Descargar la aplicación
26.98% Lucky Me / Chapter 17: Lucky Seventeen

Capítulo 17: Lucky Seventeen

CHAPTER 17

LUCKY'S POV

"Nay, lucky charm niyo ba talaga ako nila Tatay, Tita Jack at Kuya Jiggs?" wala sa sariling tanong ko kay Nanay kahit kabisado ko na ang isasagot niya. Gusto ko lang talagang marinig yun ng paulit paulit galing sa nanay ko.

"Oo naman anak. Simula nung dumating ka sa buhay namin ikaw ang nagdala ng saya at swerte sa pamilya natin." Malambing na tugon ni nanay. Kahit paulit ulit ko na itong narinig noon pakiramdam ko ito yung una.

"Lumaking masayahin ang kuya mo dahil may nakakalaro na siya. Dating sakitin ang kuya mo diba? Pero mula ng dumating ka nagbago siya. Kaya mahal na mahal ka namin ng Tatay mo 'e." Naluluhang kwento ni Nanay. Nagiging emo lang naman si Nanay kapag ito ang topic na aalala niya kasi si Tatay.

"E bakit ang sabi niyo babae ang pinapangarap niyong anak hindi lalake, ang masama pa niyan naging bakla pa ako." nakangusong sagot ko. Nitong mga nakaraang araw pakiramdam ko nag expired na yung "Luck" sa pangalan ko kaya palagi narin akong nag e-emo.

"Anak, sinadiya naming palakihin ka sa paraan kung saan kami masaya at maligaya. Wala kaming pinagsisihan ng Tita Jack, Kuya Jiggs at ng Tatay mo nung nabubuhay pa siya. Kung ano ka ngayon wala kaming reklamo bagkus minahal ka pa namin ng todo." Nakangiting sagot ni Nanay.

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Sana lahat ng kagaya ko ganito rin kadali ang pagtanggap sa pagkatao nila. Marami akong kakilala na hindi tanggap kung ano sila kaya magpahanggang ngayon, mahihiya ang mga Abu Sayyaf kakatago sa mga pagkatao nila.

"Oo naman bunso napaka cute, bibo at talentado mong bata kaya tuwang tuwa kami sayo." proud na proud na sabat ni Tita Jack.

"E bakit naman kasi hindi kayo nagpa ultrasound nung pinagbubuntis niyo ko para di na kayo umasang babae ako? Yan tuloy naging lalake ang anak niyo." Lalo pa akong napasimangot. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero siyempre kung naging babae ako 'di sana nangati sa iba ang ex ko.

"Faith anak. Naniniwala at nanalig lang ako na babae magiging kasunod dahil nauna na si Kuya Jiggs mo."

"Sino bang Faith yan at malilintikan na yan sakin, kitain mo hindi ako naging babae tulad ng inaasahan niyo!" singhal ko at natawa si Tita Jack habang naghahalo ng niluluto niya.

"Kahit kailan Lucky hindi ka makausap ng matino." Sagot ni Tita Jack.

"Wala akong makasama para gawin yun noong araw. Dahil sa abroad nagtatrabaho ang Tatay mo at nag aaral naman si Tita Jack mo ang kasa- kasama ko lang ay ang Kuya Jiggs mo. Maselan ang pagbubuntis ko sayo dahil madali akong mapagod."

"Tapos anong nangyare 'nay?" Nakapangalumbabang tanong ko kahit alam ko na yung buong kwento.

"Ayon alam mo naman sa probinsiya, kailangan mo pang magbiyahe ng ilang oras para makapunta sa malaking ospital at makapag pa check up. Ika nga ng Lola Anna mo nung araw naman wala namang ultra ultra sound at regular check up naipapanganak naman ng maayos ang mga sanggol." Napapangiting sagot niya dahil sa naaalala.

"Ang sabihin mo tamad ka lang talaga Ate El." Pang aasar ni Tita Jack.

"Ewan ko ba nung ipinagbubuntis ko si Lucky mas gusto ko lang magbasa at maupo kesa maglakad lakad."

"Nay ano pa magkwento pa kayo please.."

"Kabuwanan ko na noon nung lumuwas tayo pa Maynila. Nahiya na akong magpa check up pa dahil wala naman akong maipapakitang record ng mga previous check ups mo."

"So sa inyo ko pala namana ang pagiging matigas ang ulo 'Nay." Natatawang sagot ko.

"Sinabi mo pa, ayaw niyang umabsent ako sa klase noon para samahan siyang magpa check up." Singit ni Tita Jack. "Inaabala niya lang ang sarili niya sa pagbabasa kapag nasa school ang kuya mo."

"Kilala ko naman ang katawan ko. Alam ko kung may meron o wala akong nararamdaman dahil sarili kong katawan ko 'to at ako naman ang nakakaramdam." Pagdadahilan niya pa. Bunsong kapatid ni Nanay si Tita Jack at mula ng ipanganak si Kuya siya na ang naging katu-katulong ni Nanay at siya na rin ang nagpaaral sa kapatid.

"Kaya yan umasa si Ate na babae ang magiging anak niya dahil baby girl daw ang mdalas niyang mapanaginipan." Masayang kwento ni Tita Jack habang isa isa ng inihahain sa mesa ang mga niluto niya.

"Lucky ang naging pangalan mo dahil naging swerte ka sa aming lahat ng dumating ka." Malungkot na kwento ni Nanay.

'Masuwerte daw eh bakit ang lungkot ng itsura ni Nanay?'

"Nay bakit malungkot ka? Akala ko ba masaya kayo ng ipinanganak niyo ako?" Malayo ang tingin ni Nanay tagusan ang tingin niya sakin at parang ang layo layo na ang nilalakbay ng isipan niya.

Alam ko naman ang dahilan kung bakit siya malungkot. Sabi ni Tita Jack may nakasabay daw manganak si Nanay noon sa ospital. Ngunit sa kasamaang palad namatay ito sa panganganak. Iniisip kasi ni Nanay kung sa kanya nangyari yun sino na lang daw ang mag aalaga samin ni kuya. Sino ang mag aalaga sa akin? Traumatic karanasang iyon para sa kanya kaya siya nalungkot kapag naaalala niya yun.

"Ate bakit ayaw mo pa kasing ikwento ng buo kay Lucky yung nangyari noong araw na yun?"

"Huwag na masiyadong malungkot ang pangyayaring yun at ayoko ng balikan pa."

"Tama na nga 'nay iiyak na naman kayo niyan eh." Biro ko at niyakap ko si Nanay.

"Ikaw ang iyakin noong bata ka pa."

"Nay naman eh.. akala ko ba love niyo ba ko?" inarte ko naman ng parang solong anak ako.

"Lucky, tatlong taon gulang ka palang yan na ang palagi mong tanong sa Nanay mo." Si Tita Jack na ang sumagot habang inihahanda na yung nilutong pagkain.

"Alam ko naman yun Tita Jack. Gusto ko lang maglamabing kay Nanay." Natatawang sagot ko kay Tita Jack at inirapan ako. Napangiti naman si Nanay habang nakikinig sa usapan namin ni Tita Jack.

"Good evening love ones!" Malakas na bati ni kuya Jiggs pagpasuk ng kitchen na ikinagulat naming tatlo. Buti nalang talaga di ako kasing OA ni Andres kundi baka naihagis ko na yung lamesa sa mukha ni kuya. Ugali niya yan kahit noong mga bata pa kami ang bumati ng nanggugulat mula umaga hanggang gabi.

"Mano po Nay, Tita Jack." At nag mano sa kanila. Hindi siya humalik sa noo ko bagkus tinitigan ako ng may halong pagtataka.

"Oh, may problema ka kuya?" Natatawang tanong ko sa kanya habang titig na titig parin siya sa akin.

"May sinabi ka kay Nanay 'noh?" alam kong nanghuhuli lang siya. Style niya bulok!

"Ano namang sasabihin ko? May tinanong lang ako tapos nagpakwento." Di ako nagpatinag sa mga asta niya. Matangkad lang siya at cute naman ako.

"Pero may sasabihin ka?" umisli paitaas ang gilid ng labi niya. Sa sobrang close namin ni kuya masiyado na niyang basang basa ang mga expressions ko at madalas niyang nahuhulaan ang iniisip ko. Gusto ko siyang pakuluan kasabay nung baka sakaling mas lumambot pa yung bakang ulam namin.

"Wala nga."

"C'mon Lu, spill the beans." Pamimilit ni Kuya at humila ang upuan sa tabi ko.

"Sira ka talaga mamaya isipin ni Nanay meron talaga." At inambahan ko siya ng suntok.

"Lucky.." saway ni nanay.

"Si Kuya kasi epal eh." Umirap ako.

"Siguro tungkol na naman yan sa EX mo?" Seryosong tanong ni kuya habang naka upo at napatingin naman si Nanay at Tita Jack sa akin na parang nagtatanong kung may katotohan ang hinala ni Kuya Jiggs.

*SIGH*

"Sinasabi ko na nga ba eh." Umiling iling pa siya at umastang panalo.

"Fine, aksidente kaming nagkita ni Jasper sa Mall last week. Hindi yun sinasadya dahil kasama ko naman si Andi diba nagpasama siyang mag shopping sa SM North. Yun lang tapos kumaen lang kami at hinatid niya ako pauwe hanggang dito. Tapos!" sing bilis ng pagra-rap ni Gloc 9 na paliwanag ko. Inaantay ko ang violent reaction nilang tatlo.

"Anak, hindi ka makakabangon sa nakaraan kung pilit mo itong babalik balikan." Matalinghaga sagot sa akin ni nanay. Wow naman anong verse ba narinig ni Nanay na nakipagbalikan ako sa ex kong polyo survivor.

"Nay, wala naman akong binabalikan. May mga bagay lang talagang hindi natin kayang iwasan lalo't iyon talaga ang nakatakda."

"Masiyado pa kayong mga bata noon at naging mapusok sa mga desisyon niyo. Dumaan din ako sa pagiging teenager anak kaya alam ko ang pinagdadaanan mo."

"Alam ko naman po 'nay. I learned my lesson." Napayukong sagot ko. Yumuko ako naghahanap kasi ako ng bagay na pwede kong ipamalo sa batok ni kuya kapag nalingat si Tita Jack at Nanay. Kahit kailan pabigat sa buhay ang mga lalaking 'to e!

"Ayoko lang maulit yung dating pagkakamali ng isa pang pagkakamali Lucky hanggat maari sa pag aaral mo muna i-focus ang oras mo." Pangaral ni Nanay at tumikhim naman si Tita Jack na hudyat para itigil na namin ang usapan.

'Epal kasi to si Kuya Jiggs, Mema lang din eh. Sarap hampasin ng yero una ulo, charot!'

Umakyat na ako ng kwarto pagkatapos ng hapunan at madramang interogasiyon. Aksidente lang naman kaming nagkita pero hindi ibig sabihin nun makikipag balikan na ako sa kanya. Ano siya hello? Hindi biro ang pinagdaanan ko last summer, halos i-admit ko na nga ang sarili ko sa mental institution tapos babalikan ko lang siya? Pakyu Ninong niya!!

Buong akala ko pa naman naiintindihan ng pamilya ko ang pinag dadaaanan ko. Nabanggit lang ang pangalan ng EX ko inisip na nilang nakipagbalikan na ako. Tss! Mas advance pa sila sa akin mag isip e. Pakiramdam ko walang ibang makakaintindi sa pinagdaraanan ko ngayon kundi ang sarili ko lang. Sarili ko lang ang maasahan ko sa mga ganitong pagkakataon. Nakakaurat yung pakiramdam na hinuhusgahan ka ng iba ng hindi man lang nila inaalam ang totoong kwento at isinasawalang bahala nila ang nararamdam mo.

Walang kamatayang self pity. Fish Tea!

Malaki na ang ipinagbago ko sa maikling panahon hindi na ako ganun ka desperado gaya ng dati kahit na pilit parin kaming pinagtatagpo ng walang hiyang tadhana na yan.

Aaminin ko hindi talaga madali ang pagsubok na ito para sa mura kong edad. Pero hindi naging hadlang ang kawalan ko ng karanasan para hindi ako mag move on. Hindi lang sa kanya pwedeng umikot ang mundo ko. Malawak ang universe, pwede akong umikot sa ibang orbit kung gugustuhin ko.

Hindi ko na namalayang nakatulog ako sa sobrang pag iisip.

--==K I N A B U K A S A N==--

Maaga akong nakarating sa school dahil hinatid ako ni kuya Jiggs. Pumipito-pito pa ako habang naglalakad ng mag vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

"H-Hello?" mahinang sagot ko dahil unregistered yung phone number na tumatawag.

"Good Morning!!" mahihiya si Boyoyong sa sigla ng pagbati sa akin ng nasa kabilang linya. Inilayo ko ng kaunyi sa tenga ko ang phone sa lakas ng boses niya.

"Sino ka naman?" mataray na sagot ko.

"Guess who?" natatawang tugon niya.

"A-AWOKEY!" at pinindot ko ang end button.

'Wala akong panahong makipag hulaan sayo, dun ka sa Eat Bulaga makipagtagisan sa Pinoy Henyo!'

"Tsk tsk tsk..ang kulit naman 'e." mahinang bulong ko sa sarili ko nagvibrate kasi ulit yung phone ko sa bulsa. Sinagot ko pero hindi muna ako nagsalita.

"Hinatid ka lang ng ex mo sungit sungit muna." nagtatampong sabi ng nasa kabilang linya. Napahinto sa paglalakad at dahan dahang tumingin sa pinaggalingan ko kanina. Nakita kong naglalakad si Wesley mga sampung dipa ang layo sa akin.

"Pwede naman kasing magpakilala may pa guess who guess who ka pa."

"Gusto lang kasi kitang i greet ngayong umaga." malungkot na sagot niya at medyo na konsensiya naman ako.

"Sorry na.. Gusto mo magkape sa tambayan namin ni Andi habang inaantay siya?" masiglang bati ko bilang bawi sa kanya. Ayokong magtampo na naman siya sakin dahil sa pagiging mean ko.

"Huwag na mukhang busy ka ata e." Nakangusong sagot niya sa telepono.

"Puppy ka rin 'e no?" ngiwi ko sa kanya.

"Anong puppy?" parang batang tanong niya. Kapag ganyan siya gusto ko siyang pigain ng todo at inumin ang dugo niya.

"Papi-lit." Derechong sagot ko.

"Hindi ah. Naninigurado lang."

"Tara na ako na magbabayad ngayon." nakangiting aya ko at sinenyasan siyang sumunod sa akin sa canteen.

"Anyway, ang ganda ng boses mo sa phone, babaeng babae. He he he!" sabay tawa. Napailing lang ako habang nakapila sa counter. Bigla kasi siyang hinarang ng mga babae pagpasok niya. Napakamot lang siya ng ulo habang nakangiting nakatingin sa direksiyon ko.

'Ey kney reyt!'

"OMG GURRRLLLLSSSS! ANG GWAPO NI WESLEY ONGPAUCO!!!"

"SHOCKS! BUSOG NA AKO KAHIT HINDI PA AKO NAG AALMUSAL!"

Napairap lang ako sa pila ng marinig ko ang tilian ng mga babae sa canteen.

"WESLEY I LOVE YOU! ANG GWAPO GWAPO MO TALAGA KAHIT ANONG ISUOT MO!"

"WESLEY PA-PICTURE NAMAN KAMI SAYO!"

"Mauuna akong lalabas ng canteen sumunod ka nalang sa tambayan ayong makuyog ng mahaharot na fans mo!" bilin ko sa kanya bago ko ibaba ang tawag dahil ako na yung kasunod sa counter.

Tulad ng napagusapan na una akong lumabas. Ilang minuto lang ang pagitan namin at nagawa niya pa akong sabayan hanggang sa tambayan. Isa isa kong inilabas ang mga pinamili ko sa mesa.

"Madalas kabang hinahatid ng ex mo?" kunot noong napalingon ako sa tanong ni Wesley. Gusto kong matawa sa itsura niya bigla ko kasing naalala ang pinsan niya na palaging salubong ang kilay at gusot ang noo.

"Yung tinutukoy mo ba yung naghatid sa akin kanina?" at tumango tango siya kaagad. Napapansin kong kagabe pa siya interesado sa ex ko.

"Kapatid ko yun.. Si Kuya Jiggs sumabay lang ako pumasok para libre pamasahe." at ngitian ko siya bago ako uminum ng kape.

"Ahhh-" napakamot siya sa ulo. "Sorry akala ko yun yung ex mo. He he he!" sabay kaming tumawa.

"Ang sabi ni Andi napaka dalang na may nakakasama kayong mag pinsan dito sa campus bukod sa mga closed friends niyong dalawa?" Pag iiba ko ng usapan.

"Mmmmm--" tango niya habang ngumunguya.

"Bakit allergic ba kayo sa tao?" usisa ko. Gusto ko lang malaman para may ikukwento ako kay Andres mamaya sa vacant period. Hehehe!

"Hindi lang siguro kami sanay na may ibang kasama." Mahinang sagot niya. "And besides hindi naman siguro bago sayo ang status namin ni Kenneth dito sa loob ng campus." Ngumiti ito at halos mag isang linya ang mga mata. Kung ibang tao lang siguro ang magsasabi nun ang yabang suguro ng dating. Pero iba ang isang Wesley Ongpauco kahit ata paulanan ka niya ng mura at pakyuhin ka ng trenta deadma basta makausap mo lang siya. Ang lakas ng dating niya nakaka starstruck kaya maiilang kang titigan siya ng hindi ka nagmumukhang tanga.

*ERASE *ERASE *ERASE

"Bakit hindi ba kami kasama o kabilang doon sa sinasabi mong IBA?" puna ko sa unang salaysay niya. Kung hindi sila sanay na may kasamang iba, 'e bakit hinayaan nila kami ni Andres na makasa sila ng dalawang beses?

"What do you mean by that?" kulang nalang magpalitan ng pwesto ang mga kilay niya sa pagkaka kunot.

"What i'm trying to say is.. hindi naman kami ni Andi yung uri ng estudyanteng basta basta niyong lang sasamahang magpinsan." derecho kong sagot sa kanya sa pinaka simple at pinaka mahinahon kong tono.

"I did'nt get your point Lucky." tumuwid siya ng upo. "Do you think were homophobic or something?" sarkastikong ngiti niya bago mapailing.

'Ang aga aga naman nito mag ingles, buset!'

"You know its not what i meant John Wesley Ongpauco." Pumintig ng ilang ulit ang sintido ko. "What i'm trying to say is-"

"Then what?!" napipikang sagot niya agad. Sinikap kong huwag sabayan ang init ng ulo niya. Hindi siya tatagal sa akin ng ilang minuto sa pagiging pilosopo. Kung fluent siya sa English mas fluent ako sa pagiging pilosopo.

"Of all the students here on the academy.. why us? why me and Andi?" sumandal ako sa upuan at nakipagtitigan ako sa kanya. "We're not even famous. We're not even girls as boys like your age liked." iritableng sagot ko sa kanya na ikinatahimik niya ng sandali.

"Dahil yung ang nakatadhana Lucky. Just accept it. Everything happens for a reason."

'Yeah, Pakyu kang REASON kung sino ka man!'

"Is there something bothering you Lucky?"

"Nothing."

"Is this something to do with Amber's rage again? Or you're being scared if they found out that you and Andi are still hanging out with us again?!" hindi niya maitago ang inis sa boses niya.

'Luh, napikon lang nakalimutan na ang Pambansang Wika ng Pilipinas?'

"Kung pisikalan lang wala akong dapat ikatakot sa mga yun. Pero kung impluwensiya ng pamilya niya ang gagamitin niya may dahilan akong matakot dahil pag aaral ko ang nakataya dito Ongapuco."

"Great. Don't worry i'm always here to back you up." Seryosong tugon niya.

The truth is i don't feel like playing on a fantasy role and i'm not a big fan of fairytales as well. Because every character who hang out with the protagonist in every story or movies doesn't always end up good. In reality hanging out with this two doesn't do any good to me or my friend Andi.

Nagpapaka totoo lang ako. Ayokong paasahin ang sarili ko sa panandaliang kaligayahan. I've been there before at hindi maganda ang naging karanasan ko. Masiyadong pa fall ang peg nila at hindi malabong pumlakda ang mga bakla. Masiyado silang gwapo, mabait (Si Wesley lang..) at masarap kasama. Built in na sa pagiging assumera ang mga kagaya kong bakla kaya habang maaga dapat agapan na.

Not that i don't like hanging out with them. I just don't like the way they treated us. Mahina ang depensa naming mga bakla pagdating sa mga kagaya nilang mga lalake. Oo mabilis kaming ma fall pero mabilis din kaming ma turn off.

But this is a different story. I met them both in the most unexpected way that i've ever imagined.

Everybody knows the whole plot, but who says i can't change how i end at the end the story?

But one thing for sure, i will try to enjoy every chapter of this story even if had to face the most creepiest villain of this story.

Wait.. nasaan yung tissue? NASAAN YUNG TISSUE!?!?! NOSEBLEEEEEEDDD!!!!

Yun lahat ang gusto kong isigaw sa harap mo John Wesley Ongpauco. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat ng yun ng hindi siya magtatampo o mag iisip ng iba dahil sa mga ikakatwiran ko?

"You don't have to do that Ongpauco."

"Wala ka ng magagawa yun ang gusto ko Lucky." Pagmamatigas niya pa.

"O-Okay.." Isang malalim na buntonghininga nag binitawan ko saka ko siya tinapik ko sa hita.

'For now..'

"Seriously, what does that deep sigh for?" salubong ang kilay na tanong niya. Andami naman nitong napapansin. Kung artehan naman ako parang kasalanan ko ang paglala ng namumuong bagyo sa Isabela.

"What if mag iba ang tingin ng mga students sa inyo?"

"Who care's!?"

"Paano kung kantiyawan kayo ng mga kakilala niyo na sumasama kayo sa mga bakla?!"

"THE HELL I CARE!"

"I do Wesley! We DO." Namanhid ang ulo ko sa katigasan ng ulo niya. "Sa tingin mo kakayanin ng konsensiya namin ni Andi yun?"

"Its not gonna happen trust me."

"ARGH! Ang tigas ng bungo mo!"

"No, Lucky!"

"B-But what if--"

"You fall in love with me-?" Biglang putol niya sa sasabihin ko.

"P-PLLUUUUUUKKK!"

Bigla ko siyang kinaltukan sa puyo!

"A-ARAY!" Malakas na sigaw niya at napahawak sa ulo.

'KINGENANG 'to nag nosebleed na ako lahat lahat ma inlab pa talaga ang naisip Nitong isagot?!'

"PAKYU KA! Dami kong emote tapos yun lang sasabihin mo?!" Sigaw ko ulet.

"BWAHAHAHAHAHA!!" biglang tawa niya.

'May sapak talaga ampota!'

"Ang seryoso mo kasi. My point is hindi kami ganung klaseng tao okay." Namunas pa siya ng magkabilang gilid ng mata. "E di sana nung una pa lang hindi na kami lumapit sa inyo. Sa kanila na nga nanggaling di ba na hindi kami ni Kenneth basta basta sumasama o lumalapit sa iba. Unless..." Mahabang paliwanag niya at binitin pa yung huli.

'Point taken ser!'

"Unless?" Panggagaya ko sa kanya.

"Unless were interested with you guys." Ngiting sagot niya.

'NAKNAMPATENG! Ano namang ka interes interes sa pagkato namin ni Andres!'

"Yung sayo nakukuha ko pa kasi baka na gi-guilty ka lang sa unang encounter natin." Nangati ang pwet ko kaya tumagiulid ako ng upo. "P-Pero si Kenneth.. paano siya nasama sa eksena?!" napakamot ako sa ulo. Kailangan ko na atang magpalit ng shampoo kukutuhin ako sa kanila.

"Siya kasi ang madalas kong kulitin lately para samahan akong makita ka. Nakukulitan na nga ata sakin yun eh." Nahihiyang paliwanag niya. Bakit naman niya ako gustong makita? Kaya tuloy ganun na lang kung pagbawalan ako ng pinsang niyang bipolar na iwasan 'tong isa. Pero bakit pala siya sumama sa amin kagabi at mukhang nag e-enjoy naman siya? Magulo pa sa bulbol ang utak niya.

Basta talaga gwapo may tagas ang mga ulo.

"Makulit ka talaga at matigas ang ulo mo." Singhal ko. Naisip kong huwag ng sabihin kay Wesley ang napag usapan namin ni Kenneth noon na iwasan ko siuya. Ayokong magkasamaan pa sila ng loob dahil sa kadaldalan ko.

"We actually had fun hanging out with you guys. Hindi pa kami nakaka salamuha ng mga taong walang ginawa kundi patawanin kaming dalawa." Kitang kita ko ang pagiging totoo niya sa bawat salitang binibitawan niya.

"Ganun talaga walang dull moments kapag kami ang kasama mo." Mayabang na sagot ko.

"Natutuwa din ako kahit papaano natuto ng ngumiti at tumawa ng madalas si Kenneth." Nakangiting kwento niya at sa field nakatingin. "Madalang kasi yung tumawa at kayo lang ang nakakagawa nun sa kanya." Natulala lang ako sa lahat ng sinabi niya. So may maganda naman palang naidudulot ang pagsama sama namin sa kanila kahit papaano. Ngayon naiintindihan ko na medyo blurred lang ng konte.

"Ahh-- akala ko kasi pinaglihi sa sama ng loob yang pinsan mo 'e." Komento ko at sumubo ako ng cake na binili ko.

"Grabe ka naman kay Kenneth. Isusumbong kita lagot ka!" parang batang tugon niya.

"Sa tingin mo natatakot ako sa payatot na yun?" nakangiwing sagot ko. "Tss! Sikuhin ko lang yun sa batok baka ma-comatose na yun e."

"Hahahahaha!" munghalit niya ng tawa. "Alam mo ang weird mo talaga." Mangiyak ngiyak na naman siya kakatawa.

"Ano na namang ginawa ko Ongpauco?"

"Wala naman pero ikaw lang ata ang student na nakilala ko na hindi apektado sa presence namin ng pinsan ko." Nangulubot ang noo niya.

"Anong weird dun?"

"Kasi yung iba kapag nakikita kami nagkakagulo sila at nilalapitan kami para magpa picture o kumaway."

"Hindi naman sa ganun. Iniisip ko na lang pare pareho lang naman tayong kumakaen, tumatae, natutulog kaya bakit pa ako makikigulo gaya nila?"

"Hahahahahahaha!"

"Sige tawa lang hanggang mautot ka!" humigop ako ng kape. Kapeng kasing pait ng nararamdaman ko ang lasa.

"S-Sasabihin kotalaga yan kay Kenneth hahahaha." Napahampas pa siya sa mesa kakatawa.

"Subukan mo Ongpauco ibabaon kita sa field gamit ang kamao ko!" banta ko. Siyempre ayoko lang na anong isipin ng pinsan niya sa mga sinabi ko. Ugali pa naman nun asal.

"Biro lang!" at hinampas niya ako sa hita. Naaayyy! Hampas ko din kaya sa ulo niya yung mesa? Ay, huwag na baka wala na kaming matambayan.

Nagtext si Andi natatae daw siya kaya sa CR na siya tumuloy. Naghiwalay na kami ni Wesley dahil pareho din kaming may klase ng umaga.

Napapaisip pa din ako habang naglalakad papuntang classroom. Masiyado silang kilala sa school kaya hindi pwedeng hindi sila pag uusapan kung malalaman ng lahat na patuloy parin silan sumasama sa amin ni Andi.

Kilalang Basketball Player at Model si Kenneth sa loob at labas ng school.

Si Wesley as one of the gifted pianist sa bansa.

Parehong tinitingala ng mga students, teacher at mga fans sa loob at labas ng campus.

Sila Handsome and Famous.

Kami ni Andi?

Beauty and the Beast.

'Peace sessshhie!'

To be continued..


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C17
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión