@ International_Pen
((( Sena )))
Nang magising ako kinabukasan wala na si Sean sa tabi ko... I mean sa paningin ko. Dahil sa kakamasid ko ata sa kanya nakatulog akong nakaupo. Pero ngayon nakatulog na akong nakahiga dahil siguro inihiga niya ako ng magising ako.
Ang tanong anong oras kaya siya bumangon.
Napakamot na lamang ako. Abala sa paglilinis ang mga katulong sa silid namin dahil nga may specific time lang naman nagsisipasok sila sa silid namin ni Sean. Tumulong na din ako… para may pagbuhusan naman ako ng panibagong energy na baka mailaan ko na naman sa pagiging emotional ko.
Di ko namalayan nakisabay na ako sa paglilinis. Yan… ganda na nang bahay namin… Hahaha… always naman talaga ganito. May nadagdag lang yung Christmas Décor. Di ko nakita si Tang Ismael… dahil nasa labas sila, napapasarangola kasama yung dalawang bata.