Descargar la aplicación
39.28% I Love You, Now And Forever / Chapter 22: Chapter 22

Capítulo 22: Chapter 22

Matapos magluto at inayos ni Dani ang lamesa para sa kanilang pagkain. Si Axel naman ay nilagay sa lalagyanan ang mga pagkain niluto nila.

Si Axel ay nagluto ng Pork Bistek samantalang si Dani naman ay Beef Salpicao.

"Mukhang masarap ah!" Sabi ni Dani. "Of course, ako nagluto eh." Sabi ni Axel. "Yabang!" Sabi ni Dani. Nilagyan ni Axel ng pagkain ang plato ni Dani at ganoon din ang ginawa ng huli.

"Ang sarap! Pwede ka ng mag-asawa." Nakatawang sabi ni Axel. "Ikaw din, pwedeng pwede na." Sagot naman ni Dani. "Basta ikaw ang bride ko." Sabi naman ni Axel. "Oo ba." Sakay naman ni Dani. "Sabi mo yan ha?" Sabi ni Axel. "Basta ikaw ang magluluto palagi." Sagot naman ni Dani. "Oo ba, basta para sa mahal ko." Sabi ni Axel na ikinakilig ni Dani.

Habang busy sila sa pagkain ay tumunog ang phone ni Dani.

"Yes, Cleo?" Tanong ni Dani. "Ah, madam, alam kong busy kayo ng future husband mo pero hinahanap ka ni President pero hindi naman siya nagmamadali. Ang bilin niya eh tapusin ninyo muna daw ang paggawa ng apo nila saka kayo bumalik dito." Panunukso ni Cleo. Si Aubrey naman ay nakatawa. Namula naman si Dani.

"Kumakain lang kami, pagkatapos nito ay babalik na din kami diyan." Sabi ni Dani. "Aaaannnnnooooo!? Kumakain kayo ng ano!?" Tukso ni Cleo. "Cleo?" Sabi ni Dani. "Yes, madam?" Sagot ni Cleo. "You filed a vacation leave for next month, right? And I'm still thinking if I will sign it." Nakatawang sabi ni Dani. Nanlaki ang mata ni Cleo.

"Ma'am, nagbibiro lang po ako. Sasabihin ko po kay President na papunta na po kayo dito at walang kayong ibang ginawa kundi ang kumain lamang ng lunch. See you later, ma'am." Sabi ni Cleo at tinapos na ang tawag. Naiiling na natatawa naman si Dani sa biglang pagiging magalang ni Cleo.

"Si Cleo?" Tanong ni Axel at tumango si Dani. "Bakit daw?" Patuloy ni Axel. "Hinahanap daw tayo ni Daddy." Sagot ni Dani. "Pagkatapos nito ay bumalik na tayo. Baka may mahalagang sasabihin si Uncle." Sabi ni Axel at tumango si Dani.

Pagkabalik nila Dani at Axel sa mall ay dumiretso sila sa opisina ni Arthur at Esther. Nagulat sila dahil nandoon din sila Benjamin at Eleonor. Humalik ang dalawa sa mga magulang at naupo sa mga tabi nito.

"May problema ba, Dad?" Tanong ni Dani sa ama. "Wala naman iha. Gusto lang namin ipaalam sa inyo na may gaganaping convention ang mga young business entrepreneurs sa Cebu at kayong dalawa ang isa sa mga napiling speakers para sa event na yun." Sabi ni Arthur. "Pero dad, alam mong ayokong pumupunta sa mga ganoon." Sabi ni Dani. "Pero iba na ang situation ngayon, iha. Kilala ka na bilang tagapagmana ng PGM." Sabi ni Esther.

"Saka, iha, magkasama naman kayo ni Axel." Sabi naman ni Eleonor. Tumingin si Dani kay Axel at tinanguan siya nito. Bumuntong hininga si Dani dahil alam niyang wala siyang magagawa pero maya maya ay nakaisip siya ng ideya.

"Ok, Dad, mag-aatend kami ng convention in one condition." Sabi ni Dani na ikinakunot ng mga noo ng kanilang mga magulang. "And what's that?" Tanong ni Arthur. Ngumiti si Dani.

"Galing kami sa bahay ni Axel and we've talked na pwede naman kami magstay doon kaysa sa hotel. It's more convenient and mas tipid. Though medyo malayo from here, we have our cars naman so it's not a problem either." Sabi ni Dani. Umaliwalas ang mga mukha ni Esther at Eleonor. "That's a brilliant idea, iha." Sabi ni Eleonor. "Lalong mapapdali ang pagkakaroon namin ng mga apo." Bulong sa sarili ni Eleonor.

Nagtaka si Dani dahil walang naging pagkontra mula sa kanilang mga magulang. Tumingin siya kay Axel at nagkibit balikat lamang ito.

"Ok, there's no problem." Sabi ni Arthur. "Ang flight ninyo is on Tuesday evening. It will be a three day convention but if you want to extend until Sunday, it will be ok." Sabi ni Arthur. "Ok, dad!" Nakangiting sabi ni Dani.

"By the way, magstart na by tomorrow yung mga constructions for Karozza." Sabi ni Axel. "I will be in charge hanggang sa makabalik kayo. Your dad will help and I will call you immediately if magkaroon ng problem." Sabi ni Arthur. "Don't worry, Son, we can handle it." Sabi ni Benjamin. "Ok." Sagot ni Axel.

Tumayo na ang dalawa para bumalik sa opisina ni Dani samantalang nakaupo pa din ang kanilang mga magulang at tila may pag-uusapan pa.

"Naku balae, excited na ko sa mga magiging apo natin." Sabi ni Eleonor. "Oo nga balae, may lahi ba kayo ng kambal?" Tanong ni Esther. "Ang alam sila Benjamin ay meron, di ba mahal?" Tanong ni Eleonor at tumango si Benjamin. "Sana kambal noh, isang babae ang isang lalake." Nakatawang sabi ni Esther. Si Arthur at Benjamin naman ay iiling iling sa usapan ng kanilang mga asawa.

"Pare, nakausap mo na ba yung organizer ng convention?" Tanong ni Benjamin kay Arthur. "Oo, kinumpirma nila na sa isang room lang magstay ang mga anak natin. At nakaregister bilang Mr. and Mrs. Monteclaro." Sabi ni Arthur na nakangiti. "Ayos pare." Sabi naman ni Benjamin.

"Akala ba namin ay kami lang tong excited sa mga apo eh mas matindi pa pala ang kalokohan ninyo." Sabi ni Eleonor na nadinig ang usapan ng dalawang lalake. "Aba naman, paano sila makakabuo ng mga apo natin kung wala silang privacy." Sabi ni Arthur. "Pagnalaman ng mga bata ang mga kalokohan natin, tiyak na magagalit sila sa atin lalo na si Daniella." Sabi ni Esther. "Kaya kailangan hindi nila malaman. Secret lang." Sabi ni Benjamin na ikinatawa nilang apat.

"Hindi ka ba nagtataka sa kanila?" Tanong ni Dani ng nasa elevator na sila ni Axel. Kumunot ang noo ni Axel. "Ang bilis nilang pumayag na sa bahay mo na tayo magstay." Sabi ni Dani na ikinangiti ni Axel. Tumingin siya kay Dani at inakbayan ito.

"Oi, nakakadami ka na!" Sabi ni Dani sabay siko sa tagiliran ni Axel na di naman nasaktan. "Kasi mas magkakaroon tayo ng privacy pag sa bahay tayo tumira. Mas magkakaroon tayo ng panahon para ano..." Sabi ni Axel na sadyang binitin ang salita.

"Mr. Monteclaro, hindi porke't pumayag ako na sa bahay mo tayo tumira eh magagawa mo lahat ng gusto mo. Pumayag lang ako na doon tayo para malayo tayo sa mga guards, sa mga staffs ng mall, at higit sa lahat sa mga magulang natin na ibinubugaw tayo sa isa't isa." Sabi ni Dani na ikinatawa ni Axel.

"Grabe ka naman, bugaw talaga? Ano tayo prostitutes?" Nakangiting sabi ni Axel. Natawa din si Dani sa sinabi. "Eh kasi naman, saan ka nakakita ng magulang ng pilit pinagsama ang mga anak sa isang hotel room. Mas binigyan pa ng kwarto ang mga alaga kesa bigyan ng tig-isang kwarto ang mga anak nila." Sabi ni Dani. "May kilala ako." Sabi ni Axel. "Sino? Magulang ni Jax at Rocco?" Tanong ni Dani at umiling si Axel. "Mga magulang natin." Sabi ni Axel na ikinatawa nilang dalawa. "Oo nga, tama ka, wala ng iba." Sabi ni Dani na nakatawa pa din hanggang sa paglabas nila ng elevator.


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C22
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión