Descargar la aplicación
22.72% Unforgotten past / Chapter 5: Chapter 5(Sorry, is not enough)

Capítulo 5: Chapter 5(Sorry, is not enough)

Kinakabahan at hindi mapakali si arriane simula pa kanina habang nasa sasakyan siya.Nanatili lamang siyang tahimik maging ang kapatid niya habang nagmamaneho ito, tila ba pinaghahandaan ang anumang ibabatong mga tanong sa kanya.Nasa sofa na siya ng kanilang bahay at wala paring isang salita ang binitawan ng kapatid.

"Mam monica, kakain na po ba kayo ipaghahanda ko na po kayo?"binasag ng katulong nilang si lolet ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"sige manang lolet, pakihanda nalang."mahinahong sagot nito saka siya binalingan.

"ikaw arriane may gusto ka bang kainin?"seryusong tanong nito sa kanya.

"Wwala po ate.."kandautal niyang sagot.kinakabahan kasi siya sa pagkakataong iyon.Hindi marahil tatalab sa kapatid ang pagiging bratenilya niya dahil alam niyang malaki ang kanyang kasalanan.

"O, siya halika na at baka lumamig ang pagkain."Tumayo ito at inalalayan siya patungo sa kanilang dining table.Nagtataka siya sa ipinapakita ng kapatid, sa halip kasi na magalit ito ay mas ipinapakita ang pagiging caring sa kanya.Mas nagiguilt tuloy siya.Mas madali kasi para sa kanya ang manindigan kung nagagalit ang isang tao kahit alam niyang mali siya.

Maging sa pagkain ay tahimik lamang ang ate Monica niya at iyon ang nakakapanibago para sa kanya.

"Ate..untag niya dito dahil hanggang sa makatapos ito sa pagkain ay nanatiling tahimik ito.Tanging ang katulong lamang nilang si lolet ang bumabasag sa katahimikan sa pamamagitan ng paglalagay nito ng mga kailangan nila.

"Bakit?'Bahagya lamang siya nitong tinapunan ng tingin at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa nito.

"Pwedeng magpahinga muna ako.. gusto ko muna mahiga ate."wika niya sa pinakamababang tono na halos siya na lamang yata ang nakakarinig.Tanging tango lamang ang itinugon nito sa kanya at iyon ang mas nagpabigat ng kanyang kalooban dahil hindi ganun ang pakikitungo sa kanya ng kapatid.Mas sanay siya na makulit at lagi itong may kung ano anong kwento sa kanya tuwing kumakain sila, hindi gaya ngayon na halos ayaw siya nitong tingnan.Tumayo siya upang umakyat na nang kanyang kwarto at doon magpahinga muna.

Hindi niya napansin ang pagpatak ng luha ng kanyang kapatid habang pinagmamasdan siya nito habang papaakyat ng hagdan.

"Bakit hindi mo kausapin ang kapatid mo mam monica?!"untag ni lolet sa dalaga ng makaakyat na ang kapatid nito.Hindi na iba sa kanila ang matanda at parang magulang na nila ito kung ituring kaya hindi niya ito masisisi kung mangingialam ito sa problema nila ngayon.

"Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko manang."Tuluyan ng napaiyak si monica habang sinasabi ang kanyang sama ng loob sa matanda.

"Nagkulang po ba ako?garalgal ang boses na tanong niya sa matanda.

"sshhhh!!"wala kang kasalanan monica,hindi mo kasi hawak ang isipan ng kapatid mo lalo na at may katigasan din ng ulo iyang si arriane,"hinahaplos nito ang kanyang likod habang inaalo` siya.

"anong gagawin ko manang?"animo'y bata na nagsusumbong sa kanyang nanay habang nakasandal sa gilid ng matanda.

"pag usapan ninyong dalawa ang inyong problema, at alamin mo kung ano ang nangyari at nagkaganyan siya, tanungin mo rin kung sino ang nakabuntis sa kanta."Huwag kang magdalawang isip na tanungin siya dahil hindi mareresolba ang problema kung hindi pinag uusapan".Mahinahong payo nito sa kanya.

"Maraming salamat manang.,"wika niya saka niyakap ang matanda ng mahigpit at saka tumayo upang puntahan ang kapatid sa kwarto nito.

Samantala;ilang minuto nang nakaupo si arriane sa harap ng kanyang salamin at nakatitig lamang sa sarili ngunit tagos naman doon ang kanyang paningin dahil mas gumagana ang kanyang isipan.Napapaisip siya sa maaring mangyari sa kanya ngayon lalo na at mag aaral na siya uli.Papaano niya rin aaminin sa kapatid ang katotohanang ang nobyo nito ang nakabuntis sa kanya.Hindi niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang kinakausap ang kanyang sarili.

"ang tanga tanga mo kasi!!ang tanga tanga mo!!bulalas niya habang dinuduro ang sarili sa harap ng salamin.Paulit ulit niyang ginawa iyon habang umiiyak.Pakiramdam niya ay wala na siyang mukha na maipapakita sa kanyang kapatid,alam niyang galit ito sa kanya dahil hindi siya nito kinakausap at iyon ang ayaw niyang mangyari.Mas gugustuhin pa niyang saktan o bulyawan, sigawan o kung ano ano ang pwede nitong gawin sa kanya ngunit huwag lamang ang manahimik ito.

"ang tanga mo kasi!!ang tang--naputol sa ere ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto.

"Ano ba ang ginagawa mo huh!!tumigil ka nga!!"bigla siyang hinawakan ng ate monica niya sa dalawang braso upang pigilan sa kanyang ginagawa.

"Aate!!tuluyan na siyang humagulhol habang hindi makatingin sa mukha ng kapatid dahil sa kanyang kahihiyan.

Maging ito ay umiyak narin habang patuloy siyang hinahawakan sa dalawang kamay.

"ate..saktan mo ako!!sampalin mo!!lahat isumbat mo sa akin ate!!maya maya ay bulalas niya habang patuloy sa pag iyak."Isumbat mo sa akin ang lahat na hinaing mo sa akin ate"pero nakikiusap ako po ako.. huwag mo lang akong dedmahin!"patuloy sa pag iyak na wika niya.Tanging awa ang nakita niya sa mga mata ng kapatid at sa halip ay niyakap lamang siya nito ng mahigpit.

"sshhhh... tahan na arriane."please,,..tahan na."umiiyak na wika nito habang patuloy na nakayakap sa kanya.

Halos inabot ng ilang minuto na ganun ang kanilang sitwasyon,nakayakap lamang ang kanyang kapatid sa kanya habang pinapatahan siya.

"hindi ako galit..maya maya ay mahinanon siyang nagsalita.

"sabihin mo lamang sa akin kung sino ang lalakeng nagwalanghiya saiyo!"matigas ang katagang binitawan nito kaya agad siyang kumalas sa kapatid.

"kasi ate--"

"arrianne, kailangan mapanagutan ng lalakeng yun ang ginawa niya saiyo!!

"eh kasi--

"bakit ka ba natatakot magsalita!"nagboyfriend kaba??"!tuloy tuloy na tanong nito at biglang sumeryuso ang mukha.Ang kaninang awa sa mga mata nito ay napalitan ng matinding emosyon.

"inuulit ko arriane!!sino ang ama ng batang iyan!"galit na ang tono nito.

"ate.. huwag kang magalit sa akin please".pagsusumamo niya sa kapatid.

"hindi sayo ako nagagalit kundi sa lalakeng lumapastangan sayo.!"

Napangiwi siya dahil sa tinuran ng kapatid, kung tutuusin ay wala naman talagang kasalanan si Nathaniel dahil siya naman talaga ang gumawa ng paraan upang may mangyari sa kanila, naalala pa nga niyang itinulak siya nito kahit lango ito sa alak ng mga panahong iyon, ngunit siya ang nag insist na may mangyari sa kanila at siya pa ang unang humalik dito.Malay ba niyang mabubuntis siya sa isang beses na nangyari sa kanila.

"arriane!untag nito sa kanya ng hindi siya sumagot.

"a--aate.. kandautal niyang tugon.

"mas magagalit ako kung hindi mo sasabihin ang totoo arriane!!uulitin ko.. sino ang nakabuntis sayo!!"mas matigas ang pagkakabigkas nito ng mga salita patunay na nagagalit na ito sa kanya.

"eh kasi ate.. wala naman kasi siyang kasalanan!!ako po ang may kasalanan."napayuko siya habang inaamin ang totoo sa kapatid.

"teka!!anong pinagsasabi mo!!" ako ba ay pinagluluko mo arriane?"naiinis na wika nito.

"ate, maniwala ka po sa akin!wala siyang kasalanan.. ako po ang nang akit sa kanya."nahihiyang pag amin niya rito.Nanlalaki ang matang napatanga si monica sa inamin ng kapatid.Hindi ito makapaniwala na sa murang edad nang kapatid ay magagawa nito ang mga sinasabi nito ngayon.

"Sino??!nanggagalaiting tanong niya.Kulang na lamang ay sambunutan niya ang kapatid dahil sa mga inamin nito sa kanya..

"wala na siya ate!!"mas lalong lumakas ang iyak ng kapatid habang hindi makatingin sa kanya.

"wala akong pakialam kung wala na ang lalakeng iyon!!ang gusto kong malaman ay kung sino ang nakabuntis saiyo!!tumaas na ang kanyang boses dahil sa mga sagot ng kapatid.

"huwag mo akong paikot ikutin arriane!"kung gusto mong kausapin pa kita ay sasabihin mo sa akin kung sino ang nakabuntis saiyo!!"nagpupuyos sa galit na pahayag niya.

"Si--si..Nathaniel po ate."pag amin nito.Pakiramdam niya ay bigla yata siyang nabingi dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.

"anong sabi mo!!???ulitin mo ang sinabi mo!!"Tuluyan ng kumawala ng emosyong kanina pa niya pinipigilan at hindi na niya napigilan ang sarili na sampalin ang kapatid.

"walanghiya ka!!saan ba ako nagkulang sayo huh!??saan!!kulang nalang yata ay magputukan ang kanyang mga ugat sa leeg dahil sa sobrang galit sa kapatid.

"patawarin mo ako ate!!patawad po!!"" alam ko nagkamali ako ate,, pero please nakikiusap ako saiyo.. huwag ka po magalit sa akin.." ikaw lang ang inaasahan kung makakaintindi sa akin ate.."humahagulhol na wika ng kanyang nito.

"Iintindi!??alam mo ba ang sinasabi mo huh arriane!??naririnig mo ba ang sarili mo huh?!!mas maiintindihan sana kita kung ibang lalake ang nakabuntis sayo!! pero hindi eh.. mismong naging nobyo ko pa!!"tuluyan na niyang pinakawalan ang galit rito.

"ang akala ko pa naman, isang simpleng puppy love lang ying nararamdaman mo at mawawala din noong nalaman mong nagdadate kami ni NathaNiel,pero isa pa lang pagkakamali dahil ikaw mismo ang nang akit sa kanya!!Alam mo ba kung gaano kasakit na isantabi ko ang nararamdaman ko sa kanya dahil ikaw ang iniisip ko!! pero nagkamali ako.. ikaw mismo ang sumira ng buhay mo!!"galit na galit na sigaw niya rito.

"ate.. sorrrrryyyy.. please!!naglulumuhod na sambit ni arriane sa kapatid ngunit tila bingi na ito sa anumang paliwanag niya rito.

"Sa ngayon arriane, hindi pa kita maiintindhan!!huwag mo muna akong kausapin!!naiintindihan mo!?"iyon ang huling katagang binitawan nito bago siya tuluyang iniwan sa kanyang sariling kwarto.

"ate.. im sorry..halos mamaos siya sa kakaiyak ngunit tuluyan ng nagalit sa kanya ang kanyang kapatid at hindi rin naman niya ito masisisi dahil siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.

Papaano pa niya maibalik ang dati kung gayung abot langit ang galit sa kanya ng kanyang kapatid.

Sino na lamang ang iintindi sa kanya ngayon.?Kulang ang mga salitang pagsisisi kung hindi na niya kaya pang baguhin ang nangyayari ngayon..Galit na sa kanya ang kanyang kapatid, wala na ang lalakeng minahal niya at hindi niya alam kung nasaan ito dahil parang bula itong naglaho.Ang daming mga katanungang umuukilkil sa kanyang isipan habang umiiyak hanggang sa makatulugan na lamang niya ang ganung sitwasyon.

KINABUKASAN;

Maagang umalis ang kanyang kapatid at hindi na niya ito naabutan pa sa hapag kainan, sa halip ang kanilang katulong lamang ang kanyang nadatnan doon.

"manang si ate po.?"tanong niya ng makaupo sa harap ng mesa.

"ah, maaga umalis,, may mga dalang gamit iyon.. ang sabi niya baka mahigit isang linggo daw siyang hindi makakauwi dahil may aasikasuhin siyang other business ninyo sa Cebu."ang bilin niya ay huwag mo daw papabayaan ang sarili mo."napaiyak siya sa sinabi ng matanda, kahit pala galit ang kapatid niya sa kanya ay naroon parin ang pag aalala nito sa kanya.Alam niyang sinadya muna nang ate niya ang mag palamig ng ulo at sinabi lamang nito na business sa Cebu ang pupuntahan, ngunit kahit ilang beses man niyang iisipin ay wala talaga siyang matandaang may business sila sa Cebu.

"galit pa talaga si ate sa akin".wala sa sariling sabi niya habang tinutusok tusok ang ang dilaw ng itlog na nakahain sa kanya."

"Hindi mo masisisi ang kapatid mo arriane"napalingon siya kay manang lolet ng magsalita ito dahil narinig pala nito ang sinabi niya.

"minsan nagagalit ang kapatid mo, lalo na sa ganitong sitwasyon, pero ito lamang ang masasabi arriane, mahal na mahal ka ng ate Monica mo at alam kung maiintindihan ka noon.."Nakangiting wika nito na nagpagaan sa kanyang pakiramdam.

"Sa tingin mo po ba manang mababalik sa dati ang pagmamahal ni ate sa akin?"parang batang tanong niya rito.

"arriane,"hinawakan siya nito sa balikat saka nagpatuloy.

"hindi nawawala ang pagmamahal ng isang kapatid, nagagalit ngunit ang pagmamahal ay nanatili iyon.hayaan mo na lamang muna ang ate mo.. malay mo pagbalik noon hindi na iyon galit saiyo..'"oh siya kumain kana,,at oh.. kawawa naman na iyang itlog na tinutusok mo."natatawang biro nito sa kanya kaya ikinain na lamang niya ang bigat na nararamdaman niya.Umaasa siyamg sa pagbabalik ng kanyang kapatid ay okay na ito at mapatawad na siya nito.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C5
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión