Descargar la aplicación
20.75% Her Way of Action (TAGALOG) / Chapter 11: 23

Capítulo 11: 23

Pagkatapos n'ya akong dalhin doon ay umalis na kami nang dumilim na ang langit. Bago pa ako ihatid ni John ay dumaan muna kami sa bahay nila. Pinapasok n'ya ako pero nakita ko agad ang isang babaeng maganda pero mas matanda pa sa'min ni John.

Napakaputi nito at ang kinis ng balat. Nakakainggit ang kan'yang ganda, talagang magaganda at gagwapo ng mga lahi ni John.

"Tita? Why are you here?" Nakakunot ang noong tanong ni John.

Agad na tumayo ang tita ni John at agad s'yang niyakap. "God! I missed you, young man!"

Nagulat ako nang biglang tumingin sa diriksyon ko ang tita ni John habang nakayakap dito.

Agad akong kinabahan nang lumapit s'ya sa'kin at tumitig ng matagal. Pupuriin kaya n'ya ako tulad ng tita Lucy ni John? Hindi lang maganda pero mababait din.

Hindi ko inahasan ang mangyayari sa susunod. Agad na lumaki ang mata ko nang bigla nalang bumaling ang mukha ko sa kabila. Hindi ko inaasahang gagawin n'ya ang pagsampal sa'kin ng malakas. Hindi ko inakala na magiging ganito ang mangyayari, akala ko ay mabait s'ya pero nagkakamali ako.

Napahawak ako sa pisnge kong sinampal n'ya. Titingin na sana ako sa kan'ya nang bigla na naman n'ya akong sinampal sa kabila. Hindi man lang n'ya ako binigyan na chansang tumingin man lang sa kan'ya kahit kunti lang.

Nagpapatuloy parin ang pagsampal n'ys sa'kin, kaliwa at kanang bahagi ng mukha ko. Napapapikit nalang ako sa sakit hanggang sa nawalan ako ng balanse kaya natumba ako. Ang hapdi ng mukha at nagsisimula nang manghilo ang paningin ko.

"Emy!" Narinig kong sigaw ni John at agad kong narandaman ang kamay n'ya sa magkabilang balikat ko. Sumama ang mukha ni John sa tita n'ya. "How dare you! Why did you do that?!"

Sarkastikong ngumisi ang tita n'ya. "Why? She deserves that. Naaawa ka ba?" Tumawa ito ng mapakla. "Isa s'yang malandi! Sinong tatanggap sa isang katulad n'ya na inagaw ang para kay Kim. I like Kim so much for you and that's how you replace Kim to you?" Umiling ito. "No. I won't let you break up with Kim. Come to think of it, look at her outfit, she's disgusting."

"Tita..." Tumatagis ang bagang na sambit ni John sa tita n'ya at dahan-dahang tumayo."I won't forgive you. You're more than disgusting and you don't deserve to be called as my tita. You're just adopted daughter of lola."

Agad na namula ang mukha nito sa galit. "Don't you ever mention it again! I'll throw you out of this house. I'm your tita."

"Try harder, Gina." Aniya at pinatayo ako. Nang may lakas na akong tumayo, nagsimula na akong maglakad palabas ng bahay nila John. Hinabol n'ya ako at hahawakan n'ya na sana ang kamay ko pero tinabig ko iyon at lumabas ng tuluyan.

"Emy. Don't leave me."

Hindi ko s'ya sinagot pero agad akong pumasok sa kotse ni John at doon s'ya hinintay na pumasok.

Pumasok s'ya at tumingin sa'kin na parang nagpapasensya. Huminga ako ng malalim at tinitigan s'ya, sumasakit ang dibdib ko habang nakatingin sa kan'ya. May pagsisisi akong nakita sa kan'yang mga mata at gustong gusto kong pawiin iyon pero sa nangyari ngayon, mukhang ayoko muna s'yang aliwin.

Huminga ulit ako at walang hiya-hiyang sinabi sa kan'ya na, "mahal mo ba ako, John?"


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C11
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión