Descargar la aplicación
30.15% Lucky Me / Chapter 19: LUCKY NINETEEN

Capítulo 19: LUCKY NINETEEN

CHAPTER 19

LUCKY'S POV

May tumawag sa pangalan ko habang naglalakad kami papalapit sa kotse ni Wesley.

"Jasper!" sigaw ni Andi at kumakaway naman ito pabalik sa kanya. Medyo madilim kasi sa labasan namin kaya hindi ko rin masiyadong maaninag. But knowing Andres basta lalake 20/20 ang vision niya. Nakasuksuk pa ang isang kamay nito sa bulsa ng pantalon at parang modelong rumarampa.

"Sabi ko na nga ba ikaw yun eh, iba ka din kahit sa dilim ang gwapo gwapo mo pa din." Maharot na bati ni Andi at sinalubong niya ito.

"Hi Andi, Kamusta. Mukang namamayat ka ah.." pambobola niya at bumula ang bibig ni Andi. Charot!

"Alam muna DIET." pabebeng sagot ni Andi at hinawi ang invisible long blonde hair niya sa balikat.

'Urur, naubos niya nga halos kalahati nung cake asan yung DIET dun?'

"Hi Lucky." Malambing na bati niya bago mapako ang tingin kay Wesley. Automatic na nagsalubong ang kilay niya at mukhang nagtataka kung sino ang kasama namin ni Andi.

'Tss. Seloso pa naman 'to.'

"Mmmm." Kaway ko bilang tugon. "Anong kailangan mo Jasper at bakit napadaan ka?" pormal na sagot ko dahilan para pagkunutan niya ako ng noo.

"Gusto lang kitang makita kaya ako nandito." Sagot niya sa parehong tono. 'Sing labo ng ng pangarap na pagputi ni Andres ang dahilan niya kaya hindi ko yun agad kinagat.

"Nasa bahay si Kuya Jiggs baka makita ka niya dito." Inunahan ko na siya dahil ayokong magpabang abot pa sila ni Kuya sakaling hanapin niya ako.

"Lu, 15 minutes lang.." nakikiusap na sagot niya. "Please may importante lang akong sasabihin." Saka tumingin sa direksiyon ni Wesley ngmarinig niyang mapatikhim ito.

"Si Wesley nga pala, kaibigan namin ni Andi." pakilala ko agad kay Wesley. Kabisado ko ang galaw at nag aangas na sulyap na yun. Mahirap na may pagkabarumbado pa naman ang ex ko.

"Wesley Ongpauco pare." casual na pakilala niya kay Jasper.

"Jasper Teng." May kaangasang sagot niya kay Wesley. Nag shakehands sila ng parehong salubong ang mga kilay at titig na titig sa isa't isa.

"Nice to meet you Jasper."

"Likewise." Mayabang na sagot ni Jasper.

Nasa gitna nila akong dalawa kaya kitang kita ko ang mga facial expressions nila.

'Sana walang maka apak ng hair ko sa kanto sa sobrang haba at shiny.'

"Juice Colored! Kotang kota ako sa mga nag gwagwapuhang lalake ngayong gabi. Makakatulog ako ng naka ngiti. Sessshhiie!" saka lang sila nagbitaw ng kamay ng marinig nila ang ingay ni Andi.

'Taeng to OA talaga kapag napapalibutan ng mga lalake.'

"Eh di maganda para bangungutin ka." Pang aasar ko sa kanya at natawa naman si Wesley.

"Seshie, mauna na pala kami gabi na baka hanapin na ako sa balay." Sabay beso sa magkabilang pisngi ko. "Mauna kame Jasper. Ingatan mo yang kaibigan ko hanggang Edsa ang hair niyan." Habang nakaturo ang namimintog na daliri ni Andi sa akin.

"Ingat Andi. Salamat." Nakangiting sagot ni Jasper.

Nagulat ako ng biglang yumuko si Wesley kapantay ng ulo ko at hinawakan ako sa baba.

"Mukhang magaling ka na, bukas wala na yan sigurado. Text mo ko kapag nasa school ka na sabay ulit tayo pumasok." ngumiti siya at naglabasan ang mapuputing ngipin niya.

"Ingat pag uwe pare." hinawakan ni Jasper ang kamay ni Wesley sa baba ko at dahan dahan ibinaba saka ako hinila papalapit sa kanya.

'WTH?!'

"I'll see you tomorrow." Tumuwid siya ng tayo pero na kay Jasper ang tingin.

"Salamat pala sa paghatid kanina." Basag ko sa titigan wars nila. "Ingat sa pag da-drive busog yang kasama mo baka sukahan ka." Biro ko nalang mawala lang ang tensiyong namamagitan sa kanila.

"Tseh, pagpasok namin bukas kami na kaya mamatay ka sa inggit!" nakapamewang na talak niya bago niya buksan ang pinto ng kotse. Inantay ko lang makasakay si Wesley saka ako humarap kay Jasper.

Paglingon ko titig na titig si Jasper sa akin. I know that look.

"What? Akala ko ba may sasabihin ka kaya nandito." Inirapan niya lang ako at sinenyasang sumunod. Wala akong nagawa kundi mapakamot sa ulo at sumunod. Naglakad kami papuntang playground ng subdivision tatlong kanto mula sa bahay namin.

"May gusto ba sayo yun?" naks wala pa kaming ilang minuto pero ang init na ng ulo.

"Sino dun?"pa inosenteng sagot kahit alam kong si Wesley ang tinutukoy niya.

"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko Lucky." Parang mananapak na ang itsura niya.

'Hindi parin talaga siya nagbago sobrang iksi parin ng pasensiya.'

"Ang ganda ko naman, ano tingin mo sa akin si Angel Locsin?" pambabara ko pantapal sa init ng ulo niya.

"Lalake din ako kaya nararamdaman ko yun baliw!"

'Pikon agad ampota.'

"Bakit lalake din naman ako ah, bakit hindi ko naramdaman?" Pamimilosopong sagot ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Ikaw kahit kailan ang sarap sarap mong kausap."

"Malamang kaya nga nauwi tayo sa tawagang YUM-YUM nakalimutan mo na?" Napangising sagot ko.

Umiling lang siya at bahagyang natawa. "Nakakainis ka naman 'e." Malamang kung ano na naman ang imagine niya.

"Drama mo ah, ano ngang kailangan mo bakit ka nandito Jasper?" nag cross legs ako at bahagyang humarap sa kanya.

"Gusto lang kitang makita at kamustahin."

"Mabuti naman ako. Yun lang?" minabuti kong magkutkot ng kuko kesa mabato balani sa kagwapuhan niya. Tinitigan niya ako ng masama.

"Aminin mo nga sa akin may gusto kaba talaga dun sa monggoloid na yun?" nakaduro ang isang kamay niya kung saan at sa kung sinong tinutukoy niya.

'Luh, sinong monggoloid?'

"Sino? Si Wesley?" maang maangang sagot ko.

"Sino? Si Wesley?" panggagaya niya at nag make face.

"Kung may gusto ako doon sa tingin mo ba makakausap mo pa ako ngayon?" Mataray na sagot ko at nagyuko siya ng ulo. "Ano na naman ba 'to Jasper?" nag uumpisa na akong mairita. Walang akong maisip na dahilan para mag inarte siya ngayon ng ganito.

"Kakaiba kasi yung mga tingin at pagtrato niya sayo. Alam ko yun kasi ganun din ako sayo noon."

"Oh, tapos?" nagtatakang sagot ko. Ano bang gusto niya palabasin?

"Anong Oh? May gusto sayo yung ungas na yun Lucky!" namumula na ang mukha niya sa inis.

"Meron o wala labas kana dun Jasper." pinipilit kong magpakahinahon sa harap niya. Bibigwasan ko 'to ako na nga 'tong na dehado noon ako pa ngayon ang nag a-adjust para sa kanya ngayon.

"Tss!" singhal niya bago hinampas ang kadena na nagsisilbing tali ng duyan. "Pinakilala mo na ba siya sa inyo?"

"Oo, kanina kay Tita Jack at Kuya Jiggs." Casual na sagot ko na ikinapula ng tenga niya.

"TANGENANG YAN." Napailing nalang ako sa lutong ng pagkakamura niya. Ito pa naman ang pinaka ayaw niya ang may makilala akong bago bukod sa kanya.

"Look Jasper.. kung pumunta ka dito para pag usapan lang siya mabuti pang umuwi kana." Tatayo na sana ako ngunit nahawakan niya ako sa braso kaya muli akong napa upo sa swing.

"Seryoso ko Lucky.." nagtitigan kami at paulit ulet niyang kinakagat ang hikaw sa gilid ng labi.

"Mas seryoso ako Jasper." Walang emosiyong sagot ko.

"Hindi mo ba nakikita ang sarili mo? Hindi normal ang tingin nila sayo. Sa paningin nila babae ka naiintindihan mo?" Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasa-sabi niya.

"Hindi ko na problema yun di magpasalamin sila!"

"Iba ka sa kanila Lucky. Hindi ka kagaya ng iba."

'Kingenang 'to anong pinagkaiba ko sa mga yun. Bakla kaming lahat. Period!'

"Wala akong pinagkaiba sa kanila Jasper. Kung anong meron sila meron din ako nun, huwag kang tanga."

"Huwag ka ngang pilosopo. Nakakainis ka na ah." Inambaan niya ako ng kutos.

"Dahil yun naman talaga diba?"

'Napipikon naku kakaltukan na kita.'

"Iba ka... Ibang iba ka sa kanila." Pahina ng pahinang sagot niya at napasabunot sa ulo. Sigh. "Nag iisa ka para sa akin..Sayo lang ako na confused Lucky. Sa dinami dami ng naging babae ko wala pang nagpagulo ng isip ko kagaya ng ginagawa mo. Ikaw lang!" hindi maipinta ang itsura nito ng mag angat siya ng tingin. 'Kaya kwits lang tayo, ginulo mo rin ang buong pagkatao ko..' "Ikaw ang nagmulat sa akin na ang pagmamahal ay hindi dapat black and white. Dahil ang love ay binubuo ng iba't ibang kulay." Tumagos ang mga titig niya at hindi ko alam kung gaano yun kalayo.

"J-Jas--"

"Ang LOVE walang pinipiling kasarian, relihiyon, kulay o maging itsura. Kapag tinamaan ka sapul ka kasehodang bakla, tomboy, babae o lalake ka pa." Tuloy tuloy paring litanya niya at parang hindi ako naririnig. "Hindi pinag aaralan ang love di ba? Nagkukusa lang siya. Well, kusa akong na inlove sayo. Hindi mo hiningi o at lalong hindi mo nilimos. Kaya nga kahit anong gawin kong pagpapakatanga noon para iwasan ka sa huli hinahanap hanap parin kita." Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga sentimiyento niya.

Ganun naman pala ang naging impact ko sa pagkatao niya. Akala ko kasi noon one sided love. Ilang beses na ba kaming nagbreak dahil sa mga pamba-babae niya? Ilang beses ko narin ba siyang pinatawad sa mga kasalanang paulit ulet lang niyang ginagawa? Tanggap ko naman kung ano ako noon sa buhay niya. Masiyado lang siguro akong naging high sa thought na magkarelasiyon kami ng mga oras na yun. Asa naman ako diba, sa mga babae nga nagpapalit palit siya.. ako pa kayang baklang kabit lang niya?

Atleast ngayon kahit papano malinaw na sa akin ang lahat. Pero bakit nasa ganito kaming sitwasyon ngayon? Bakit kailangan mangyari ang lahat ng yun kung ganun naman pala ang tunay niyang nararamdaman noon pa?

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit sa kabila ng mga break ups natin binalik balikan parin kita?"

"Dahil naaawa ka sakin tama ba?"

"No stupid!"

"Eh ano?"

"Sobrang na confused ako noon Lucky. Natakot ako para sa sarili ko. Dahil bago sa akin ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko talaga inaasahang magkaka gusto ako sa isang kagaya mo kaya natakot at naduwag ako ng bigtime."

"Dahil duwag ka naman talaga!" Sigaw ko sa kanya.

"Lu, natakot lang ako sa sasabihin ng ibang tao lalo na ng mga kaibigan ko...na yung babaerong si Jasper Teng napatumba ng baklang kagaya mo."

'Tss, pasalamat ka hindi kita ipinatumba kay Kuya Jiggs sa gigil niya sayo!'

"Psh! Natakot ka sa sasabihin ng ibang tao pero yung nararamdaman ko isinawalang bahala mo." Kung pwede ko lang ibuhol sa leeg niya yung kadena ginawa ko na para ibigti siya.

"Alam ko.. Kaya nga sa huli na realize kong takot pala akong mawala ka sa tabi ko.. Ikaw ang naging karma ko." natutulalang dugtong niya.

"Pero ano? Anong ginawa mo Jasper, 'di ba hindi ka pa rin naman na kuntento? Naghanap ka parin ng iba." Napahikbing sagot ko.

"I'm sorry Lucky--"

"Well BONGGRATS kaibigan! Pinagmukha mo kong tanga sa harap ng mga kaibigan at pamilya ko." Huminga ako ng malalim dahil parang nalulunod na ako sa bigat ng nararamdaman ko. Unti unting naninikip ang dibdib ko dala ng sama ng loob.

Gusto kong ipakita sa kanyang malakas ako at hindi ako basta basta iiyak. Pero wala din akong nagawa dahil trinaydor din ako ng pesteng mga mata ko. Wala 'e nagkusa silang nag unahan hanggang sa finish line.

Sunod sunod na ang pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Ito na siguro yung tamang panahon para sabihin at ilabas ang lahat lahat ng samang nararamdaman ko para malaman din niya na hindi madali ang mga pinagdaanan ko.

"Lucky please don't cry. Nasasaktan ako.."

"Kung nasasaktan ka ngayon Jasper, triplehin mo sakit na nararamdaman ko noon." Sumbat ko ng humarap ako sa kanya. "Kingena kapag kinurot nga ako uma-aray ako. Paano pa kaya yung panlolokong ginagawa mo? Sa tingen anong magiging reaksiyon ko?"

"I know.. i know that's why i'm really sorry."

"Sorry?! Alam mo ba kung gaano kahirap ang pinag daanan ko Jasper." Sarap niyang tuhurin sa panga ng mag tiim bagang siya. "Natutunan kong maging masokista dahil sayo."

Kitang kita ko kung paano nag unahang tumulo ang luha sa mga mata niya. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayong nakikitang ko siyang umiiyak. Masakit. Masakit na masakit. Hindi niya ugaling umiyak. Siya ang madalas ang nag papaiyak.

"Tinanggalan mo ako ng karapatang i-respeto ang sarili ko Jasper. Yun na nga lang ang meron ako nawala pa lahat ng dahil sayo." Unti unting pumapait ang panlasa ko. "Lahat ginawa ko para masalba lang yang pukinanginang relasiyon natin pero wala akong napala." Nakatungo lang siya sa mga hita niya habang naka upo sa swing at umiiyak sa tabi ko. "Sinuway ko ang Kuya Jiggs, si Tita Jack at si Nanay para sayo. Alam mo naman kung gaano sila kahalaga sa akin di ba? Pinaglaban kita sa kanila Jasper. Ipinaglaban kita.." nanginginig ang buong kamay ko sa galit. Gusto ko siyang sapakin sa gigil ko. "Yun nga lang ako nalang pala yung lumalaban. Dahil yung taong pinaglalaban ko may iba palang pinagkaka abalahang laban." Pagak akong natawa sa mga masakit na alaala.

"I'm sorry Lucky, i'm really sorry. Bumalik ka na sakin please. Please. Magbabago na talaga ako. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko." umiiyak na lumuhod si Jasper sa harap ko habang nakaakap at naksubsob ang ulo sa tiyan ko.

"At sa huli sumama parin ako sayo.. Nagsama tayo sa iisang bubong ng ilang linggo para ano? Para ipamukha sa akin na nabuntis mo yung kababata mo?"

Dahan dahan siyang nag angat ng tingin at namunas ng luha. Salubong ang kilay na tila wala siyang nalalaman sa huling mga sinabi ko.

"L-Lucky—"

"Pinaka masakit yun sa lahat Jasper. Pinaka masakit yung ipamukha mo sa akin yung isang bagay na hindi ko kayang ibigay sayo.." nakaluhod at nakamaang parin siya sa harap ko. "Tama nga sila, minsan talaga dumarating sa puntong kapag nagmamahal tayo kadalasan nagbubulag tayo ng hindi natin namamalayan.. At yung taong pinag uukulan mo ng buong oras mo.. Yung taong pinupuno mo ng buong pagmamahal mo.. Tumatapon lang pala sa iba." wala ng papait pa sa panlasa ko ngayon. Ganito siguro ang lasa ng bagong pitas na ampalaya kapag ginawa mong tsiklet. "Ngayon sabihin mo sa akin kung may kapatawaran pa ba ang mga ginawa mo?" parang tinakasan siya ng kaluluwa sa kawalan ng emosiyon ng dating nagnining ning niyang mga mata.

***F L A S H B A C K****

"Yum-Yum, kakain na mamaya na yang Dota." Malakas na sigaw ko mula sa kusina. Kapag naumpisahan niya kasing maupo sa harap ng computer wala ng tayuan yun maghapon minsan umaabot pa ng magdamag.

"Geh, Yum sunod na log out ko na promise." Ganting sigaw niya at napairap lang ako. Asa namang ipagpalit niya ang luto ko sa Dota. Sigh.

Muntik akong mapatalon sa gulat ako ng bigla siyang umakap sa likuran ko at kinagat kagat ako sa balikat at leeg.

"W-What?" nakangusong sambit niya pagharap ko.

"Wala nagulat lang ako. I-I mean himala hindi ka ata nagbabad ngayon sa harap ng computer mo?" lumingon pa ako sa direksiyon kung saan siya nanggaling kanina.

"Siyempre gusto ko lagi tayong magkasabay kumaen, matulog, maligo, ma---" mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

"Kumain kana lang mamaya kung ano pang lumabas diyan sa bibig mo." Inalalayan ko siyang umupo sa usual spot niya.

"He he he! Sarap mo talaga mag alaga Yum-Yum." Parang batang inamoy amoy niya yung niluto kong Adobo ala Lucky Torres-Gonzaga.

"Uuwe pala muna ako sa bahay mamaya. Ilang araw kasing tumatawag si Kuya Jiggs 'e." habang sinasalinan ko ng pagkaen ang plato niya.

"Kailan mo ba kasi balak sabihin kay Tita?" nakangusong at nakatingalang tanong niya.

"Ang alin?" Hindi ko masiyadong narinig yung sinasabi niya.

"Alin? Na magkasama tayo dito sa bahay at hindi ka na uumuwe sa inyo." Naiinis na sagot niya.

"Gusto mo bang ibitin ako nila ng patiwarik?" natatawang sagot ko pag upo ko.

"Kaya nga ipaalam mo para di na sila magulat."

"Okay lang yun kakun-tsaba ko naman si Kuya Jiggs. Basta bago sila umuwe dapat maka uwi na din ako sa bahay."

"Ayoko ng umuuwi ka, alam mo namang nalulungkot ako kapag wala ka 'e.." nagsulputan ang mahahabang linya sa makinis niyang noo.

"Sandali lang naman ako. Baka kasi mag alala sila kapag malaman nilang hindi ako umuuwi sa bahay." Maikling paliwanag ko. Kasalukuyang kasing nasa province sila Nanay at Tita Jack for summer vacation. Naiwan kami ni Kuya Jiggs sa bahay. Pero hindi na ako umuuwi sa bahay pag alis nila Nanay at Tita Jack. Ngayon, almost three weeks na akong nag stay sa bahay nila Jasper ng hindi nila alam.

Alam naman ni Kuya Jiggs kung nasaan ako dahil sinabi ko sa kanya ang sitwasiyon ni Jasper.

Siyempre sa una ayaw niya pero wala na din siyang nagawa dahil tumatakas ako kapag wala siya and besides busy din siya sa work niya ngayon. Alam ng family ko ang relasyon namin ni Jasper. Legal kami sa bahay. Ganyan sila ka supportive kaya sobrang pag iingat ko na hindi sila ma disappoint. Pero sa side ni Jasper walang may alam tungkol sa amin.

At ngayon umaabuso kami pareho sa kalayaang meron kami. Sa kanila ako halos ngayon nakatira dahil wala siyang kasama. Para tuloy kaming mag asawa dahil kaming dalawa lang sa malaking bahay nila.

Kasalukuyang nasa US ang grand parents ni Jasper para mag bakasiyon. Last year pa approved yung na petition ni Jasper pero pinilit niya ang parents niya na dito na tapusin ang high school saka susunod sa family niya.

"Akala ko ba mahal mo ko?" itinigil ang pagkain at tinitigan lang ako. Gusto ko siyang kaltukan sa gitna ng magkatabi niyang puyo.

"Bakit kapag umuwi ba ako may magbabago ba sa nararamdaman ko sayo?" pabalang na sagot ko at tinitigan siya.

"Oo!" pasigaw na sagot niya. "Malay mo may makita ka pang mas gwapo sakin habang pauwi ka.. Ano hindi mo ako ipagpapalit?" kahit kailan ang healthy nito kausap. Palibahasa gawain niya kasi kaya takot sa sariling multo.

"Hindi ko pwedeng baliwalain ang family ko Jasper. Malaki ang tiwala sa akin ni Nanay ayokong masira yun dahil sa kalokohan ko." nilabanan ko ang matalim na titig niya.

"Ahh, para sayo kalokohan lang pala 'to?"

"Alam mong hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Pero yun ang pagkakaintindi ko." napipikang sagot niya.

"Hindi tayo mag asawa Jasper." seryosong sagot ko.

Padabog niyang binitawan ang kutsara at tinidor sa plato niya.

"Oo, pero three weeks na tayong nag LI-LIVE IN tandaan mo. Parang mag asawa nadin yun para sakin!" mariing sagot niya at parang may napaso ang magkabilang pisngi ko.

'Umandar na naman ang malawak na imahinasyon nito. Amazing!'

"LIVE IN mo mukha mo! STAYCATION ang tawag dito." Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ko kahit na nagkakainitan na kami.

"Ano to rest house?" sarkastikong sagot niya.

"Oo, pero para sakin hindi pag li-live in ang tawag dito."

"So itinatanggi mong nagli-LIVE IN na tayo? May masama ba dun nagmamahalan naman tayo di ba?" Hindi makapaniwalang tanong niya at umiling iling ang ulo.

"Hoy ano bang pinag sasa-sabi mo tapusin mo muna ang high school gusto mong katayin ka ng parents mo?" inambaan ko siyang hampasin gamit ang pansandok ng kanin. Siyempre ang totoo gusto ko ang idea yun, pero ang babata pa namin para isipin ang ganung klaseng bagay. Palibasa isip bata rin kaya kung ano maisip ipu-push agad. Hayst!

'Kailan 'ba to mag mama-mature? Pero alam kung di magpapatalo to eh. Sakyan mo nalang Lucky.'

"EH DI LIVE IN KUNG LIVE IN! KINGENANG TO DAMENG SINABI UUWE LANG NAMAN AKO SAGLIT!" Sigaw ko sa kanya na ikinagulat din niya.

"Eh bakit ka ng aaway?" nakangusong sagot niya at nakuha pang magpapa cute. Alam ni Jasper ang kahinaan ko. Kapag nagpapa cute kasi siya natatawa ako at pinagbibigyan ko siya parati. Unfair pero nakaka in love siya kapag ganun. Aarte pa ba ako ano 'ko babae?

"Kasi pinaiiral mo init ng ulo mo." at hindi ko na din maitago yung ngiti ko habang nagsasalita.

"Gusto mo na sigurong makipaghiwalay no? Bakit ginugutom ba kita? Pinapagod? Pinagta-trabaho?" Hinihingal na litanya niya.

*PPLLLUUUUUUUKK*

Kinutongan ko siya gamit ang panandok na hawak ko.

"A-Aray! Siraulo ka talaga!" at kakamot kamot sa ulo niya.

"Uuwe lang ako sabi ko, alin sa mga yun ang nakikipag hiwalay ako sayo?" Masungit na sagot ko.

'Buwiset na 'to daming alam.'

"Binibiro lka ang eh. Pero seryoso na masaya talaga ako dahil magkasama tayo palagi." nakangiting sagot niya at yumuko sa plato.

'Taenang 'to mukhang pinag ti-tripan na naman ako.'

"Asus! Asus mga pautot mo!" pambubuko ko sa inarte niya.

"Pakyu ka!" inirapan ako at biglang nanlaki ang mga mata ko.

"HOY! HOY Lalake! Kailan ka pa natutong mang irap? Bakla ka ba?" At nakita ko siyang bigla umupo ng tuwid at nagseryoso.

"Bakit may kasarian din ba ang pag irap?!" Napangiti ako sa isip ko dahil ang cute cute niya kapag ginagawa niya yun. Bahagya siyang ngumiti at maya maya nagseryoso. "Habang humihinga ako hinding hindi na kita iiwan Lucky yan ang pakatatandaan mo!" Duro niya sa akin gamit ang kutsara.

Natameme ako. Saglit akong natulala at hindi ko alam ang isasagot sa kanya.

"Kung ano man ang pagkakamali ko noon sayo huli na yun. Nakapag decide na ako.."

"D-Decide ng ano?" kinakabahang tugon ko. Hindi pa ako nakaka get over sa unang sinabi niya kanina.

"Na ikaw at ako may forever." At saka bumaling sa kinakaen niya ng makitang wala akong naisagot. Naging sunod sunod ang naging pagsubo niya at halatang nagpipigil siya ng ngiti.

'Tss, kinikilig kaya siya? Ako kasi umiikot na pwet ko e.'

Parang gusto kong cartwheel ng tatlo sunod sunod sabay back lift at mag split sa lababo nung narinig ko yun.

*Sigh*

I'm speechless.

"Talaga? Hindi ka na titingin sa iba?"

Mabilis siyang umiling iling.

"Kahit sobrang ganda at laki ng boobs?" muntik na akong matawa ng umirap siya na parang babae.

"HINDING HINDI NA AKO TITINGIN SA IBA LUCKY GONZAGA, PEKSMAN MAMATAY MAN!" at pinisil pisil ang baba ko.

"PINKY PROMISE?" at bigla siyang natawa nung makitang inilapit ko yung hinliliit ko sa mukha niya.

"PINKY PROMISE." at sinelyuhan namin ng maalamat na "Pinky Promise" ang pangakong binitawan niya.

Sa Bahay.

"Oh, buti naman naisipan mo pang umuwe?" para akong aatakehin sa puso sa gulat ng biglang pagsulpot ni Kuya Jiggs sa likuran ko.

"Ahh-- may kinuha lang na gamit. He he he!" saka ko isinara ang pinto ng refridgerator.

"Bakit ginugutom ka ba ng LIVE IN PARTNER mo?"

"HUKK--" biglang nagbara yung tubig sa lalamunan ko. Pangiti ngiti naman ito habang nakasandal sa sa refridgerator.

"Parehas lang kayo ng sinasabi ba't di na lang kaya kayong dalawa ang mag LIVE IN kuya?"

"E ano bang tawag mo sa ginagawa niyo, bahay-bahayan?" Sarkastikong sagot niya.

Hindi ako naka sagot dahil sa totoo lang hindi ko rin alam ang tunay na kahulugan ng salitang "LIVE IN".

Kapag nagsama ba ang dalawang tao sa iisang bubong LIVE IN na ba kaagad ang tawag dun?

Sa sitwasiyon namin ni Jasper sinamahan ko lang naman siya ng halos tatlong linggo sa bahay nila dahil wala siyang ibang makasama. Live in na ba agad na matatawag yun? Diba sa mag asawa lang yun? Hayst ang gulo.

"LIVE IN? Define live in partner kuya?" nalilitong tanong ko sa kanya.

"A live-in partner is someone who lives in the same house as the person they are having a sexual relationship with, but is not married to them. He/She shared the apartment with her live-in partner."

Walang kagatol gatol na paliwang niya.

"S-SEXUAL R-RELATIONSHIP?!?" nauutal at kinakabahang sagot ko kay Kuya Jiggs.

"Bakit, huwag mong sabihin hindi kayo na curious sa katawan niyong dalawa sa loob ng tatlong linggo niyong pagsasama?" natatawang tanong ni Kuya. Hindi ko pa din alam kung papano ko sasagutin yung tanong niya ng hindi ako bastos pakinggan.

'This is embarrassing! Hindi ako nagku-kwento ng mga ganitong kaselan na bagay kay kuya, unless bestfriend kita.'

"SEX, LUCKY. Sex ang tinutukoy ko kagaya ng Oral Sex, Anal---"

"OKAY! OKAY, I get it! Change topic na Kuya!" Biglang putol ko sa mga sinasabi niya habang ikinakaway ang mga kamay ko at napapikit.

'Pinagpapawisan ako ng malamig sa pinag uusapan namen. Whew!'

"So now you admit it?" at tumuwid ng tayo sa harap ko at kinukusot ang kaliwang mata.

"Maybe-- but the sex part hindi." Mabilis na sagot ko sa kanya.

"Which is what?" naninigurong tanong niya.

'Tibay pag uusapan talaga namin?'

"Okay, we sleep together,we kiss and hug each other..but--" kinagat ko ang dila ko sa sobrang kaba.

"But what?" Nakataas ang isang kilay niya.

"You know... but we never had tried the last one you mention.." Nakayuko kung sagot at di ako makatingin sa kanya ng derecho.

"Ahh- yung Anal Sex.." derechong sagot niya.

"AHERRM!l" Malakas na tikhim ko dahil hindi ko maatim ang pinag uusapan namin.

"I see." Napakamot siya sa baba niya. "Lu, hindi por que pinagbibigyan at pinagtatakpan kita kay Nanay, it means I'm allowing you to do stupid things that might get you in trouble." Bigla siyang nagseryoso. "Kasi the more na pinagbabawalan ka the more na ginagawa mo. I want you to learn and experienced things because your experience makes of who you are on the future. Learn from it Lucky and be more responsible." seryosong pangaral ni Kuya.

'Wow haba nung litanya daig pa si Nanay kung mangaral.'

"Kuya, wala kaming ginagawang iba bukod sa mamasiyal, kumaen, matulog. You don't have to worry i swear and i promise you that!."

"That's good to hear.. Huwag mong sirain ang tiwala ko sayo Lu." Nanunukat parin ang tingin niya.

"I know kuya.. Thank you." pilit ang ngiting ibinigay ko sa kanya.

"But i'm giving you two days.. only for two days Lu and you'll come back home and that's final." at gulat na napatingala ako sa kanya.

"Kuya please give us more time, bakasiyon pa naman diba?" pagmamakaawa ko.

"That's final Lucky. Uuwe na sila Nanay nextweek . Take it or leave it." At mabilis akong tinalukuran.

Pagkatapos akong pangaralan pauuwiin din naman pala ako. Sobrang close namin ni Kuya Jiggs kaya open ako sa kanya sa lahat ng bagay. Maliit pa lang ako ramdam ko kung paano niya ako alagaan at protektahan dahil yun ang trabaho niya bilang nakatatandang kapatid.

Matanda siya sa akin ng seven years sat dahil wala na si Tatay siya na ang tumatayong haligi namin nila Nanay at Tita Jack sa bahay. Gwapo si Kuya Jiggs maraming babae ang nahuhumaling sa kanya. Lalo nung high school days niya. Babae na ang dumadalaw sa bahay para sadyain siya. Matangkad, moreno mana kay Tatay, kahawig nga niya si Mikael Daez yung artista pero mas cute si Kuya Jiggs.

Lumipas ang araw ng palugit na araw at hindi ko parin sinunod si kuya. Nag stay parin ako sa bahay nila Jasper. Hindi ko sinasagot ang mga text at tawag niya ng araw na yun dahil alam kong magagalit siya.

"Sorry, i need few more days kuya please, malapit na kasi yung monthsary namin ni Jasper." Bulong ko sa sarili habang nakakatitig sa naka off kong phone. Pero maghapon akong hindi ako mapakali at kinakaen ako ng kunsensiya. Pinagbigyan na nga ako ni Kuya Jiggs tapos ito pa ang igaganti ko sa kanya. Pikit mata kong binuhay ang phone ko at saka nagpasukan ang sandamakmak na Text Messages mula kay Kuya Jiggs.

Bago pa sumabog ang phone ko tinawagan ko na si kuya.

"Hello, Nasaan ka ba? Anong silbi niyang cellphone mo at di mo man lang magawang replyan kami ni Nanay." Galit na bungad ni Kuya Jiggs pag sagot.

"Hi Kuya, empty batt kasi yung phone ko ngayon lang ako nakapag na charge. Tatawagan kita mamaya i promise." Alam kong magagalit sila kapag malaman nila kung nasaan ako. Hindi ko naman sinasadyang magsinungaling sa kanila pero sa ngayon wala akong ibang option.

Kinabukasan pinuntahan agad ako ni Kuya.

"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko Lucky. Kung sila Nanay maloloko mo ibahin mo ako." salubong ang kilay at bakas sa mukha nito ang pipigil ng galit.

"Kuya please hindi ko naman hinihinging pagtakpan mo ko kay Nanay pero bigyan mo pa ako ng isang araw tapos uuwe na ako."

"Yan din ang sinabi mo two days ago Lucky." Tiim bagang na sagot niya. Alam kong nagpipigil lang siya ng galit. Siya ang parating napuputukan ng galit ni Nanay sa tuwing nagtatalo kami, kasalanan ko man o hindi.

"Pero kuya--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita kong galit na galit ang itsura niya.

"Sasama ka sakin ngayon sa ayaw at gusto mo. Kung kailangang kaladkarin kita pauwe gagawin ko para matigil ka lang diyan sa mga kalokohan mo."

"Kuya please--" hindi ko na tinapos yung gusto kong sabihin. Dahil sa reflection ng kotse ni kuya nakita ko yung dahilan para magbago ang mood niya.

Sigh. "15 minutes lang Kuya." bagsak ang balikat at tinalikuran ko na siya at pumasok ako sa loob ng bahay.

"Yum-Yum, I need to go home. Paparating na sila Nanay at Tita Jack. Hindi pwedeng wala ako sa bahay pag uwe nila." mahinahong paliwanag ko at titig na titig lang siya sa akin.

"Paano ako? Diba usapan natin na wala tayong iwanan?"

"Babalik ako kailangan ko lang magpa good shot sa bahay."

"Kakausapin ko si Kuya Jiggs.." Tatalikod na sana siya ngunit mabilis ko siyang hinila pabalik sa tabi ko.

"Huwag na please. Mag aaway lang kayong dalawa. Alam mo namang ayaw nun na nasasapawan sa ka-gwapuhan niya 'e." birong tugin ko at niyakap siya.

"Hindi nakakatawa.." Napaka seryoso niya. "Akala ko ba hindi siya against sa relationship natin?"

"Hindi nga pero malalagot kaming pareho kapag umuwe sila Nanay ng wala ako."

"Stay with me YumYum, you know how much i need you.." malambing na pakiusap niya habang nakasubsub ang ulo sa leeg ko.

Kung ako lang ang masusunod hindi ako uuwe. Gusto ko siyang pagbigyan sa kahilingan niya pero masiyado ng mahaba ang tatlong linggo. Ayokong pumili kung kanino ako sasama, kung kay Jasper o sa pamilya ko. Pareho ko silang mahal. At hindi ko kayang pumili dahil pareho akong may masasaktan.

"Jasper please.." nanghihinang sagot ko.

"Its okay i understand." dinampot niya ang bag ko sa kama at saka naunang maglakad palabas ng kwarto. Sigh.

Sabay kaming lumabas ng bahay nila. Magkahawak kamay kaming naglakad papalapit sa kotse ni kuya naka park sa tapat ng malaking bahay. Hindi na siya umiimik magmula pa kanina.

"Get in.." mariing utos ni kuya at malakas na isinara ang pinto ng driver seat.

Pinisil lang niya ang magkabilang balikat ko at nakakahawa ang lungkot ng mga mata.

"Aantayin kita sa bahay. Dun ka matulog magpapa alam ako kay nanay pagdating nila." Ngumiti siya sa sinabi ko pero hindi yun katulad ng nakasanayan kong ngiti niya.

"I will.." lumapit siya at hinalikan ako ng mariin sa noo.

"I love you Jasper."

"Alam ko." Nakangising sagot niya.

"Pakyu ka!" Kumaway muna ako bago pumasok sa loob ng kotse at yumuko lang siya at pinagmamasdan ang sariling mga paa.

Ito pa naman yung pinaka ayaw niya. Yung may nagpa-paalam. Allergic siya sa goodbyes or farewell mula nung umalis ang mga magulang niya. Maliit pa siya noong iwan siya ng parents niya para magtrabaho sa US. Minsan lang sila umuwe para dalawin sila. Mas madalas pa na sila ng grandparents niya ang pumupuntang America para dumalaw.

Ngayon ginawa ko yung bagay na kinatatakutan niya.

Ang magpaalam at iwan siya doon din mismo sa lugar kung saan iniwan siya ng parents niya...

After a week.

"Anak, napapansin kong hindi ka ata umaalis ng bahay? May problema ka ba?" si nanay habang nasa loob ng kwarto ko at ihinatid yung mga damit kong bagong laba.

"Wala naman 'nay tinatamad lang ako mainit kasi." Palusot ko.

"Bumaba ka na maya maya maghahapunan na tayo." Utos ni nanay at saka ako umupo at inayos ang sarili ko. Ang totoo isang linggo ng hindi tumatawag o nagti-text si Jasper.

Alam kong masama ang loob niya dahil iniwan ko siyang mag isa. Kating kati na akong itext siya pero wala akong lakas para alamin ang kalagayan niya. Kahit alam ko naman ang totoong kalagayan niya. Masama ang loob at nag iisa.

Nakaramdam ako ng gutom pagkatapos kung titigan yung phone ko ng ilang oras sa pag aantay ng text o tawag niya. Ngangah.

"Lu, may bisita ka buti naman bumaba ka." Biglang nagsalita si Tita Jack pagpasok ko ng kitchen para sana kumuha ng tubig.

"S-Sino?" Sabay silip sa sala at nakita ko si Jasper habang kausap ni Nanay. Na excite ako kaya madali kong inayos ko ang sarili ko bago ako magtungo sa sala.

"J-Jasper?" Kunwaring nagulat ako ng makita siya. Bigla siyang napangiti at tumayo ng makitang papalapit ako.

"Hi Lucky." nakangiting bati niya. Ngiting namiss ko ng dahil matagal ko siyang hindi nakita.

"Iwan ko muna kayong dalawa." Paalam ni Nanay.

"Thanks Tita." Habol ni Jasper.

"Ikaw talaga.. Dito ka na maghapunan Jasper malapit ng matapos magluto ang Tita Jack niyo."

"O-Opo Tita." Nahihiyang sagot niya kay Nanay.

"Tara doon tayo sa kubo sa likod." Yaya ko sa kanya at dinala ko yung gitara na regalo niya nung birthday ko.

"Hindi ko alam na darating ka." Nilapag ko yung gitara at pinagpagan yung upuan namin.

Sa likod kame ng bahay namin may kubo na parang cottage na binili si Kuya Jiggs para kung may mga bisitang gusto uminum dun namin sila dinadala.

"Miss na miss na kasi kita Lu.." Malungkot na sagot niya at niyakap ako.

"Na miss mo ko eh bakit parang malungkot ka?" naiinis na sagot ko at humiwalay ako sa pagkakayakap.

"Alam mo bang ikaw lang ang pinagkukunan ko ng lakas?" Muli siyang yumakap sumubsob sa leeg ko.

"Alam mo bang napupuyat ako kaka antay sa mga tawag at text mo?"

"Sorry naging busy lang sunod sunod kasi yung gig namin this past few days." Maikling paliwanag niya. Hindi ko alam kung pagod siya o ano pero parang ang tamlay tamlay niya.

"Buti naisingit mo pa ako sa busy schedule mo?" naiinis na sagot ko at medyo lumayo ako ng upo.

Nakatitig lang siya. Sinusukat kung hanggang saan ang galit ko. Namiss ko na talaga siya tapos siya parang wala lang. Nasanay lang akong magkasama kami ng matagal sa isang lugar kaya hinahanap hanap ko siya parati.

Pero ibang Jasper ang kasama ko ngayon. Nakikita ko yun sa mga mata niya wala doon ang pilyo at masayahing Jasper na gusto kong kasama. Alam ko kung may problema siya, nababasa ko yun sa mga mata niya kahit hindi niya sabihin. Nawala yung kinang at sigla nito maging ang pungay ng mata niya alam mong may pinag daraanan siya.

"Jasper may problema ba, please tell me." hindi ko napigilang malungkot sa nakikita ko.

Hindi siya sumagot bagkus kinuha lang niya yung gitara. Ang pinaka paborito kong bagay na ginagawa niya tuwing magkasama kami.

Ang first love ko hawak yung first love niya.

Gitara.

"Umuwi ka na baby

Hindi na ako sanay ng wala ka

Mahirap ang mag-isa

At sa gabi'y hinahanap-hanap kita."

Dahan dahan siyang tumitipa sa strings ng gitara. Ramdam na ramdam ko yung lungkot sa likod ng malamig na boses niya. Pero

"Hanggang kailan ako maghihintay

Na makasama ka muli sa buhay kong puno ng paghihirap

At tanging ikaw lang ang pumapawi sa mga luha

At naglalagay ng ngiti sa mga labi.

Umuwi ka na baby.."

'Kung alam mo lang Jasper gaano ako kalungkot nung iniwan kita sa inyo.'

Gusto kong kiligin dun sa kanta niya. Kahit matagal kaming hindi nagkita bumawi naman siya ngayon sa panghaharana. Kahit di niya sabihin ramdam ko ang kalungkutan niya sa tuwing magtatama ang mga mat anamin. Nawala yung dating kinang at sigla nito kapag kausap ko siya.

"Uwi ka na sa bahay Yum-Yum namimiss ko na yung live in partner ko." Natawang biro niya.

"Baliw! Marinig ka nila nanay siraulo ka!" saway ko sa kanya. "I miss you more. Miss na miss na miss." malambing na sagot ko.

"Talaga? Eh yung ginagawa natin sa gabi hindi mo ba namimiss?"

"Timawa ka! Kung ihampas ko yang gitara sa ulo mo?" singhal ko.

"Tanga, yung pag gigitara ko at pagkanta bago ka matulog! Kung ano ano iniisip mo eh, tch!"

"Linawin mo Teng, assumera ako eh!"

"Tss, madumi talaga kamo yang utak mo!"

"Asus, bakit ikaw hindi mo yun namimiss?!" pambabaliktad ko para makabawi sa pagkapahiya. Tagumpay naman ako dahil pinamulahan siya ng tenga.

"Kung alam mo lang Yumyum, kung alam mo lang!" tatango tangong sabi niya habang kinakagat kagat ang hikaw sa gilid ng labi.

"See na miss mo rin, ako pa lokohin mo mahihiya ang kuneho sayo!" pambubuko ko at sinabayan ko ng makamandag na irap.

"Utot mo, ayaw mo nga akong pagbigyan sa gusto ko." Nagtatampong sagot niya.

"Hindi pa ako ready dun okay. Makuntento ka sa kung anong meron tayo." hindi naman sa nag iinarte o nagmamaganda ako hindi lang talaga ako handa sa gusto niya.

"Fine sa susunod pumayag ka na ah. Ha ha ha!" yan na naman yung tawa at ngiti niyang hindi umaabot sa mata.

"Baliw! Seriously, is there anything wrong Jasper, please tell me." Pangungulet ko sa kanya.

"Nothing YumYum. Namiss lang talaga kita kaya ako nandito." At inangat ang kamay ko papunta sa pisngi niya saka siya pumikit. Palagi niya yung ginagawa bago kami matulog nakakatulog daw siya ng mahimbing kapag ginagawa niya yun.

'Ang ganda ganda ko talaga Lord!'

Masaya naming pinagkwentuhan kung anong ginawa namin this past few days at hindi rin nagtagal dinalhan kami ni Tita Jack ng food at doon na kami nag dinner. Nag paalam nadin siya sa bahay at hinatid ko siya kung saan naka park yung kotse niya.

"Yum.. may gig pala kami sa Batangas bukas anong gusto mong pasalubong?" paulit ulet niyang pinipisil ang baba ko.

"Mangako ka lang na uuwe ka ng ligtas masaya na ako."

"Okay basta mangangako ka ring ako lang ang mamahalin mo habang buhay." Natatawang sagot niya.

"Korny mo boi!" nakangiwing sagot ko.

"Seryoso yun loko!" kinutusan niya ako ng mahina sa ulo. "Mangako ka Lu.. kailangan kong malaman na hindi mo ako ipagpapalit kahit kanino at hinding hindi mo ako iiwan gusto ko habang buhay tayo." Nakatitig siya sa akin ng seryoso at nakikita ko na ang sarili ko sa mga luhang unti unting pumupuno sa mga mata niya.

"Hindi ko ugaling mangako Teng.." isinabit ko ang isang kamay ko sa batok niya. "Pero mananatili ako sa tabi mo hangga't kailangan mo ko." Bago pa tuluyang tumulo ang luha niya inangkin na niya ang labi ko. Umiiyak siya habang hinahalikan ako at unti unting nadudurog ang puso ko.

Somethings really going on with this freak. Hindi naman ako ganun kamanhid para di mapansin yun mula pa kanina. Hindi niya ugali ang magdrama dahil yun ang pinaka ayaw niya. Palagi niyang sinasabi na kabaliktaran ako sa inaasahan niya. Inaakala niya kasing magiging mahigpit akong karelasiyon at babantayan ang lahat ng kilos niya. Hindi ko ugali yun dahil ayoko ring binabantayan ang lahat ng kilos ko. Mag dyowa lang kami at hindi pa kami mag asawa.

'This weekend monthsary na namin at isu-surprise ko siya!'

****E N D O F F L A S H B A C K****

To be continued...


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C19
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión