Descargar la aplicación
26.08% I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog) / Chapter 6: 06:His Painful Return

Capítulo 6: 06:His Painful Return

May binasa lang ang matanda na nakaputi sa libro na nahanap niya. Sa libro na kung saan mahahanap ang sinasabing spell para makaalis na kami rito. Excited na akong makaalis rito dahil makikita ko na si Jemea, tsaka nalang siguro ako magpapaliwanag sa kaniya.

Biglang umilaw ang libro. Lumutang ang nakasulat na kulay ginto na hindi ko naiintindihan. Nakatitig ako sa lenggwaheng hindi ko alam na nasa ere.

"Handa ka na ba?" Nakangiting tanong niya sa akin at tumango lang ako. Inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman ito.

Ang lamig niya talaga.

Nakangiti siya ng ubod na lapad. Nakaukit at umaapaw sa mukha niya kung gaano siya kasaya. Binalewala ko lang siya at tumingin ulit sa matanda.

Umilaw kaming dalawa at unti-unting naging usok. Napapikit lang ang mga mata ko. Pagdilat ko ay nasa gubat na kami at maliwanag, may sikat ng araw. Yung hangin ay familiar sa akin.

Nasa mundo na ako ng mga buhay. Makikita ko na si Jemea.

"Nandito na tayo!" Saya kong sabi.

"Natutuwa ako dahil nakikita kitang masaya." Saya niya rin sabi at bumalik ulit ako sa pagiging seryoso.

"Ammf- sa hindi kalayuan nandon ang mansyon namin." Seryosong sabi ko.

"Tayo na! Excited na akong makilala ang mga magulang mo" sabi niya.

"Pero hindi ka pa nila p-pwede m-makita" sabi ko at nalungkot lang ang mukha niya at tipid na ngumiti bago nagsalita.

"A-alam ko kung bakit"

"T-talaga?"

*tango*

"Dahil isang patay na ako, isang kaluluwa, isang walang buhay"

"Ah eh, h-hindi naman sa ganon, what I mean is, magugulat kasi sila dahil agad agaran yung kasal natin, kailangan ko muna silang kausapin para ipaliwanag ang lahat at tsaka na kayo mag-usap" paliwanag ko sa kaniya at tumango-tango naman siya.

"Naiintindihan ko. Simulan na natin ang paglalakbay. Hehe"

Paano na? Paano ko ito ipapaliwanag sa kaniya at kay Jemea? Paano ko haharapin ang lahat ng ito?.  Sasabihin ko ba na isang pagkakamali lang ang lahat? Naguguluhan na ako. Aish! Bahala na!

Naglalakad na kami sa gubat habang siya ay nakasunod lang sa likod ko at pa-humming humming pa.

"Sobrang ganda talaga dito..."

"...yung araw, yung medyong mainit na simoy ng hangin, ang mga buhay na puno at bulaklak. Parang namiss ko talaga ang lahat ng ito." Sabi niya at magkasabay na kami sa paglalakad.

"Wala ka bang natatandaan sa dati mong buhay?" Tanong ko sa kaniya.

"Hmm, basta pinatay ako." Parang may halong inis niyang sabi.

"Paano mo naman nasabi yan?"

"Nakita mo tong tatlong butas sa tiyan ko at sa may dibdib ko? Sabi ni tanda, binaril raw ako at may pumatay sa akin. Hindi ko lang matandaan kung sino at kung ano ang dahilan."

"You're wearing a wedding gown, so dapat ikakasal ka pala ngunit di lang natuloy dahil may pumatay sayo. Hmm. Ano naman kaya ang dahilan?" Tanong ko at nagkibit balikat lang siya.

"Basta ang alam ko ay pangarap ko talagang makasal. Akala ko hindi na matutupad yun dahil nga patay na ako, nagkakamali pala ako dahil tinupad mo ang pangarap ko. Nakakatuwa nga eh, narinig ko lang boses mo sa bahay habang sinasabi mo ang vow mo. Nagulat nalang ako na nasa harapan kita. Alam mo ba na sobrang saya ko. Kaya wedding gift ko na to sayo ang maibalik ka rito, halata naman kasi na ayaw mo don. Sabagay hindi ka naman bagay don. Hehehe. Salamat talaga, Ced. Hindi ko inaasahan ang lahat na mangyayari to. Unexpected Happiness is really great!" habang sabi niya at ngumiti sa akin.

'Ako rin. Hindi ko rin inaasahan na mangyayari to. Na makilala at maging asawa kita. Hindi ko kaya na saktan ang tulad mong napakabuti. '

Yang ngiti mong nakakakonsensya. Hindi ko alam ko paano ko bawiin sayo ang kasiyahan na nadarama mo ngayon.

"B-bilisan nalang kaya natin ang paglalakad, pwede?"

*tango*

"Tss"

***

Sa kalahating oras ng paglalakad ay nasa likod na kami ng masyon namin. Rinig ko ang boses ng mga katulong na nag-uusap. Nagtago kami sa poste ng mansyon.

"Ito na ba bahay niyo?" Tanong niya at tumango ako bago nagsalita.

"Sa kusina tayo dadaan para di tayo makita" sabi ko sa kaniya.

"Saan ba ang silid mo? Pwede naman ako maglaho papunta don."

"Talaga?"

"Oo"

"Sige. Amf, yung malaking kulay brown na pinto sa second floor ng bahay, sa dulo non." Sabi ko sa kaniya at ngumiti lang siya.

"Sige, kuha ko na. Mauna na ako" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Nang dahil don ay naiwan akong natutula at natuod ng ilang minutos.

Ang lamig ng labi niya. Aaaah! Feel ko naiwan yung lips niya sa pisngi ko.

Nang natauhan na ako ay agad na akong tumakbo papunta sa harap ng mansyon. Inayos ko ang gusot at sira na leather jacket ko, pinagpagan ko ito pati ang pants ko. Huminga muna ako ng malalim.

Ano kaya ang ipapaliwanag ko sa kanila? Kung bakit ako nawala ng di nagpapaalam at ngayon lang dumating? Ano na! Tss. Bahala na nga lang. Sasabihin ko nalang na sa barkada ako natulog, alam niyo na yung last bonding sa kanila na single at walang asawa pa ako. At isa pa, dalawang araw lang ako nawala at bukas kasal na namin ni Jemea.

Pinindot ko na ang doorbell at ang nagbukas non ay si Manang. Gulat siya ng nakita ako. Natulala pa siya ng nakita ako.

Grabe, ganon talaga ang reaksyon? Parang nakakita ng patay ah! Tss

"L-lance?"

"Manang! Ako po ito" ngiting sabi ko.

"Saan ka ba nanggaling hijo? Hindi mo ba alam na sobrang nag-alala ang nga magulang mo sayo. Para na silang baliw kakahanap sayo,baka napaano ka na daw." Alalang sabi ni Manang at ipinasok ako sa loob. Dumiretso ako sa sala at umupo sa sofa.

"Si manang naman! Ang OA kung makareact. Nasaan pala sina Mommy at Daddy?"

"Naghahanap nga sayo. Ikaw na bata ka.! Dalawang linggo ka talagang nawala.!" Inis niyang sabi sa akin, nakakunot kasi ang noo.

Teka..

"Anong sabi niyo Manang? Dalawang Linggo?"

"Oo! Dalawang linggo ka nawawala. Para ng baliw ang nga magulang mo sa kakahanap sayo. Saan ka ba kasi nagpunta ha!? Ayaw mo ba na ikasal ka? Pero mahal mo naman si Jemea"

Matagal akong napatulala bago nagsalita ulit. Parang sirang plaka kasi na paulit-ulit sa utak ko ang Dalawang Linggo eh dalawang araw lang yun.

"M-manang?.dalawang araw lang akong nawala at bukas kasal na namin ni Jemea".pagkasabi ko non ay bigla nalang yumuko si Manang.

Bakit? Parang kinakabahan ako ah.

"Yun nga hijo eh, nagpakasal na si Jemea sa iba"lungkot niyang sabi.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Manang. Parang ang hirap paniwalaan ng lahat.

Bakit ganon? Nagpakasal si Jemea sa iba na ganong kadali?

"Nagbibiro lang po kayo Manang and that's not a nice joke!"

"Totoo ang sinasabi ko, Lance. Galit ang magulang ni Jemea sayo. Hindi nila akalain na tatalikuran mo si Jemea eh maayos naman kayong dalawa ah. Wala namang problema sa inyo. Ang ipinagtataka nila kung bakit nawala ka nalang bigla ngayon pang nalalapit ang kasal niyo. Hinanap ka nila ngunit di nila alam kung nasaan ka. Nalungkot rin si Jemea, kita sa kaniyang mukha na nasasaktan siya. Kaya yung parents niya ay pinakasal nalang siya sa iba na kakilala rin nila. Pumayag rin naman si Jemea kahit ayaw niya. Wala naman siyang magagawa kasi iyon ang gusto ng magulang niya, ang maikasal siya. Pinakasal siya sa araw na iyon ngunit sa ibang lalaki, para rin daw hindi sila mapahiya sa kamag anak nila sa labas." Mahabang paliwanag niya.

"Ganon nalang yun? Akala k-ko ba m-mahal niya ako. Bakit hindi siya naghintay.? Bakit pumayag siya agad? Bakit!?"

Hindi ko alam pero nagagalit ako. Nagagalit at naiinis ako sa mga nangyayari. Itong puso ko, parang pinunit. I love Jemea so much, seeing her marrying to someone else, it kills me.

"Huminahon ka Lance, yun na ang desisyon nila. Nasa US na siya ngayon sa husband niya, sinama siya don. Sorry talaga Lance" sabi ni Manang sabay tapik sa balikat ko. Yayakapin sana ako ni Manang pero bigla lang akong tumayo. Pinipigilan kong huwag umiyak sa harapan niya.

Nasasaktan ako. Feeling ko may sasabog sa mga mata ko. Feeling ko wasak na ang puso ko. Ang sakit! Ang sakit sakit na malaman na kasal na pala siya. Mahal ko si Jemea, ngunit bakit niya ako pinagpalit na ganon lang kadali? Dahil ba takot silang masira ang pangalan nila.? Akala nila hindi ko alam na ang habol ng pamilya niya ay kayamanan lang?

Nakayukom ang mga kamay ko. Pinipigilan ko ang aking sarili na huwag umiyak.

"Akyat muna ako sa taas" sabi ko kay Manang.

"Sige. Maya maya ay dadating narin mga magulang mo. Magpahinga ka muna." sabi niya at niyakap ako. Hinintay ko lang na humiwalay si Manang sa pagkakayakap sa akin at naglakad na paalis sa sala.

Habang paakyat sa taas, ang aking mga luha ay mabilis na nagsilabasan, kasabay non ang sakit na nararamdam ng puso ko.

Nakakabakla! Bwesit! Ang sakit-sakit talaga. How can she afford to marry someone else easily.? Nakakainis talaga yang mga magulang niya. Kung hindi lang siguro ako mayaman siguro hindi sila papayag na ipakasal si Jemea sa akin. Pero kahit ganon alam ko na plastikan lang ang pinapakita nila sa akin. At sa pera lang talaga sila may paki.

Why does people always run the money? Without them knowing that they're already destroying someone life. Pati si Jemea ay nakontrol nila, inilayo nila sa akin.


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
genhyun09 genhyun09

Hello Filipino Readers out there. Thank you for spending your time reading this story of mine. I don't know if it is good. I'm trying to be a good writer like the others. I'm so sorry for my grammar and also some typos.

Kindly comment your thoughts about this chapter and vote if you like.

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C6
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión