Descargar la aplicación
76.66% Unpredicted Stories / Chapter 23: -KAPAG TINAMAAN AKO NG TOYO-

Capítulo 23: -KAPAG TINAMAAN AKO NG TOYO-

'Shoutout nga pala sa crush kong hindi ko pa rin jowa'

Post ko sa facebook. Wala, nakikiuso lang.

Karamihan sa mga kaibigan ko, tinawanan ang post ko at nagcomment pa.

Rose: Itag mo kasi para tamaan!

Blessy: Weak naman, mention ko na ba?

Gigi: @Papi Kyle

Nag 'haha' nalang din ako sa mga comment nila at nagchat sa group chat namin.

Ako: Gaga! Tumahimik kayo!

Ang mga loka-loka, sineen lang ako. Naghahanap pa sana ako ng isheshare ng mag pop up ang message sa akin ni Dani.

Dani: Girl, yung crush mo nandito sa Jollibee. May kasamang babae!

Ako: Ano?! Wait mo ako diyan!

Sa sobrang pagmamadali, hindi na ako naligo. Well, wala ng bago roon. After 15 minutes, nasa harap na ako sa Jollibee.

Pagpasok ko, aba kumpleto ang ganap. Ano yon? For moral support?

"Anong meron? Bakit nandito kayo?," tanong ko.

"Baka kailangan mo ng back-up," si Eca.

"Tsaka parang trip kong manlibre ngayon," si Jazzy. Wow, sarap sa ears.

"Sakit sa eyes oh," si Tine sabay nguso sa dalawang lintang naglalandian.

Natuon ang atensiyon ko don. Kaya naman kita ko kung paanong pabebeng manghiwa ang higad. Heto namang haliparot, pinamigay yung balat sa kanya. Tumaas sana cholesterol mo! Charot lang.

"Hmm ate, kailangan po yata nila ng tubig don. Bilisan niyo po ate kasi nagdidilim ang paningin ko," pagkausap ko kay ateng crew. Tumango naman si ate at lumapit na. Napangiti ako nang matigil ang landian nila.

After almost 30 minutes, paalis na ang dalawa. Wala na akong nagawa kundi sundan ng tingin ang paglabas nila.

"Saan ka pupunta?," tanong ni Cath.

Hindi na ako sumagot at diretsong lumapit sa table nila.

Sa sobrang inis ko, dinampot ko yung tinidor na ginamit ni crush at minurder yung manok na kinain niya.

"Mga haliparot," gigil na bulong ko.

Nang makasakay ako ng jeep pauwi, napansin kong naghahagikgikan yung dalawang babaeng katapat ko.

Napatingin ako sa kanang kamay at nanlaki ang mga mata.

Shet! Nauwi ko yung tinidor ng Jollibee!

----------

Regular update na po tayo


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C23
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión