Descargar la aplicación
42.16% A Kiss For Sky / Chapter 35: Chapter 34

Capítulo 35: Chapter 34

Bago ako umuwi ng bahay, I decided to went to Doctor Bonifacio's office first para makapagpaalam kina Mommy. I was about to go inside, but his words stiffened me. Umuwi ako ng bahay na umiiyak. Manong Luke was so worried and he's been asking me, pero hindi ako sumasagot.

Pagdating ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto namin at hinanap ang paborito niyang jacket. I immediately found the paper he kept. I am hesitating to open it. I'm afraid of what's written inside, pero kailangan ko 'tong basahin.

'October 2, 2018

To my Dearest Twin,'

Iyan pa lang 'yong nabasa ko, pero tumulo na naman ang mga traydor kong luha. Kailan ba kayo mauubos?!

'Twin, kailan mo 'to nakita? Siguro matagal na 'nong sinulat ko 'to saka mo nabasa. Sana lumampas na sa birthday natin, April 10, 2019. Sana naman umabot ako ng 18th birthday natin at 'pag umabot ako i-congrats mo naman ako. Hahaha!

So, ayon, Twin, last week pumunta akong hospital ng mag-isa, nagpunta ka kasi sa eskwelahan dahil may training ka sa soccer, eh, 'di mo 'ko nasamahan. I went to the hospital kasi sobrang sakit ng ulo ko. Tapos nalaman ko 'yong findings, I have a Traumatic Brain Injury. No'ng nahulog pala ako sa hagdanan ng auditorium, nagka internal hemorrhage pala ako. Kaya lang 'di na napatingin sa Doctor kaya lumala.

Pero, Sky, wala akong balak magpagamot. Ayoko na malaman niyo dahil baka mag-alala kayo, kaya ko naman, eh. Ang laki ng perang gagastusin kapag nagpaopera ako at sabi ng Doctor kahit magpaopera ako o hindi, may mangyayari pa ring masama. Alam mo kung ano 'yon? I'll be brain dead. Halos lahat ng may TBI doon napupunta, Twin, at tanggap ko na 'yon.

Sky, ha, if you're reading this and I'm brain dead already, please...please don't prolong my agony as well as yours, kay Mommy, Daddy, at sa lahat ng taong mahal ko. Wala na rin naman akong buhay kaya kung nasa hospital ako ngayon, 'yong life supporter na 'yan, ipatanggal niyo na. Set me free too soon. Tanggap ko na, Sky, at sana matanggap niyo rin. Kung hanggang dito na lang 'yong buhay ko, edi hanggang dito na lang talaga. Don't worry, I'll be in a good place.

At, Sky, I've done signing a paper na kapag ako namatay idodonate ko 'yong puso ko sa'yo. Sabi naman ng Doctor pwedeng idonate 'yong mga organ kapag brain dead ang isang tao. Sabi niya the heart has its own pacemaker independent of the brain. As long as it has oxygen, it continues to beat. Kaya, Sky, receive my heart, magpaopera ka agad, prolong your life. That will be my last present for you. Please take care of it.

And also, always look for our parents. Ipabasa mo rin 'to sa kanila, ha. Si Veia, alagaan mo siya napalapit na rin siya sa'kin, eh. At, Sky, hindi mo kilala ang babaeng 'to dahil 'di ko naman. siya naipakilala sa'yo, pero 'pag nakita mo 'tong sulat ko, pakihanap naman siya, Hillary Aeiou Madrigal ang buo niyang pangalan at sabihin mo sa kaniyang sobrang saya ko na for once in my life I'd met a woman like her. Gustong-gusto ko talaga siya, Sky, at binalak ko siyang ligawan at ipapakilala ko sana siya sa mga magulang natin at sa'yo na rin, pero bigla na lang siyang nawala. Hay.

Twin, I'll miss you, but don't worry, Twin, lagi kitang titingnan, lagi akong nasa tabi mo...niyo...pangako ko 'yan.

Kina Mommy at Daddy, I'll always be thankful having them in my life, lalo na kay Daddy Tyrone. Mahal na mahal ko rin sila.

Twin, ha, tandaan mo, ikaw ang pinaka the best na taong nakilala ko. Pinakamabait, pinakamatalino, pinakatalented, pinakasporty, at sige na nga, pinakagwapo. I will treasure all the moments we have, I hope you, too. I won't ever forget you, so please always remember me.

I love you, Sky Abellera, always and forever. Please, set me free with happiness, ayokong umiiyak ka...kayo, 'yan 'yong pinakaayaw ko.

Twin. I love you ulit!

Love,

Sun Abellera, your one and only twin.'

Hindi ko alam kung ilang balde ng luha ko ang lumabas sa mga mata ko. He'd prepared everything! He knows what will happen! He even donated his heart for me! Sh*t! Why, Sun? Why you have to do this?!

As I am still crying, hugging our picture when Doctor Bonifacio's words flashback in my mind.

"Mr. And Mrs. Abellera, I'm sorry to tell you this, but your son is no longer has a life, 'yong life supporter niya na lang ang nagbibigay ng buhay sa kaniya. At, himala na lang ho kung mabubuhay pa ang isang taong who had experienced brain death. Titigil na rin ho kami sa pagbibigay ng gamot because it will all be useless. Ibinibigay ko po sa inyo ang desisyon kung ipapatanggal niyo na ang life supporter ni Sun or hindi muna sa ngayon."

I closed my eyes and hugged our picture tighter. I messed up my hair and cried and cried and cried.

"Please, set me free with happiness..."

How can I do that, Twin? How?! Hindi ko kaya, Sun, hindi ko kaya! Ayokong mawala ka, ayokong iwan mo 'ko! Twin, bakit mo 'ko pinapahirapan ng ganito?!

Ikaw pa 'yong nagsabi na sabihin kina Mommy ang tungkol sa sakit ko, pero ikaw pala 'tong nag-aagaw buhay na! Ikaw pa 'tong nagsasabing magpagamot ako, pero ikaw pala 'tong mangiiwan ng una! Bakit ang unfair mo, Sun?!

"Sky!" she approached me so soon.

"Hillary," I smiled bitterly, "he wants us to set him free," I uttered in tears.

She tried wiping her tears, pero hindi pa rin 'to tumitigil kakaagos. She sat beside me at the floor, "bakit ganito, Sky? Bakit gano'n si Sun? Bakit kailangang magkagan'to?" she asked.

"Hillary, hindi ko alam kung...kakayanin ko ang bukas na wala ang kakambal ko...hindi ko alam...hindi ko na alam."

She hugged me. Pakiramdam ko yakap ako ngayon ng kakambal ko. Napapikit ako habang haplos-haplos niya 'yong buhok ko at 'di ko namalayang nakatulog ako.

***

I woke up in a room filled with white color. I roamed around and I saw my Dad sitting in the couch, "D-Dad," I called him.

"Sky, you're finally awake," ramdam ko talaga ang saya niya.

"Dad, why am I here?"

"You passed out, Sky, you've been asleep for two days. The Doctor said you were very exhausted kaya posibleng makatulog ka ng mahaba."

I tried to get out from the bed, pero parang ang tamlay talaga ng katawan ko.

"Sky," he called me so serious, "why you didn't tell us that you have heart failure?"

Sh*t! N-Nalaman na nila?

"Doc Kleah said you've been admitted for several times dahil nawawalan ka ng malay at minsan nahihirapan kang huminga. Sky, ba't 'di mo sinasabi 'to sa'min?"

"I'm sorry, Dad, but I have the same reason with Sun, I'm sorry," gusto kong umiyak, pero mukhang naubos na ang luha ko at pagod na pagod na talaga ako.

"Kailangan mong magpagamot agad," upon hearing that, naalala ko 'yong sinabi ni Sun sa letter niya. Pero, kapag ginawa ko 'yon, kapag tinaggap ko 'yong puso niya ibig sabihin tatanggalin na 'yong life supporter niya, ibig sabihin tuluyan niya na akong iiwan? "Sky, kapag okay ka na, we all need to talk," Dad uttered again.

And, I feel so nervous. Pag-uusapan na namin ang kalagayan ni Sun. God!

"Please don't prolong my agony as well as yours, kay Mommy, Daddy, at sa lahat ng taong mahal ko."

"Idodonate ko 'yong puso ko sa'yo. Kaya, Sky, receive my heart, magpaopera ka agad, prolong your life, that will be my last present for you. Please take care of it."

"Wala na rin naman akong buhay kaya kung nasa hospital ako ngayon, 'yong life supporter na 'yan, ipatanggal niyo na. Set me free too soon. Tanggap ko na, Sky, at sana matanggap niyo rin."

"Please, set me free with happiness."

God! Help me, guide me. I need you.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C35
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión