@ International_Pen
((( Sena )))
" Do you want to spend your time being like this Sena?."
"Gusto ko lang tulungan mo si Manong."
Ngunit nanahimik na lamang si Sean. Pero hinawakan niya ulit kamay ko… saka bumalik kami roon. Ngunit di namin inaasahan yung naabutan namin. Sabog yung pinaglalagyan ng mais ni manong, at ngayon pinagtatadakan siya ng mga tanod.
"Yan ang makuha ng mga taong di sumusunod sa batas! Antayin natin yung Police mobile ng madala ka na sa prisinto."
Hangang sa ipopokpok na sa manong yung kahoy… ako itong napatakbo. Pikit mata na lamang na hinihintay ko yung palo, nang sa pagmulat ko… si Sean itong nasa harapan ko. Hawak yung kahoy na ipupukol sana. Saka malakas niya itong hinila at itinapon kung saan.
"iho, anak ba ng pipichiging matandang yan ang kasintahan mo. Pwes, hiwalayan mo na, dahil kabag nilimas ka ng anak niyan, iiwan ka rin."
Pinababangon ko na si Manong. Lumingon sa akin si Sean…