Descargar la aplicación
84.12% Lucky Me / Chapter 53: FIFTY THREE

Capítulo 53: FIFTY THREE

CHAPTER 53

MARLON'S POV

"Andi that's enough, Marlon take him outside." Nagulat ako ng banggitin ni Kenneth ang pangalan ko. Natataranta akong lumapit kay Andi. Masiyado akong nalunod sa mga eksena nila kanina.

"Huwag mong asahang pagtatakpan namin ang kalandian mo. Ginawa mo yan mag isa namnamin mo ang consequense mag isa." Madiing wika ni Andi bago tumalikod at mabilis lumabas ng suite.

"Ses, wait! Ytchee dito ka lang kausapin ko lang si Andi." mabilis akong humabol papalabas ng suite.

Gusto ko sanang mag paiwan para malaman ko ang boung pangyayari, kaso hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang sa pag iinarte itong si Andi. Kainis, tsismis na naging bato pa.

Parang maaaning na ako sa mga eksena nila ngayong umaga. Hindi parin ako maka move on sa nakita ko kanina. Si Lucky at Sir Adam? No way, alam kong naga-gwapuhan si Lucky kay Sir noon pa pero yung may ganitong eksena na magkasama sila sa suite ni ser Adam, Bonggels ni Inday! Maloloka ang mga kagrupo ko kung malalaman nila na may ganitong eksena ngayon sa Baguio. Pero nag aalala din ako sa kalagayan ni Lucky. Hindi ugali ni Mj ang magbanta sa hangin wala sa vocabulary niya yun. Hindi pa ba nauubos ang kamalasan niya at hanggang Baguio sinusundan pa siya?

"Andi wait." Nauna siyang pumasok ng elevator at mabilis akong sumunod.

"Ano bang nangyayari sayo ha!" hinihingal na sambit ko sa kanya.

"Anong nangyayari sa akin? Bakit hindi mo tanungin yung higad nating kaibigan kung anong nangyari sa kanya?"

"Andi, Oo given na nakita natin sila sa ganung sitwasyon. But it doesn't mean may nangyari talaga sa kanila." Hindi sa pinapanigan ko si Lucky but for the benefit of the doubt may karapatan pa rin siyang i-explain ang side niya.

"Pwede ba Marlon, ang aga aga huwag kang magtanga-tangahan." Naiinis na sagot ni Andi.

"At ikaw naman ang aga aga huwag kang mag asim asiman."

"You don't understand." Galit na lingon niya akin.

"Alin dun ang hindi ko maintindihan? Yung nagseselos ka kay Lucky o yung pang best actress na eksena mo kanina?"

Galit parin ang itsura niya pero ng banggitin ko ang ginawa niya, hindi ko alam kong namalikmata lang ako dahil nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Hindi ka nag iisa Andi. I feel you." Alo ko sa kanya. Ang hirap kapag ang mga bakla ang nad da-drama daming ek-ek.

"Eh bakit parang kinakampihan mo pa siya?"

"Wala akong kinakampihan sa inyo ses. But i think you're being unfair Andi." Mahinahong sagot ko.

"And do you think he's being fair?" singhal niya at naunang lumabas ng elevator. Sinundan ko siya papalabas hanggang makapasok kami sa loob ng suite namin.

"Alam mo hindi kita maintindihan eh, nagagalit ka sa kanya pero hindi mo man lang inaalam ang buong pangyayari kung bakit nasa ganun silang eksena."

"Kitang kita mo na ang ebidesiya Marlon, ano pa bang gusto mong malaman."

"Eh ano naman ngayon kung sakaling yun nga ang katotohanan?" hindi siya kaagad nakasagot pero bakas sa mukha ni Andi ang pagkadismaya sa isinagot ko.

"Sinundan mo ba ako dito para i-comfort o para galitin ako lalo?" Napairap lang ako.

Alam kong alam niya na wala sana kami sa ganitong sitwasyon kong nakinig muna siya sa paliwanag nila.

At alam ko ring naiinis na siya sa pagtatanggol ko kay Lucky pero kaibigan namin siya pareho, hindi nman por que galit siya sa isa eh dapat galit na din ako. Unfair yun para kay Lucky.

"Tapatin mo nga ako Andi, bakit ba galit na galit kay Lucky at Sir Adam? Okay, WHAT IF. What if all your suspicions are correct. SO WHAT ANDI? Desisyon ni Lucky nila yun and its out of our business."

"Niloko niya tayong lahat. Pinagmukha niya tayong tanga para makuha ang mga bagay na gusto niya. Do you think its funny? Nagtiwala ako sa kanya Marlon pero dahil sa kakatihan niya gumulo lalo ang mga eksena."

"What ever the hell he was thinking doesn't give you the right to judge him or even slapped him."

"He deserved it." Mapaklang sagot niya.

"And you deserved what? An applause dahil ikaw ang unang humusga? Now what, are you happy?" hindi ko mapigilan ang maging sarkastiko sa katigasan ng ulo niya.

"Anong gusto mong palabasin Marlon? Na ako ang mali at tama lahat ng ginagawa niya?"

"Bakit sa tingin mo ba nabigyan mo ng hustisya yung pangyayare dahil nakapanakit ka? Si Lucky Gonzaga yun ses, Si Lucky! Ang inaasahan ko nga ikaw ang unang magtatanggol sa kanya tama o mali man yung ginawa niya."

"Kasalanan niya yun dahil ininsulto niya ang pagkatao ko. Eh di siya na ang nuknukan ng ganda!Umamin lang si Wesley sa nararamdaman niya lumaki agad ang ulo niya." Lumapit siya sa bar at nagsalin ng tubig sa baso.

"So lumabas din ang totoo. Insecure ka kay Lucky. Nagseselos ka dahil may isang Wesley Ongpauco at Adam Villanueva na nagkakandarapa sa kanya?"

"So what kung nagseselos ako Marlon? Normal yun sa kagaya kong bakla na ipinanganak ng hindi kasing ganda niya. Siya na ang maganda, payat, matangkad, maputi, magaling kumanta, habulin ng lalake. Pero sana huwag naman niyang ipamukha sa akin na ganito lang ako at wala ng ibang papatol sa akin dahil hindi ako kasing ganda niya o kundi pa ako magbabayad ng bongga." Naginginig ang kamay niya habang ibinababa ang baso sa mesa.

"Ang sakit sakit nun seshie." Ramdam ko ang pinagdaraanan niya dahil pinagdaanan ko na rin iyon noon. Wala naman akong ibang choice kundi tanggapin ang katotohanang iyon. Bakla ako, anong laban ko sa mga babae kung makikipag kompetensiya ako sa atensiyon sa isang lalaki. Maraming paraan basta marunong kang dumiskarte.

"Naiintindihan kita Andi, ikaw ang unang naging kaibigan niya sa Carlisle. Alam mo at alam natin pareho na hindi ganun ang klaseng tao si Lucky. There's always an explanation for everything."

"Sana nga hindi ako nagkamali sa pagkakakilala sa kanya. Aaminin ko mali naman talaga ang ginawa ko kanina. Nadala lang ako sa emosiyon ko at siguro sa inggit na rin sa kanya." Mahinang sagot niya at yumuko.

Nakaramadam ako ng kaunting ginhawa dahil sa sinabi niya. Akala ko kasi makikipagmatigasan pa si Andi.

"Oo weird siya at malihim pero hindi ang tulad niya ang gagawa ng ganitong klaseng iskandalo para sa pansariling kaligayahan o ikasisira niya. Remember ang sabi niya sa atin noon, kailangan niyang magpaka low profile dahil ayaw niyang madisappoint ulit ang family niya?"

"Oo naalala ko pa."

"Kahit wagas wagasan siyang inaapi nila Amber at Mj, kahit isang beses ba nakita mong nagsumbong siya kay Tita o sa family niya?"

Nang aasar lang siya pero hindi siya lumalaban sa kanila, dun ako bilib kay Lucky hindi siya gumaganti ng pisikal unless sobra na. Madalas lang siyang mambara at mamilosopo sa mga taong umaaway sa kanya.

"H-Hindi."

"See? Alam mo namang palaging my ulterior motive si Mj sa bawat galaw o mga kilos niya. Ngayon kailangan nating malaman kung bakit o papaano niya nalaman na naroon si Lucky sa suite ni Sir Adam." Nabuhay na naman ang dugo ko dahil may bagong impormasiyon na naman akong malalaman. Exciting!

"Yun nga rin ang iniisip ko kanina. Napansin mo rin yung kakaibang galit niya kay sir Adam kanina?" nagtatakang tanong ni Andi. Nangati ako bigla sa sinabi niya akala ko kasi ako lang ang nakahalata kanina napansin din pala niya.

"Oo ses, Ang nakakapagtaka din bukas yung pinto ng suite ni ser pag sugod natin dun kanina." Lumapit ako sa kanya dahil gusto kong masiguro kung tama ang hinala ko. Napatayo si Andi sa sinabi ko at mababakas sa itsura niya pagtataka.

"Trulalu seshie, kung may ginagawa nga silang masama o kaduda duda dapat ni-lock nila ang pinto diba?" nanlaki ang mata ni Andi sa sinabi niya.

"Planggak! At papaano niya nalaman kung saan ang suite ni Sir Adam?"

'Something fishy may kutob akong may itinatago itong si Mj eh.'

"Sa tingin mo mapapatawad pa ako ni Inday Lucky sa ginawa ko sa kanya kanina?" nakangusong tanong niya bakas na naman ang lungkot sa mukha niya.

"Oo naman ses, hindi pa huli ang lahat para humingi ng kapatawaran sa kanya."

"Natatakot ako seshie, wala akong maisip na gawin para mawala ang galit niya."

"Gaga, meron ka pang ibang magagawa."

"A-Ano?" Nagtatakang tugon niya.

"Kailangan nating tumugtog sa laban niya mamaya. Isantabi mo muna yang kadramahan mo at kapag matalo tayo mamaya ipapakatay kita sa buong section natin."

"Oo naman karangalan ng section natin ang nakataya dito."

"Great, first things first. Kailangan nating manalo sa last competition ngayong araw. Pansamantalang isantabi muna natin ang mga drama." Pilit ko ring kinakalma ang sarili ko dahil bilang class president kailangan kong isaayos ang lahat.

"Okay, mauna na ako maligo 'day na bubo-e na akez." At bahagya pa siyang napahawak sa tiyan.

Nasa ganung eksena kaming ng may biglang pumasok sa isip ko at natigilan ako.

"Hoy, Inday anyareh? Hindi pa ako nautot parang na stroke kana." Lumapit siya at inalog alog niya ako sa balikat.

"MAYGAD! MAYGAD! ANDRES BOLIVAR!" napatayo ako at tinitigan siya.

"Inday umayos ka uututan kita!"

"Naalala mo pa ba yung naging hula sayo ng matanda sa Quiapo nung nagpunta tayo nila Lucky?" kinakabahang tanong ko.

"Oh, bakit anong kinalaman nito sa sitawasiyon natin ngayon?"

"Tinatanong kita kung naaalala mo pa. Anong tarot card nga ulit ang nabunot mo?"

"A-Ano nga ba?" kumunot ang noo niya at nag isip ng malalim.

"Alalahanin mo kundi ihahagis kita sa terrace!"

"JUDGMENT." Mahinang sagot niya at saka siya natulala. Ilang minuto muna ang katahimikang namagitan sa aming dalawa.

"Ang sabi ng manghuhula, isang pangyayari ang susukat sa kakayahan kong husgahan ang tama at mali." Wala sa sariling sambit niya.

"Kung hindi ako nagkakamali sinabi rin sayo ses na huwag mong husgahan ang isang pangyayari dahil sa iyong nakikita bagkus mas kailangan ito ng matindi pang unawa." Dugtong ko sa sinasabi niya.

"Hindi lahat ng nakikita ng ating mga mata ay palaging tama dahil kadalasan kung ano ang iyong nakikita iba ang interpretasyon ng puso at isipan na kadalasa'y hindi tumutugma." Isang malalim na buntonghiniga ang binitawan niya pagkatapos niyang sabihin yun.

Kinabahan ako dahil mukhang tugma ang hula kay Andi kagaya ng naging hula sa akin.

Bumagsak ang balikat ni Andi at mukhang hinang hina siya sa nalaman.

"Do you think its coincidence? Sa tingin mo ba ito yung sinasabi ng matanda?" namumutlang tanong niya.

'Bakit ko pa kasi pinaalala yan tuloy nag bago na naman ang mood niya.'

"Tama ang naging hula niya sa akin ses, mukhang nangyayari naman ngayon ang hula sayo."

"Anong gagawin ko seshie?" naiiyak na tanong niya at itinakip ang dalawang kamay sa mukha niya.

"Maligo ka na at baka sa takot mo mautot ka pa dito!" pag iiba ko ng usapan.

"Ayy, Oo nga pala nabo-boe na akiz kanina." Dinampot niya ulit yung towel at mabilis na pumasok sa banyo.

Habang naliligo si Andi dumating naman si Ytchee at Lucky para kumuha ng ibang gamit nila. Dahil nakaligo na si Lucky sa suite ni Sir Adam kanina, sa suite na lang ni Bonnie maliligo si Ytchee. Hindi narin kami masiyadong nakapag kwentuhan dahil nagmamadali silang dalawang umalis. Wala akong nakuhang bagong chikka sa kanila pero nangako si Lucky ikukwento ang lahat after ng competition kaya natuwa naman ako.

Hindi ko na kinuwento kay Andi ang pagpunta nila Ytchee dahil baka ma guilty na naman siya. Kaya after naming maghanda bumaba na kaming dalawa. Marami na ang tao sa convention hall pagpasok namin. Nakit akong nasa dating mesa parin namin naka pwesto sila Ytchee kasama ang poging mag pinsan.

Abala sa kwentuhan si Kenneth at Ytchee. Ganun si Wesley at Lucky na super sweet at seryosong nag uusap. Aaminin kong naiinggit ako kay Lucky sa pagkakataong ito, dahil isang Wesley Ongpauco ang may gusto at umamin sa kanya.

'Ginoo! Ang ganda ng friend ko lord, kunin niyo na. Charot! Pero hindi na rin ako nagduda dun. Hello?!, Ang gwapo gwapo din kaya ng ex boyfriend niyang si Jasper. Jusko, iba ang kamandag nito ni Lucky walang antidote ang venom. Nakakaloka!'

Sila na kaya ni Wesley? Simula kasi kagabi hindi na sila mapaghiwalay ang dalawa. Sweet nila sa isa't isa at panay yakap ni Wesley kay Lucky. Kung ako ang nasa pwesto niya malamang naka burol na ako ngayon sa bahay. Kaya hindi ko rin masisi si Andi kung bakit ganun ang reaction niya kanina at nasaktan niya si Lucky.

'Lucky, Inday magtira ka naman para sa mga less fortunate na mga bakla.'

Nagising lang ako sa malalim na pag iisip ng biglang tumayo si Andi at nag walk out. Sumenyas lang ako sa kanila at saka ko sinundan si Andi.

YTCHEE'S POV

Habang abala kami sa kukwentuhan ni Kenneth nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa. Si Marlon, nasa back stage na raw sila at pangatlo si Lucky sa kakanta.

"Lucky, get ready. Nagtext si Marlon nasa backstage na daw yung ibang contestants." Singit ko sa nakakaumay na ka sweetan ni Lucky at Wesley.

"Sasamahan paba kita?" biglang tumayo si Wesley. Narinig ko namang natawa si Kenneth sa ginawi ng pinsan.

'Tss, masiyado namang makabakod 'tong lalakeng to akala mo naman ibubugaw ko tong dyowa niya!'

"Bakit kakanta ka rin ba?" natatawang singit ni Kenneth. Gusto kong tumawa ng malakas sa sinabi niya. Mukhang napahiya ng konti si Wesley.

Hindi ko alam pero hindi ako boto kay Ongapauco para kay Lucky. Pero mas gugustuhin ko siya kesa kay Sir Adam. Hindi naman sa ayaw ko kay sir Adam pero masiyado siyang matanda para kay Lucky. At isa pa iniisip ko lang din ang kahahantungan ni Lucky kapag malaman ng mga timawang schoolmates ko ang tungkol sa kanila. Sigh.

"Manuod ka na lang dito. Kapag hindi ko marinig yung palakpak niyo ni Kenneth lagot kayo sa akin!" singhal ni Lucky sa dalawa.

"Papalakpak lang ako sa taong gusto ko." Walang emosyong sagot ni Kenneth kay Lucky. Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

'Isa pa tong payatot na to, andaming drama sa buhay! Sarap pag untugin ng mag pinsan na to.'

"Eh di papalakpakan mo pala ako?" makahulugang tanong ni Lucky.

"Sabi ko sa taong gusto ko." Paglilinaw na ni Kenneth. Sumunod na rin ako kay Lucky habang naglakad ito at huminto sa harap ni Kenneth.

"Paano ba yan, may gusto ako sayo, papalakpakan mo na ako?" mahinang bulong niya rito pero dinig na dinig ko. Namutla si Kenneth sa sinabi ni Lucky, gusto kong tumawa ng malakas dahil sa lakas niyang mang trip.

'Kung hindi nga lang naging sila ni Ongpauco, may bagay sila ni Kenneth eh. Pareho silang indenial. Ha ha ha.'

Naalala ko na naman tuloy yung sinabi ni Inday dun sa batang Kenneth kanina.

"I'm planning to court him in the near future, does it count?"

'Does it count, does it count mo mukha mo! Daming paandar ng mga 'to.'

Huminto kami sa paglalakad ni Lucky ng sagutin ko ang tawag ni Marlon.

"Hello? Maguumpisa na ba?"

"Hindi pa naman nagbunutan lang ng numbers, kami na ang bumunot pang apat tayo."

"Great!"

"May 30 minutes pa bago mag start wala pa kasi yung mga Board of Directors at sila Sir Carlisle."

"Sabihin mo magyo-yosi lang tayo nilalamig ako eh." Singit ni Lucky sa tabi ko.

"Sige lalabas muna kami natatae daw si Lucky eh." Natatawang sagot ko at hinampas niya agad ako sa braso.

"Sige sunod kami ni Andi may sasabihin daw siya kay Lucky eh." Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya dahil nasa harap ko si Lucky. Magandang plano yan para makapag usap at magka ayos sila bago mag umpisa ang laban ni Lucky.

"Sige sige maganda yan."

"See you there." At saka ko pinindot ang end call.

Naglakad na kami palabas ng convention center ng makita namin sila Jhorica at Karen sa lobby.

"There you are Carlisle's Number 1 Slut." Wika nung Karen na parang puputok na ang damit sa sobrang sikip sa katawan niya.

"Anong problema niyo?" mayabang na sagot ko at pinag umpog ko ang kamao ko para takutin sila.

"Ipinapatawag si Lucky Gonzaga ng Board of Director, ASAP!" maarteng sagot nung Jhorica.

Nakita kong napapikit si Lucky ng marinig niya ang magandang balita. Hinwakan ko siya sa balikat at tinanguhan. Alam kong hindi ito ang perfect timing para ipatawag siya dahil may laban pa siyang malapit ng magsimula. Mabilis kaming sumunod sa dalawang Gasul Girls. Habang naglalakad tinext ko agad si Marlon para ipaalam ang masamang balita.

Pumasok kami sa isang malaking conference room. Pag pasok namin sa loob bumungad agad sa amin ang mga nakaupong Board Members at ilang Faculty Members. Nasa isang side ng mahabang table ang mga Board Members at nasa kabilang side naman sina Sir Adam at Mj. Hindi ko alam kong may laban si Lucky sa pagkakataong ito. Paano niya nagawang tipunin ang mga Board Members sa maikling panahon? Ganun na ba talaga kalakas ang koneksiyon niya sa Carlisle?

Ewan ko pero nanlumo agad ako sa nakita. Tinotoo nga ng negrang to ang banta niya na hindi matatapos ang araw na ito mapapatalsik niya ang dalawa.

"Have a seat." Turo ng isa sa mga board members sa amin ni Lucky. Tumabi si Lucky kay Sir Adam sa kabilang side ng mesa. Magkakatabi kaming tatlo at nasa kabilang side naman sila.

Habang naka upo palihim akong nagtext kay Marlon. Nagreply din siya kaagad. Saka ko denial ng number niya bago ko isiniksik ang cellphone sa loob ng bulsa na malapit sa dibdib ko.

"You know why we call you here Miss Gonzaga?" buong buo ang boses na tanong ng kalbong board member. Nangangatog ang tuhod ko sa kaba habang nakaupo.

Apat ang Board Members na nakaupo sa mahabang mesa at iilang members ng faculty, nasa dulong upuan naman ang complainant na si Mj. Mapanghusga ang uri ng tingin na ipinupukol nila kay Lucky at kay Sir Adam. Mababakas mo ang pagkadismaya sa mga itsura nila. Mukhang nahuli ata ang dating namin dahil halatang nalason na ni Mj ang mga isip nila.

"Y-Yes, sir." Mahinang sagot ni Lucky. Mapangasar namang ngumiti si Mj kay Lucky.

"We receive a complaint and a report regarding your relationship with your instructor." Nagpalipat lipat ang tingin nito kay Lucky at Sir Adam.

"With respect sir, I plead not guilty." Walang emosiyong sagot ni Lucky. Nakaramdam ako kaunting paghanga sa lakas ng loob niyang sumagot sa harap nila. Napailing lang si Sir Adam at mukhang naaliw ang itsura habang nakatingin kay Lucky.

Napangiti lang ang ilang board members, yung iba naman walang reaction sa isinagot niya.

'Kapag napahamak si Lucky, pagbubuhulin ko ang kaluluwa niyo ni Mj! Malakas na sigaw ko sa isip.

Karapatan ni Lucky na mag plead ng not guilty sa harap nila besides wala pa naman silang ipinapakitang ebidensiya bukod sa mga kwentong barbero ni Mj.

FYI: If you plead not guilty, you are disagreeing that you committed the offence that you have been charged with or that you agree that you committed the offence, but you believe you have a valid defence.

At sa pagkakataong ito kung makikinig silang lahat sa paliwang ni Lucky at Sir Adam may pag asang malusutan namin ang compalint ni Mj.

"Even if you plead not guilty it doesn't prove your innocense my dear." Maarteng sagot ni Mj. Nginisihan lang siya ni Lucky at nakita kong kinalabit siya ni Sir Adam na parang sinasabing huwag ng patulan ang negrang si Mj.

"We're here to discuss your violations that's why we're here." Pormal na sagot ni Sir Sanchez. Panalong panalo ang itsura ni Mj habang nakikinig. Hindi mawala ang ngiti at saya sa mukha niya.

"I see. Miss Belmonte can you tell us what you've—" Naputol sa pagsasalita ang kalbong board member ng marinig namin ang tatlong magkakasunod na katok sa pinto. Gutierrez.

**KNOCK

**KNOCK

**KNOCK

Pumasok ang mga asawang Carlisle Gutierrez. Jusko, ang bi-big time naman ng audience dito. Pinagpawisan ako ng malagkit. Pakiramdam ko namasa ang lahat ng kasingit-singitan ng katawan ko.

"I heard there's an emergency meeting?" May himig ng alinlangang tanong ni Sir Carlisle sa lahat pagpasok niya. Nagulat siguro siya dahil naroon ang lahat ng board at ilang faculty memebers.

Sabay sabay namang napatayo ang mga board at faculty members at binati ang bagong dating na mag asawa. Tumayo rin kaming tatlo nila Sir Adam at Lucky paglapit nila.

Halata sa mukha ng mga board members ang pagtataka. Nasisiguro kong hindi nila inaasahan ang pagdating ng mag asawa at sa nababasa ko sa reaction nilang lahat mukhang tama nga ang hinala ko. Hindi nila ipinaalam sa dalawa ng meeting na ito.

"Sir, its an emergency meeting about an issue between our student and one of our faculty member.." Hindi niya alam kung papaano itutuloy ang sinasabi niya sa harap ng mag asawa sa pagkabigla. Walang gustong sumagot sa tanong ni sir Carlisle.

"An issue between a student and a faculty member? Why are they being called here?" nagtatakang tanong niya.

"We're being summoned here sir because of Miss Belmonte's allegation." Pormal sagot ni Lucky na halos ikagulat ng lahat. Kahit ako, dahil hindi ko inaasahang sasagutin niya ang tanong ni Sir Carlisle.

"Manahimik ka, baka lalo lang tayong mapapahamak." Mahina bulong ko at pa simpleng kinurot siya sa tagiliran.

"You're not being asked Miss Gonzaga." Matalim na sagot ng kalbong Board Member. Pero mukhang nakuha ni Lucky ang interes ni Sir Carlisle kaya bahagya itong umupo sa gilid ng mesa.

"Allegation about what Mr. Gonzaga?" Nagulat ang ibang board members sa tanong ni Sir Carlisle.

Nagbulungan naman ang ilang board members na parang mga matatandang tsismosa.

"Sir, excuse me." Lumapit ang isang board member at may ibinulong ito kay Sir Carlisle. Tumango tango lang ito habang nakatingin sa side namin.

"Hindi ba makakapag hintay ang reklamo ni Miss Belmonte until we get back to the academy?" nanunukat na tanong ni Sir Carlisle sa mga board members at ilang faculty members.

"We just want an immediate action for they're violation sir." Nakayukong sagot ni Mr. Sanchez.

"In the middle of this event? You know why we're here in Baguio, Gentleman." Walang nakasagot kahit isa sa mga board members. Oo nga naman bakit hindi na lang kasi antaying makabalik sa academy at dun pag usapan ang issue.

"Tito Carl, this issue needs an immediate action, they violated our school policy. Huwag na nating antayin makarating pa sa ibang mga students ang nakakahiyang ginawa nila." Lakas loob na sagot ni Mj. Kung hindi mo kilala si Mj maniniwala ka dahil sa husay niyang umarte at magbitaw ng linya.

"And what policy they'd violated that's more important than our coming event?" may pagka sarkastiko ang tono ng pagtatanong ni Sir Carlisle. Walang gustong sumagot sa kanila. Napatikhim si Sir Adam kaya nabaling ang atensiyon ng lahat sa kanya.

"Sir, my student and I are being accused of having a relationship." Nahihiyang sagot ni Sir Adam na halos hindi makatingin sa mag asawang Gutierrez.

"You know it's against the school policy Mr. Villanueva." mariing sagot ni Sir Carlisle. Napasinghap naman si Ma'am Samantha sa narinig.

"Is this real, Lucky?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ma'am Samantha kay Lucky.

"N-No Ma'am." Iling na sagot ni Lucky.

"LIAR!" Malakas na na sigaw ni Mj. "We caught them on act sa mismong suite ni Adam." Mariing sambit niya habang nakaduro sa dalawa. Nagulat ang ilang naroon sa inasal ni Mj.

"Miss Belmonte, show some respect. Mr. Villanueva is still a faculty member." Sagot ni Sir Carlisle. Hindi nagbago ang galit na itsura ni Mj. Kung nakakamatay lang ang titigan nila ni Lucky malamang pareho na silang bumulagta sa harap ng lahat.

"You know it's against the school policy Mr. Villanueva." singit ni Mr. Sanchez.

"I understand our policy sir." Naka yukong sagot ni Sir Villanueva.

"Funny, you understand the policy pero ginagawa mo parin kahit alam mong mali." Natatawang sagot ni Mj. Hindi sumagot si Sir Adam sa paratang ni Mj. Kalmado lang ang itsura niya, hindi mo kakikitaan ng takot o pagkabalisa.

"We did what Mj? You were there and you didn't see anything." Sagot ni Lucky.

"You had sex with your instructor, that's what i'm about to say Lucky. Para masiguro mong mananalo ka sa competition." Sarkastikong sagot niya na ikinabigla ng ibang board members. Napasinghap naman si Ma'am Samantha sa sinabi ni Mj.

"Miss Belmonte even if your accusation are real that doesn't mean that i'm gonna win the competition. Sir Adam will not judge the competion, the board is." Walang ka gatol gatol na sagot ni Lucky. Kung pwede nga lang pumalakpak dito sa loob aakyat pa ako sa ibabaw ng mesa. Nakita kong hinawakan ni Sir Adam ang hita ni Lucky at bahagya namang kumalma ang bakla.

Sobrang napapabilib ako ni Lucky sa pagkakataong to dahil walang takot siyang sumasagot sa harap nilang lahat. Natameme lang si Mj sa sinabi ni Lucky.

"But still you slept with him." Dismayadong sagot niya.

"Why don't you tell them the truth Mj. You know nothing but you act as if you knew everything."

"Just because i didn't saw you guys doing something doesn't mean you didn't actually do it. You're a slut to the bones!" Gigil na sagot niya.

"Miss Belmonte your words please." Singit ng kalbong board member na biglang napakamot saulo niyang kakarampot ang maninipis na buhok.

"And just because you caught us there doesn't mean something happened. You know what really happened Mj and you brought my friends with you to witness your favorite show." Pabalang na sagot ni Lucky. Kinapa ko ang cellphone sa bandang dibdib ko.

"Enough, both you." Putol ni Sir Carlisle sa kanila.

"Its part of our school law that prohibits a sexual relationship between an educator and student. Are you aware of that Mr. Villanueva?" sambit ni Sir Carlisle.

"I'm fully aware sir."

"And you also know that an improper relationship with a student can result in a criminal conviction and imprisonment." Sagot ng isang matandang board member.

"I'm aware of that as well sir."

"So, your fully aware that an improper sexual act between teacher and student is illegal."

"Yes Sir. But we don't have a relationship of any sorts. I'm his instructor and Lucky is just my student. That's the whole truth sir." Confident na sagot ni Sir Adam. Nakakuha rin siya ng timing para sagutin ang akusasyon sa kanila kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

"So, in other words you denied Miss Belmonte's allegation about you having a relationship with your student?"

"Like my student, i plead not guilty sir."

"Mr. Villanueva your one of the best instructor we have on the academy, but being the best can't save you from this sensitive issue." Seryosong tugon nito.

"Yes Sir, i'm taking full responsibility on how this issue gonna end. I'll accept any grounds from my actions but spare my student." Lumingon siya kay Lucky. "Lucky has nothing to do with any of this." Seryosong sagot ni Sir Adam.

"I know what i saw this morning. Why can't you just admit the fact that you had sex and you have a relationship with that faggot." Naghihisteryang sagot ni Mj. Kung malapit lang talaga ako sa kinauupuan ni Mj kanina ko pa siya sinakal o kaya sinapak ng paulit ulit.

"Calm down Mj." si Ma'am Samantha.

"If your students has nothing to do with this, para saan o aitong emergency meeting natin?" pormal na sagot ng isang matandang faculty member.

"This issue will not be solved unless you tell us the truth Mr. Villanueva." Sagot ni Sir Carlisle.

Nagtama nag paningin namin ni Sir Adam. Dahan dahan akong tumango sa kanya saka siya napabuntong hininga.

"The truth is—Its a misunderstanding between me and Miss Belmonte but that's a different story." Mabilis nag angat ng paningin si Mj kay Sir Adam. Halata sa mukha niya ang takot at kaba dahil namutla siya.

"Are you sure of that? Miss Belmonte was very determined that something is going on between both of you." Paninigurado ng isang faculty member kay Sir Adam. Alam kong ginagawa lang nila ang interogasyong ito para magpakitang gilas kay Sir Carlisle.

"I'm 100% sure sir. I guess Miss Belmonte misinterpreted whatever she saw this morning thats why she came up with that idea. But this accusation of me having a relationship with my student is all crap. Lucky was in my suite because something happened early this morning that's why we ended up together on my room."

Nakita ko rin ang reaction ni Lucky. Napailing naman ang ibang board members sa narinig. Ikinakatakot ko lang na kung sakaling aaminin ni Sir Adam ang buong pangyayari madadawit at madadawit parin ang pangalan ni Lucky. Sa pagkakatanda ko si Lucky parin talaga ang sinisi ni Mj kung bakit hindi siya pinapatulan ni Sir Adam.

"What do you mean by that?" Sagot ni Mr. Sanchez kay Sir Adam.

"Adam, is this something to do with the incident this morning at the elevator?" Tumango lang si Sir Adam sa ginang. "For Christ sake.." mahina pero ramdam mong dismayadong si Ma'am Samantha.

Nalilito namang nakatingin si Mj sa mag asawang Gutierrez na nag uusap ng mahina.

'Huli ka balbon! Ngayon sino sa atin ang mauunang umalis ng Carlisle o mauunang umalis ng Baguio?'

"This morning, aksidente ko pong natapunan ng dalawang cups ng hot strawberry taho si Lucky, while i was going out of the elevator. I was in a hurry that's why i didn't notice that he was standing outside."

"And he offered to help Lucky Gonzaga to treat the burn on his chest and to changed his wet clothes, as i suggested." Dahan dahan pang binigkas ni Ma'am Samantha ang tatlong huling salita.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura ni Mj. Pigil na pigil kasi ang galit niya dahil sa mga nalaman niya.

"Gentleman. Meeting adjourn." Tumuwid ng tayo si Sir Carlisle. "Its just a misunderstanding. We are actually witnessed the incident. And i'll handle it from here." Makapangyarihang utos niya at nagtyauan na rin ang iba.

"On be half of the board members, we're sorry for the inconvenience we caused you from coming here unannounced sir." Hinging paumanhin ng kalbong board member. Napapaisip tuloy ako bigla ng malalim, kung hindi nila ipinaalam sa mag asawa ang tungkol sa emergency meeting na ito, paano at kanino kaya nalaman nila Sir Carlisle ang tungkol dito?

"I believe that we still have another another program running?" Nagising ako sa malalim na pag iisip ng ipaalala ni Sir Carlisle ang program ngayong umaga.

"Same with you Mr. Villanueva. We'll talk when we get back on campus." Pahabol ni Mr. Sanchez. Isa isang nag alisan ang board at faculty members sa conference room at naiwan kaming anim sa loob.

Isang minuto ng nakakabinging katahimikan muna ang nakalipas bago nag salita ang mag asawang Gutierrez.

"What's really going on with you and Mj, Mr. Villanueva?" Mahinahong tanong ni Ma'am Samantha. Mabilis na napalingon kaagad si Mj kay Sir Adam.

"I'm sorry Ma'am but Mj and I had an agreement no to talk about it anymore." Mahinang tugon ni ser.

"So, how can we settle this problem if we don't talk about it?"nakatulala lang ako habang nakikinig kay Ma'am Samantha dahil ang sarap sa pandinig ng boses niya. Para siyang si Charo Santos kapag nagbabasa ng liham sa Maalala Mo Kaya. Napansin kong ganun din si Lucky. Hindi rin siya makapag salita at nakatingin lang din sa ginang.

"T-Tita Sam, Adam and I had a relationship." Mabilis na sagot ni Mj. Halos magkasabay kaming napasinghap ni Ma'am Samantha at napaayos naman ng tayo si Sir Carlisle.

"Mj, please stop. Pinagugulo mo lang lalo ang sitwasiyon." Sabat ni Sir Adam.

"What? Nandito na tayo bakit hindi pa tayo umamin. Bakit nahihiya ka?"

"I can't believe this is really happening. A while ago you denied that you're having a relationship with a student." And now what's this?" naguguluhang tanong ni Sir Carlisle sa dalawa.

"Adam, i thought you're aware about the school policy? This time is it real? Are you having a relationship with Mj?" si Ma'am Samantha. Taas noo si Mj habang nakatingin kay Sir Adam na kasalukuyan namang nakayuko at marahang minamasahe ang batok.

'I feel him. Kahit ako iinit ang bumbunan kapag ganito ka lakas ang tagas ng taong inaayawan mo.'

"That's a lie." Nababagot na sagot ni Lucky. Lahat kami napalingon sa kanya habang naka cross arm.

"Mj, when will you stop making stories? Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Career ni Sir Adam ang sinisira mo."

"At sino ka naman para utusan ako? Wala kang kinalaman sa problema namin, kung ayaw mong marinig ang paliwanag ko your free to go." Galit na sigaw niya.

"Problema mo lang. Huwag ka ng mandamay ng ibang tao. Mj kung ayaw sayo ng isang tao huwag mong ipilit ang gusto mo. Para kang aso habol ka ng habol sa amo mo."

"Mj for once umamin ka naman sa pagkakamali mo. Kinabukasan ng isang tao ang masisira mo dahil sa mga baluktot na pag iisip mo." Mahinahong sagot ko. Hindi ko na rin kayang manahimik at makinig sa mga kasinungalingan ni Mj. Sumasakit lang ang tenga ko. Okay lang sana kung kamao ko ang manakit kakasapak sa kapal ng mukha niya eh. Sigh.

"Ano ba talaga ang totoo? Sino ang nag sasabi ng totoo sa inyo?" singit ni Sir Carlisle.

"Yun po ang totoo Ma'am/Sir. Aksidente po kasing narinig ni Lucky ang confession ni Mj kay Sir Adam kaninang umaga sa Park. Kaya po abot langit ang galit niya sa kaibigan ko." Lakas loob na sagot ko. Pinandilatan ako ni Mj dahil sa sinabi ko.

"That's enough Ytchee." Awat ni Sir Adam sakin.

Dahil sa nagkakainitan na naman kami napilitang Ikinuwento ni Sir Adam sa mag asawa ang totoong nangyari kung papaano sila nagkakilala ni Mj. Ang paghahabol at pang ba-blackmail ni Mj sa kanya para makuha lang ang gusto nito. Pero hindi na niya na inamin sakanila ang tunay na nararamdaman niya para kay Lucky.

Walang ng nagawa si Mj kung hindi ang umiyak. Hindi na siya komontra sa mga isiniwalat ni Sir Adam. Alam niya sigurong hindi na rin siya paniniwalaan ng mag asawa dahil sa mga kasinungaliangan ginawa niya.

"Mj, this is the 2nd time that you accused Lucky for something he didn't do. I will not tell your parents about this incident. But you have to promise me, not to make any troubles again. My God iha, you're still young and beautiful you'll find someone better." Si Ma'am Samantha.

'Tch, still young ma'am Oo, pero beautiful? Malabo parang sila Lucky at Kenneth.'

"Charge it to experience iha."

Natapos din ang mahabang kwentuhan nila. Nangako si Mj sa mag asawang Gutierrez na hindi na niya muling guguluhin si Sir Adam. Pero hindi nila ito mapilit si Mj na humingi ng tawad kay Lucky.

"Mauna na po ako sa labas Tito, Tita kailangan ko pa pong mag prepare para sa competition." Paalam ni Mj sa mag asawa.

"Sige iha, we'll watch you later." Tugon ng ginang saka kami tinalikuran ni Mj.

"And you Lucky Gonzaga, you attract trouble like a magnet. Next time stay out of trouble okay?" Natatawang wika ni Sir Carlile kay Lucky ngunitagad itong sinaway ng asawa.

"Trouble is my middle name sir." Birong sagot ni Lucky dito at natawa ito sa kanya.

"Ma'am/Sir, for the Nth time maraming maraming salamat po ulit. Kung hindi po kayo dumating, baka ngayon pauwi na po kami ng Maynila."

"Its nothing Lucky, as long as you promise to stay out of trouble again 'coz we might not save you again when it happens." Seryoso ngunit naroon parin ang senseridad na sagot ng ginang.

"Okay, its settle then. We still have time before the program starts. Shall we go now?" Aya ni Sir Carlisle.

"Again sir, i'm so sorry for causing any trouble." Hinging paumanhin ni Sir Adam.

"I understand iho, mahirap talagang maging gwapo. I feel you." Natatawang biro ulit ni Sir Carlisle. Pero walang tumawa sa amin.

"Honey, be serious." Sagot ni Ma'am Samantha.

"Its a joke honey, i just want to lightenthe mood, look at them they're all serious." Ngiting sagot nito.

'Grabe ang cool cool pala ni Sir Carlisle in person at ang gwapo pa!'

"Ma'am Samantha i'm sorry din po alam ko pong busy po kayo." nakayukong paumanhin ni Sir Adam.

"Its okay iho. We can't afford to lose someone like you on the academy." Tinapik siya ni Ma'am Samantha sa balikat habang nakangiti.

"We have to go, Lucky i know you're one of the participants and you still have time to prepare. Don't be late." Tumango lang si Lucky at nag bow sa mag asawa. Pag sara ng pinto para kaming mga timang dahil nagtitigan lang kaming tatlo at hindi makapaniwala sa naging kapalaran namin kanina.

"Whew! Grabe parang matatae na ako kanina sa kaba." Sigaw ko. Ang sarap sa pakiramdama dahil nalusutan namin ang isang problema.

"Mukha nga eh, putlang putla ka kanina." Sagot ni Sir Adam.

"Akala ko kasi hahayaan mo lang yung negrang yun na baliktarin ka." Singhal ko sa kanya sa inis ko.

"Inaantay ko lang kung anong sasabihin niya bago ako mag counter attack sa mga sinasabi niya." Mahinahong paliwanag ni Sir Adam.

"Psh, kaka antay mo binaliktad kana mapipikot ka pa." Iritabling sagot ni Lucky.

"Hindi lang sumagot papapikot agad, grabe kayo!"

"Sauce, choosi pa bagay naman kayo nun." At sabay kaming tumawa ni Lucky.

"Alam ko namang kahit anong mangyari ipagtatanggol ako ni Lucky kaya hindi na ako masiyadong nag alala kanina." Ngiting sagot niya kay Lucky at nginiwian lang siya nito.

"Oo dahil kundi pa ako sumingit malamang sinakyan mo na yung kabaliwan ng negrang yun na may relasyon nga kayo." Irap niya dito.

"Inaasahan ko namang gagawin niya yun eh kapag wala na siyang maisip na idadahilan."

"Tss, Gustong gusto mo naman kasi kinababaliwan ka ng baliw na yun?" Inis na sagot ni Lucky at hinampas pa si Sir Adam sa braso.

"Aw! Hey chill ." Ginulo nito ang buhok ni Lucky. "Or else iisipin kong nagseselos ka kay Mj." Pang aasar ni Sir Adam.

"What? Me? Magseselos sa negra bandidang yun? Huh, Dream on!" mataray na sagot niya.

"Yeah. I think so." Pagpapacute niya.

"Kahit pakasalan mo pa siya ser, DED-MAH!" binelatan niya ito.

"Ang yabang mo ah!" Kunot noong sagot ni Sir.

Infairness ang cute nila pagmasdan pero hindi talaga sila bagay for me. Sorry Lucky, kay Ongpaco ka na lang mas maaatim ko pa.

' Wait, sila na nga ba? Walang pang na ikukwento si Lucky sa akin simula pa kanina. Deadma.Ang mahalaga nalusutan namin ang isang problema.'

Dapat sinasalpakan ng basahang bilog ang bibig nitong si Mj eh, kasi habang humihinga siya hindi kami nawawalan ng problema.

"Hoy Inday baka nakakalimutan mo may laban ka pa?" Singit ko sa kanila. Nag katinginan muna sila bago ako nilingon.

"Maygad! Oo nga pala!" Halos sabay na napatayo si Sir Adam at Lucky ng maalala ang competition.

"Okay, na ba yung song piece mo?" aligagang tanong ni Sir Adam.

"Keri lang." Kibit balikat na sagot ni Lucky.

"Anong keri lang, live band yun Gonzaga!" singhal niya kay Lucky.

"Alam ko. Gusto mo ikaw kumanta?" saka nag walk out.

"Hoy, sumsobra ka na ah!" mabilis na habol nito kay Lucky papalabas ng conference room.

"Ikaw ang sumusobra, isinali sali mo ako tapos wala kang bilib sa akin!" dinig kong sigaw ni Lucky sa labas. Sigh. Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa saka ako lumabas at sumunod sa kanila.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C53
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión