Gusto kong maging ikaw, kayo,
Ngunit tadhana na ang nagpayo,
"Huwag kang magpasailalim sa masamang budhi..."
"Kung ayaw mong maranasan ang bunga ng sanhi."
Masama bang gawin ang gustong gawin?
Oo at hindi, kung alam mo ang iyong kahaharapin,
Ngunit binigyan tayo ng kalayaan,
Para sa ano pa kung di rin maisasakatuparan.
Kung may gusto may paraan,
Gagawin ang lahat masunod lamang ang inaasam,
Kung ayaw may napakaraming dahilan,
Sabi rito, sabi roon, di iniintindi ang dinaramdam.
Pinipilit gawin sa ikalawang beses,
Kahit sinasabihan na huwag, iyan kasi ang interes,
Gagawin at gagawin maibsan lang ang pagkabagot,
"Sapagkat wala kaming magawa.", iyan parati ang kanilang sagot.
Pero gusto ko talagang maranasan,
Mga butil at ilog na pula na dumadaloy sa aking katawan,
Ibang klasing kalangitan ang hatid ng inaasam,
"Gusto ko pa!", "Gusto ko pang damihan pa!" iyan ang aking pakiramdam.
Masama raw pumatay, ngunit nakakagigil manood ng pumapatay,
Gusto kong ako ang may hawak ng materyales para sa nakaratay,
Humahagikgik, humahalakhak, resulta ng naipong pagkasabik,
Matutulis, Matatalas, tila parang kakatay lang ng biik.
"Bang! Bang! Bang!" Nakakabinging putok ng kamatayan,
Gusto kong makipagbarilan, kahit sino man yan,
Alingawngaw ng bawat siagw, iyak ng katawang pinipilit,
"Wag na, pwede ba?!", Talo ka na sa alrong ikaw ang nagpumilit.
Malinis akong tao, sa loob at labas, di ba halata?
Di ako marumi, nasa paligid ko ang mga marurumi, mga nagsasalita,
Dalisay ang aking dugo't pag-iisip, walang bahid ng malisya,
Isama ko na rin sa pagkadalisay ang aking pinakamamahal na konsensya.
Sa katunayan, iniisp ko na kailangan ng magbawas ng tao,
Magbuboluntaryo akong sumali, sa ganyang palaro,
Napakaganda di ba ng laro, 'Laro ng Buhay',
Lahat pwedeng sumali, basta kaya mong ipagtanggol ang iyong nakakaawang buhay.
Ako'y isang taong handang tumulong sa nangangailangan,
Kung ayaw mong madungisan, bayaran ako't ako'y lalaban,
Para sa iyong inaasam, para sa aking pansariling kasiyahan,
Sabay nating wakasan ang nakakayamot at tahimik na kamunduhan.
pasensya na kung matagal nawala. wala po akong pera pan-internet/pisonet kaya nagpapart-time po ako para may pampainternet lang. Baka bukas pa ako sweswelduhan, kupit lang tong pang-internet ko hehe. kabayaran sa ilang araw na walang update... "DOUBLE UPS AKO!!" heheh keep reading!