"Sabihin mo, mahal mo ba ako?" Tanong ko kay John matapos ang mahabang katahimikan.
"Em—"
"Bakit mo 'ko hinalikan kung hindi mo man lang ako nagustuhan o kahit kunting pagmamahal lang?" Tumingin ako sa kan'yang mukha na umiiwas sa mga mata ko. Mahigpit s'yang napahawak sa manubela.
"Emy, listen to me, okay?" Tumingin s'ya sa diriksyon ko. "Gusto nga kita, can't you understand?"
"Hindi, John. Dapat ikaw makinig sa'kin. May kasintahan ka, mahal n'yo ang isa't isa. Ako? Anong ba sa tingin mo ang nararamdaman ko? Mahal mo ba ako, John? O minahal man lang? Kasi ako, oo eh. Mahal kita eh, mahal na mahal. Noon pa. Sabihin mo, John, gusto kong malaman."
Mas lalong umiwas ang mata ni John sa'kin at hindi ko alam kung masasaktan na ba ako kahit hindi pa n'ya sinasabi sa'kin kung mahal n'ya ba ako o hindi.
"I love her more, Emy." Sambit n'ya na mas lalong napabigat sa dibdib ko. Hinintay kong magsalita s'ya ulit. Hanggang sa isang minutong katahimikan ay hindi pa rin s'ya nagsalita. Pero binigyan ko s'ya ng ilang segundo, umaasang baka dugtungan pa n'ya hanggang sa hindi ko na talaga kaya at nagsalita nalang ako habang walang ganang ngumiti.
"Hindi kita maintindihan, John.. hanggang kailan hindi kita maiintindihan. Sinabi mong mas gusto mo ako, ngayon, sinasabi mo na mas mahal mo s'ya? Ano ba, John? Alam ko namang mas mahal mo s'ya eh, pero hindi naman kailangang sabihin sa'kin na mas gusto mo 'ko dahil aasa lang ako. Iisipin ko lang na baka.. mas mahal mo 'ko. Pero ngayon, pinapalito mo na ako eh." May namalisbis na luha sa pisnge ko at agad ko namang pinunasan iyon gamit ang kamay ko. "Bakit ko ba sinabing mahal kita? Ayon tuloy, nasaktan ako. Akala ko kaya mong suklian iyon. Tangina, dahil sa'yo napapamura ako eh. Dahil sa'yo, nagiging masamang tao ako." Sabi ko at ngumiti ng peke. "Geh, mauna na ako. Ang kapal ng mukha ko, no? Hindi mo naman ako kaano-ano, ba't ba 'ko sumasakay sa kotse mo? Sa tulad kong 'to, bagay ba 'ko dito?" Tumawa ako at agad na binuksan ang pinto ng kotse ni John.
"Emy—" lumabas na ako ng tuluyan at hindi na s'ya hinayaang magsalita pa ng kahit na ano.
Ayokong magsalita s'ya ng kahit na ano, masasaktan lang ako. Ba't ko ba inamin na mahal ko s'ya? Ang tanga ko. Patuloy lang akong naglalakad at hindi ko namalayan na patuloy nang nahuhulog ang mga luha sa pisnge ko.
Hindi ko namalayan na napadaan ako sa bahay nila Kim at bigla akong napahinto nang nakita ko na naman si Mr. Fortaliza hindi kalayuan sa unahan ko pero dinig na dinig ko ang sinabi n'ya sa kabilang linya ng selpon n'ya.
"Please—Don't do this to me.... I'll follow you, then—Oh, yes. You know that I can do that— And I didn't know that you would have the power to leave me... Oh well, I'd been looking for you all day and you were just there?— London, really? Fuck! I won't let you, babe."
Kumunot ang noo ko nang tumingin si Mr. Fortaliza sa bahay nila Kim habang tumatagis ang bagang.