"Get one and pass, kapag may nahuli akong nangongopya kukunin ko ang papel" sabi ni Ma'am at bibigay na ang questionaire sa unahan
AcKkkk Physical Science subject :< Wala akong alam dito
Lumipas ang tatlumpung minuto ay wala parin akong nasasagot
"Pst! Alex!" Mahina kong tawag kay Alex sa unahan ko
"Oh bakit Alex?" Sagot nito, Alex din tawag sakin kase pareho kami ng pangalan, Ako si Alex Mercado at siya si Alex Gonzales
"Pakopya ako" mahina ko ulit na sabi
"Huh? Bakit naman kita papakopyain?" Masungit na sabi nito
"Sige na, papakopyain kita sa Math" pakiusap ko ulit
"Baka nakakalimutan mo na sa Math ako magaling?" Bulong din muli nito
"Ay oo nga pala, pakopya na kase please" pagmamakaawa ko parin at nagpacute na
"Oh! Ang pangit mo wag ka gumanyan" ngumiti naman ako ng palihim n'yang iabot sa akin ang answer sheet n'ya
--------
"Here's the result of your exam guys" Bungad ng teacher namin sa physics
"May dalawang naka 97 out of 100 at sila ang highest" Sabi ni Ma'am
"Pero..." dugtong ni Ma'am
"Pareho yung pangalan nila pati apelyido" Dagdag muli ni Ma'am
Bigla naman akong kinabahan dahil dito
"Alex Gonzales ang pangalan ng dalawang answer sheet, kala ko nagdoble lang ang papel n'ya pero sakto lang yung answer sheets at nung tignan ko kung sino ang walang papel dito, lumabas na si Alex Mercado ang walang papel" Sabi muli nito
Hindi kaya nakopya ko din pangalan at apelyido ni Alex? HUTANESSSSS
"Nagpasa naman ng papel si Ms. Mercado pero bakit wala? Hindi kaya nangopya ka at hindi mo napansin na pati pangalan n'ya nakopya mo?" Nakangising sabi nito at masamang nakatingin sa akin
Binigay ni Ma'am sa akin ang papel na sinasabi n'yang dalawa ang pangalan ni Alex doon at nakita ko na yung isa doon ay sulat kamay ko...potaaaaaAa
Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Alex
"Hindi po s'ya nangopya Ma'am"
"Hindi nangopya pero pareho pangalan at apeyido n'yo?! Tapos pareho pa kayo ng sagot?!"
"Hindi po talaga s'ya nangopya"
"Hindi nangopya?Anung tawag mo doon?" Taas kilay na tanong ni Ma'am
"Ano po tawag doon?" Sagot ni Alex at dinugtungan n'ya pa ito
"That's what we called Relationship Goals kaya nga pareho rin apelyido namin diba? She's my wife na po. Bilisan n'yo na po pagtuturo baka manganak na sa kilig yung asawa ko Ma'am" Sabi nito kay Ma'am at ngumisi sa akin
Gague amp
**
Ngayon lang naka update
Sorry guys busy po huhuhuhu