Descargar la aplicación
93.65% Lucky Me / Chapter 59: LUCKY FIFTY NINE

Capítulo 59: LUCKY FIFTY NINE

CHAPTER 59

WESLEY'S POV

I know it wont take long before he confess about his feelings. Dati ko pa kasing napapansin ang kakaibang chemistry nila ni Lucky. Para silang aso at pusa. Madalas mainit ang ulo niya at wala siya sa mood kapag magkasama sila. Pero ang ikinatutuwa ko ay ang madalas niyang pag ngiti o pagtawa ngayon.

Mga bata palang kami serious type na kasi siya at madalang siyang magbiro o ngumiti sa harap ng ibang tao. Nakikihalubilo na rin siya sa iba bukod sa basketball team niya. In other words he's changed at dahil yun kay Lucky Gonzaga.

Isang Lucky Gonzaga lang pala ang makakapag pabagsak sa kaniya. Funny but i never thought that we'll admire the same person. Malungkot lang ako dahil yung kauna unahang taong minahal ko (aside from my parents & grandparents) hindi ako gusto sa paraang gusto ko. Pero masaya naman ako dahil yung taong guso niya ay malapit sa puso ko. He deserved to be happy. Kahit hindi naman niya sinasabi sa akin ang lahat ng problema niya alam ko naman halos lahat ng pinagdadaanan niya.

After naming makapagbihis ni Kenneth tumuloy na kami papunta sa suite nila Andi. Hanggang ngayon ang weird parin ng feeling ko lalo na ngayon aware ako na pareho kami ng taong gusto. Hindi pa ako handang i-share si Lucky sa iba lalo na sa pinsan ko.

"Bro, wala ka pa rin namang planong sabihin ngayon ang totoo kay Lucky diba?" Usisa ko habang naglalakad kami sa hallway.

"Wala pa but it doesn't mean i'm allowing you flirt with him whenever you like."

"That's unfair!" Reklamo ko.

"And you're being fair? You're kidding right?" sarkastikong sagot niya.

"No i'm serious. As long as you didn't tell him the truth i'll do whatever i want." iniwan ko siya mag isa at nauna ako sa pinto ng suite nila Lucky. Kumatok ako ng tatlong beses at maya maya bumukas ang pinto.

Na excite ako agad ng makita kong si Lucky ang nagbukas ng pinto kasama si Ytchee.

"Lucky! I miss you!" Bigla akong sumugod para yakapin siya pero bigla akong nasakal sa jacket na suot ko. Paglingon ko hawak ni Kenneth ang kwelyo ng jacket ko kaya hindi ako makagalaw at makalapit kay Lucky.

"Ha ha ha! Yan ang malupet na Puppet, life size at pogi!" Bulalas ni Ytchee ng makita ang itsura ko.

"Behave." Mahinang usal niya bago bitiwan ang jacket ko.

"Panira ka ng moment, alam mo ba yun?" Singhal ko. Umikot lang ang mata niya.

'He's too obvious.'

"Whatever." At nakapamulsa siyang pumasok sa loob ng suite.

"Juice ko kaya pala biglang bumango ang loob ng kwarto may mga bisita tayong mga gwapo!" Salubong ni Andi sa amin ni Kenneth.

"Maupo muna kayo, anong gusto niyo juice, kape, tubig, strawberry wine, gatas ng kalabaw, gatas ng ina o gatas ni Lucky?" Nakangiting alok ni Marlon saming mag pinsan pag upo.

"Coffee would be fine." Nakangiting sagot ng pinsan ko pero sa iba siya nakatingin. Nakita ko yun kaya nagkunwari akong umubo at nilingon niya ako.

"Tss." Nanunukat ang tingin niya.

"Inday ipagtimpla mo ng coffee si Ser mo!" Sigaw ni Marlon kay Lucky na nasa mini bar at umiinum ng tubig sa baso.

"Yis Meym!" Ngiting sagot niya.

"Ikaw Ongpauco anong sayo?"

"Si Lucky na lang kahit huwag munang ibalot iuuwe ko na yan sa bahay bukas." Nakangiting biro ko.

"Patay ka bai! Inday bilisan mo may customer ka!" Sigaw ni Ytchee. "Seryoso?" nakayukong tanong niya sa akin.

"I'm serious." Ngiting sagot ko. Biglang naubo si Kenneth sa tabi ko.

"Patay nah!" at natawa si Marlon at Andi sa expression ni

"Excuse me." Paumanhin niya at sinamaan ko siya ng tingin.

"Si Andi ayaw mo? Medyo matatagalan lang ang pagbalot niyan malaki eh baka mga 2-3 working days bago ma-perfect ang recipe ng mummification niya." Natatawang alok ni Ytchee sa kasama at binatukan siya.

"I'm taken." Magalang na tanggi ko habang nakatingin kay Lucky.

"Taken for granted." Mahinang bulong ni Kenneth na kunwaring napayuko at inayos ang shoelace niya. Sa inis ko siniko ko siya.

"O-Ouch." Mahinang daing niya habang nakayuko at natawa naman ako.

'Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Magiging mahirap ang lagay namin pareho lalo't sa iisang tao lang kami nakatingin.'

"Here's your coffee sir." Sabay kaming nag angat ng tingin ng makitang nasa harap namin si Lucky.

"T-Thank you." naiilang na sagot niya at hindi makatingin ng derecho. Gusto kong matawa dahil medyo nanginginig pa ang kamay niya ng iabot ni Lucky ang mug sa kanya.

'Hindi pala sigurado ah. Patawa ka talaga pinsan!'

"And for me a hug would suffice." Tumayo ako ay niyakap siya ng mahigpit. Gumanti rin naman siya ng akap.

"Huwag masiyadong mahigpit hindi ako makahinga."

"Namiss mo ko? Namiss kasi kita ng sobra." Nakangusong sagot ko sa kanya.

"Kahit kailan ayaw mong magpalamang." Mahinang bulong niya.

"Uwe na tayo sa bahay namin may tatlo pa kaming extra room dun pili ka ng isa or dun ka nalang sa kwarto ko." Nakangiting biro ko at narinig kong parang iniipit na yung boses ni Marlon at Andi sa kilig.

"Baliw!" Mahinang bulong niya.

Iba talaga ng pakiramdam ko kapag kayakap ko siya. Alam kong umuusok ngayon ang tenga ni Kenneth sa galit pero anong magagawa niya. Wala, kaya manuod na lang siya.

"Uwian na may nanalo na oh." Rinig kong wika ni Andi.

"Ano magyayakapan nalang, wala ng party party?" Parinig ni Ytchee kaya mabilis akong bumitaw kay Lucky at napakamot sa ulo. Hindi ako makatingin ng derecho kay Kenneth dahil alam kong namumula na siya sa galit.

"Itong si Ongpauco kala mo 8 years silang hindi nagkita ni Inday eh. Kung makayakap daig pa ang OFW!" pangaasar ni Marlon.

"Sus selos lang Marlon?" banat ni Lucky.

"Selos?! Maygad, bakit naman ako magseselos sa lambingan at yakapan niyo ng ultimate crush ko? Hindi ako nagseselos, normal ko 'to!" ngalngal niya kay Lucky.

"Tarush, hindi daw? Tara na seshie baka makunan ka pa kaka arte mo!" hinila siya ni Andi palayo pero hindi pa rin siya natatapos sa kakadaldal.

"Guys, its getting late. Kailangan makabalik tayo before 11pm or else pareho pareho tayong malalagot." Singit ni Kenneth.

"Lintek na kerpyu yan!" Sigaw ni Ytchee.

"Curfew sweety." Nakangiting pagtatama ni Kenneth dito.

"Wala akong pakialam! Tara na tumatakbo ang oras!" At hinila niya sa braso ang pinsan ko.

Tulad ng dati dalawang taxi ang sinakyan namin papunta sa Club na sinasabi ni Marlon sa Session Road.

Malaki at maganda nga ang Club tulad ng kinukwento niya. Ito raw ang pinasikat na club sa Baguio kung night life ang hanap mo. Nagtutulakan pa kaming lahat pagpasok dahil sa sobrang excitement. Pagpasok namin sa halos puno na ng tao sa loob. Katulad ng ibang club na napuntahan ko, madilim at nakakabinging sounds agad ang bumungad sa amin. Nakaka silaw naman ang iba't ibang kulay ng laser lights, disco at neon lights na tumatama sa mga mata ko.

Malawak ang dance floor at marami narin ang sumasayaw sa gitna. Masaya ang crowd dahil panay ang hiyawan habang sinasabayan ang kantang tumutugtog. Karamihan mga foreigners, tingin ko ang iba mga kagaya naming turista na naghahanap ng night life. Kung hindi ako nagkakamali mas marami ang Korean na customer kesa sa ibang foreign nationality.

Hinila ko si Lucky at dinala sa harap ko, niyakap ko siya habang nakatalikod sa akin. Matalim na tingin ang ipinukol ni Kenneth ng makita niya ang ginawa ko. Pa simple akong nag peace sign at umikot lang ang mata niya.

'Tss, bakit ba hindi pa siya masanay na talagang sweet ako kay Lucky noon pa? Ang hirap mag adjust para sa kanya.'

Maya maya biglang tumugtug sa ere ang isang pamilyar na kanta.

"INDAY! ONE DIRECTION MO!" malakas na sigaw ni Andi at Marlon. Parang batang nagpapa padyak si Lucky sa tuwa.

Wala sa sariling hinablot ni Ytchee sa braso si Lucky at hinila sa gitna ng dance floor.

"Maybe it's the way she walked (Wow)

Straight into my heart and stole it

Through the doors and past the guards (Wow),

Just like she already owned it..

I said, "Can you give it back to me?"

She said, "Never in your wildest dreams"

Parang mga lasing na sumayaw si Ytchee at Lucky sa gitna. Wala silang pakialam kung bagay o hindi ang mga dance steps nila at sinasabayan pa nila ng malakas na pagkanta. Malaya silang gumagalaw na parang silang dalawa lang ang tao sa club. Nagpalakpakan ang mga tao sa crowd ng makita ang kawirduhan nila. Karamihan mga foreigners ang lumapit para sabayan sila sa kakulitan sa gitna.

"And we danced all night to the best song ever

We knew every line, now I can't remember

How it goes but I know that I won't forget her

'Cause we danced all night to the best song ever

I think it went oh, oh, oh

I think it went yeah, yeah, yeah

I think it goes oh"

Unti unting naglapitan ang mga tao sa gitna ng dance floor at sumayaw na parang nagwawala din kagaya ng ginagawa nila Lucky. Nagkatinginan muna kami ni Kenneth at halos sabay kaming nagkibit balikat sa nangyayari.

"He's getting wild." Hindi makapaniwalang sambit ni Kenneth sa tabi ko habang na kay Lucky ang paningin.

"I know and i'm loving it!" malaking ngiti ko sa kanya.

"Kanina ka pa Wesley huwag mong ubusin ang pasensiya ko." gumalaw ang panga niya sa inis.

"LETS JOIN!" sigaw ni Andi at Marlon at hinila kaming magpinsan sa gitna.

Naalala ko na Best Song Ever ng One Direction ang title nitong kanta. Madalas ko kasing marinig 'to dati at nagustuhan ko ang beat niya. Alam ko ding paborito ni Lucky ang One Direction dahil kay Harry Styles na ultimate crush niya. GRRR!

"Said her name was Georgia Rose, (Wow)

And her daddy was a dentist

Said I had a dirty mouth (I got a dirty mouth)

But she kissed me like she meant it

I said, "Can I take you home with me?"

She said, "Never in your wildest dreams"

And we danced all night to the best song ever

We knew every line, now I can't remember

How it goes but I know that I won't forget her

'Cause we danced all night to the best song ever

I think it went oh, oh, oh

I think it went yeah, yeah, yeah

I think it goes oh"

Halos lahat na ata ng tao nasa dance floor dahil ang sikip na namin sa gitna. Kanya kanya kami ng galaw sa tugtug ng kanta. Walang humpay ang tawanan namin habang sumasayaw at kumakanta. Ngayong gabi malaya kaming gawin ang gusto namin dahil ito ang huling gabi namin sa Baguio. Nakakatuwa dahil ito rin ang unang pagkakataong nakita kong sumayaw si Kenneth at mukhang nag e-enjoy siya.

'Tss, paano hindi mag e-njoy panay ang dikit niya kay Lucky dahil magkatabi lang sila habang sumasayaw.'

"You know, I know, you know I'll remember you,

And I know, you know, I know you'll remember me,

And you know, I know, you know I'll remember you, (Oh, oh, oh, yeah, yeah, yeah)

And I know, you know, I hope you'll remember how we danced how we danced

How we danced how we danced (1, 2, 1, 2, 3)

How we danced all night to the best song ever

We knew every line, now I can't remember

How it goes but I know that I won't forget her

'Cause we danced all night to the best song ever (We danced, we danced, it goes something like, yeah)

Napansin ko rin na maraming matang nakatuon kay Lucky habang sumayaw siya at karamihan mga foreigners na aliw na aliw siyang pinapanuod. Sadya naman kasing kaakit akit siya sa mata mukha kasi siyang babae sa get up niya. Idagdag pa ang malaking pagkakahawig niya kay Cara Delevingne kaya lahat napapalingon sa kanya. Padami ng padami ang umaaligid sa kanya sa gitna ng dance floor. Mukhang hindi lang ako nag mahihirapan bakuran siya ngayong gabi.

Sa itsura palang ni Kenneth nababasa ko na ang iniisip niya. Para kaming sardinas na nagsisiksikan sa gitna ng dance floor. Nagtutulakan at nag gigit-gitan ang lahat sa gitna kung nasaan kami naka pwesto. Pakiramdam ko lahat sila gustong lumapit kay Lucky para makasayaw siya. Nakahinga lang ako ng maluwag dahil walang makalapit sa kanya dahil halos yakapin siya ni Kenneth sa sobrang lapit nila.

"And we danced all night to the best song ever

We knew every line, now I can't remember

How it goes but I know that I won't forget her

'Cause we danced all night to the best song ever

I think it went oh, oh, oh

I think it went yeah, yeah, yeah

I think it goes oh

Best song ever,

It was the best song ever

It was the best song ever,

It was the best song ever."

Pagod at pawis na pawis kaming lahat matapos ang kanta. Lumapit kaming anim sa bar para magtanong at maghanap ng mapupwestuhan.

"Lets get the VIP Room." Utos ni Kenneth sa akin. Yun din ang naisip ko kanina habang sumasayaw kami kanina atleast mababantayan ko ang bawat kilos niya.

"Good idea." Sang ayon ko sa kanya at sinimangutan ako ni Lucky.

"Sa VIP Room tayo masiyadong crowded dito sa baba." Makapangyarihang utos niya at walang kumontra sa sinabi niya.

"Ayy bet ko yan! Tara Andi samahan mo ko sa taas para makahanap tayo ng magandang spot!" at nagmadaling umakyat yung dalawa. Nag stay muna kami sa mini bar nila habang naka upo. Nag order kami ng apat na drink habang nag aantay kung may makukuha pa silang VIP Room.

"Hindi na tayo sasayaw?" Nakangusong tanong ni Lucky habang sumisipsip sa drink niya.

"Sasayaw. Pero sa taas na, masiyadong maraming tao dito sa baba." Mahinang bulong ko sa kanya.

"Diba nga the more, the merrier? Kagaya kanina diba ang saya saya. Ha ha ha!" Nakakahawa yung sigla niya.

'Kung ako lang ang masusunod pagbibigyan ko siya pero malalagot naman ako kay Kenneth.'

'Nakakainis naman paano kami mag e-enjoy nito kung magkukulong kami sa VIP Room? Pero mas okay yun dahil mas mababantayan naman namin ang isa't isa, lalo na tong isa.'

"No, Lucky." Seryosong sagot ko kahit labag sa kalooban ko na huwag sundin ang gusto niya.

"Unfair yun!" nakangusong sagot niya. Pumikit pikit pa siya sa harap ko na parang tutang nagpapaawa.

Gusto ko siyang yakapin sa kakyutan niya at iuwe sa suite namin ngayon at matulog ng magkatabi.

"Lucky nagtext si Andi akyat na raw tayo sa 2nd floor." Si Ytchee. At sabay sabay na kaming tumayo.

"You can still dance upstair mylove. Masiyadong maraming tao dito sa baba."

"Maraming tao o maraming lalake dito sa baba?" sabat ni Ytchee habang ipinapasok ang cellphone sa bulsa ng leather jacket niya.

"Ytchee!" pinandilatan siya ni Kenneth at dumila lang ito pabalik.

Biglang lumapit si Lucky kay Kenneth at sumensyas na lumapit na parang may ibubulong. Sumunod naman si Kenneth kaso bigla itong natigilan. Nagtitigan silang dalawa ng ilang segundo.

"P-Please?" Hinawakan niya pa ito sa braso at niyugyog.

KENNETH'S POV

Nagulat ako ng lumapit si Lucky sa harap ko, tumingkayad at may binulong sa tenga ko.

"Please?" husky ang boses niya. Bigla akong nakadama ng kakaibang kiliti ng maramdaman kong dumikit ang lips niya sa tenga ko. Bigla akong pinagpawisan sa kakaibang init ng hininga niyang dumampi sa balat ko.

Hindi ito ang unang pagkakataong ginawa niya sa akin 'to at buong gabi akong hindi makatulog noon dahil sa kalukohan niya.

Halo halong bagay ang pumasok sa isip ko na lalo lang nagpainit sa katawan ko. Damn it!

"Please?" Hinawakan niya pa ito sa braso at niyugyog.

'Gonzaga naman huwag dito!'

"Okay fine. But you'll be back after 30 minutes." Labag sa loob na sagot ko. Napahawak ako sa sintido ko dahil sa inis.

"YES!" masayang sagot niya at napasuntok pa sa ere at tumakbo sa paakyat papuntang VIP area.

"Lucky hintayin mo ko!" sigaw ni Ytchee at bago pa siya makasunod hinawakan ko siya sa braso.

"Siguraduhin mong wala siyang ibang makakasayaw bukod sayo kundi lagot ka sa akin." Mariing utos ko.

'H-Huh?" nagtatakang sagot niya.

"Bro, bakit pinayagan mo? Tumanggi na nga ako kanina tapos ikaw pinagbigyan mo agad?" naiinis na lapit ni Wesley kaya nabitawan ko si Ytchee.

"30 minutes lang naman and besides kasama naman niya si Ytchee." Turo ko sa kanya.

"Kahit na, ayoko ko ngang may lumalapit sa kanyang iba tapos ikaw pinayagan mo siyang bumaba para sumayaw, WTF?"

"Alam mo namang kung gaano katigas ang ulo nun di ba?"

"Yun na nga eh, sa ligalig nun mag o-over time yun sigurado."

"Bakit sa tingin mo ba natutuwa akong makitang may kasayaw siyang iba?"

"Yun nga eh tapos pinayagan mo pa? Bopols ka!" galit na sagot niya.

"W-What—"

"WEYT! WEYT! WEYT! SI ATENG MAY LAWEYT! ANONG IBIG SABIHIN NITO?" nakapamewang na awat ni Ytchee sa gitna namin at pareho kaming napalingon ni Wesley sa kanya. Sabay din kaming nagiwas ng tingin at kunwaring wala kaming narinig.

"A-Alam na n-ni O-Ongapuco?" nauutal na sambit niya habang nakaturo sa pinsan ko.

"Matagal ko ng alam in denial lang talaga yang pinsan ko. Tch!"

"KITAM! KITAM!" dutdut niya sa dibdib ko.

"Oo sinabi ko kanina." Mahinang sagot ko sarkastiko namang napangiti si Wesley.

"Kaya pala ang weirdo niyong magpinsan ng dumating kayo kanina sa suite namin." Tumango lang ako.

'Kahit kailan talaga ang talas ng pakiramdam ng tomboy na 'to.

"Ytchee please. Do it for me as a favor." Pakiusap ko.

"Okay fine you owe me big time!" napipilitang pagpayag niya. Alam ko naman wala ni isa sa amin ni Wesley nag karapatang pagbawalan si Lucky na gawin ang gusto niya at alam kong magagalit siya kapag malaman niyang kinuntsaba pa namin ang kaibigan niya. Iniwan niya kaming mag pinsan at sumunod sa mga kaibigan niya.

"Eh paano kung malingat siya at may sumalisi?"

"Uuwe tayo agad sa hotel kapag nangyare yang iniisip mo!" seryosong sagot ko.

Marami na ring tao sa VIP area ng umakyat kami ni Wesley. Mabilis naming hinanap sa mga VIP lounges ang mga kasama namin pero si Lucky parin ang nasa isip ko. Lahat ng mata ay nakatutuk sa aming dalawa habang naglalakad kami sa VIP area. Natutunan ko ng huwag pansinin ang kakaibang atensiyong binibigay ng mga tao sa paligid ko. Ngayong gabi hindi ako interesado sa mga iniisip nila, dahil ngayong gabi iisang tao lang ang paulit ulit na gumugulo sa isip ko.

Paglampas namin maririnig agad ang bulungan sa paligid. May mga naglakas loob na lapitan kami ng pinsan ko para ayaing sumama sa table nila. Magalang naman kaming tumanggi at nagtuloy lang sa paglalakad. Ibinaling ko na lang ang mga mata ko sa makukulay na decoration sa VIP area.

Kapansin pansin ang luxurious decors and furnishing sa lounge. Mas malawak ang space, more exclusive and very comfty. Nabaling ang atensiyon ko sa isang grupo ng kabataang halos ka edaran ko na nakatambay malapit sa isang VIP Room. Hindi ko na masiyadong pinansin pero pagdaan namin ni Wesley nakita ko agad ang imahe ni Lucky at Ytchee na parang mga timang na nagsasayawan sa loob ng room. Sigh. Sa peripheral vision ko nakita ko ang pagka gulat sa mga mukha nila ng makitang pumasok si Wesley sa loob kasunod ako.

Kumulo agad ang dugo ko sa presensiya nila. Para silang mga langaw na sabik dumapo sa tae.

'Parang gusto ko na tuloy bawiin yung 30 minutes niya. Tch! Dito pa lang sinusundan na siya paano pa kaya kapag nasa baba na siya?'

"Hey guys!" masayang bati ni Wesley pagpasok namin sa loob. Hindi pa man kami umiinum pero parang mga lasing na silang apat kung magsi kilos. Nagulat ako ng may pumasok na dalawang waiter at may dalang dalawang tray. Isa isa nilapag ang mga pagkaen sa mesa. May Spicy Chicken Wings, Bacon Wraps, Nachos, Sizzling tofu at isang bote ng Tequila.

'Wow, may balak na naman ba silang magpakalasing?'

Kinabahan na talaga ako kapag nakaka kita ako ng alak.

"Umorder na kami ng kahit ano. May iba pa ba kayong gusto?" si Marlon habang inaayos ang mga pagkaen sa mesa. Sabay kaming umiling ni Wesley sa kanya at nagtama ang paningin namin pareho.

'Meron kaso pareho rin kami ng gusto. Sigurado akong yun din ang iniisip ni Wesley ngayon. Tch!'

"Okay na yan order na lang tayo kapag nagkulang." Sagot ni Wesley at kumukha ng isang onion rings at isinubo kay Lucky na sumandal sa balikat niya habang may ka text. Lalo lang nadagdagan ang inis ko dahil alam ko kung sinong ka text niya.

Dinampot ko ang shot glass at nagsalin ng tequila. Tinikman ko rin ang spicy chicken wings and it really taste good. It went well with the tequila. The spiciness was just right, and with the tequila, you can really feel the heat going down your throat. Gumuguhit pero masarap sa pakiramdam dahil sa lamig ng klima sa Baguio.

"Buti may nakuha pa kayong VIP Room sa dami ng tao?" Pang uusisa ko pagkatapos kong ilapag ang baso sa mesa.

"Muntik na ngang maubusan buti kamo may nagmagandang loob na magpaubaya." Sagot ni Andi.

"Magpaubaya? Sino? Ang babait naman nila?" Natatawang sabat ni Wesley habang kumakaen ng spicy chicken wings.

"Sila." Turo ni Andi sa labas. At nakita ko yung mga kolokoy na kanina pa nakatambay sa labas ng room namin.

"S-Sila?" Halos magkasabay na bigkas namin ni Wesley habang nakatingin sa labas.

"Oo, bakit akala niyo kayo lang ang mga gwapong may busilak na puso?" Singit ni Ytchee. Nagkatinginan lang kami ng pinsan ko at nalilito sa kwento nila.

"Eh bakit nandiyan pa sila? Diba nagpaubaya na sila dito VIP Room?" Bahagyang napalingon ulit si Wesley sa labas bago uminum.

"Eh alam niyo na.." Makahulugang tugon ni Marlon habang ngumunguya. Kinutuban ako bigla ng hindi ko maipaliwanag.

"Asan na ang tagay ko?" Inosenteng tanong ni Lucky habang ibinubulsa ang cellphone sa jacket niya.

"Later mylove baka malasing ka ng maaga." Biro ni Wesley.

"Sorry Ongpauco mas nauuna kang matumba kesa sa akin." At sabay silang natawa ni Ytchee. Palihim akong napakamot ng ulo dahil muli kong naalala yung video na sa cellphone niya.

"Bakit nga nandiyan pa sila sa labas?" Pagbabalik ko sa topic kanina.

"Dahil diyan.." Turo ni Andi kay Lucky na animo'y walang pakialam sa pinag uusapan namin at abalang pinupuno ng onion rings ang bawat daliri ng kaliwang kamay niya.

"Anong kinalaman ni Lucky?" Umayos ng upo si Wesley habang nakatingin ng derecho kay Andi.

"Siya. Siya ang dahilan kung bakit tayo naka kuha ng VIP Room." Nakangiting sagot niya.

"What do you mean." Singit ko naman dahil naiinis ako sa pambibitin nila.

"Hayst, ang hina niyo naman pumick up. Nakipag deal 'tong dalawa 'to sa mga yun kanina. Gusto nilang makilala si Lucky kapalit ng VIP ROOM. Malinaw na ba?" nakangiting kwento ni Ytchee.

"That's ridiculous!" Napakamot ng ulo si Wesley.

'Taena sinasabi ko na nga ba. Malakas ang kutob ko kanina na si Lucky nga ang inaabangan nila.'

"Sorry Ongpauco kinailangan namin ng tulong ni Lucky para makakuha tayo ng VIP room." paliwanag ni Andi.

"Pero sana sinabi niyo ng maaga para nakalipat o nag antay nalang tayo ng iba." Bakas sa mukha ni Wesley ang inis dahil agad siyang namula.

"Sorry na di ba kayo naman nag suggest na mag VIP tayo. Haler pahirapan kaya ang kumuha ng VIP dito sabi nila." Sagot ni Marlon.

"Bwahaha talo ka!" Napalingon kaming apat kay Ytchee at Lucky na nagpipitikan ng noo.

Maya maya narinig naming may kumatok na sa pinto.

"Ayan na sila. Maniningil ng utang." Tumayo si Marlon at tumingin kay Lucky.

"This is insane." Bulalas ni Wesley.

"Mabilis lang to promise mga 5 minutes." Sabat ni Andi. Ngayon ko lang nakitang na bad trip si Wesley kaya hindi na ako nag react. Naiitindihan ko naman kung bakit nagawa nila Andi yun. Ang mahalaga nasa loob na kami ng VIP Room ngayon.

"Lucky tara na nandiyan na ang mga admirers mo. Smile, hug, shake hands---"

"HUG? THAT'S NOT GONNA HAPPEN!" sigaw ni Wesley at nakita ko ang takot sa itsura ng dalawa. Gusto kong matawa dahil pinaninindigan ni Wesley ang galit niya.

'Tss, you know how territorial I'am when it comes to my properties.'

'Tss, you know how territorial I'am when it comes to my properties.'

Nag playback ng paulit ulit sa utak ko yung sinabi niya kanina sa suite.

'I feel you bro.'

"Wesley chill."

"Chill? You're kidding right?" Ngayon pati sakin nagagalit na siya.

I know dahil idea ko itong mag VIP Rooms kami. Pero kailangan kong magpanggap na hindi ako apektado sa nangyayari dahil ayokong mahalata ng mga kaibigan niya. Tumayo si Lucky at tumabi kay Wesley.

'F-ck! Ito palang galit na siya paano pa yung 30 minutes mamaya?'

"Relax, i sign up for this so i know what to do." Tapik niya sa balikat ni Wesley.

"L-Lucky.." Parang batang iniwan ng nanay ang itsura ni Wesley.

'Hayts napaka isip bata talaga.'

"Huwag mo na lang kaming panuorin 3 minutes and we'll be back promise." At pinisil niya ang kaliwang pisngi ni Wesley.

"Fine do it fast or i'll kick their ass out of this club!" Bigla siyang sumimangot at padabog na sumandal sa couch.

"Good Luck Inday! Fighting!" Natatawang sabi ni Ytchee na lalong ikinatulis ng nguso ng pinsan ko.

'Siraulo talaga to lalo lang maiinis si Wesley niyan eh.'

"AIISSSHHH!" naiinis na sigaw niya. Binunot ang cellphone at inabala ang sarili.

"Wait Lucky.." Pigil ko sa kanya.

"Bakit?" Inosenteng tanong niya.

Hindi agad ako nakapagsalita. Naiinis ako kasi kapag ganun ang ginagawa niyang paraan ng pakikipag usap sa akin. He look so damn attractive. Nagsisisi tuloy ako ngayon sa naging desisiyon kong pagpayag kanina.

"Hey, may sasabihin ka ba?" naiinip na tanong niya habang sinusuklay pataas ang blonde hair niya.

"Don't look too pretty infront of them." Mahinang sambit ko. Paglingon ko mapanuksong tingin ang tumama sa akin galing sa mga kaibigan niya.

"Psh!" Singhal ni Wesley habang nakasandal sa couch.

"Don't worry naka reserve yun para sa iba." Tumaas ang gilid ng labi niya at derechong nakatingin sa mga mata ko. Nangatal ang pang ibabang labi ko sa sobrang atraksiyong nararamdaman ko sa kanya. Nanggigigil ako na hindi ko alam.

'FUCK! FUCK! FUCK!'

Is he referring to me? Gusto kong magwala sa saya dahil sa sinabi niya. Hahahahaha!

Nagising lang ang diwa ko ng malakas na sumara ang pinto ng VIP Room. Bigla akong nakaramdam ng pagkainis sa kanya dahil lumabas siya para i-meet ang mga lalaking yun.

'Huwag na huwag mong gagawin yun sa iba Gonzaga, lagot ka sakin!'

"Don't look too pretty.. Ulol, istayl mo biodegradable!" Sigaw ni Ytchee at malakas na tumawa si Wesley.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA!"

"B-Ba-Bakit tama naman ah. Subukan niyang magpaganda sa harap ng mga yun pagbubuhulin ko silang lahat!" Inis na sagot ko at umupo. Sinalinan ko ng Tequila ang shot glass at tinungga ko ng mabilis.

'Kingenang araw to oh! Masiyado akong pinaglalaruan ng kapalaran ko. Umayos ka Lucky pagsisisihan mong nakilala mo ko!'

"Kingenamo boy! Papeymus ka masiyado." banat niya ulet at nag high five pa sila ng pinsan ko.

"Tigilan niyo nga ako." Nabubwesit na sagot ko.

"Hindi pala sigurado sa nararamdaman ah. Tch!" Nag de kwatro ng upo si Wesley at inabala ang sarili sa hawak na cellphone.

"Pustahan tayo sweety, iiyakan mo si Lucky." Natatawang sabi ni Ytchee habang inilalapag ang shot glass sa mesa.

*TUGDUG *TUGDUG*

Kinabahan ako bigla sa sinabi niya.

'Kalukohan bakit ko siya iiyakan?'

"Asa. Baka siya ang unang umiyak." ganti ko sa sinabi niya.

"Subukan mo lang siyang paiyakin Kenneth. Makikilala mo ng maaga ang mga ancestors natin." Seryosong tugon ni Wesley ng hindi tumitingin sa akin.

"Sobra ka naman! Para nagbibiro lang eh." Sagot ko.

"Hindi biro ang nararamdaman ko sa kanya Kenneth, always remember that." Ramdam ko ang pagiging seryoso niya maging si Ytchee dahil hindi ito sumagot.

"Alam niyo nakakatuwa kayong dalawa. Kung naririnig lang ni Lucky ang pagtatalo niyo malamang lumuwas agad yun pa Maynila." Sabat ni Ytchee. Napailing nalang ako sa sinabi niya.

Bahagya akong napalingon sa labas. Bakas na bakas sa mga itsura nila ang tuwa ng makita at makilala si Lucky. Panay flash ng mga cellphone ng camera nila sa kanya. Isa isa silang nagpapa picture kasama si Lucky. Nainis lang ako dahil panay ang akbay nila habang nagpapa picture. Napaka natural ng mga ngiting ibinibigay niya at sa nakikita ko mukhang nag e-enjoy siyang makihalubilo sa mga kasama.

'Tss, feeling celebrity.'

Bigla akong napatayo ng makita kong hahalikan siya ng isang lalake sa pisngi.

"Gago yun ah!" mahinang bulong ko. Pero nakita kong kunwari lang pala na hahalikan siya for picture sake. Kunwari kasing kumikindat si Lucky at hahalikan naman siya nung lalake sa harap ng camera.

"B-Bakit bro?" Tanong ni Wesley pero hindi tumitingin sa labas. Tss, masunuring bata. Hindi ko na sinabi yung nakita ko dahil baka bigla siyang mapalabas ng VIP Room at pag sisipain sila. Umupo nalang ako sa sobrang inis. Panay ang tingin ko sa relos ko habang umiinum kami.

'3 minutes na ah! Ang tagal ata nila.'

Bumukas ang pinto at sabay sabay kaming napalingon.

"Bye bye Lucky see you around!" Malakas na sigaw ng mga lalake sa labas.

"Sure thing." Kaway niya at na flying kiss pa sa kanila bago isara ang pinto.

"Sure thing? Bakit may plano ka pang makipag meet up sa kanila?" Bungad ni Wesley pag upo ni Lucky sa tabi niya.

"Sinabi ko lang yun para hindi na sila mangulit." Dumampot siya ng pagkaen at parang lalakeng ngumuya.

"Juice Colored natapos din ang fans day." Hapong hapo napasalampak si Marlon sa couch.

"Truth! Iba talaga kamandag nito ni Inday walang antidote puro anaesthesia!" Natatawang sabi ni Andi.

"Ano ka ba Wes, be thankful nag giveway sila sa room or else nasa labas tayo naka pwesto." Mahinahong sagot ni Lucky.

"Bakit pwede naman tayong mag antay ah. Eh di kung wala maghanap tayo ng ibang Club." Pagsusungit niya pa.

"Kahit saan tayo pumunta may lalapit at lalapit parin diyan sa dyowa mo!" Litanya ni Ytchee habang inaabot kay Lucky ang shot glass.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikipag kwentuhan kay Marlon at Andi habang nag uusap at panay tawanan naman si Ytchee at Lucky. SI Wesley naman tahimik na nakikinig sa dalawa habang umiinum.

"Lucky Gonzaga, will you marry me?" Seryosong tanong ni Wesley. Sa gulat naibuga ni Lucky yung alak na iniinum niya pataas at nag shower kami ng Tequila galing sa bibig niya.

"W-What?" Gulat na tanong niya habang tumutulo pa ang tequila sa gilid ng lips niya.

"I said let's get married, ayokong may lumalapit sa iyong iba!" Hindi makasagot si Lucky at parang natulala lang siya sa sinabi ni Wesley.

Bigla akong mahimasmasan sa sinabi ng pinsan ko. Pakiramdam ko wala akong nainum simula kanina.

'Ano bang pinagsasasabi nito? Lasing na ba siya? O sadyang nababaliw na siya?'

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Sabay tawa ng mga kaibigan niya. Si Lucky naman napapa nganga sa harap ni Wesley.

"W-What i'm serious!?" Hinawakan niya sa kamay si Lucky. Dumampot siya ng isang maliit na Onion ring at isinuot sa daliri ni Lucky.

"Will you marry me?" bahagya pa itong lumuhod sa harap niya. Nasapo naman ni Lucky ang noo niya.

"Pakinengshet ang sweet mo Ongpauco!" Sigaw ni Ytchee na kinikilig sa pinapanuod niya.

"Marry me instead Wesley Ongapuco magbabayad ako kahit magkanong gusto mo!" Lumuhod pa si Marlon sa harap ng pinsan ko may hawak ding onion ring.

"Don't forget me, Flower Girl ako!" Sigaw ni Andi.

"Sa lahat ng biro yan ang pinaka ayaw ko." Malamig na tugon ni Lucky. Blangko ang itsura niya at seryoso siyang nakatingin kay Wesley.

Biglang silang natigilan sa sinabi niya. Nanahimik ang loob ng VIP Room.

'Fuck what's happening? Ramdam ko ang panlalamig niya. Ngayon ko lang siyang nakitang magseryoso sa harap nila.'

Aaminin ko kahit ako nanibago sa pagiging seryoso niya.

"Seryoso ako Lucky." Tinapatan ni Wesley ang pagiging seryoso niya.

"Pwes, alam mo naman siguro ang sagot sa tanong mo noon pa." Kinagat niya ang onion ring sa daliri niya at nginuya na parang barako.

"Lucky naman eh." Biglang lambing ni Wesley at tumabi pa lalo kay Lucky. Wala ni isa man sa amin ang nagsalita sa pag uusap nila.

"Huwag ngayon Wesley, mainit ang ulo ko. Kenneth, open pa ba yung 30 minutes ko?"

"H-Ha? O-Oo sige. Ytchee." wala sariling sagot at tawag ko.

"Oo!" Alertong sagot niya sa tapat ko.

"Tara, Ytchee." Tumayo siya at walang lingunang iniwan kaming lima. Walang nagsalita sa amin paglabas ni Lucky.

"I'm so stupid! What am i thinking?!" Sigaw ni Wesley paglabas ni Ytchee.

"Chill out. Uminum na lang tayo when they get back after 30 minutes bumalik na tayo sa hotel."

"Uuwe na agad tayo?" Mahinang reklamo ni Andi at pinandilatan ko siya.

"Sabi ko nga uwe na tayo." Napakagat siya sa labi niya at dumapot ng pagkaen sa mesa.

Hindi na nagsalita pa si Wesley panay lang ang nguya at inum nito. Sinabayan nalang namin siya ng inum. Mabuti nalang hindi nawawala ang pagiging kengkoy ng dalawa kaya kahit papano natatawa kaming magpinsan sa pinagkukuwentuhan nila.

"Galit na si Lucky sa akin bro!" Parang naiiyak na sambit ni Wesley.

"Bakit siya magagalit sayo? Malabo yun alam mo naman kung gaano ka importante dun." Alo ko kanya at napatingin siya sa sinabi ko.

'Please lang huwag mong idadaldal ang tungkol sa nararamdaman ko ihahagis kita sa dance floor!'

"Wesley, pagod lang yun. Alam mo bang matinding pamimilit ang ginawa namin kanina para mapapayag siyang makipag kilala dun dahil alam niyang magagalit ka." Kwento ni Marlon at sabay kaming napalingon ni Wesley sa kanya.

"T-Talaga?"

"Oo Wesley. Ikaw ang iniisip niya simula pa kanina ng sabihin namin yung deal sa kanya." Sabat ni Andi.

"Buti nga napapayag namin eh." Napapakamot sa ulong singit ni Marlon.

"Eh bakit bigla siyang nagalit kanina?" Nakangusong tanong niya.

"We all have reasons. Kung ano mang reason niya irespeto nalang natin. Aware ka naman sigurong hindi naging mahanda yung last relationship niya diba?" Paliwanag ni Andi. Napalingon ako kay Andi dahil mukhang may alam din siya tungkol sa past niya.

"Hindi. Pero salamat narin." mahinang sagot niya.

Bumukas ulet yung pinto at lahat kami napalingon ng pumasok si Ytchee. Hinanap ng mata ko si Lucky pero hindi niya ito kasama. Wala naman siya sa labas dahil malapit ako sa bintana.

"Si Inday?" usisa ni Marlon.

"Nag CR lang siya." Tugon ni Ytchee at umupo sa tabi ni Wesley.

"Galit ba siya?"

"Hindi. Na gi-guilty lang siya ngayon kung bakit pa niya nasabi sayo yun kanina."

"Its my fault." Napasabunot siya bigla sa ulo niya.

"Wala yun. Para kasi kayong mga engot. Pagkatapos niyo kaming pakiligin kanina ngayon mag iinarte kayo pareho." singhal niya.

"Ytchee naman eh." Parang batang sagot niya.

"Oo nga! Pinagkwentuhan ka lang namin kanina habang sumasayaw kami ng Lambada!" Bigla siyang tumayo at sumayaw mag isa. Natawa kaming lahat sa sayaw niya kaya pansamantalang nawala ang tensiyon kanina.

Marami na kaming napag kwentuhan at mukhang okay na ulit si Wesley pero hindi parin bumabalik si Lucky galing sa CR. Kinabahan na ako kaya ng paglingon ko tamang tamang nagtama ang mata namin ni Wesley. Kahit hindi niya sabihin alam ko ang nasa isip niya.

"Excuse me. Mag CR lang ako." Paalam ko sa kanila.

Paglabas ko patakbo akong bumaba sa ground floor. Hinanap ko siya sa dance floor, sa mini bar, sa bawat sulok ng club. Shit! Sa CR nga pala yung paalam niya kay Ytchee kanina. Mabilis akong umikot sa kabilang side ng dance floor dahil dun ko nakita kanina yung sign ng CR.

Papalapit pa lang ako ng washroom area ng marinig ko ang pamilyar na tawa. Napalingon ako sa isang madilim na side ng bar at nakita ko si Lucky kasama yung foreigner na photographer na nagbigay ng calling card sa kanya. Magkatabi silang nakaupo at masayang nag uusap. Dahil sa ingay ng sound system pabulong silang mag usap.

"That fucking scumbag!" Galit na galit na sambit ko ng makitang nakadikit ang mukha niya sa tenga ni Lucky habang mahinang tumatawa.

Bigla akong nag Super Saiyan dahil naramdaman ko yung init ng buong katawan ko paakyat ngulo ko. Hindi ko maipaliwang yung galit nararamdamang ko ngayon. Matinding pagpipigil ang ginawa ko kanina habang nasa loob ako ng VIP Room. Tapos ngayon narinig ko lang yung tawa niya kasama yung foreigner na yun parang sasabog na yung ulo ko. Ang bigat ng bawat paghakbang ko habang papalapit sa table nila.

"K-Kenneth?" Gulat na sambit niya sa pangalan ko ng umupo ako sa harap nila. Lumingon muna siya sa paligid kong may kasama ako.

"You're 30 minutes is up. Ano pang ginagawa mo dito." Pilit kong kinakalma ang sarili ko sa harap nila.

"Nakita ko kasi si Edward kaya nakipag kwentuhan muna ako." Pormal na sagot niya.

Gusto kong isigaw sa harap niya ngayon na wala akong pakialam. Nanginginig ang kamay ko sa galit. Kung pwede ko lang siyang kaladkarin paakyat ginawa ko na. Inuubos talaga niya ang pasensiya ko.

"Let's go inaatay nila tayo."

"Yeah. Sorry Edward, i have to go. Thank you for the drink." Dahan dahan siyang tumayo habang nagpapa alam. Lumapit ako at hinila siya papalayo sa kupal na yun. Inaasahan kong magaglit siya pero wala naman siyang reklamo.

"W-Wait, mag si-CR nga pala ko." Huminto siya kaya napahinto rin ako.

"Sa tagal mo hindi ka pa nag CR kanina?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Luh, bakit inaaway mo ko masama na bang mag banyo?" Nakangusong sagot niya at nagtaas ng kilay ng makitang nakahawak parin ako sa kamay niya.

Umikot ang mga mata ko sa sobrang pagpipigil ng galit ko. Hinila ko siya papuntang wash room area. Bukod sa CR na pang lalaki at babae may dalawa pang nakahiwalay na cubicle sa labas. Binuksan ko ang pinto at hinila siya sa loob. Ni lock ko agad ang pinto at tinulak ko siya kaya napasandal ang likod niya siya sa paser. Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya habang nakahawak ang isang kamay ko sa pader.

"Huwag na huwag mong ugaliing pagselosin ako Gonzaga." Mariing banta ko.

"A-Ano bang p-pinagsasa sabi mo." Nauutal na sagot niya at halatang naiilang sa ginagawa ko.

"Don't act as if you know nothing. Bistado ko na ang mga palabas mo. Pinagseselos mo lang naman ako diba simula pa kaninang umaga?"

"Kung nagpapatawa ka hindi ka nakakatawa." Umiiling na sagot niya.

"Hindi talaga nakakatawa, dahil hindi ako natatawa sa mga ginagawa mo."

"So nagseselos ka nga?" Umangat ang gilid ng labi niya at sarkastikong ngumiti.

'WRONG MOVE GONZAGA!'

Hindi ko na matiis at siniil ko siya ng halik sa labi. Para akong kinuryente ng unang maglapat ang mga labi namin. Basa at sobrang lambot ng lips niya. Naramdaman ko ang pangangatal ng labi niya. Tama yan kabahan ka talaga. Wala sana sa plano kong igalaw ang lips ko pero nalasahan ko ang matamis na wet lips niya. Kaya para akong uhaw na uhaw na sinusunggaban siya.

Nung una hindi siya gumagalaw sa pagkabigla pero nadala na rin siya sa ginagawa ko. Para akong mababaliw sa sarap, napapaungol ako sa bawat mahinang kagat ko sa lips niya. Lalo na kapag nagdidikit ang dila naming dalawa hindi ko mapigilang hindi rin kagatin ang dila niya. Hinawakan ko siya sa batok at diniinan ko pa lalo ang paghalik sa kanya. Maya maya naramdaman kung umangat ang kamay niya sa batok ko at sinasabunutan ako sa batok.

Dahan dahan ko siyang iniangat at inupo sa sementong lababo para magpantay ang taas naming dalawa. Naghiwalay lang ang mga lips namin pansamantala dahil sa pagkakaupo niya.

Nagtitigan kami ng ilang segundo. Napakagat siya sa lower lip niya, kitang kita kung paano ito na mawalan ng kulay hanggang sa dahan dahan nitong pamumula.

"How did you become more sexy in just a couple of seconds?" mahinang sambit ko.

Para akong sinapian at bigla kong hinapit ang batok niya papalapit sa akin at hinalikan siya ng mas malalim pa sa ginawa ko kanina. Napapungol siya sa ginagawa ko kaya lalong umiinit ang katawan ko. Naramdaman kong pumulupot ang legs niya sa bewang ko kaya magkadikit na magkadikit ang katawan namin pareho.

"F-Fuck!" Husky at very seksing usal niya habang hinahalikan ko siya sa ilalim ng baba niya pababa sa leeg niya. Namalayan ko nalang ang kamay kong hinuhubad ang leather jacket niya. Kusang pumasok ang kamay ko sa loob ng t-shirt na suot niya at dahan dahan kong pinipisil likod at ang bewang niya.

Hindi ko alam kong gaano kami katagal sa ganung posisyon. Yaokong matapos ang sandaling ito kundi mababaliw ako. Kung hindi pa sumakit ang puson ko hindi pa ako titigil sa ginagawa ko. I can't stop myself from kissing him. He's driving me crazy and I'm loosing all my control everytime i stare on his seductive wet lips.'

Pareho kaming hinihingal ng maghiwalay ang mga labi namin. Nakahawak ako sa malambot na blonde hair niya. Namiss ko ng sobra ang amoy strawberry scent niyang buhok. Magkadikit ang noo naming pareho habang naghahabol kami ng hininga.

"Don't you dare bite you lips again Gonzaga. Or else i won't stop kissing you." Hinihingal na bulong ko. Pero dahil natural ang pagiging matigas ng ulo niya, dahan dahan siyang napakagat sa labi at nanunukso ang ngiti niya. Umiling lang ako at muling naglapat ang mga labi namin na parang may sariling buhay na gumagalaw ng kusa.

'I can live like this in years just by kissing you.'

Wala akong planong bumitaw at tumigil sa ginagawa ko. Kung hindi pa nag vibrate ang cellphone namin pareho hindi pa kami titigil sa ginagawa.

"Shit! They probably looking for us."

"Its Ytchee." Mas nauna siyang bumunot ng cellphone sa bulsa.

At dahan dahan niyang inalis ang legs niya sa katawan ko.

'OH NO NO NO NO NO!'

Mabilis akong tumalikod sa kanya dahil ayokong makita niyang tayong tayo hinaharap ko.

Narinig ko ang mahina niyang tawa kay humarap ako ng nakatakip ang kamay sa harap ng pants ko. Ngunit nakaharap na siya sa salamin at kasalukuyang inaayos ang magulo niyang buhok. Lumapit ako at niyakap siya ng patalikod.

'Ano bang ginagawa mo sa kin Gonzaga at bakit ako nagkakaganito?'

Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa niya sa harap ng salamin.

"Huwag mo ng uuliting pagselosin ako Gonzaga may paglalagyan ka." At hindi ko matiis na idiin ang harap ko sa likuran niya at amuyin ang nakaka adik niya buhok.

"Tss, seloso ka lang talaga." Natatawang sagot niya at mahina akong siniko patalikod.

"Oo lalo na kapag harap harapang may nag pro-propose sayong pakasalan ka. Akin ka lang tandaan mo. Sa akin lang." Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga sinasabi ko ngayon sa harap niya. Pero gumaan ang pakiramdam ko ng masabi ko ang nasa isip ko.

"Sweety? Psh. Next time marinig ko yun sayo sasapakin na kita." Inangat niya ang kanang kamao niya at pinag untog sa isang palad niya.

'Hahahahaha Seloso din pala!'

"You deserved it, wicked witch!" Habang inaamoy ang buhok niya. Humarap siya sa akin at tinitigan ako. Handa akong magbayad ng kahit magkano mabasa ko lang kung anong iniisip niya ngayon. Titig na titig lang siya sa mga mata ko. Ngunit ang pagkakamali lang niya ng unti unti niyang basain ng dila ang red lips niya.

'Gotcha!'

Automatiko akong yumuko at hinalikan siya ng madiin. Kinababaliwan ko na ang paghalik sa kanya. Kahit paulit ulit ko siyang halikan magdamag hindi ako magsasawa. I want more. I'm not yet satisfied. Hawak ang ang magkabilang panga niya napapangiti ako habang hinahalikan siya. Hinawakan ko ang isang kamay niya at dinala sa harap ng galit na galit na muscle sa katawan ko.

Hindi niya siguro inaasahan na gagawin ko yun kaya mabilis siyang napabitaw at pinanlakihan niya ako ng mata.

"What?" nagtatakang tanong ko. Umikot na naman pataas ang mata niya. Akala ko kasi gusto niya kaya napayuko ako sa hiya.

'Akala ko ba kaya mong paamuhin 'to?'

"Ano bang ginagawa mo?!" hinampas niya ako ng mahina sa braso.

"What?" natatawang sagot ko.

"Lasing ka na naman noh? Tapos ano? Bukas kung ano ano na naman sasabihin mo sakin!" singhal niya at namewang sa harap ko.

"Did you know that you're even more attractive when you're upset Lucky?" natatawang tanong ko at ng yumuko ako para halikan siya bigla siyang umilag.

"Alam mo bang mas malibog ka pa sa rabbit?" natatawang sagot niya.

"Mukha mo! Mauuna ako sa taas sasabihin kong sinamahan pa kitang manigarilyo kaya tayo natagalan." Mabilis ko ulit siyang hinalikan sa lips at natulala na naman siya. Lumabas ako ng CR ng nagpipigil ng ngiti habang nangangamot ng ulo.

'Mas malabog pa sa Rabbit? Malibog ba ang mga rabbit?'

To be continued...


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C59
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión