@International_Pen
((( SENA )))
"Peace be with you po." May kasama pang bow…
Nang… napayakap ako sa katabi kong matandang babae… dahil niyakap din siya ng ilang tao… dahil siya ata ang pinakamatanda sa baryong to.
Yung pakiramdam ng isang yakap ng isang matanda… Hahaha… di ko ito na experience kasi nga… maagang nawala sila. Ganito pala ang pakiramdam… halos… gusto mo maiyak. Matanda na marami nang napag-daanan sa mundong to…
Niyakap din si Sean ng matanda. Habang ako ginulo ko yung buhok ng batang ibinaba na ni Sean.
((( SEAN )))
Di ko alam kung bakit napakagaan ng pakiramdam ko ngayon. Binabalot ako ng isang simpleng ligaya na di mo ata mahahanap kahit gaano ka pa kasuccessful at yamang itinatabi mo para mahanap ang kaligayahan na ito.
Sa tabi ko… heto ang babaing mahal ko… then I realize how I am blessed with her.
Sena, you don't know how you really make me happy.
My beautiful wife…