Descargar la aplicación
73.33% Aloha (The First VIP Club Trilogy) / Chapter 11: Chapter 11: Strange

Capítulo 11: Chapter 11: Strange

Pumasok ng tuluyan ang doctor, napaayos naman siya ng upo."Hi Don Javier." bati nito kay Don tumango naman ang Don dito na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng newspaper Medyo bata pa ang doctor nasa mid 30's pa ito.

"Thirdy? Ikaw ba 'yan? Long time no see!" kita sa mukha nito ang pagkagulat at may halong saya. Mayamaya ay yumakap pa kay Third. "Yes Shan, ako nga 'to." anito

So close pala sila, hindi niya mapigilang mainis. Kung makipagharutan ito parang wala tao sa harap nila. Tumikhim siya kaya kumalas ang babae. Ngumiti itong bumaling sakanya.

"Hi Aloha right? Ang ganda naman ng asawa mo Thirdy." komento nito.

Umayos siya ng upo at isinandal ang likod sa headboard. Nanginit ang kanyang mukha sa sinasabi ng Doctor.

"Ofcourse, Shan. Magaling kasi akong pumili."

Tumingin siya kay Third dahil sa gulat sa sinasabi niya sa babaeng doktora, kinikilig naman itong bumaling sakanya. "By the way, I am Dr. Shanon Tan, you can call me Shan. Magkaibigan din naman kami nitong asawa mo so we can be friends?" anito at ngumiti sakanya ng matamis bumakas tuloy ang dalawang dimples na lalong nagpaganda dito. Medyo kulot ang buhok nito na lagpas balikat.

Walang isang salita ang lumabas sa bibig niya, she is speechless. Ang bait naman pala ng Doktora, Nagtatakang bumaling ang tingin niya sa binata. Parang totoo ang mga sinasabi ni Third nanunuot 'yon sa kanyang puso.

"Doc ano pala ang nangyari bakit hinimatay ang pasyente namin?" agaw pansin naman ng Don na nakalapit pala sa kanila. "Oh. Well, wala naman po kayong ikabahala sa daughter-in-law niyo Don Javier. She is stress," tumingin ulit ito sakanya."I recommend that you should take a rest Aloha."

Nakahinga siya ng malaman niya na hindi naman pala malala. Tama ang doktora, stress nga siya sa pag aaral at lalo na kay Third. Ginugulo ng lalaki ang kanyang isipan. Hindi niya malilimutan ang mga binitawan nitong salita kagabi at kanina sa labas ng club.

"Thirdy alagaan mo ang asawa mo. Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo si Aloha, bawal sakanya 'yan." tinapik nito ang lalaki.

"Sana tumulad sayo ang kapatid ko, ang tanda na pero wala pa rin planong mag asawa." ani Shan bakas sa boses nito ang pagsuko sa kapatid.

Umiling naman si Third na nakangiti, masyado yata itong nag e' enjoy sa sariling palabas. "Doc kailan ako makakalabas?" aniya na tumawag ng pansin ng Doktora.

"Tomorrow Aloha, pwede ka ng lumabas." tumango naman siya rito at humiga na ng maayos.

"O siya maiwan ko na kayo Thirdy, Don Javier. Kung may problema tumawag lang kayo sa telepono." bilin nito.

"Thanks Shan." ani Third, kumakaway lang ito at lumabas na ng tuluyan.

Pumikit naman siya, parang inaantok na siya gusto niya lang matulog. "Dad, can you leave us?" narinig niyang sabi ni Third sa ama. Maya maya ay bumakas ang pinto, siguro ay lumabas na ang Don.

"Gising kapa ba?" narinig naman niyang sambit ng lalaki.

Dumilat siya, nakita niya ang seryosong tingin mula rito. Bumaling naman siya sa kawalan dahil naiilang na naman siya. "I'm sorry sa nangyari Aloha. Hindi ko sinadya." anito na nagpabalik ang tingin niya dito.

"Hindi ba? Husgahan mo na lahat huwag lang ako Third dahil hindi mo ko kilala."

"Look I'm sorry. Ano ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko." pagsumamo nito, nasa boses ang sinseridad.

"Just stay away from me." aniya

"Iyan ang hindi ko gagawin. Let me take care of you starting today."

***

Kinabukasan ay lumabas na nga siya sa hospital. Hindi nga siya pinapabayaan ni Third, nasa tabi niya lang ito. Pinauwi pa ni Third ang ama at sinabing ito na ang bahala sakanya. Hindi niya inaasahan na tuparin ng lalaki ang sinabi kagabi.

Ang akala ni Aloha ay ihatid siya sa bahay ni Third pero hindi. Inuwi siya bahay ni Don Javier. "Third bakit dito mo ko dinala, ihatid mo ko sa bahay ko!" parang wala itong narinig na umibis ito at pinagbuksan siya ng lalaki at agad na binuhat. Napatili naman siya hindi siya baldado para buhatin. Kaya naman niyang maglakad. "Third! Hindi ako baldado." sigaw niya habang sila ay papasok ng bahay baka makita pa sila ni Manang Fe at ni Don Javier nakakahiya.

"Let me care for you Aloha, dun sa bahay mo mag isa ka lang dito maraming mag aalaga sayo. Nandiyan si Manang Fe, si Dad at ako." anito napalunok siya, ang sarap pakinggan na may mag aalaga sakanya.

"Stop it! Please I can walk. Baba mo ako!" protesta niya. Pero hindi natinag ang lalaki, hanggang papasok ng kwarto ni Lovie ay buhat pa rin siya nito na para bang bagong kasal. Nakahinga siya ng pumasok sila sa kwarto ni Lovie, Thanks god walang tao sa bahay.

"Anong gusto mong kainin ipaghanda kita." anito sabay ingat na lapag sakanya sa kama. Kung hindi lang sana ito bumawi sa kasalanan ay aakalain niyang totoo ang ipinapakita nito.

Hindi niya namalayan na ang lapit pala ng mukha nila sa isa't isa. Ang gwapo pala ng lalaki, umagaw ng pansin niya ang kulay brown nitong mata at ang maitim na pilik mata. Ang tangos pa ng ilong at ang manipis na labi, napalunok siya ng ilang beses.

Mukhang masarap hagkan.

"Aloha." anito na kinakaway pa ang kamay nito, napabalik naman siya sa diwa.

"Ha? Ano nga 'yung sinabi mo?" aniya na parang nataranta. Nakatitig kasi si Third sakanya at naiilang siya.

"Magpahinga ka muna, magluluto lang ako. Matulog ka." anito at tuluyan na itong lumabas.

Parang nakahinga naman siya nang lumabas ito. Hindi kasi niya maintindihan ang nararamdaman niya kanina, may mga paru paro na lumilipad sakanyang tiyan. Kahit hindi niya aminin ay kinikilig siya ginagawa ni Third, kahit alam niyang bumabawi lang ito at tumupad sa pangako na aalagaan siya. Hindi naman niya kailangan ng kalinga mula rito dahil maayos na siya. Kayang kaya na niya ang sarili. Kung hindi lang din ito mapilit ay hahayaan na niya. Wala itong obligasyon na aalagan siya dahil hindi naman niya ito ka anu-ano at hindi siya sanay na may nag aalaga sakanya.

At lalong ayaw niyang bigyan ang sarili na pag asa may taong darating at samahan siya sa laban ng buhay. She with herself is enough to fight of any battle in life. It was her best weapon, humilata siya sa kama, hinihila siya ng antok ang bigat ng kanyang talukap kaya napipikit siya. She will take rest. Ang bigat kasi ng pakiramdam niya.

One thing that she will never forget, distance herself for Third, a bit strange feeling bothered her. Dahil alam niyang malayo siya sa babaeng gugustuhin nito.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C11
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión