Descargar la aplicación
86.66% Unpredicted Stories / Chapter 26: -HEART FOR RANSOM- 1

Capítulo 26: -HEART FOR RANSOM- 1

HEART FOR RANSOM

Part 1

"Boss, nasa amin na yung babaeng pinapakuha niyo", rinig kong sabi ng kung sino.

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata upang hindi nila mahalatang gising na ako. Nilibot ko ng tingin ang buong lugar, mukhang nasa isang kwarto ako. Parehong nakagapos din ang magkabilang paa at kamay pero sinubukan ko pa ring makawala.

"Pre, gising na pala 'to e", naramdaman siguro niyang kumakawala ako. Lumapit silang lima sa akin.

"Sayang ang ganda mo pa naman miss. Ano bang atraso mo kay boss?", tanong nito habang hinahaplos ang panga ko. Sinubukan kong igilid ang mukha ko pero mahigpit niya itong pinirmi paharap sa kanya.

"Pakawalan nyo ako! Mga walang puso!", sigaw ko nang ibaba nito ang panyong nakatabing sa bibig ko.

"Walang makakarinig sayo kahit magsisigaw ka diyan. Ang mabuti pa, bakit hindi ka nalang makipaglaro sa amin?", nahintakutan ako nang hinaplos nito ang hita ko.

"Mukhang masarap yan Benjo. Baka pwedeng ibigay nalang yan sa atin ni boss at tayo nalang ang magbibigay ng leksyon sa kanya", sabi naman ng isa na sinabayan pa ng nakakasukang tawa.

Dinuraan ko sa mukha yung lalaki. "Mahiya kayo! Ang papangit nyo!"

Mukhang nainsulto yung lalaki at marahas akong sinampal.

"Oy tama na yan Benjo! Bilin ni sir na huwag sasaktan yan", pigil nung isa.

"Siguraduhin nyong hindi siya makakatakas kundi yari tayo kay boss", sambit nung mukhang lider nila bago sila naglakad paalis.

Napaiyak nalang ako sa takot. Hinahanap na kaya nila ako?

Kinagabihan, hinatiran nila ako ng makakain. Halos magwala ang mga bulate sa tiyan ko sa gutom.

"Kain kana, huwag ka ng mag-inarte diyan kung ayaw mong mamatay sa gutom", sabi sa akin nung Ron yata yon.

"Yan lang? Ang ganda ng bahay niyo tapos tinitipid nyo ako?"

Hindi na niya pinansin ang sinabi ko.

"Kumain ka nalang", anas nito at iniwan na ako.

Ilang sandali lang, nakarinig ako ng papalapit na sasakyan. Mukhang nandito na yata yung boss nila.

"Nasaan yung babae?", isang baritonong boses ang narinig ko.

"Nandito boss", sagot nung isa. Halos himatayin ako nang makitang gumalaw ang doorknob.

"Kalagan niyo", utos nito. Nang matanggal ang tali, kaagad akong nagsisigaw.

"Tulong! Tulong! Nakidnapped ako!"

"Miyaka", sambit nito na nagpatigil sa akin.

"Sino ka? Bakit kilala mo ako?", tanong ko.

"Magbihis ka. Mag-ayos ka. Ipapakilala kita sa anak ko"

--------

Update every Saturday


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C26
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión