"Wait—what? You mean, Mr. Fortaliza?"
This ain't real. I can't believe Kim and Mr. Fortaliza has been engaged and they are getting married. Ang lalim ng galit nila sa isa't isa noon. Ilang beses nang nareport si Kim dahil sa kan'yang ugali. Hindi ko alam kung ano ang kinagagalitan nila sa isa't isa. I wondered if they really hate each other before?
Naalala ko pa noong panahon na pinatawag si Kim ni Mr. Fortaliza sa kan'yang opesina habang ako naman noon ay naghihintay kay Kim na matapos na. Matagal bago makalabas si Kim na nakabusangot at hindi maipinta ang mukha. Naging tulala s'ya hanggang sa pagpunta namin sa canteen.
Parang bomba, may palaging surprisa. Hindi pwedeng hindi ka nagugulat. Malaking rebelasyon 'yon sa'kin. Hindi ko inaasahan iyon. Kung iisipin ng ibang tao, hindi nila mahahalata na may namamagitan sa kanila noon. I can't imagine them being so in love with each other. Oo, napakagwapo ni Mr. Fortaliza na halos lahat ng mga babae ay hahabol sa kan'ya at hangaan s'ya sa malayo pero hindi ko inaasahang si Kim ay magiging ganito ka in love sa kan'ya.
Matagal bago nag sink in sa'kin ang sinabi sa'kin ni John hanggang sa napansin kong lumalapit na s'ya. Hindi ako naging handa kaya nang tuluyan s'yang makalapit ay naikulong na n'ya ako gamit ang magkabilang kamay na nakakapit sa railings.
Naaamoy ko na ang natural na bango n'ya dahil sa paglapit n'ya. Hanggang ngayon ay gano'on parin ang bango n'ya noon.
"W-what are doing?" Bigla akong nataranta.
"Don't move." He said. His face became serious. Nagtataka man pero ginawa ko pa rin, hindi ako gumalaw.
Tinitigan n'ya 'ko ng matiim. Nailang ako, iniwas ko ang paningin ko. Ayokong tumitig sa kan'ya. Alam kong mahina ako pagdating dito lalo na kapag sa kan'ya.
"Look at me." Hinuli n'ya ang paningin ko. Gusto ko pang umiwas pero mas lalo pa akong hindi naging komportable kaya wala akong nagawa kundi tumitig sa mga mata n'ya.
"Bakit mo 'ko iniwan?" Biglang tanong n'ya na ikinagulat ko. Sa tanong n'ya ay hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng ideya kung paano s'ya sasagutin.
"I don't have to explain it all to you, John. There's no need so please, stay away from me."
I moved my head backward when he suddenly moved his head towards mine. "Answer me, Emy." Mas lalo n'ya pang inilapit ang mukha n'ya sakin hanggang sa maglapat ang ilong namin.
"I thought you were totally gone out of my life." Iyan ang linya n'yang binitawan at dinugtungan n'ya pa na mas lalo pang nakapasakit at nakapasira ng tuluyan sa puso ko. "Kayong dalawa ang nawala sa buhay ko."
Gusto nang kumawala ng mga luha sa mga mata ko. Hindi ba pwedeng ako lang muna? 'Yong ako lang muna ang piliin n'ya kahit ngayon lang. Bakit kailangang dalawa kami sa buhay n'ya?
Ewan ko kung kailan n'ya ako titigilan. Ilang beses na n'ya akong sinaktan at pagod na pagod na ako. Hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ang sakit na nararamdaman ko noong sinaktan n'ya ako anim na taon na ang nakaraan.
Gusto kong sampalin s'ya, I really hate him. "Tell me, John."
"What?"
"Did you just use me?"
Have some idea about my story? Comment now and let me know. :)