Kasalukuyan akong hinahatid ni John nang may bigla nalang lumabas sa bibig ko na hindi ko inasahang ikatigil ng sasakyang minamaneho n'ya.
"Hindi ko pa nakikita ang mga magulang mo. Nasaan na pala sila?" Nagulat ako nang bigla n'yang pinahinto ang sasakyan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na parang nakasala, hindi ko alam pero parang mali yatang ibukas ang ganitong tanong. "Ah huwag nalang. Pasensya na."
"No, it's okay." Sabi n'ya at tumahimik ng sandali bago nagsalita muli. "Gusto mong makilala sila?" Malumanay n'yang sabi. Tumango ako at tumagis naman ang bagang n'ya. "I was traumatized by the death of my parents. They'd murdered because of me." Mas lalong nagtatagis ang bagang n'ya na ikakaba ng tingin ko. Ngayon ko lang nakita si John na ganito.
"Pasensya na." Sabi ko at habang nakayuko
"It's okay." Sambit n'ya. "I'm used to be like this, always like this."
Naaawa ako kay John kapag naiisip ko kung gaano s'ya naghihirap habang bumabalik ang nakaraan n'ya. Dapat may ginagawa ako para gumaan ang kalooban n'ya kaya wala sa sariling lumapit ako at hinawakan ang kabila n'yang pisnge para paharapin sa'kin. Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kan'ya.
"Ayokong ganito ka, John..." Bulong ko. Wala nang nagpipigil sa'kin. Ang puso at katawan ko ang s'yang nagtutulak sa'kin na gawin ito.
Tumitig ako sa mga labi n'ya at para akong naakit ng bahagya n'yang kagatin iyon at binasa ng kaunti. Ilang hibla nalang ang layo namin at maglalapat na ang mga labi namin. Naamoy ko na kung gaano ka bango ang mainit na hininga n'ya.
"John..." Bulong ko at dahan dahang inilapit ang labi ko sa labi n'ya nang may biglang pumasok sa isipan ko.
'Kim...'
Dahan dahan ko namang inilayo ang mukha ko at biglang sumikdo ang puso ko nang hahabulin na sana n'ya ang mga labi ko sa labi n'ya pero wala s'yang nagawa at napayuko nalang nang iniiwas ko ang mukha ko.
"Gusto kong dalhin mo 'ko sa kanila." Mahina kong sabi dahilan para mapasinghap si John at biglang tumigas ang mukha.
"Emy.. Ayoko." Nahihirapang sambit ni John.
"Gusto kong tulungan kita. Dalhin mo na 'ko doon." Sa sandaling iyon, parang naging maowtiridad ang boses ko at mas naging matigas.
Naging sunod sunuran si John at pinaandar ang sasakyan.
Ayokong maulit ang ginawa ko. Nahihiya ako sa ginawa ko at hindi ko alam kung matititigan ko pa ang mukha n'ya ng matagal.