May napulot akong isang salamin sa isang tindahan. Wala lang, nagandahan kasi ako sa mga nakaukit na design sa salamin at ewan ko ba kung anong pumasok sa akin at hinawakan ko ito. Hinawakan ko palang pero kinakabahan pa rin akong tumingin sa salamin.
"Ilang taon na ba simula tinigilan ko ang pagharap sa salamin? Pito o sampu?" Loko loko kong tanong sa sarili.
Nang inangat ko ang salamin ay deretsong tumama ang mga mata ko sa itsura ko. At kusang gumalaw ang kamay ko papunta sa malaking peklat mula sentido ko hanggang baba ko. Ano pa bang inaasahan ko na after pito o sampung taon ay kusa nalang yan matatanggal?
Di ko alam pero may nasilabang galit sa akin at naibato ko ang salamin. Nagulat din ang tindero at napatayo. Na-shocked ako sa sarili ko. Kumaripas ako ng takbo nang sumigaw na siya.
"Bayaran mo ang binasag mo! Jospor Santo! Hoy, tumigil ka!"
At nagbingi-bingihan lang ako at nagpatuloy lang tumakbo.
Kung sana hindi ako pinanganak na mukha ang basehan sa lahat ng bagay.
_____
"Shilo, hindi ko gagawin!" Nakabusangot na ang mukha ni Shilo nang sinabi ko iyon.
Hinatak niya ako sa kamay at lumapit pa kami sa target niya. Nagpatangay rin ako sa hila niya at hinayaan na siya pero buo ang desisyon ko na hindi ko gagawin. Wala kasing magawa sa buhay ang loko.
"Velvet, tandaan mong wala tayong makakain bukas kapag di mo ginawa. I promise na safe ka."
"Talaga, Shilo? Nung huling sinabi mo 'yan ay agad akong naaresto tatlong segundo matapos kong gawin yung sinabi mo." natawa naman siya sa sinabi ko.
Napatingin ako sa Skull Guards na nakapwesto sa poste sa barrier ng City of Beauty. May mga traders na nasa gitnang barrier ng City of Beauty, City of Ruins at sa City of Commons, kung saan kami nakatira at kung saan lang kami nabibilang.
Ang tawag sa meeting point ng tatlong cities ay Hall of Middle. Dyan din kasi ang bagsakan ng mga nakuha sa pier at mga produktong pwedeng itrade.
"Saglit lang naman please, Velvet. Alam mong mas mabilis ang kamay mo kaysa sa akin. At kakatanggal ko lang sa trabaho." nag-pout pa si Shilo na lalong nagpakonsensya sa akin.
Naglakad na nga ako palayo mula sa City of Commons kung saan lang nabibilang ang mukha ko at lumapit sa lalaking may ginto sa bulsa niya. He is indeed a Pure, a person from the City of Beauty. The perfect face and the gold pin that signifies the life us Commons and Ruins don't have.
Napangiti si Shilo at napafist bump sa ere nang makitang nasa harap ko na ang lalaki. Inusog ko pa ang itim kong buhok para itago ang kalahati ng mukha at ngumiti sa lalaki. Isa na namang perpektong mukha na kabilang sa City of Beauty. Masyadong nakakamangha. Napairap ako sa ere.
"Ikaw na ba 'yon?" Panimula ko sa lalaking nasa harapan. Kita ko ang question sa mukha niya.
"Huh? Ang alin miss?"
Ipinungay ko pa ang mata ko at ngumiti, napangiti rin ang lakaki.
"Hindi ko alam na dito ko lang pala makikita ang biyaya ng Diyos, at ikaw 'yon."
At dumampi nga ang kamay ko sa mukha niya at ang isa sa bulsa niya with sudden and gentle force. Nakatitig siya sa nakakaakit kong mata at sa kakaibang ganda ng mukha ko. Yung kalahati nga lang.
"Taga-City of Beauty ka pero bakit hindi ko makita ang gold pin mo?"
Medyo umarte ako na parang nagulat at nagtaka. Napahawak ako sa tenga ko sa kabilang parte kung saan hindi natatakpan ang mukha ko.
"Nawawala ang Gold Pin ko?!" Medyo napaatras ako nang mahugot ko na rin. Umarte naman akong nawawala nga ang gold pin kong non-existent naman talaga.
Pero mas nagulat ako nang marahang hinawi ng lalaki ang kabilang parte ng buhok ko para tingnan ang kaliwang tenga and all I can see in him was disgust when he saw the scar on the left part of my face, an imperfection, a signature of a none beauty. Kaya napaatras siya sa diri at sumigaw siya ng pagkalakas.
"Skull Guards! May lumapit sa aking Dull. Damn, kadiri hinawakan niya pa ako. Skull Guards!"
Napatingin ang lahat at ibinulsa ko na ang ginto at kumaripas ng takbo. Napamura ako sa isip at ang una kong minura ay si Shilo. Pahamak talaga ang loko.
Pero tumatak sa isip ko ang diri sa mukha niya nang makitang imperpekto ako. Hindi pa rin ako sanay sa sakit. Nang dahil ito sa bwisit na gold pin.
Ang tatlong city ay may mga pin. Simbolo ito na kung saan ka nakatira at simbolo rin kung saan nababagay ang mukha mo. Ang pin ay parang hikaw, nakaipit lang sa tenga, Gold pin ang sa City of Beauty, Gray pin ang sa City of Commons, dahil dull and boring daw kami. At Black pin naman sa City of Ruins, pero sila madami ang hikaw puro itim pa at kahit hindi na daw sila magsuot dahil nakikita naman yun sa itsura at ayos nila lagi.
Ganyan na ang mundo ngayon. Literal na nahati ang mga tao base sa itsura.
Tumakbo na nga ako papalayo sa Hall of Middle at pumunta sa may Thiyevero. Sanlaan ng mga magnanakaw. At ang Thiyevero ay kuta rin ng mga lagalag na mga taga-City of Ruins.
"Victor! Anong dala mo ngayon?" Nakangiting sabi ni Talon.
Isa sa mga naging kaibigan ko dahil dati inaraw-araw ko nga ang pagsanla ng mga ninanakaw ko. Pero kadalasan dati namumulot lang ako ng mga nahulog na barya sa Hall of Middle. Kaya mas madalas kong tawagin ang sarili na pulubi kasi mahilig ako mamulot. Sayang naman kasi hindi ba?
"Ginto, Talon. Tagal ko ring di nakadayo, ah."
Nang tinimbang na ang gintong ninakaw ko ay ibinigay na sakin ang tamang halaga ng ginto. Siguro ngayon mamahinga rin ako sa pagnanakaw, ang laking halaga na rin nito. Kasya sa isang buwan.
"Sinabi mo pa, muntikan na ngang magunaw ang negosyo ko eh."
Nagulat ako dahil sinong gagawa no'n sa illegal pero tapat na taong 'to?
"Anong nangyare, Tata Talon?" Pang-asar ko sa kanya. Ayaw niya kasing tinatawag na Tata nagmumukha daw siyang matanda lalo, pero bakit ba? Feel ko may tatay ako kapag gano'n eh.
"Nang magkaroon ng alitan ang Savages at mga Kwevo halos masunog ang kalahating Norte ng City of Ruins. Katulad ng mga shop na katabi ko, kakaahon ko lang din sa negosyo. Hirap ng buhay dito." binulong ni Tata Talon ang huli dahil baka patayin siya ng mga Savages. Normal lang 'yon dito.
Savages ang tawag sa mga tao ng City of Ruins, Dull ang sa City of Commons, at Pure ang sa City of Beauty. Ang mga Kwevo naman ay yung mga halo-halong tao ng iba't-ibang City. Sabi-sabi na sila yung mga gusto ng rebelyon.
Kinuha ko na ang bag na punong-puno ng pera at nagpaalam na nga kay Tata Talon. Habang naglalakad ako sa ilalim ng buwan di ko maiwasang ma-appreciate ang ganda ng mga ilaw na nakasabit dito sa loob ng City of Ruins.
Abnormal siguro ako kung iisiping pinagarap kong tumira sa lugar tulad ng City of Ruins kaysa sa City of Beauty na kagandahan lang ang basehan. Wala kasing standards at walang batas sa City of Ruins, wag mo lang ipapaalam ang mga krimen mo. Ang City of Commons naman ay mga alila lang ng mga taga-City of Beauty, mga sunod sunuran.
Nang maglakad-lakad ako ay natunton ko ang Bordello na sikat dito. Bahay aliwan. Umupo ako sa mesa at nilapag lang ang bag ng pera sa may paanan ko at umorder na nga ng alak. Buti nalang din bihis lalaki ako.
"Naku, isang Dull. Naaamaze ako, ngayon lang ako nakakita ng isang Dull na nasa isang Bordello." Napataas ang kilay ko sa lalaking hindi ko maisip kung isa ba siyang Savage or isang Pure.
Dahil perpekto ang mukha at tindig niya, pero hindi naaayon ang damit niya sa mga Pure.
"Sagan, regular dito si Victor. Mas nauna niya pa ngang nalaman ang Bordello kaysa sayo. Magandang Gabi, Victor." Sweet na sabi ng babae sa akin at narinig kong may mga babae na namang naghiyawan nang makita ako.
Napangiti rin ako. Okay I know, I'd always get the girls.
"Magandang Gabi, Erea. Kakaibang ningning na naman ang nakikita ko sa iyong mukha." Humagalpak sa tawa ang lalaking si Sagan nang makata ko yung sinabi.
Napairap ako at ininom nalang ang inorder kong inumin. Pabiro ang mga sinabi ko pero kinikilig do'n ang mga kababaihan sa Bordello. Gano'n kalakas ang charm ko, kung lalaki man ako.
"Lumayas ka na sa harapan ko kung tatawa kalang dyan. Alis, shooo!" May inis sa tono ko.
Pero nagulat ako nang pumwesto siya sa tabi ko at bumulong sa tenga ko.
"You can fool them with your pretty face but you can't fool me."
Napataas ang kilay ko. Hindi naman ako tanga, alam kong alam niyang babae ako.
"So? Anong paki mo? Eto ang mundong ginagalawan natin. Normal nalang ang magsinungaling at magpanggap." Matapang kong sabi. Hindi ako natutuwa sa pakikialam niya.
"Oh, bakit parang nahihimigan ko ang galit sa boses mo? Bakit naiinggit ka ba sa mga Pure, dahil sa perpekto ang buhay na kinagagalawan nila?"
Napatingin ako sa mukha niyang sobrang lapit.
Mukhang sobrang lambot ng makurbang niyanglabi pataas sa aristokratikong ilong. Kitang kita rin ang pamumula ng kutis niyang naarawan. Tinatago niya ang mestisuhing kutis sa tanned skin niya. At sa matalim na shape ng kulay blue niyang mata na may gold specks. At itim na buhok. Matatawag ko siyang Pure kung ang damit niya ay malinis at kung hindi black pin ang nasa tenga niya. Gano'n kalakas ang dating niya, gano'n siya kagwapo.
"Dyan ka nagkakamali, Sagan." Napahinto siya. Lumamlam ang mata.
"Ulitin mo nga 'yon." Nangunot ang noo ko at tinungga ang huling shot ng alak ko.
"Ang alin?"
"Yung pangalan ko, ulitin mo."
"At bakit? Sino ka ba?"
"Isa lang, gusto ko lang ulit marinig." Mapang-akit niyang sabi.
Gusto kong matawa.
Napatayo na nga ako at naglakad palayo. Tinawag niya ako pero hinayaan ko lang siya. Napalamukos ako sa buhok at hinagod din ito.
Nang pauwi na ako ay di ko maiwasang mapatingin sa malinis at perpektong struktura ng City of Beauty, sobrang saya rin ng mga kulay sa loob ng City. Nakapasok na ako dyan sa tuwing tatawag sila ng mga taga-linis o mga trabahador sa mga mansyon sa loob.
Maganda, perpekto at masayang lugar ang City of Beauty. Pero naging mapagmataas sila, mayabang at salbahe, dahil sa kaisipang maganda sila at nakalimutan na nila ang moralidad.
Pagkapasok ko sa madilim na pasilyo ay bumungad sa akin ang sobrang liit na bahay namin ni Shilo. Di naman ako natuwa sa nakita, pagpasok ko.
"Shilo! Anong ginawa mo magdamag at ang kalat ng bahay, nyeta! Hindi ka manlang naglinis!"
Sumasakit ang ulo ko at dagdag pa ang nakakakunsuming katamaran ni Shilo. Lumitaw naman si tanga at bagong gising.
"Sorry na, Vel. Eto na maglilinis na."
Sinamaan ko lang siya ng tingin at nilapag nalang sa kung saan ang pera at dumiretso na ngang matulog.
Pero nakailang ikot pa ako sa matigas na sahig dahil nasa utak ko ang magandang mata nung lalaki 'yon. Hormones lang to, tama, wala ka kasing karanasan sa pag-ibig kaya ka nagkakaganyan. Tama, naamaze kalang.
Tulog lamunin mo ako.
+++++
Pr: Sagan[Sei-gan.]