Descargar la aplicación
16.66% Unpredicted Stories / Chapter 5: JAIL BOOTH

Capítulo 5: JAIL BOOTH

Foundation day ng school namin ngayon. As usual, booths everywhere, activities and such.

Pero kanina pa ako may hinahanap. Inilibot ko ang mga mata ko at napangiti agad ng makita ko siya.

'Ang gwapo niya talaga, kainis.'

"Oy Cassy! Tama na yang kakatitig mo kay Ace. Halika na, maglibot tayo dito sa school." Sabi ng kaibigan ko at hinatak na ako.

Naghahanap na rin kami ng magandang booth na pwedeng i-try, kaso ang daming nakapila, kaya napagdesisyunan nalang namin na sa food bizarre muna kami.

Pero nagulat ako 'nung may ilang nagtakbuhan at nanlaki nalang ang mga mata ko ng may dalawang tao ang tumakbo sa direksyon namin at hinatak ako.

"T-teka oy! Saan niyo ko dadalhin?" Pagtanong ko, pero bigla nila akong pinasok sa isang room at ikinulong. Napagtanto ko na, nahuli pala ako sa jail booth.

"Kainis, maghihintay tuloy ako ng ilang dito, ni-hindi man lang ako kinuha ng kaibigan ko. Hmmph." Bulong ko sa sarili ko.

Kinuha ko nalang ang phone ko at naglaro. Maya maya lang ay biglang bumukas ang pintuan. May nahuli ulit siguro.

'Buti naman, may kasama na ako.'

Nakangiti ko nilingon ang nahuli pero napalitan ito ng panlalaki ng mata nang makita ko kung sino ito.

'Si Ace, omg!'

Binaling ko ulit ang tingin ko sa phone ko ng lumingon siya sa'kin at nagkunwaring busy.

'Sheeeet! Nahihiya ako.'

"Hey." Bumaling-baling muna ako at tinuro ang sarili ko bago sumagot.

"A-ako?" Parang lutang na tanong ko.

'Malamang Cassy, malamang.'

"May iba pa bang tao rito?" Pamimilosopo niya. Napanguso nalang ako sa tugon nito.

"Bakit?"

"Fuck. Nakakahiya." May binulong siya pero hindi ko narinig.

"Huh?"

"Cassy." Nagulat ako ng malaman ko na alam niya pala ang pangalan ko.

"B-bakit?"

"Kasabwat ko pa ang mga nagbabantay ng booth na 'to. Sinadya ko talaga na ikaw lang ikulong dito para makausap kita at makaamin na ako…"

"Bakit naman?" Jusko, yung puso ko, ang bilis bilis ng tibok.

Nag-init ang buong mukha ko dahil sa biglaang pagyakap niya sa'kin.

"Matagal na kitang gusto, Cassy. Hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi kita nakikita, kapag nahuhuli kitang nakatingin sa'kin. Buong araw nang nakapaskil sa mukha ko yung ngiti." Tinignan niya ako sa mga mata at hinalikan sa noo.

'Oh my gosh… '

"Ngayon, hindi lang sa Jail booth kita ikukulong, pati na rin sa puso ko. Walang pyansa, walang laya. Kailangan mo 'tong pagbayaran sa pamamagitan ng pagmamahal mo."

**

~~~~~One short story ever friday ~~~~~


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C5
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión