last school na pinapasukan ko masasabe mo pang bagong gawa tong school namin. My gosh! iba na talaga ang mayaman. Please nga! Let me experience kahit minsan. XD

"edi dun naman ang masikip. Tapos magsusuffer na naman tayo? dahil sa mga matang mapang-husga?"-tony

"Hindi , kase according sa research ko, mga elegante yung mga istudyante dun, isa pa konti lang sila, pinapairal nila dun ang good manners, at kung ano-ano pa."-classmate one

"Naku! paktay! edi si Holly hindi na pwede dun."- Allen

"Aba bakit naman? ha?"-ako

"Kase narinig ko bawal animal dun."-Allen

"So anung pinapalabas mo? Na animal ako? Ganern? wag ka magalala bawal dun mga mukhang hampaslupa. Dahil parang di ka At lang hinampas sa lupa, muka ka ring hinukay mula sa lupa. isa pa, sa ating dalawa, sa tingin mo sino ang mas mukhang hayop? sige nga?"-ako

"tinatanong pa ba yun? Edi ikaw! hahahaha!"-classmate two

"Ayts! Realtalk na oh."-other classmate

" edi wow! At least kahit mukhang hayop asal at ugaling tao naman ako. Eh ikaw? Inside and Out you're an animal!"-ako

"FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! FIGHT! "- classmates with my two beshies

"SHUT UP! Kapag di kayo nanahimik, kakainin ko kayong lahat! *death glare"-ako

OxO - silang lahat

See? Tapos ang ingay. Iba na talaga nagagawa ng kagandahan ko.

Si Allen Sarosa, klasmeyt namin nung grade 10 kaya ganun na lang kami mag-asaran. No pikunan. ( ^_< )

After mangyari ang kaguluhan at ang bangayan nag-bell na kaya naman nag-uwian na kami. Sabi ng classmate kong chismosa, kinabukasan na daw agad yung start namin. Nag-confirm na din ang shool kase pinatawag kami sa gym para lang iannounce nga na lilipat kami kinabukasan sa sister school na yun plus nagbigay ng letter para sa mga magulang/guardians kase daw sa bundok nakatayo yung school sa isang private island so as much as possible mag-dorm na lang daw kami. Isang bundok na ang location ay nasa isang private Island. Free charge ang dorm dahil consider na daw yun ng school kase sila naman daw nag-lipat samin sa school na yun, meron din namang service pero mas recommended yung dorms para na din daw sa independence ng mga studyante at dahil mahirap din magtravel travel from school to bahay. And pwede naman kami umuwi tuwing weekends.

Madami naman ang nag-agree, kase nga bakit ka pa magpapagod kung pwede naman pa lang mag-dorm na lang di ba? Meron ding nagtanong na studyante na kung bakit daw kami ililipat dun eh base on perspective ng halos karamihan, hindi pa naman daw pagiba yung school, ang sagot lang nila ay i-rerenovate daw yung school na halos tatagal ng isa hanggang dalawang taon but as much as possible daw gagawin nilang isang taon para naman daw sa mga maggra- grade 12 babalik uli sila dun. Madami daw kase silang idadagdag na buildings kaya ipaparenovate. Konti lang naman daw istudyante sa kabilang school kaya hindi naman daw kami mahihirapan.

After ng meeting, nakarating na ako sa bahay ng matiwasay at pawis na pawis. Kase hinabol ako ng aso sa may tindahan. Hindi ko alam kung bakit, di naman ako buto-buto , puro nga ako taba na bad for their health eh. ( __ __ "")

"Ate Maj!!!!!!!!!"

Patakbong pumunta sa akin si rue, muntik na siyang tumalsik, buti na lang nahawakan ko siya agad.

"Rue, sabi ko naman sau baby di ba? call me ate Holly, kasi my name's pretty right?"

"But Ate Maj, You're not pretty."

Medyo inis na ako ng sinabi sakin yun ni Rue eh, pero syempre ngiting maganda pa rin ako sabay tanong:

"Pano mo naman nasabi na di pretty si ate?"

"Kase sabi ni Kuya Lark he's the pretty one that's why I decided that you will just be my gorgeous big sister!" then sabay hug sa akin.

Shet! Ang talino talaga nang baby namin! kaya labs na labs ko ito eh. Kaya dapat talaga habang maaga pa lang nilalayo ko na si Rue kina kuya ih. Baka macorrupt ang baby ko at makisali sa pang-aasar sa akin.

"that's wonderful baby boy! *kiss sa cheeks nya. Did you guys eat already?" binaba ko na si Rue sa pagkakahawak ko sa kanya.

"Not yet. Hintayin ka daw po namin sabi ni Kuya Lark."

"Then let's go na baby!"

Dumiretso na kami ni Rue sa kainan , di na ako nagbihis kase tinatamad ako pumunta sa kwarto ko.

Habang nakain kami ng dinner pinakita at pinaliwanag ko na kina kuya yung meeting kahit na nakalagay yung information sa letter, pinaliwanag ko na rin para iwas hassle. Tinawagan nila si Mama at sila nang tatlo nagusap-usap. Di namin ma-contact si Papa, kaya si Mama na ang nagdecision. Then si Kuya Heath ang pumirma kase ayon sa kanya mas maganda penmanship niya kaysa kay kuya Lark na parang kinayod ng manok. Which is true naman, no lies.

After nun, ginawa ko na ang daily routine ko at nagsimula nang mag-impake ng mga gamit ko, yung iba ko pang gamit papadala na lang nila kuya sa kukuha ng mga gamit namin na dadalhin dun sa dorm namin. May service na maghihintay sa school bukas para sabay sabay ang mga istudayante na pupunta dun sa school and mag-civilian lang daw kami kase iba daw ang uniform sa sister school nila, provided din ng school kase nga sila daw may kasalanan / dahilan kung bakit kami dun mapupunta.

Pagdating na daw namin dun sa sister school saka lang ipapaliwanag ang ibang mga rules and regulations within the school and the dorms. Excited na nga halos lahat ng istudyante kase pumunta rin dun yung president ng Student School Government (SSG) sa school kanina, pero di ko nakita kase nag-bathroom break ako kase di ko na kineri yung bladder ko na punong puno na ng tubig kaya di ko rin alam kung ano ang nakakaexcite dun sa president.

Nagdouble check uli ako kung may naiwan man akong ibang gamit na hindi pa naiimpake. Pinaliwanag na din namin kay Rue na di na muna ako ganun kadalas uuwi, pero wah pakels si baby boy kase nanonood lang ng cartoons.

Sa tingin ko naman wala na kong nakalimutan. Kinuha ko na yung cellphone ko para magbasa ng wattpad. Naghahanap ako ng mga stories na completed na kase di ko alam kung may wifi ba don pero for sure meron yon kase private nga sila eh at isang isla yun kaya definitely sure na may wifi sila. Di ba?

Pagkatapos kong mag-hanap ng mga completed stories and series nagdownload naman ako ng mga bagong anime at manga para mag-paantok kase mahirap kapag hindi ako nag-download ang bagal ng loading, nakakaasar. Maya maya pa nagtext sa akin ang mga bruha, si LA at Tony na agahan ko daw pag gising bukas kase daw baka maiwanan ako ng bus dahil late na naman daw ako.

Tinitigan ko lang yung text nila at nag patuloy ako sa pagbabasa. For sure naman na di ako malalate bukas kase gigisingin daw ako nila kuya, so no worries babies!

Nag decide na ako na matulog after the last chapter ng binabasa ko, kase alam kong di ko mapipigilan sarili ko pag tinuloy ko pa sa susunod na manga na nakasave sa phone ko.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C2
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión