Descargar la aplicación
9.34% WANTED PROTECTOR / Chapter 10: Chapter 9 - The Reputation

Capítulo 10: Chapter 9 - The Reputation

MEDC OFFICE...

Mabilis na naglalakad deretso sa opisina ang dalaga na sinundan naman ng kanyang gwardya habang binabati sila sa lahat ng dumaraan.

"Good morning Ms. Ellah!"

Hindi man lang ito pinansin ng amo habang may kausap sa cellphone.

Ang kanyang gwardya ang taga sagot sa mga pagbati sa kanya habang iritado siya sa kausap.

"What do you mean reject Mr. Guevara?" tanong niya sa manager ng planta.

"Ms. Lopez, I'm sorry to say but what you delivered here didn't even catch fire it was full of soil." 

"What?"

 "I have to go Ms. Lopez, I'm sorry," pinatay na nito ang linya.  

Kausap niya kanina ang marketing manager habang nasa mall pa at sinabi nga nitong na reject ang sampung trak.

Kung susumahin ay malapit na itong magkahalating milyon.

Muntik ng mawalan ng malay si Ellah pagdating sa opisina at binati siya ng sekretarya.

 "Ms. May problema po..." 

"Jen, call the Production Manager, I'll talk to him." 

"Yes Ms." 

Binalingan niya ang gwardya.

"Mr. Villareal, you can go," utos niya at umupo.

Tahimik namang umalis si Gian.

Kadalasan sa mga problema ng mayayaman ay pagkalugi sa salapi ngunit iba ang babaeng ito.

Naalala niya ang sinabi ng amo nang tanungin niya.

"Reputation. Takot akong mawala ng reputasyon.

Gagamitin na naman nila 'yon laban sa akin para mapatalsik ako.

I guess you're right, I am a useless woman." 

Umiling si Gian.

Hindi niya hahayaang magiging walang silbi ang naturang babae.

'Hindi ngayon.' 

Isinandal ni Ellah ang likod sa swivel chair.

Sumakit bigla ang kanyang ulo dahil sa lugi.

Ang mawalan ng milyon ay hindi naman malaking problema sa kanila, ngunit hindi pagdating sa kanyang reputasyon.

Huwag ang kanyang reputasyon! 

Ilang saglit pa dumating ang production manager.  

Agad siyang tumayo.

 

"Mr. Valdez, alam mo ba ang ginawa mo sa akin?" 

"I am sorry Ms..." 

 

"Seven hundred thousand is worth for your separation pay. " 

" Saglit lang Ms. Huwag naman kayong ganyan, hindi naman po tama 'yan! "  

"You ruined my reputation. The contract on GMC is at stake! I am on the verge of failure and we lost almost a million do you think it's not fair?" 

"I... I am sorry Ms." Napayuko ang lalake.

" Yes Mr. Valdez! Now I'll ask you, can you bring back the lost?"

Hindi nakatugon ang kausap.

" N-no pero mag-iimbestiga ako alam kong may ibang gumawa nito... " 

" You don't have the right to investigate because as of this moment you are FIRED! "

Natigagal ang lalake.

" Wait a minute Ms.! You didn't even give me a chance to explain! I can file a case against you! "

Kumuyom ang kanyang kamay.

 

May karapatan itong magreklamo ngunit may karapatan din siyang sipain ito.

" Alright! Explain! "

Bumuga ito ng hangin.

" Paanong hindi mo nalamang nahaluan ng lupa ang produkto? Are you blind or just plain stupid!"

"Ms. May emergency sa bahay namin, sinabi ko sa supervisor at wala akong alam tungkol dito." 

" Sapat na bang katwiran 'yan Mr. Valdez?" 

Magsasalita pa sana ito nang bigla siyang nagsalita.

"Paanong hindi mo alam ang pinagagawa ng tauhan mo?"

"Ngayon lang naman ito nangyari Ms. habang wala ako!"

"Sinasabi mo bang kasalanan ito ng supervisor?"

Katahimikan.

"Kayo ni Mr. Santos ay parehong matagal ng empleyado rito, but I trusted you more than him."

"I am sorry Ms. Pero hindi lang ako ang dapat sisihin dito.

May mga balitang kukuhanin ni Santos ang posisyon ko kaya ginawa niya ito! Plano niya ito! "

" Responsibilidad mo ito! Tauhan mo sila. Hindi mo inayos ang trabaho mo kaya ito ang resulta! "

" I am sorry."

" Can your apology pay for the loss? "

" No. Pero bakit hindi mo rin siya imbestigahan! Napaka unfair naman niyan! "

Bigla niyang hinampas ng kamay ang mesa sa sobrang iritado.

"You have no right to tell me what to do!"

Napayuko ang lalake.

"Makakaalis ka na Mr. Valdez, huwag kang mag-alala makakatanggap ka pa rin ng separation sa apat na taong trabaho. "

" Ms. Parang-awa mo na!" Lumuhod ang empleyado sa kanyang harapan ngunit nanatili siyang matigas.

"I'm sorry Mr. Valdez but I don't give second chances." 

Pinindot niya ang intercome na naka derekta sa mga gwardya.

"Get Mr. Valdez out of here." 

Naalarma ang lalaki at nanlalaki ang mga mata.

"Ms. Ellah! Sorry ..." 

"I'm sorry too, pero sinira mo ang tiwala ko." 

Pumasok ang dalawang gwardya at hinawakan ito sa magkabilang braso.

"Ms. Please! Isang pagkakataon pa!" 

"You're done explaining Mr. Valdez!" 

"Makakarating ito sa chairman!"

Umiiyak ang lalake habang hinahatak palabas.

Ang abuelo niya ay hindi mangingialam hanggat kaya niyang hawakan ang isang sitwasyon.

Ang susunod niyang gagawin ay interogahin ang supervisor.

"Mr. Santos, ano bang nangyari at hindi mo alam ang ginawa ng tauhan mo?"

"Ms. Ellah, sa totoo lang, sinuri ko ng mabuti ang produkto bago ipa deliver kaya nagtaka talaga ako bakit na reject."

"You did not do your job well."

"I did Ms. But I know that Valdez planned all this."

"Anong ibig mong sabihin?"

"May mga bali-balita ritong kumakalat na gustong gumanti sa'yo."

"What?"

"Noong nakuha mo ang kontrata na three percent, ipinahiya siya noon ni President Go. May negosasyon na kasi sa pagitan ng production manager of BMG company at sa kanya, pero sumali ka kaya iyon ang kinagalit niya Ms."

"Totoo ba 'yan?"

"Yes Ms. Hindi mo ba siya tinanong? Pero pakiusap sa atin lang ito, takot kasi ako kay President Go."

"Pero sa akin hindi ka takot?"

"H-hindi naman sa ganoon."

"Inalis ko na si Mr. Valdez.

In the meantime, ikaw muna papalit habang wala pang bagong aplikante."

" Ha? Pero Ms. Hindi ba dapat ako naman talaga ang kapalit?"

"Hindi pa ako sigurado kung sino ang papalit sa'yo bilang supervisor Mr. Santos, ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko. Pero sige, pag-iisipan ko. "

" Thank you Ms. Ellah! "

Huminga ng malalim ang dalaga.

Alam niyang isa sa mga ito ay nagsisinungaling.

Ang dalawang pinagkakatiwalaan niyang tauhan ay parehong nag sinungaling, subalit hindi siya titigil hanggat hindi malalaman kung sino ang nagsasabi ng katotohanan.

Ngunit ang panatilihin ang manager na siyang naging responsable nito ay hindi katanggap-tanggap.

Mabilis lumaganap ang balita sa pagkatanggal ng Production Manager.

Ang Supervisor ang pumalit.

Ang bagong Production manager ay kaharap ngayon sa kanyang opisina ang napatalsik.

"Inaakala mo bang makakaligtas ka rito!" Halos lumitaw ang litid sa leeg na singhal ni Mr. Valdez na nagpaliyab ng kanyang galit.  

"Bakit hindi mo tanggapin ang kapalaran mo? Ito na ang kapalit sa ginawa mong katangahan!"

"You planned this!" Ibinagsak nito ang kamay sa mesa.

"Don't turned the table here! Kasalanan mo itong lahat!

Huwag kang umasta na parang inosente! Ginawa ko ng maayos ang trabaho ko pero sinira mo sa pag-aakalang kakampi mo ang Presidente!"

"Ano!" 

"Get out in my office Mr. Valdez before the security dragged you." Itinuro niya ang pinto. 

"Tandaan mo ito Santos!" Dinuro siya nito sa mukha.

"I'll get my position back no matter what!" sigaw ng dating manager bagi lumabas.

Ang bagong Production Manager ay nakangiti at masaya habang naglalakad palabas.

"Congratulations Mr. Santos, you deserved it, " isa sa mga empleyado ang bumati.

"Thank you." 

Nang makarating s parking area, binuksan niya ang pinto at akmang papasok na nang biglang may maalala.

"Shit, nakalimutan ko pa ang phone ko." 

Nagmadali siyang tumakbo pabalik sa opisina upang kuhanin 'yon.

Ipapasok na niya sana ang susi ngunit nang hawakan niya ang doorknob ay bukas pala.

Kumunot ang kanyang noo.

"Nakalimutan ko bang isara?"

Ngunit ilang sandali pa, sigurado siyang hindi.

Kinabahan na siya na posibleng may tao sa loob.

Agad siyang pumasok.

Tahimik ang lugar at malinis.

"Nakalimutan ko ba talagang isara ang pinto?"

Binalingan niya ang pinto mula sa labas.

Lumingon siya upang umalis na ngunit bigla na lang tila may pumisil sa kanyang leeg at ilang segundo pa ay nawalan na ng malay-tao.

Makalipas ang ilang sandali, binuksan niya ang mga mata.

"Gising ka na sir."

Binalingan niya ang tauhan. "Nasaan ako?" 

"Nasa clinic po sir. Nakita kita sa opisina mo nakahiga sa sahig kaya dinala kita rito."

"Alam ko na kung sino may kagagawan nito!" Itinaas niya ang ulo.

"Agh!" nararamdaman niya pa rin ang kirot sa leeg.  

"Ano bang nangyari sir?" 

"May sumapak sa leeg ko sa loob ng opisina ko at kilala ko kung sino ang gagong 'yon!"

 

"Sino?" 

Naalala niya ang huling habilin ng dating manager.

"Tandaan mo ito Santos! I'll get my position back no matter what!"

"That fucking Valdez, gusto niyang gumanti!" 

"Gusto mong balikan sir?"

"Palalagpasin ko ito, pero hindi na sa susunod.

Hindi niya lang matanggap ang katotohanan, isa pa nasa akin ang tiwala ni Ms. Lopez."

Si Ellah, at ang mga opisyales ng kumpanya ay nagtitipon sa loob ng conference room habang ini-interoga.

"This is one of the disadvantages of a woman who knows nothing about the operation." Ang pahayag ng Chief Operating Officer. 

"How can we get back the contract on GMC plant? Hindi mo kayang i-manage ang business dahil babae ka. There are things that only men can do!" Ang Vice President. 

Mariing ipinikit ng dalaga ang mga mata upang kumalma at mahinahon.

Hindi na ito bago kapag may nagagawa siyang pagkakamali, mabuti na lang ang chairman ay hindi dumadalo kapag ganitong pinapatawag siya.

Tiwala si don Jaime na kaya niyang dalhin ang sitwasyon.

"Nalugi tayo ng kulang isang milyon. You ruined the company's name. You need to step down in your position!" Dinuro siya ng Chief Financial Officer.

Pagkarinig sa naturang pahayag ay iminulat ni Ellah ang mga mata at matalim na tinitigan ang lahat.

"Kaya kong bayaran ang nawalang halaga, pero hindi niyo kayang bayaran ang paninira ng reputasyon ko." Binalingan niya ang huling nagsalita.

"Listen! If you don't have good words to say shut the hell up!" 

"Hah! Ikaw lang naman ang sumisira sa reputasyon mo!" Niluwagan ng CFO ang necktie na suot na para bang hindi ito makahinga.

"The chairman should know this!" 

Itinaas ni Ellah ang noo at nagdeklara. "In case you forgot, I am the heiress!"


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C10
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión