@International_Pen
If we continue to have faith in God in our dark times and problems, God will guide us to the path out of the problems.
((( LUIS )))
Halos di ako makapaniwala sa narinig ko… bago ako matulog, na malapit kay Elaine.
Kapatid ni Sean si Elaine?
"Elaine…"
Di nga ikakaila… matigas ang ulo ninyong dalawa.
At baka nga isang araw magulat na lang ako … na kapatid ko din kayong dalawa? Anong sekreto pa ba ang tinatago ng pamilyang to. At di totoong magulang ni Elaine ang hahabulin niya sa kabilang buhay?
"Kailangan mo gumising." Hawak ko sa kamay niya…
"Maraming dahilan para mabuhay ka pa. Kailangan ka ng kapatid mong ubod tanga minsan."
Tss… sa bumabawi din ako sa nakasulat sa papel…
"At sabay niyo atang tutuklasin kung asaan na nga ba ang inyong ama. Na sa tingin ko yun ang naiisip ni Sean, para matigil na ang kalokohan ng pamilyang to."
Pinagmasdan ko pa siya… at sana nga magising siya.