IYA
Dahil ayoko naman abusuhin ang sarili ko, pinabayaan ko na lang ang apat na tumulong sa akin sa pagluluto nung nasa Dungeon Kitchen na kami. Masyado silang nag-alala na baka mag-collapse na naman daw ako. And I feel so warm deep within me.
"So, kaya ka nakatira ngayon sa mamahaling village na iyon ay dahil sa pagiging blood donor mo?" Curious na tanong ni Yana. Ang kulit-kulit nila kaya naman pahapyaw ko silang kinukwentuhan ng tungkol sa buhay ko at kung paano ako nakarating dito sa City X.
"Oo," sagot ko habang naglalagay sa styro ng palabok.
Puto flan, Cassava cake, Palabok, Pitchi-pitchi at palitaw ang niluto namin ngayon. Madadali lang. Mabuti na lang pala at iyon ang naisipan kong iluto para ngayong araw.
"Yum. Marami na akong natikmang ganito sa pamilihan pero ngayon pa lang ako nakakain ng ganito kasarap," ani Josefa na nakakailang subo na ng pitchi-pitchi. Dinamihan ko talaga ang luto noon dahil favorite ko iyon. At favorite din ni Ivan. Plano ko s'yang bigyan ng dalawang styro mamaya. Hindi ko kase alam kung paano ko sasabihin sa kanya na bawiin n'ya iyong sinabi n'ya. Sa loob ng dalawang buwan na nakasama ko s'ya, alam ko na kung gaano ka-importante sa kanya ang mga salitang binibitiwan n'ya. Kaya I'm 90% sure na tototohanin n'ya ang sinabi n'ya kanina. Kaya plano ko s'yang i-bribe gamit ang paborito n'yang pagkain. Well, sana nga lang umubra. "Tell us girl, magkano naman ang kailangan ni lola mo para sa medical expenses n'ya monthly?" Dagdag pa ni Josefa. Iyong pusit naman na panlagay sa palabok ang tinitira n'ya.
"15? 20? Mga ganyan,"
"Thousand?"
Tinanguan ko si Ces sa tanong n'ya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha n'ya.
"Magkano naman ang ibinibigay na bayad sa'yo ng mga del Rosario kapalit ng dugo mo?"
"Enough naman for our needs. Sobrang rare daw kase ng dugo namin ni Wella, that's why they're willing to pay so much," sagot ko naman kay Yana.
Sandali akong napatingin kay Sue. Alam kong nakikinig s'ya pero magbabayad yata s'ya ng mahal kapag naglabas s'ya ng kahit isang 'ah' mula sa bibig n'ya.
"May problema ba Sue?" Hindi ko mapigilang itanong. "Alam ko naman na tahimik kang tao pero para may mali sa'yo ngayon. Ikaw ba si Sue?" Dagdag ko pa na ikinaangat ng tingin ng tatlo. Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa akin at kay Sue.
Bumuntong-hininga si Ces.
"Natatakot s'ya dun sa suitor n'ya," anitong hindi makatiis.
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Sue. Itinaas n'ya ang mga kamay n'ya sa direksyon ni Ces at ilang beses iyong ikinaway-kaway na tila ba nagsasabing huwag nitong ikwento. Napailing na lang ako. Hindi naman s'ya pipe pero bakit s'ya nagsa-sign language? Nakakabaliw din minsan 'tong si Sue eh.
"C'mon girl. We're your friends," ani Josefa while rolling his eyes na punong-puno ng mascara. Bumagay naman iyon sa kanya. Usually, bagay naman lahat kay Josefa ang mga inaayos n'ya sa sarili n'ya. Mas maganda pa s'yang tingnan kesa sa aming mga babae. Mas slim din ang katawan n'ya. Ang hahaba ng mga biyas at makinis ang kutis. May bakla pala talaga na mas mukha pang babae kesa sa babae. Kumpara noong unang araw na nakita ko Josefa, mas gusto ko ang mga simpleng ayos n'ya ngayon. Well, iyong mascara lang talaga ang hindi n'ya binabawasan ang kapal. Pero iyong lips n'ya na parang nasubsob sa lawa ng liptint ay wala na. Mga lighter color na lang ang ginagamit n'ya.
I wonder what happened.
"Yah. That's true," segunda naman ni Yana na hindi pa rin nawawala iyong mga nakalagay sa kamay at leeg n'ya na parang panlagay sa leeg ng mga aso at pusa. Emo na emo talaga ang datingan ng bruha. Bagay naman iyon sa kanya kaya lang minsan, nakaka-overwhelm tingnan. Mas maganda siguro s'ya kung wala ang mga bagay na 'yun.
Nagyuko ng ulo si Sue. Pinabayaan namin ang lumukob na katahimikan sa amin. Hinihintay namin s'ya na mag-open up. Tinapos ko na ang paglalagay ng mga kakanin sa styro. Si Josefa at Ces ay tapos ng maglinis at maghugas ng mga ginamit namin. Si Yana naman ang nagtuyo ng mga iyon at nagbalik sa lalagyan. Si Sue ay nakayuko pa rin habang nagt-tape ng mga styro para siguradong hindi iyon magbubukas.
Sampung minutong katahimikan na ang lumipas ay hindi pa rin nagsasalita si Sue. Nag-angat ako ng paningin mula sa ginagawa ko para tingnan ang tatlo. Napatingin din sila sa akin. Akmang ibubuka ni bakla ang bibig n'ya pero bigla kaming nakarinig ng nagsasalita.
"H-he's my fiance,"
Napakaliit ng boses nung nagsasalita. Kung hindi dahil sa napakatahimik na paligid, marahil hindi namin narinig ang sinabi n'ya. Parang ibong humuhuni lang eh.
Muli kaming nagkatinginan at halos malaglag ang eyeballs namin when realization hit the four of us. Tama ba ang narinig namin?
Ang kaibigan naming si Sue na animo ay palaging magpapalamon sa lupa dahil sa pagiging mahiyain ay may 'fiancé '?
"I-iyong bakulaw na 'yun? Fiance mo?" Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Celeste nang magsalita ito. Bigla tuloy kaming na-curious kung sino ang tinutukoy nila.
"Mmm." Tipid na tumango si Sue.
"Teka, sinong pinag-uusapan natin?" Nakahalukipkip na tanong ni Yana.
"Bakulaw? You mean si Giovanni Carvajal?"
Sabay na napatingin sila Sue at Ces kay baklita. So iyon nga kung sino mang poncio pilato 'yun?
"Bakit mo s'ya kilala?" Curious na tanong ni Ces na tinanguan naman ni Sue. Meaning, nags-second the motion ito sa pagtatanong kung paano ngang nakilala ni baklita ang lalaking iyon.
"Ma-abs s'ya diba?" Hindi ko mapigilang itanong. Feeling ko kase lahat ng mga lalaking may abs sa school kilala n'ya. My listahan 'ata 'tong baklang 'to. Iyong tingin n'ya na lang kay Ivan kaninang kinukwelyuhan s'ya akala mo nasa langit s'ya eh. Hindi yata aware na muntik na s'yang mapatay noong isa.
"Looks delicious too?" Tanong naman ni Yana.
Sa amin naman nagpalipat-lipat ang tingin nila Sue at Ces. Maya-maya ay sabay pa silang tumango.
"Ay kaya. Lahat ng mga lalaking may abs, mukhang delisyoso at masarap dito kay bakla ay kilala n'ya. May photographic memory 'yan pagdating sa mga lalaking may ganun," ani Yana sabay kibit ng balikat. Inirapan ito ni Josefa.
"May itsura naman pala bakit ka natatakot sa kanya? Hindi mo s'ya type?" Takang tanong ko kay Sue.
Nag-iwas s'ya ng tingin pero hindi n'ya maiiwas sa amin ang biglang pamumula ng buong mukha n'ya. Bigla ring naturete ang mga kamay n'ya na hindi malaman kung kukuha ba ng tape o kukuha ng styro.
"Hay naku. Akin na nga 'yan Sue." Inagaw ni Yana mula dito ang tape despenser at ang styro na hawak-hawak nito.
"Natatakot s'ya sa suitor n'ya dahil inaaya s'yang mag-date at hindi n'ya alam kung paano makipag-date," kaswal na wika ni Ces.
Bigla na lang tumili si bakla.
"Seriously?"
"Hoy, hoy! Bakit parang mas excited ka pa kesa sa fiancée? Natural lang 'yun dahil mag-fiance sila." Napapailing na wika ni Yana.
"Eh kase naman. Kung ayaw n'ya willing naman ako mag-sub," parang bulateng winiwisikan ng asin na saad ni Josefa. Tsk. Tsk. Tsk. Basta talaga kaharutan.
"Tumahimik ka nga. Hindi mo ba nakikitang gusto s'ya ni Sue?! Hindi ka ba nahihiyang agawan ang kaibigan mo ng ka-date?!" Nanlalaki ang mga mata ni Yana na para bang hindi makapaniwala sa inaasta ni bakla.
Namula na yata ang buong katawan ni Sue dahil sa sinabi ni Yana. Halos ipakain nito sa tiles na sahig ang sarili.
"C'mon. Sometimes be like Josea. Hindi naman masamang ipaalam mo sa iba ang nararandaman mo. There's nothing wrong about you liking him," nakangiting pag-i-encourage ni Ces kay Sue. Hinaplos-haplos n'ya ang mahabang buhok nito.
Nakita kong unti-unting nag-relax ang katawan ni Sue.
"Kung ayaw mong ipaalam sa kanya. Eh di, secret lang nating lima na gusto mo s'ya," segunda naman ni Yana.
"Naku girl. Sa panahong uso ang agawan dapat ipinapakita mo kaagad ang nararamdaman mo para walang kung anu-anong dramahan. Ano bang ikinakatakot mo sa date? Date lang 'yun. Kalimitang ginagawa doon kakain kayo sa labas. Kung hindi ka makapagsalita sa harapan n'ya...dahil napakalaking himala naman na makakausap ka n'ya ng maayos. Magdala ka ng writing board. Ng notebook o papel. Ganern. 'Wag kang babagal-bagal kung ayaw mong agawan kita,"
Nanlaki ang mga mata ni Sue dahil sa mga binitiwang salita ni baklita. Pinukpok ko tuloy s'ya ng hawak kong tong.
"Kapag advice, advice lang! Huwag mo ng samahan ng pananakot," kung pwede ko lang hilahin ang matabil n'yang dila gamit itong tong na hawak ko eh. Nakuuu.
"It's true! Anyway hindi bale na. Nandyan pa naman si Brandon Esguerra,"
Napataas ang kilay ko.
"Sino na---
"Don't you dare?!"
Nalunod sa lalamunan ko ang tanong ko dahil sa malakas na hiyaw ni Yana.
"Oww, bf mo si Bran ?"curious na tanong ni Ces. Mukhang kilala din nito ang poncio pilatong syempre, hindi ko na naman kilala.
"B-boboyprenen pa lang," tila nahihiya pang sagot ni Yana.
Aba. Akalain mo nga naman. Marunong din palang magka-crush ang emoterang 'to.
"O narinig mo? Ipaubaya mo na s'ya kay Yana," sabi ko kay Josefa na kaagad nitong sinimangutan.
Inilagay ko na sa malaking paper bag ang mga kakanin na para kay Sofia Claudette. Sana naman ay magustuhan n'ya ito. Tinulungan na akong magbitbit ng mga kasama ko. Mas marami kaming nagawa kesa sa inasahan naming magagawa namin.
"Sige. Ipapaubaya ko kay Yana girl si Bran myloves, PERO...isang malaking pero dzai,"
Lahat kami ay napahinto sa paglalakad dahil humambalang sa makipot na daan si baklita.
"Pero ano?"
"Si Iker babes ang jojowain ko,"
Tinitigan ko si Josefa. Hindi s'ya nagbibiro? Seryoso talaga s'ya? Eh kung makatingin si Ivan sa kanya kanina para na s'yang ibibitin ng patiwarik sa kisame ng classroom ah. Hindi man lang n'ya naramdaman na nakaabang na si kamatayan sa tabi n'ya? Napa-face palm na lang ako mentally. Hindi ko talaga maintindihan kung paano nagtatrabaho ang mga braincells nitong si Josefa.
"Okay. I wish you all the best," sabi ko na lang sabay kibit ng balikat.
Muntik ng mauntog sa pintuan ng elevator ang bakla. Hindi yata inaasahan na kaagad-agad akong papayag. Eh wala naman talaga sa akin kung gusto n'ya mang jowain, syotain, boyfriend-in si Ivan eh. Hindi naman ako ang nanay nung isa. Mas lalong hindi rin ako girlfriend. Aminado naman ako sa sarili ko na gusto ko ang Kumag na iyon. Gustong-gusto actually. Pero hindi ibig sabihin noon, pipigilan ko ang iba na magkagusto sa kanya.
"Okay lang sa'yo girl? Hindi ka natatakot? Hindi mo ba alam kung ilang syota na ang nasulot n'yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Ces habang nasa elavator na kami.
"Kung kinakailangan kong gumawa ng pompoms para mas solid ang pagchicheer ko kay Josefa, gagawin ko. Wala namang batas na nagsasabing bawal ang magkagusto kay Ivan diba? "
Biglang nanahimik ang paligid ng dahil sa sagot ko. Nakalabas na kami sa maliit na stock room ay hindi pa din kumikibo ang apat. Maang na napatingin ako sa kanila.
Lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin.
"Wala ka ba talagang nararamdaman? "
"Seryoso? "
"Pero bakit ang pakiramdam ko...iba ang atensyon at tinging ibinibigay ni de Ayala sa'yo? "
Hindi ko na sinagot ang apat. Nagmamadaling binilisan ko pa ang lakad papunta sa classroom. Pero kaagad akong napaatras dahil sa senaryong nadatnan ko sa loob ng silid-aralan.
Ano na namang nangyayari?
Hindi ba at sinabihan ko na s'ya na pass ako sa lunch with him?
Bakit nandito na naman s'ya kasama ang mga alipores n'ya?! At ang hudyo kung makaupo sa upuan ko akala mo naman sa kanya.
"Hello there,"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng malambing na tinig. At sa paglingon ko ay flash ng mamahaling camera ang sumalubong sa akin.
"I'm Izel Arwen Raja. I'm Claud's photographer," anang babaeng may alunang buhok.
Ang ganda-ganda din nito at ang amo ng mukha. Kung mukhang ice queen si Claudette, mukha naman itong inosenteng fairy goddess.
"Iya," kiming tinanggap ko ang pakikipagkamay ng magandang babae.
"Let's all be friends 'kay? Ito na ba 'yung mga ibebenta mo? How much?" ani Claud na naglalakad palapit sa amin. Galing ito sa loob ng classroom.
"One thousand," diretchang sabi ko at inabot kay Claud ang apat na paper bag. Sabi nila Josefa, okay lang daw kahit bongga ang ibigay kong presyo sa mga paninda namin dahil talaga naman daw mahal ang bilihin dito sa campus.
Pero kung tatawad naman sila, willing naman akong ibaba sa 700 ang presyo.
"Here," kumuha ng dalawang five hundred sa long wallet n'ya si Claud. Habang inaabot n'ya sa akin ang pera ay inaabot ko rin sa kanya ang mga paper bag.
Pero bago pa iyon makarating sa kanya ay nawala na iyon sa mga kamay ko. Gulat na napalingon ako sa tabi ko.
Si Ivan. Ang dilim ng mukha n'ya habang hawak-hawak ang mga paper bag. May pakiramdam akong sakit sa ulo na naman ang dala ng lalaking 'to.