Descargar la aplicación
80.95% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 204: Start of Something New

Capítulo 204: Start of Something New

Author says : Ito na po yung karugtong nung nasa Prologue. Haba ng itinakbo nung flashback noh? Kaya nasa present time na po tayo. Happy reading!

Aliyah's Point of View

" Besh, ang ibig mong sabihin,  yung customer natin kanina na super gwapo at yung Onemig na kinukwento mo sa akin ay iisa? Weh di nga? " hindi makapaniwalang tanong ni Tin sa akin. Natawa ako sa reaksyon nya. Kanina kasi nung ibigay ko yung t-shirt na order ni Onemig kay Tin, at nalaman kong sya yon ay biglang natuod ako sa sobrang gulat. Nanlambot ang tuhod ko at kumalampag ng malakas ang puso ko. Nang matauhan ako ay bigla na lang akong nataranta, tinalikuran ko sya at nagpaalam kay Tin na magbabanyo lang. Hindi ako bumalik ng selling area hanggat hindi ko nasisigurong nakaalis na siya. Kaya ngayon nagtatanong si Tin kung bakit ganon ang inasta ko. Sinabi ko na yung totoo, na ito yung tao sa past ko na kinukwento ko sa kanya.

" Siya nga yon. Bakit parang hindi ka makapaniwala besh? " hindi nya pinansin ang tanong ko, bagkus ay parang nangangarap pa na humarap sa akin. Panay pa ang kurot sa braso ko.

" Besh, ikaw na talaga. Nung magbuhos yata ng mga fafables si Lord, gising na gising ka at sumasalo. Grabe, ang gwapo nung guy kanina, parang lumuwag nga ang garter ng panty ko. Sobrang gwapo na nga ni Jam, hindi rin pala pahuhuli ang ex mo. Ang tindi talaga ng alindog mo besh. Bangis! " napapailing na natatawa na lang ako sa kanya.

" Sira kung ano-ano sinasabi mo dyan. Mag-ayos ka na nga dyan at ng makauwi na tayo. " untag ko sa kanya.

Sinunod naman nya ako.  Inayos na ang kanyang gamit at isinara ang locker. Closing shift kami ni Tin sa department store na ito. Part time lang kami dito, 3-9pm ang schedule namin everyday dahil estudyante nga kami. Ilang araw na lang endo na kami. Graduation na namin next month.

Nakilala ko si Tin or Celestine Mariano in real life nung bumalik na ako sa dating University na pag-aari nila Sav .Transferee sya mula sa province ng Abra. Classmate namin sya nila Sav, business ad din ang degree program nya.  Namatay ang parents ni Tin dahil sa car crash at mag-isa na lang siya sa buhay. Napilitan syang lumuwas ng syudad at makipanirahan sa kapatid ng father nya na nasa Tondo. Pinag-aral sya nung una, kapalit ng paninilbihan nya sa mga ito. Medyo nahihirapan sya dahil maraming anak ang tito nya kaya marami din syang pinagsisilbihan. Madalas din daw syang parinigan ng asawa ng tito nya na pabigat sya kaya napilitan syang mag -part time job.

Nung panahon na kinukulit ako ng pamilya ko na umuwi na ng Sto. Cristo, humingi ako ng tulong kay Tin na isama nya ako sa mga part time job nya para may rason ako na hindi umuwi. Kaya sa lahat ng pinasukan nyang trabaho ay kasama nya ako. Nung una nahihirapan ako pero kalaunan ay nasanay na rin ako. At ngayon nga, ito na ang huling part time job namin ni Tin dahil magtatapos na kami next month. May naghihintay ng trabaho sa akin sa Makati, yung iniwang posisyon ni dad sa Comtech Masters. Nasa FCG sa Sto. Cristo na rin kasi si daddy at yung iniwan nyang posisyon ang inilaan sa akin ni tito Frank. Hinihintay lang nila akong maka-graduate.  Isasama ko na rin si Tin dun bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya.

Kinupkop ko rin si Celestine nung panahon na wala na syang mapuntahan. Nangyari ito nung minsang umuwi sya sa bahay ng tito nya at inabutan nyang nag-aaway ang mag-asawa at ang pagkupkop sa kanya ang issue. Napilitan ang tito nya na paalisin sya para wala na lang daw gulo. Tutal may trabaho naman daw sya, baka kaya na raw nyang mangupahan na lang.  Nung malaman ko yon ay mabilis akong nagdesisyon.  Nagpaalam ako kila daddy at mommy na patirahin na lang si Tin sa amin. Pumayag naman sila tutal si yaya Melba at si ate Angie lang naman ang kasama ko sa bahay.

Mahigit isang taon ko na rin syang kasama. Mabait at masipag din sya at marunong makisama. Itinuring ko na syang kapamilya. Sa kanya ko ikinwento ang lahat ng nangyari sa buhay ko sa nakalipas na mahigit tatlong taon. Kilala nya na rin si Jam dahil umuuwi naman ito sa Pilipinas tuwing sem break. Kaya nga ganoon na lang ang reaksyon nya nung makita nya si Onemig kanina, sobrang blessed ko daw sa pagkakaroon ng mga gwapong guys sa buhay ko.

KINAGABIHAN ay hindi ako makatulog. Naghihilik na nga si Tin sa kabilang kama ay heto ako't dilat na dilat pa rin.

Naiisip ko kasi yung encounter namin kanina ni Onemig. Lahat yata ng klase ng emotion naramdaman ko kanina. Nakakahiya nga dahil bigla na lang akong nataranta at tinalikuran ko sya.   Hindi ko talaga kasi inaasahan na magkikita kami. Tama nga si lola Bining at lola Paz, pag talaga nakatadhanang magkita kami, mangyayari talaga.

Yung naramdaman ko kanina, parang hindi kami naghiwalay ng ilang taon. Ganun pa rin ang tibok ng puso ko, pareho din nung dati. Tila hindi ako umalis kung saan nya ako iniwan.

Nagpahinga lang.

Nagpagaling lang.

Kinapa ko ang tapat ng puso ko. Masakit pa ba? Medyo na lang. May naramdaman din akong konting kirot kanina pero carry na. Nawala din naman kaagad. Siguro nga ay naghilom na.

Sa iksi ng sandali na tinitingnan ko sya kanina, nakuha ko pang i-check ang itsura nya ngayon. Siguro kaya ako biglang nanlambot kasi nakakapanlambot naman talaga ang ka-gwapuhan nya. Medyo nag-matured sya pero mas lalo lang nakadagdag yon sa kakisigan nya. At ang katawan? Jusko! Mahabaging langit, mukhang sa gym sya ngayon nakatira.

Hoy Liyah! Ex mo na yon!

Oo nga pala ex na. May konting panghihinayang akong naramdaman sa isiping yon. Hindi na ako ang mahal nya. Yun ang realidad.

Gusto ko ng matulog pero mukha ni Onemig ang nakikita ko. Nakakainis!  Nakakapraning! Hindi dapat ganito.  At kapag ganitong napa-praning ako, isa lang ang gamot na kailangan ko.

" Hey sweetie! What's up? " ang bilis sumagot ah, isang ring pa lang. I felt relief ng marinig ko ang voice nya. He's really a breath of fresh air.  Siya rin ang happy pill ko.

" Jam! Babe ano ginagawa mo? "

" Nasa car, pauwi na ng house from school. May problema ba babe? " napalitan ng pag-aalala yung boses nya.

" Kapag tumawag ba sayo may problema agad? Hindi ba pwedeng na-miss lang kita? " pang-aasar ko.

" Wow, kunwari kinilig daw ako. Huwag mo nga akong bolahin sweetie! paano mo akong mami-miss eh kanina lang paggising ko kausap na kita, bago ako mag-lunch kausap din kita. Huwag mong sabihin na in-love ka na sa akin babe? Hindi pupwede yun. "

" Ay si dudong nag-assume. Ano pinaglalaban mo? Huwag ka ngang assumero ng taon dyan. Na-miss lang kita, in-love na? Alam ko naman hindi pupwede yun. " ginaya ko rin yung tono nya sa pagbigkas ko nung huling salita. Narinig kong natawa sya sa kabilang linya.

" So ano nga ang sasabihin mo? Alam kong importante dahil hindi ka tatawag ng dis oras ng gabi dyan kung hindi mahalaga yan. "

" Babe nagkita na kami ni Onemig kanina. Hindi tuloy ako makatulog. " walang kaabog-abog kong turan.

" Nagkita lang naman pala---What! " bulalas nya. Narinig ko pa ang malakas na pag-preno nya.

" Mamaya na nga baka maaksidente ka pa dyan eh. Maka-preno ka wagas! "

" No, nagulat lang ako sa sinabi mo. Nandito na ako sa garahe sa bahay. Sige tuloy mo na, papasok na ako sa loob. "

" Yun nga nagkita kami kanina. Jam bakit ganon? Ganon pa rin, nandito pa rin. Epic failed ba tayo? " I heared him sighed.

" Liyah, hindi mo naman basta mabubura ang pagmamahal na iniukol mo sa isang tao. In your case, hindi ka nag move on para kalimutan sya, kundi para kalimutan yung sakit na dinulot nya sayo. Nung sinabi kong tutulungan kitang makalimot, hindi ko sinabing kalimutan mo si Onemig dahil alam kong hindi basta mangyayari yon. Tinulungan kita para makalimutan mo yung sakit na dinanas mo at buuin mong muli yung sarili mo. Sa aspetong yon, alam kong nagtagumpay ako sweetie. Masakit pa ba nung makita mo sya? "

" Hindi na ganon kasakit babe. Sa totoo lang nakuha ko pang i-check yung itsura nya kanina. Kaya lang nataranta ako, hindi ako ready kaya tinalikuran ko sya at nagtagal ako sa cr. Bumalik lang ako nung wala na sya. Sabi nga ni Tin para daw atubili pang umalis at parang gustong magtanong. "

" Alam mo sweetie, masaya ako na hindi ka na nasasaktan. Ibig sabihin, pwede na tayong umuwi ng Sto. Cristo after ng graduation mo? "

" Gusto mo talaga? Di ba dun ka na sa road to forever mo pagka-graduate mo? Paano pa tayong magkikita? "

" Hindi pa naman agad sweetie, may mga aayusin pa. Uuwi muna ako dyan para tulungan si lolo Juni sa pagpapatakbo ng Montreal International. Hindi pa tayo magbe-break unless magkabalikan kayo ni Onemig. "

" Huy ang advance mo mag-isip. Paano kami magkakabalikan eh may girlfriend yung isang yon? And besides, ano palagay mo sa akin, easy to get? Paghirapan muna nya ako. At FYI,  hindi rin kita pakakawalan hanggat hindi ka pa pupunta dun sa road to forever mo. "

" Oo na mahal ko. Alam ko naman na love na love mo ako kaya ayaw mo akong pakawalan. " puno ng pang-aasar ang tinig nya.

" Sus nagsalita. Oo na, love na love kita pero hindi ako in love sayo. Magkaiba yun! "

"Hahaha. Dialogue ko yan sweetie. Wala kang originality. "

" Pahiram lang muna. Para masabi ko rin naman sayo yung totoong feelings ko. Di ba mahal? " balik asar ko sa kanya.

" Hehehe. Pero sweetie pwera biro, uuwi talaga ako sa graduation mo at sa ayaw at sa gusto mo, uuwi tayo ng Sto. Cristo. "

" Opo. Wala naman akong magagawa na. Natuldukan na yung pag-iwas ko. Sige goodnight na baby boy ko. Ingat ka po."

" Sweet dreams babe. Matulog ka na. Huwag mo ng isipin yon, hindi ka na mahal non. Ako na lang. "

" Ewan! Nang-asar ka na naman dyan. "

" Hahaha. Sige na bye na. I love you sweetie. Kung pwede lang talaga noh? "

" Love you too babe. Kung pwede nga lang talaga. Kung pwede lang sana. "


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
AIGENMARIE AIGENMARIE

Bakit ba kaya hindi pwede?

Thank you for reading!

Please vote and comment.

God bless everyone.

Capítulo 205: Homecoming

Aliyah's Point of View

LOVE is the reason why our world became colorful. And when we are in love, nagiging mas maganda ang tingin natin sa paligid natin. Yan ang pag-ibig, nagagawa nitong bigyan ng kulay ang mga bagay-bagay. Pero higit pa dito ang nagagawa ng pag-ibig. Kaya din nito tayong saktan.

Sa nakalipas na tatlong taon, naranasan ko ang unang pag-ibig at ang pakiramdam na masaktan. Ngunit ito rin ang naging dahilan kung bakit ako naging matatag sa lahat ng aspeto ng buhay ko.At marami din itong naituro sa akin. Kapag nasaktan, matutong magpatawad, kapag nadapa, matutong bumangon at kapag nahihirapan, matutong magtiis.

Pain is inevitable. Yan ang madalas sabihin ni dad at mom sa akin. Kahit gaano ka kasaya at ka-sheltered sa buhay mo, daraan at daraan ka sa ganyang estado. There are two types of pain, one that hurts you and the other that changes you. In my case, pareho ko syang naranasan. Nasaktan nga ako pero ito rin ang naging dahilan para mabago ako. Marami akong natutunan mula dito.

Nung mga panahong lugmok ako, doon ko rin nakita kung gaano ako kamahal ng pamilya ko at mga kaibigan ko. Kasama ko sila sa kalungkutan ko. At ngayong naka-recover na ako, tila isang malaking tinik din ang nabunot sa dibdib nila. Masaya sila na makita na bumalik na ang dating Aliyah. Ang masayahin, puno ng buhay at pilyang si Aliyah.

" Congratulations sweetie! " nagulat ako kay Jam na yumakap sa akin mula sa likuran. Busy kasi ako sa pagharap sa mga bumabati sa akin kaya hindi ko na sya gaanong napansin. Katatapos lang ng aming graduation ceremony kung saan nakuha ko ang isa sa mataas na Latin honors. Magna Cum Laude.

Hinarap ko sya at yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Na-miss ko kasi talaga sya. Pareho kasi kaming naging busy sa paghahanda sa graduation. Ilang araw din kaming hindi nagkakausap. Last week sya naka-graduate sa Zurich University at sobrang proud din ako sa kanya dahil sya ang Summa Cum Laude sa batch nila.

" Thank you babe. Alam mo naman na ikaw ang isa sa mga naging inspirasyon ko. Narinig mo naman yung speech ko kanina di ba? "

" Oo nga sweetie. Buong-buo nga yung pangalan ko nung banggitin mo. But anyway, sobrang proud ako sayo. Gusto ko ngang ipagsigawan kanina na, "girlfriend ko yan " . Kaso baka bigla akong hambalusin ni lolo Franz. " nagkatawanan kami sa sinabi nya. Knowing lolo Franz, sobrang strict non at bawal dun ang pasaway.

" Nasaan na nga pala sila? " tanong ko na ang tinutukoy ay ang pamilya ko at ang parents nya pati na rin sila papa Anton, mama Lianna at ang mga anak nila. Umuwi talaga sila from Switzerland para saksihan ang pagtatapos ko.

" Nasa parking lot na. Diretso na daw tayong uuwi ng Sto. Cristo, dun daw pala sila naghanda. "

" What? Talaga naman. Wala na talaga akong kawala ah. "

" Bakit sweetie? Hindi ka pa ba ready? I thought kaya mo na. " naguguluhang tanong nya.

" Ready na nga po. Hindi ko lang ine-expect na ngayon na agad. Ang haba rin kaya ng byahe pauwi dun. " tugon ko.

" Maaga pa naman, sakto lang sa dinner pag nakarating na tayo dun. " tumango lang ako sa sinabi nya. Maaga nga ginanap ang graduation. Napag-usapan yun ng board sa school dahil sa request na rin ng mga parents. Mas mahaba daw ang celebration pagkatapos kung maaga ang graduation.

Ilang sasakyan kami na nag-convoy pauwi ng Sto. Cristo. Bukod kasi kila papa Anton at sa parents ni Jam, kasama rin namin ang dalawang kuya ni mommy na sina tito Frank at tito Fred with their family. Yung mga tito ko naman na baby brothers ni mommy na sina tito Rogen, Earl at Drake ay magkakasama rin sa isang sasakyan. Feeling ko tuloy nanalo ako sa Ms. Universe at ngayon ako magho-home coming.

Lihim akong natawa sa naisip ko. Totoo naman na magho-home coming ako, yun nga lang hindi galing sa pagka-panalo sa isang prestihiyosong pageant kundi galing sa paglalayas.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng makarating kami ng Sto. Cristo. Sunod-sunod na pumarada ang mga sasakyan namin sa labas ng aming bakuran. Sinakop ang magkabilang lane ng kalsada.

Pagka-baba ko ng kotse ay napatutop agad ako sa aking bibig. Napaka-ganda ng ayos ng aming garden, may mga baloons at ibat-ibang klase ng flowers sa paligid. Puti, pink, lavender at sky blue ang mga kulay na makikita. Mga kulay na paborito ko. May naka-arrange na mga mesa at silya na nababalutan ng puting cloth. Yung mga sandalan ng chairs ay may naka-ribbon pa na cloth na kulay pink, lavender at sky blue.  May pa-tarpaulin pa nga na naka-hang sa grills ng window. Yung picture ko na ginamit nila ay yung picture ko pa nung nag-debut ako sa Zurich.

Sa side ng bahay ay may buffet table. May chocolate fountain pa sa tabi nito. Ito yung sinasabi ni Neiel sa akin kanina na surprise daw nya. He really knows my favorite.

Binaha ng tuwa ang puso ko ng mamataan ko si Richelle at Anne na parang abala sa may malapit sa swimming pool. Patakbo akong lumapit sa kanila.

" Besh! " pasigaw ko ng tawag.

" Liyah!  O my gosh! Nandyan na pala kayo. " sambit ni Richelle. Yumakap sila sa akin. Ramdam ko yung pagkasabik at pangungulila sa klase ng yakap nila sa akin.

" Sobra ko kayong na-miss na dalawa. Sorry ha? Kahit naman nakakapag-video call tayo iba pa rin yung ganito. Kumusta na kayo dito? "

" Hay naku besh marami ng nagbago dito sa atin. Saka na natin pag-usapan kapag hindi na tayo busy. Hindi ka naman na aalis di ba? " tila umaasam na turan ni Richelle.

" Hindi na mga besh. Magwo-work na ako sa FCG, pero hindi muna ako mag-uumpisa, magbo-bonding muna tayo. Babawi ako sa inyo. "

" Yun naman pala eh. Buti nga yang naisip mo Liyah, marami ka ng utang na chika sa amin. Teka, kasama mo ba yung boyfriend mo, yung Jam nga ba yun? " tanong ni Anne. Natigilan ako ng marinig ko yung pangalan ni Jam. Awtomatikong iginala ko ang tingin ko sa paligid. Grabe, bakit ko nga ba nakalimutan si Jam?

" Hala! Nakalimutan ko nga si Jam. Wait lang tatawagin ko, ipapakilala ko kayo. "

" I'm here babe! Bakit mo ako iniwan?  buti na lang sinabi ni Neiel kung saan ka nagpunta. " biglang sumulpot mula sa backdoor si Jam, nakangiti syang lumapit sa akin. Inakbayan ako at saka hinapit palapit sa kanya. Hinalikan nya ako sa gilid ng ulo ko. Narinig kong napasinghap si Richelle at Anne.

" Ah babe, si Richelle at Anne nga pala. Sila yung kinukwento ko sayo na mga kababata ko. " pakilala ko sa dalawa na bigla na lang natulala. "Mga besh, siya si Jam, boyfriend ko. "

"  Jose Antonio Montreal. Nice meeting you both. " inabot nya yung kamay nya sa dalawa. Wala sa sariling inabot naman nila yung kamay ni Jam. Parehong parang natuka ng ahas. Sabi na nga ba, may mabibiktima na naman ang kagwapuhan ni Jam. Ang bangis talaga ng isang to.

" Huy mga besh! " pukaw ko sa dalawa.

" Ay sorry! Pasensya na. Akala ko kasi si Zach Efron. " sabi ni Richelle nang matauhan. Si Anne naman ay parang na-engkanto na.

" Hahaha. Hindi naman. Ang gwapo naman nun. " natatawang komento naman ni Jam.

" Tara na nga kayo, may pasalubong ako sa inyong dalawa. " untag ko sa kanila para mawala yung magic spell na isinabog ni Jam.  Sumunod naman sila. Sa likod bahay na kami dumaan.

" Besh, ano yan? " turo ko sa mga malalaking speakers na nadaanan namin sa likod bahay. Naroon ang mga kababata naming sina Jake, Gilbert, Caloy, Bidong at Itoy. Abalang-abala sila at nakatalikod sa amin. May inaayos silang sound system at mga upuan. Mukhang may sayawan na naman yata.

Hindi pa man nakakasagot si Richelle sa tanong ko nang biglang mapalingon si Jake na nanlalaki ang mata sa gulat pagkakita sa akin.

" Oh my! Is that you Liyah? " bulalas nya kaya napatingin na rin sila Gilbert.

Parang mga batang hamog na nagsisugod silang lahat sa akin at dinaluhong ako ng yakap. Kulang na lang mapisak ako sa dami nila.

" Teka lang! Grabe naman mga brad, ginawa nyo akong mashed potato ah. Ganon nyo talaga ako ka-missed noh? " reklamo ko.

" Mahigit tatlong taon kang nawala Liyah. Anong ine-expect mong reaksyon namin? " sambit ni Gilbert.

" Oo na.Sorry kung matagal akong hindi nagpakita.  Na-miss ko rin kaya kayo.  Kumusta na kayo? " tanong ko.

" Heto, kaming tatlo nila Jake at Caloy, nagwo-work na. Etong dalawa na lang, si Bidong at Itoy, ang hindi pa nakakatapos. Next year pa, sabay yan sila ni Richelle at si Anne ang pinakahuling ga-graduate sa atin. " turan muli ni Gilbert. Napatango ako, si Richelle kasi dapat sabay kami kaya lang nagpalit siya ng degree program nung second year, hindi naman na credit ang mga subjects nya kaya hayun naging irregular sya.

" Ah syanga pala, si Jam, boyfriend ko. " pinakilala ko si Jam sa kanila. Napansin ko kasi na kanina pa sila nakatingin sa kanya.

" Nice meeting you all mga brad. " isa-isang kinamayan sila ni Jam. Pormal naman nilang tinanggap ang pakikipagkamay nya.

Jusko akala ko iisnabin nila si Jam. Alam nyo naman team Onemig yang mga yan. Pero naisip ko na baka naka-move on na sila dahil may girlfriend naman yung isang yon.

Ilang sandali lang ang lumipas ng marinig namin si lolo Franz na magsalita sa mikropono. Dinig na dinig ng lahat dahil sa mga naglalakihang speakers na inilagay nila Gilbert sa magkabilang sulok. Nagpasalamat sya sa mga dumalo sa imbitasyon nya para sa aking pagtatapos at pagkaraan non ay inanunsyo na nya na maaari ng kumain ang lahat.

Nakisalo kaming dalawa ni Jam sa mga kababata ko na naka-puwesto sa isang mahabang mesa sa may garden malapit sa swing. Maayos naman ang pakikitungo nila kay Jam. Nakikipagbiruan na nga sya sa kanila.Bentang-benta nga sa kanila ang mga baon nyang jokes lalong-lalo na kay Anne at Richelle.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mamataan ko sa may gate ang mga paparating na bisita.

Tumayo ako para salubungin sila at magbigay galang.

" Good evening po tito Migs, tita Bless. " pagbati ko tapos nagmano ako sa kanila. Nagulat ako ng hilahin ako ni tita Bless palapit sa kanya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

" Na-miss kita ng sobra anak. I'm sorry sa nangyari sa inyo ng anak ko. " naluluha nyang sambit. Hinarap ko sya at pinunasan ng mga palad ko ang luha sa pisngi nya.

" Tita tahan na po. Wala na po yun sa akin. Okay na po ako. "

" Salamat kung ganon. Pero kasi si Onemig----"

" Mommy! " sabay pa kaming napatingin ni tita sa pinanggalingan ng tinig.

Biglang kumalabog ang puso ko ng magtama ang tingin namin kasabay ng biglang panlalambot ng mga tuhod ko.

Aro josko heart kumalma ka nga!

" Ah p-pasensya ka na kay mommy, medyo emotional lang yan kasi na-miss ka nya. " hinging paumanhin ni Onemig na medyo nag-stutter pa. Hindi naman ako makakibo. Naumid na naman ako. Tapos para lang akong tanga na nakatingin lang sa kanya.

Bakit ba kasi ang gwapo nya lalo?  Para tuloy akong teen ager na kinikilig.

Nung tangkain kong magsalita ay may bigla namang umakbay sa akin at hinalikan ako sa may sentido.

" Babe what's wrong? " tanong ni Jam.

Lalo na akong hindi nakakibo. Napaka-awkward kasi ng sitwasyon. Hindi nya kasi alam kung sino ang mga kaharap ko. Ang PDA naman kasi ni Jam kahit kailan.

Nahihiya akong tumingin kay tito Migs at tita Bless na parehong nakangiti naman. Pero nang tumingin ako kay Onemig ay kabaligtaran ang nakita ko.

Madilim at parang galit ang tingin nya sa aming dalawa ni Jam.

Ano kaya problema nya?


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C204
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank 200+ Clasificación PS
Stone 0 Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión

tip Comentario de párrafo

¡La función de comentarios de párrafo ya está en la Web! Mueva el mouse sobre cualquier párrafo y haga clic en el icono para agregar su comentario.

Además, siempre puedes desactivarlo en Ajustes.

ENTIENDO