@ International_Pen
((( Sena )))
Binigyan nila ako ng boots, kaya babye high heels.
At isang straw hat na Korean ang dating. Ang cute ko... Selfie!
Wala pala yung phone ko. Haist... Nakita ko yung phone ni Sean... kukunin ko sana ng... Naunahan niya ako.
Ngumiti siya sa akin. Saka tahimik na pinisil yung pisngi ko.
Oh... kaninang umaga lang badtrip.. no nangyari doon? Effective yung wine dito ah? Lasing na ata yun.
Nakapagpalit na din siya ng damit.
Gora! Magsaka tayo ng grapes Sean!
Yung phone ni Sean, di ko yun pinapakialaman... Alam kong napakasensitive noon sa gamit niya. Saka kung hindi fingerprint niya, di gagana. Tsk.
May tinatago ba si Sean sa akin kaya ayaw niya ipakita? Hmmmm...
Napatitig ako sa kanya habang abala sa phone niya... May katext?
" Oy, bakit ayaw mo ipakita sa akin ang phone mo?!"
Umangat paningin niya sa akin. Mukha niya question mark.