IYA
"Anyare sa'yo? Bakit parang wala ka sa sarili mo kanina?"
Tiningnan ko si Josefa. Napapansin pala n'ya na parang wala ako sa sarili ko. Actually dapat tanggalin 'yung salitang 'parang' dahil talaga namang nawawala ako sa sarili ko. Paakyat na kami pabalik sa classroom. Hindi ko alam kung ano ang hinanap o kinuha n'ya sa dungeon. Parang wala naman.
"Ewan ko. Sinaniban yata ako ng malanding espiritu," sabi ko na lang sabay kibit ng balikat.
At ano pa bang paliwanag sa mga nakakakilabot na pinag-iisip ko kanina? Thinking about Iker de Ayala is a dangerous thing. Ngayon ko lang naisip ang mga pros and cons. And thinking about the things that happened in the past is also kinda dangerous. Mapanganib dahil nasa nakaraan na lang ang lahat ng iyon. Isang taon na ang matuling lumipas at marami ng nagbago. Hindi na maibabalik ang mga sandaling 'yun. Para na lang iyon isang tanawin na nasa napakalayong lugar.
"Malandi? At sino naman ang nilandi ng espiritung 'yan? Si Iker babe ba? Kaya ba s'ya pupunta sa classroom natin at magl-lunch?"
Napaismid ako.
Bullseye!
"Shut up for me please, " ano pa bang sasabihin ko? Eh lahat naman ng lalabas sa bibig ko hindi para sa tenga nila kundi para sa tenga ko rin. Nandito na rin lang ako bakit hindi ko pa ito harapin head on? Hindi ko na dinagdagan pa ang sinabi ko. Nilagpasan ko na si Josefa. Nauna na ako papasok sa classroom.
Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng may mapansin akong kakaiba sa silid. Nagkamali yata ako ng pinasok. Bakit parang naging silid ng mangkukulam ang kwartong 'to? Bakit dim ang liwanag at bakit ang daming kandila?
Umatras ako ng isa. Tatakbo na sana ako palabas kaso may nakita aking pamilyar na nilalang sa gitna ng classroom. Ipinaikot ng magagaling kong mga kaklase ang mga upuan namin sa classroom. Inilagay nila sa gitna ang teacher's table. Hindi ko alam kung saang bintana sila nandekwat ng kurtina na ginawa nilang table cloth. May kung anu-ano din silang pabitin sa kisame.
"Anong meron?" Kinikilabutan kong tanong. Ewan ko ba. Hindi talaga ako fanatics ng mga kandila. Ang creepy tuloy ng paligid.
"Lunch with candlelights?" Patanong din na sagot ni Kumag. Maging s'ya man ay hindi rin yata maka-relate sa nangyayari. Hinanap ko ang dalawang pintuan ng classroom pero parehong nakasarado. Iyong pintuang pinasukan ko ay nakasarado na din. Anak ng pating! Ano bang iniisip ng mga taong 'yun?
Dahan-dahan akong lumapit kay Iker. Kinakabahan talaga ako pramis! Hindi ako naniniwalang may multo pero takot ako sa multo. Feeling ko naglalabasan sila kapag may mga nakasinding kandila.
"Inutos mo ba sa kanila 'to ha? Pinagt-trip-an mo ba 'ko?" Bakas na bakas sa boses ko ang kaba. Anak naman talaga ng kulot na kambing! Kaya kong makipagsabunutan kahit tatlo pa ang kalaban ko huwag lang talaga akong ikukulong sa kwartong medyo madilim na punong-puno pa ng mga kandila. Wala akong paki kahit na napaka-colorful ng mga kandilang nandito, still, kandila pa din sila. At kapag may kandila... kinikilabutan ako! Ako at ang kandila, kahit na anong kulay pa 'yan except sa maliliit na inilalagay sa cake--won't be my best of friends in this lifetime!
"I'm here to eat lunch with you," wika ni Iker sa malamig pa rin nitong tono. Ni hindi ko marinig sa boses n'ya na kinakabahan s'ya o na-surprise man lang. Para bang inaasahan na n'ya ang ganitong scenario.
"Alam mo ang tungkol sa mga kandila?"
"No, I thought it's your idea,"
"What?!" Hindi ko na napigilang hampasin ang kung ano mang parte ng katawan n'ya na malapit sa akin. And thank heavens dahil braso n'ya lang ang nahampas ko. "Alam mong ayoko sa kandila!"
Oh crap!
At bakit ko nga ba naisip na alam n'ya pa ang tungkol sa bagay na 'yun? Bakit ba hindi ko naisip na baka hindi n'ya naman talaga alam 'yun?
"Huh?"
"Huh mo 'yang mukha mo!" Idinaan ko na lang sa pagtataray ang kabang nararamdaman ko----at ang konting dissapointment na naramdaman ko na lang bigla-bigla. Iyong tapang ko na nagising na kanina, muli na namang lumayas sa katawan ko. Takte, sino ba naman talaga ang hindi kikilabutan at matatakot kapag nakakakita ng ganito karaming kandila lalo na at nasa isang kwarto na madilim at hindi ko maintindihan kung bakit naka-full blast yata pati aircon. Papatayin ba ako ng mga kaklase ko?
Kung trip nilang lumibot bakit hindi na lang nila inaya ang buong campus? Mas masaya iyon diba? Kahit yata makasandaang ikot kami sa buong campus habang kumakanta ng Ave Maria at Ama Namin, may bitbit na mga puting kandila matatanggap ko pa. Kesa naman ikinulong nila ako sa kwarto na 'to na kasama ang sandaang kandila na may kulay itim, pula, berde, bughaw, lila, at kung anu-anong kulay na lalo pang nagpadagdag sa kilabot na nararamdaman ko.
"Hey, you're cold."
At dahil nga napaka-creepy sa pakiramdam ng atmosphere naming dalawa, hindi ko na napansin na punong-puno na nang pag-aalala ang boses ni Iker. Hindi ko rin napansin na magkahawak-kamay na kami at ang higpit ng pagkakahawak ko sa kamay n'ya.
"Iniisip mo ba talagang dadalawin ka ng kapitbahay n'yong 'yun?" nag-aalalang tanong n'ya.
Huh?
Plinayback ko sa nawiwindang kong isipan ang tanong ni Ivan.
Teka lang.
Sandaling nawala ang takot ko ng mag-sink in sa akin ang tanong n'ya. Naaalala n'ya pa?
"Oo. Eh, hindi ba nakita mo naman ang mukha n'ya sa kabaong?" Pagbabalik tanong ko sa mahinang tinig at muli na namang nanariwa sa ala-ala ko ang araw na iyon.
FLASHBACK...
"Ayokong magpunta dun, la!" mangiyak-ngiyak na ako habang ipinapadyak pa ang mga paa ko sa sahig naming pinatag na lupa.
"Delaila, alam mo namang sinusumpong ako ng rayuma ko ngayon. Gusto mo bang tayo ang bisitahin ni Na Guryo dito?"
Iyon lang yata ang hinihintay kong sabihin ni lola para mapapayag akong magpunta sa kabilang ibayo. Namatay kase ang kaibigan n'yang si Na Guryo. Ewan ko ba kay lola kung ano ang naisipan at nakipag-beshy-beshy sa isang mangkukulam. Kilalang mangkukulam sa lugar namin si Na Guryo. Maraming taga-Syudad at taga-malayo ang bumibisita sa baryo Katahimikan para lang kay Na Guryo.
Kahit picture lang ang dalhin ng isang tao, garantisadong kumulam ang matandang kastila. Iyon marahil ang tahilan kung bakit ilag ako sa kanya. Kapag binibisita n'ya si lola sa bahay, nagdadahilan ako na mangangahoy o kukuha ng tubig sa bukal ng ilog.
"Ngayong araw lang ha. Bukas at sa susunod na mga araw kayo na ang magpunta dun sa lamay,"
Ayoko pa rin talaga magpunta pero baka nga bigla na lang kaming puntahan ni Na Guryo. Mas ayoko naman noon. At hindi na din ako magtataka kung kaya n'ya kaming puntahan kahit na dedo na s'ya. Iyon ngang nasa Amerika na ipinapakulam sa kanya, nakukulam n'ya gamit lang ang picture eh.
Dala-dala ang antigong flashlight ni lolo ay lumabas ako sa bahay. Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay madilim na sa aming Baryo. Bukod sa flashlight ay dala-dala ko rin ang lumang balabal ni lola. Wala akong jacket kaya itong balabal ang tanging panlaban ko sa lamig ng panahon. Malapit na ako sa ilog nang makasalubong ko si Ivan. Galing s'ya sa ilog at mukhang bagong paligo. Kasama n'ya si Trii na may kung anong nginangata.
"Saan ka pupunta ate? Gusto mong bayabas? Nakakita kami ni kuya Ivan ng puno ng bayabas. Ang dami-daming bunga. Napuno nga namin itong balde oh," itinuro pa ni Trii ang dala-dala nilang balde ng pintura. Lahat ng balde namin sa bahay ay mga pinaglagyan ng pintura. Hindi kase iyon kaseng mahal ng mga balde talaga na iba-iba pa ang kulay. Minsan nga, nahihingi lang iyon ni lola sa mga construction worker kapalit ng dalawang kilong kamote o mais.
"Pupunta ako sa kabilang ilog," sagot ko kay Trii ni hindi ko tiningnan ang mga pinanguha nilang bayabas. Mahilig ako sa kahit na anong prutas, pero nang mga sandaling iyon...wala akong ibang gusto kundi ang makapunta sa kabilang ibayo para makauwi na rin kaagad.
"Anong meron sa kabilang ilog ate? Hala! Pupuntahan mo si Nanay Guryo? Mag-isa ka lang ate? Hindi ba takot ka kay Nanay Guryo?"
Hindi ko na pinansin ang mga tanong pa ng magaling kong kapatid. Alam na ngang takot ako ipinangangalandakan pa. Bumaba na ako sa daang patungo sa ilog. Kailangan ko lang tumawid sa tulay na gawa sa kawayan, maglakad ng ilang kilometro at bingo! Ayun na ang mahiwaga, madilim, nakakakilabot at nakakatakot na bahay ni Na Guryo!
Nasa may tulay na ako ng maramdaman kong tila may sumusunod sa akin. Paanong hindi ko nararamdaman 'yun eh umuuga ang tulay kahit na nakahinto ako.
"S-sino 'yan? S-sinong n-nandyan?" kainis! Pati boses ko naiiyak na.
"It's me,"
"Ay! Kabayong nasa tulay!"
Muntik na akong lumundag sa ilog, mabuti na lang at hinawakan ako sa braso nang kabayo este ni...
Ivan?!
"Bakit nandito ka? Nasaan si Trii?" nagtataka kong tanong ng malingunan ko s'ya.
"Hinatid ko na sa bahay. Sabi n'ya nilagnat ka raw noong unang beses na nagkita kayo nung mangkukulam na 'yun? Didn't you tell that to your lola?"
Ilang beses muna akong huminga nang malalim saka ako muling tumayo ng tuwid.
"Bakit ko naman sasabihin kay lola? Hindi ba magtataka lang s'ya kung bakit ako takot na takot kay Na Guryo habang sila ni Trii ay okay na okay naman?"
"Give me the flashlight,"
Hindi na ako nagreklamo ng kuhanin n'ya ang flashlight mula sa kamay ko. At marahil dahil kinakabahan pa rin ako, hindi ko namalayan na hinawakan ko na pala ang kamay n'ya kapalit ng flashlight.
Magkasabay kaming naglakad hanggang sa nakaakyat na kami sa kabila ng ilog. Noon ko lang napansin na magka-holding hands kami. Kaagad kong inalis ang pagkakahawak ko sa kamay n'ya pero s'ya naman ang humawak sa kamay ko.
"It's better this way. Iisa lang ang flashlight na dala natin. And besides, I don't know the way,"
Ilang beses akong napalunok. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakahawak ako ng kamay ng isang lalaki maliban sa kamay ng mga lalaki sa bahay namin gaya ni Trii, ni lolo at ni Tatay. Kakaiba pala ang pakiramdam kapag ibang tao ang nakahawak sa kamay mo. Nakakakaba pala.
Parang biglang lumiit ang kamay ko na nakapaloob sa kamay n'ya na may mahahabang mga daliri.
Huminga ako ng malalim ulit at pilit na inaalis ang kakaibang pakiramdam na kasalukuyang pumapaloob sa katauhan ko sa mga sandaling ito. Napakahaba pa ng nilakabay namin. Dumaan kami sa maisan, taniman ng talong, taniman ng siling labuyo, taniman ng sitaw. At ilan pang taniman.
"Are we there yet? "
Hindi ko tuloy mapigilan ang mapalunok ng ilang beses. Baka iwanan ako ng lalaking 'to kapag sinabi kong hindi ko naman talaga alam kung papaano sukatin kung gaano kalayo ang papunta kila Na Guryo. Ganoon kase ang nagkakapitbahay sa amin. Ilang kilometro o ilang metro ang layo mula sa isa't-isa.
"Kailangan pa nating dumaan sa taniman ng papaya, tapos sa kalabasahan, tapos manggahan at sa isa pang taniman ng talong...nandun sa kasulok-sulukan ang bahay ni Na Guryo,"
"Damn. Now I know how to be Dora and I hate to be her. Why didn't you borrow a horse?"
Hanudaw? Akala n'ya ba ganoon kadali ang manghiram ng kabayo?
"Pagod ka na ba? Gusto mo pahinga muna tayo?" hindi naman talaga ako mahinahong makipag-usap sa kanya. Madalas pagalit o pabulyaw. Ngayon lang ako nagsalita ng ganito kahinahon dahil bukod sa pagod na rin ako sa kinalalakad, dapat akong maging thankful na sinamahan n'ya ako.
"Nah. How are we going to get there fast if we're to take a rest here and there? "Aniyang walang kaemo-emosyon. Parang ang taray pa nga ng pagkakasagot n'ya.
Kaya nang maglakad s'ya, nagpahila na rin ako dahil hindi n'ya binibitawan ang kamay ko. After an eternity, narating din namin ang barong-barong ni Na Guryo. Marami-rami na rin ang tao sa barong-barong. Nagmano ako sa lahat ng matatandang makasalubong ko. At kahit ayaw ni Ivan, wala s'yang magawa kundi ang magmano din dahil ang pakilala ko sa kanya ay pinsan ko s'ya. At malaki ang reputasyon naming mga Magtanggol bilang magagalang sa mga nakatatanda.
Inabot ko sa isang matanda ang kapeng ipinabibigay ni lola. Pagkuwan ay pumasok na kami sa loob ng barong-barong. Sa lugar namin, hindi pwedeng magpunta sa isang lamay na hindi sumisilip sa nakaburol. At lahat ng burol sa lugar namin ay talaga namang pinakaiiwasan ko. Hangga't kaya kong magdahilan ay nagdadahilan ako. Ito lang ang hindi ko nalusutan.
"Samahan mo ako," bulong ko kay Ivan habang nakatingin sa kulay puting kabaong. Ang buong barong-barong ay punong-puno ng liwanag na nagmumula sa kandilang iba-iba ang kulay at laki. Imbes makabawas sa takot na nararamdaman ko ang liwanag, lalo lang akong kinabahan.
Hindi nagsalita si Ivan mula sa tabi ko. At halos kaladkarin n'ya ako papunta sa harapan ng kabaong dahil ayaw nang humakbang pa palapit ng mga paa ko.
"Hey. Paano mo makikita ang patay kung nakapikit ka?"
Teka nga bakit parang natatawa ang boses n'ya? Nasan na 'yung void of emotions n'yang boses na palagi n'yang ibinibigay sa akin, sa amin?
"K-ka-kailangan b-ba? Hindi ba pwedeng kunyari na lang tumingin ako?" Halos malamog na yata mula sa pagkakahawak ko ang braso ni Ivan. Ayokong bitawan 'yun sa takot na baka bigla na lang akong hilahin ni Na Guryo papasok sa kabaong n'ya.
"And what are we gonna do kung samahan n'ya tayo pag-uwi sa bahay nyo?"
At iyon na.
Sa takot kong samahan kami ni Na Guryo pagbalik sa bahay, mabilis pa sa alas-kwatrong binuksan ko ang mga mata ko. At hayun s'ya. Nakakatakot pa rin ang matangos n'yang ilong na kagayang-kagaya sa mga witch sa cartoons at palabas sa tv. Kulubot pa rin ang balat n'ya. Nakaarko ang mga kilay n'ya na kinulayan ng itim na eyw brows at ang tanging ipinagpapasalamat ko na lang ay nakapikit ang mga mata n'ya.
Sa takot ko yata ay nakalimutan kong huminga dahil hinahabol ko ang paghinga ko nang lumabas kami sa barong-barong. Dali-dali kaming nagpaalam sa mga matatanda at lakad takbo ang ginawa namin pag-uwi. At hindi na ako nagtaka nang lagnatin ako pagsapit ng madaling araw.
END OF FLASH BACK...
"What's wrong with her face?"
Muling bumalik sa kasalukuyan ang diwa ko.
"Everything's wrong with her face! Kung wala bakit nilagnat ako? Did you see her nose? Arrgh, kinikilabutan talaga ako dun,"
"Hahaha,"
Natilihan ako sa narinig ko.
Hindi dahil sa takot.
Hindi dahil sa mga kandila.
Hindi dahil sa may kadiliman ang paligid.
And also, not because I could remember the crooked nose vividly.
It's because, it's the first time I heard him laugh. Since like... forever.
Hindi 'yun 'yung tawang madadala ka.
Hindi rin 'yung tawang mapapangiti ka.
It's kinda sexy, actually.
One of a kind. Really.
Iyong tipong mapapahinto n'ya sa pag-ikot ang mundo.
'Yung tipo rin na kayang magpahinto sa tibok ng puso ko.
Lumunok ako. Nakalimutan ko na kung ilang beses ko na bang ginagawa 'to. I think I'm falling more and more. How am I supposed to let go of those memories. How am I supposed to let go of those two months? He's laugh is just so contagious. It's so precious.
I took another deep breath.
I've never felt so defeated in my whole life.