@International_Pen
((( Sean )))
" Bihis ka na po."
Biglang naging maamo si Sena dahil, sinabi ko na wala akong nararamdaman lalo na ng sinabi direkta sa kanya ng Doktor na wala talaga. At walang kwenta yung kanina na pinagsasabi niya.
Nang bigla na naman akong kurutin sa talikuran. Makakatikim na talaga ang babaing to sakin.
" Nasasaktan na talaga ako Sena." warning ko sa kanya.
" Weak ka kasi. Puro ka wine, di ka kumakain ng maayos."
" Tsk." Saka niya naibutones ang huling butones ng Shirt ko.
Kung mangurot kala mo ang galaw galaw ko. Kinuha ko na yung Tie ko at ako na lang ang naglagay, dahil sa nangigil ang babaing to na di ko naman inaano. Dala ata ng dalaw niya. Tss...
" Did you meet my father?"
At naupo sa may kama. Napabuntong hininga siya. Napatango...
" Di siya naniniwala na asawa mo ko." sabi niya na humaba bigla yung nguso. Mukhang tinalo na naman ng aking ama ang babaing to.
Ngumiti ako.