Descargar la aplicación
55.55% I Can't Go On Living WITHOUT YOU / Chapter 140: Helpless

Capítulo 140: Helpless

Nhel's Point of View

NAGISING ako sa hindi pamilyar na lugar.Iginala ko ang paningin ko at napagtanto ko na nasa isang ospital ako base sa kulay puting pinta ng wall. May nakakabit na dextrose sa isang braso ko at ang kabilang braso ko naman ay nakabenda gayon din ang ulo ko.

Ano kaya ang nangyari sa akin?

Pumikit akong muli at inalala ang mga nangyari ngunit malabo ang aking nakikita sa aking balintataw. Nagkunwari akong tulog nang may maulinigan akong nag-uusap habang pumapasok sa silid na kinaroroonan ko.Hahayaan kong isipin nila na tulog pa rin ako. Kailangan kong makiramdam at malaman kung ano ang nangyari sa akin.

" Doc bakit hanggan ngayon hindi pa rin po nagigising ang asawa ko? Halos dalawang araw na po ang nakalipas.Kailan po kaya sya magigising?"

" Magigising rin ho sya Mrs.Mercado.Epekto lang yan ng anesthesia sa kanya at marahil sa pain reliever na rin na isinaksak sa kanya. Kailangan pa nya ng pahinga para maka-recover agad sya sa nangyaring aksidente sa kanya."

Mrs.Mercado? Aksidente?

" Sana po doc magising na sya para maiuwi ko na sya sa bahay at dun ko na lang sya aalagaan."

" Mrs.Mercado hindi pa sya pwedeng iuwi kahit magising man sya. Kailangan pa nyang manatili dito ng ilang araw para ma-obserbahan namin sya. Kailangang masuri ng mabuti ang nangyari sa ulo nya pati na rin yung nakitang bali sa braso at binti nya."

Kaya pala may mga benda ako at hindi ko rin maikilos ang isang paa ko.

" O paano misis babalikan ko na lang sya mamaya at kapag nagising sya itawag nyo kaagad sa mga nurse na naka-duty dyan sa labas. Sige po misis."

" Marga na lang po doc.Maraming salamat po."

Marga? Asawa ko raw sya. Kailan pa?

Narinig kong bumukas at sumara ang pinto.Lumabas na siguro yung doktor. Pinakiramdaman ko kung nag-iisa na naman ba ako o naiwan si Marga sa silid. Sinubukan kong dumilat at nakita kong nakaupo sya sa couch na nasa kabilang side. Tumayo sya agad nang makita nya akong gising.

" Mabuti naman at gising kana Nhel. Sobra akong nag-alala sayo. Kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?" sunod-sunod na tanong nya.

Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung paano ko sya pakikiharapan. Sa kalagayan ko ngayon alam kong walang makakatulong sa akin para gumaling kundi sya. Mas maganda sigurong umayon na lang muna ako sa kanya dahil wala akong makakapitan sa sitwasyon ko ngayon.

" Sandali lang tatawag ako ng nurse at doktor para masuri ka nila. Itatanong ko na rin kung ano ang pwede mong kainin para makabili ako." paalam nya. Tumango lang ako bilang tugon sa sinabi nya.

Ilang sandali pagkalabas ni Marga ay may pumasok na dalawang nurse at isang doktor at sinuri ako. Hindi ko maunawaan ang mga medical terms na sinasabi ng doktor na inire-record naman nung isang nurse sa chart na dala nya. Pagkalipas ng ilang sandali pa ay nagpaalam na yung doktor at naiwan ang dalawang nurse. Yung isa ay pinapalitan ang swero ko at yung isa naman ay tsine-check ang mga gamot na ipaiinom sa akin.

" Ang gwapo-gwapo mo naman sir. May asawa na po ba kayo?" tanong nung isang nurse na nagpapalit ng dextrose sa akin. Tumango lang ako sa kanya.

" Yung tumawag sa atin kanina yun yung asawa nya.Di ba sir?" ngumiti lang ako sa isa pang nurse na nagtanong.

" Wag kayong magagalit sir ha? Alam nyo hindi kayo bagay nung asawa mo. Ang gwapo nyo kasi, parang kayo yung nasa billboard sa Edsa. Nakita ko yun nung lumuwas ako minsan. Kamukhang-kamukha mo. Katabi nung billboard ng isa ring sikat na model ng Montreal na si Laine Guererro. Yun sir mas bagay kayo nun." napangiti lang akong muli sa sinabi nung nurse. Parang may tuwang humaplos sa puso ko ng marinig ko ang tinuran nya.

" Sira kung ano-ano sinasabi mo dyan kay sir, baka marinig ka nung asawa nya magalit pa sayo. Mukhang masungit pa naman yun.Para ngang nagbabanta yung tingin nya sa atin kanina nung bago tayo pumasok dito. Sir wag nyo na lang intindihin tong kasama ko, bihira kasing lumabas ng Batangas yan kaya ganyan. Bihirang makakita ng gwapong katulad nyo."

Batangas? Ito pala ang lugar na kinaroroonan ko.

Masayang nag-uusap yung dalawang nurse nang pumasok si Marga sa silid. Galit ang mga matang tinapunan nya ng tingin ang dalawa.

" Hoy kayong dalawa! Wag na wag kayong magkakamaling landiin itong asawa ko. Malilintikan kayo sa akin. Akin lang sya. Naiintindihan nyo? Akin lang!" hintakot na natigilan ang dalawang nurse sa biglaan nyang pagsigaw. Nagkukumahog na kinuha nila ang mga gamit na dala at mabilis na lumabas ng silid.

Nang makalabas ang mga nurse ay nakangiting hinarap ako ni Marga. Grabe ang bilis nyang magpalit ng emosyon. Kanina lang para syang galit na tigre.

Inilabas nya ang dalang pagkain at pinakain ako. Hinayaan ko na lang sya dahil hindi rin naman ako makakakilos. Isa pa gutom na talaga ako.Pinagmamasdan ko lang sya sa ginagawa nya. Ayaw ko munang magsalita dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Marami akong gustong malaman mula sa kanya pero sa pakiwari ko ay hindi pa ito ang tamang panahon. Hahayaan ko na lamang na magmistula akong parang dahon na tinatangay ng alon sa kung saan. Wala akong magagawa dahil sa kalagayan ko. Wala akong kakayahan sa ngayon.

I'm helpless like a child.

______________

Laine's Point of View

ILANG araw ng nawawala si Nhel. Nag-aalala na ako ng husto sa kanya. Hindi na ako makakain at makatulog ng maayos sa labis na pag-iisip sa kanya. Iyak rin ng iyak si Aliyah sa paghahanap sa daddy nya. Halos hindi na rin makakain ang anak ko sa kahihintay na bumalik ang ama nya.

Nalaman na nila daddy ang pagkawala ni Nhel. Kaagad silang lumuwas kasama ang mga magulang ni Nhel nung araw mismo na mawala sya. Sa ngayon nandito silang lahat sa bahay namin at dinadamayan kaming mag-ina. Nai-report na namin sa pulisya ang nangyari at kumikilos na sila para maghanap.

Nag- hire na rin ng private investigators si daddy para madaling mahanap si Nhel. Pero halos mag-iisang linggo na wala pa rin silang lead kung saan dinala ni Marga si Nhel. Kidnapping ang kasong isinampa namin laban sa kanya.Napag-alaman kasi namin na wala si Mark sa bansa,kasama ito ng mga magulang ni Marga sa Europe. Kaya malinaw na pinlano ni Marga ang lahat at ginamit nya si Mark para sumama si Nhel sa kanya.

Sagad talaga sa buto ang kasamaan nya.Kung nung nakaraan ay pinatawad ko sya kaya hindi sya nakulong, this time magbabayad na talaga sya sa ginawa nya.

Sawa na akong maging mabait. Punong-puno na ako sa paulit-ulit na paggawa nya ng kasamaan sa amin ni Nhel. Ang sabi ni mommy nung bata ako, kapag mabuti ka sa kapwa mo, kabutihan din ang makukuha mo sa kanila at pawang mabubuting bagay din ang mangyayari sayo. Kaya naman habang lumalaki ako naging mabuti ako sa kapwa ko at sa lahat ng bagay. Pero bakit ganito pa rin ang dinaranas ko? Ayokong kwestyunin ang Diyos kung bakit pero hindi ko maunawaan kung bakit paulit-ulit na lang ang ginagawang ito ni Marga sa akin.

Sa lahat ng hirap at pasakit na ginawa nya noon sa akin, sa amin ni Nhel, nakuha ko pa rin syang patawarin sa kabila ng pagtutol ni Nhel at ng mga kapamilya namin. Iniisip ko ang kapakanan ng anak nya sakaling maipakulong ko sya. At gusto ko rin syang bigyan ng pagkakataon para magbago at maging mabuti sa lahat. Pero ano itong isinukli nya sa kabutihang iginawad ko sa kanya? Bakit hindi nya kami hayaang maging masaya na lang ni Nhel? Bakit hindi nya inisip ang kapakanan ni Aliyah na ngayon ay lubos na nasasaktan katulad ko dahil sa pagkuha nya kay Nhel sa amin?

Napakarami kong tanong at ang lahat ng yon ay mananatili na lamang na tanong.At tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam ng mga kasagutan.

Nang malaman ni Anton ang nangyari, pumunta agad sila ni Lianna sa bahay namin. Pagkakita ko pa lang sa kanya, bumuhos agad ang emosyon na itinatago ko. Ayaw kong ipakita sa anak naming si Aliyah na umiiyak ako at mahina gayun din sa mga kapamilya namin ni Nhel.

Ayokong panghinaan rin sila ng loob kung makikita nila akong lumuluha at wala ng lakas lumaban. Sa harap nila ipinapakita kong matatag ako pero sa harap ni Anton, hindi ako nahihiyang maglabas ng emosyon ko.Just like Nhel, Anton knew me so well. He knew how weak I am when it comes to Nhel. He knew whenever I'm down or sad and he's always been there to cheer me up. I'm his damsel in distress.

" Shhh..baby stop crying. I'm here. Everything will be fine. Mahahanap din natin si Nhel. Kumikilos na ang mga imbestigador na inupahan namin nila lolo." pag-alo ni Anton sa akin. Umiiyak akong nakayakap sa kanya. Si Lianna naman ay si Aliyah ang agad na pinuntahan sa silid nito.

" Ton bakit ganon? Sa tuwing magiging ayos ang lahat sa pagitan namin ni Nhel palagi na lang ang nagiging kapalit nun luha at pighati. Hindi ba kami entitled na maging masaya? Ano ang kasalanan ko, namin ni Nhel para pagdaanan ang lahat ng ito?"

" Laine huwag kang mag-isip ng ganyan. Wala kayong kasalanan ni Nhel sa mga nangyayari. Talagang may mga tao lang talaga na sarili lang ang iniisip tulad ni Marga."

" Ton natatakot ako. Hindi ko alam kung ayos lang ba ang kalagayan ni Nhel ngayon.Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa kanya." napahagulgol na ako ng tuluyan sa bisig ni Anton.

" Shh..tahan na. Hindi pababayaan ng Diyos si Nhel. Magdasal lang tayo. Maging matatag ka para kay Aliyah.Nandito lang kami Laine, hindi ka namin iiwan." hearing those words from him made me realize that God is a sovereign God and controls everything. Bakit nga ba ako natatakot at nawawalan ng pag-asa? Gayong alam ko naman na kontrolado ng Diyos ang lahat.At narito ang mga taong ibinigay Niya para damayan ako sa pinagdadaanan ko. Sila ang nagsisilbing kamay Niya na humahawak sa akin upang iparamdam na nasa tabi ko lang Siya at hindi ako iniiwan.Patawarin sana Niya ako kung pansumandali akong nawalan ng tiwala sa Kanya.

Lumipas pa ang mga araw at linggo. Eksaktong ika isang buwan na buhat nung mawala si Nhel ng mag-report ang imbestigador na inutusan ni daddy.

" Sir Franz natunton  na namin ang kinaroroonan ni Nhel."


REFLEXIONES DE LOS CREADORES
AIGENMARIE AIGENMARIE

Sorry guys for the turning of events. I'm sure lalo kayong magagalit kay Marga sa mga susunod na chapter.. ✌️

Thank you for reading!

Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C140
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión