Descargar la aplicación
11.11% Lucky Me / Chapter 7: Lucky Seven

Capítulo 7: Lucky Seven

CHAPTER 7

LUCKY'S POV

I felt relieved.

Weh? Sa ginawa mo parang binalik balikan mo lang yung bagay na matagal mo ng iniiwasan. Napairap ako sa komento ng mahaderang utak ko. Shut up brain, laking tulong mo!

Pasensiya na itong huli madalas kaming hindi magkasundo ng utak ko.

So yun na nga.. Kadalasan sa pagkanta ko nalang idinadaan ang nararamdaman ko. Isang mabisang outlet na nakakapag pagaan ng kalooban sa tuwing nalulungkot o masaya ako. Ang totoo muntik na talaga akong bumigay kanina. Para akong bombang sasabog sa harap nila. Unti unti akong nilalamon ng mapapait na alaala. Pigil na pigil ako sa emosiyon ko dahil natatakot akong pumiyok sa harap nila. Inaantay ko na nga lang na i-GONG ako ni Andres kanina.

Pero ng makita kong tuwang tuwa si Sir Adam sa napapanuod niya kumandirit ang puso ko sa saya.

My Vampire Teacher.

"NGANGA!" utos ni Andtres at hinawakan ako sa magkabilang panga.

'Anong trip na namang nito?

"Ano na naman yan?" nagtatakang sagot ko. Tapos na yung klase namin at ngayon nag aayos na lang kami ng gamit.

"SAY Ahhhh--" sabay buka niya ng bibig at napagaya naman ako. "AAHHHHH" muling bigkas niya pero mabilis akong nagtakip ng ilong kaya hinampas ako ni Andi sa braso. 'Ambaho!' "Umayos ka seshie!" bigla niya akong pinandilatan.

"A-AHHH!" labag sa loob na nganga ko. May lumabas sanang mga paniki sa bibig ko at kuyugin siya.

'Nyetah para kong nasa dentista nito.'

"Ahhh--" nagtatakang tango niya at parang nagusot na papel ang noo niya. May ilang lumapit na kaklase namin para mang usisa sa ginagawa niya sa akin.

"Ano ba yun kasi at kelan ka pa naging matabang dentista?" naiiritang hinawi ko ang kamay niya sa panga ko.

"Dentista agad hindi ba pwedeng may hinahanap lang akong missing person?" talak niya at pinamewangan ako.

"Missing person sa bibig ko?" ang sarap ihambalos ng desk ni Sir Adam sa ulo niya. "Anong palagay mo sa bunganga ko hide out o lagusan ng mga nawawalang tao pinaghahampas ko siya sa matambok niyang braso.

'Siraulong to akala ko ano na.'

"Sinisigurado ko lang seshie baka nadiyan sa loob si Jessie J. Wala daw siya sa concert kanina katext ko yung manager niya." Seryosong sagot niya.

"E kung itext ko ang pamilya mo na nasagasaan ka sa kalsada?" ganting biro ko.

"HAHAHAHAHAHHAHAHA!" Sabay tawanan ng ibang classmate naming nakarinig.

"Ang hard mo seshie." Pabebeng sagot niya.

"Baka naman nasa loob na ng tiyan mo ses Andi, hindi mo napansin sa katakawan mo." Sabat ni Marlon at ibinato ni Andres ang buong white board. Charot, yung panyo lang busog pa si Andres kaya mild pa.

"Malay ko sa laki ng bibig nito ni Lucky baka napagkamalang dressing room ni Jessie J. ang bibig niya." Tuloy na pandadaot ni Andi.

"Eh kung ipalunok ko sayo yang Violin mo?!" dinampot ko yung box ng violin niya.

"Yan tayo eh naka kuha lang standing ovation at applause applause applause naging brutal na!"

"Dami mong alam ba't di ka pa pumanaw?" ngiwing sagot ko saka ako umupo.

"Malulungkot ang Carlisle kapag mawala ako." Madramang sagot ni Andi habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sabay kaming napangiwi ni Marlon paglapit niya.

"Ang sabihin mo marami ang matutuwa dahil marami ng mao-order sa canteen kapag nawala ka." Basag ni Marlon sa pag e-emote ni Andres at sabay sabay kaming tumawa kasama ng ibang classmate ko na nasa room pa.

"Tandaan mo Lucky 10% lang ang audience impact." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Paki ko! Beauty Contest ba sinalihan ko?"

"Oo at ito yung ang talent portion." Nag pose pa siya sa upuan na parang modelo. 'Ang sarap nitong ibilad sa araw at gawing solar batter, laking tipid siguro ng Academy sa kuryente.' "Pero seshie, ibang iba yung aura mo dun sa harap habang kumakanta ka kanina." Nakapilantok ang mga daliring turo niya sa harap.

"Oo, itim na aura at unti unti ka nitong babalutin hanggang maglaho ka!" pananakot ko na muntik niyang ikatumba sa upuan.

"Hindi tatablan yan si Andi kakampi niya ang dilim, dapat pula o puting aura para tumalab talaga!" sigaw ng kaklase naming si Jeffrey na isa ring bully sa klase.

"Tigilan mo ko Jeffrey gagahasain kita!" pinandilatan siya ni Andi.

"Magtago ka na Jeffrey gutom yan baka gawin kang appetizer niyan sige ka." babala ko kay Jeffrey na nagmamadaling kumaway bago tuluyang lumabas ng room bitbit ang bag niya.

"Bye, Idol!" sigaw ng dalawa pa naming kaklaseng lalake habang naglalakad ng paatras at bumuntot dun sa Jeffrey.

"Ganda mo ses, dae daeng fans!" inirapan ko lang si Marlon sa kabibuhan niya.

"Pantay lang tayo lamang ka lang sa tulog." Balik ko sa kanya.

"Narinig mo yun Andres, sa tulog ako lumamang. Ikaw kamusta?" pang ookray ni Marlon at tumuwid ng tayo si Andi.

"Well, tama naman si Lucky." Seryosong tugon niya. "Lumamang ka lang sa amin ng tulog seshie dahil wala ng gisingan yun!" at bigla akong napabungisngis sa okrayan nila.

"Tseh! Ayaw pa magpatalo kay Lucky na nga nanggaling." Tumalikod siya at dinampot ang ilang gamit sa table ni Sir Adam.

"Iba ka rin eh." Baling niya sa akin. Ngayon ko naman ngayon ang pag iinitan niya. "Alam mo bang nanuod si Wesley sa performance mo?" tumuwid ako ng upo sa sinabi niya.

"K-Kailan?" Seryosong tanong ko.

"Nung isang araw teh, noong isang araw tayo nag perform diba?!" Pambabara niya at natawa naman si Marlon sa narinig. "Malamang kanina kailan ka ba kumanta? Lutang teh lutang?"

"Ahhh—" tumatangong sagot ko. Bakit siya nanuod? Napaisip ako bigla. "Ayaw mo nun may kasama ka ng ngumanga sa tuwing kakanta ako. Ha ha ha!" mayabang kong sagot sa kanya. 'Yeboi! Habang kumakanta ako kanina nakakaaliw ang mga itsura nila. Ngunit mas naaliw ako sa itsura ni Andi na habang nanunuod dahil bahagya siyang nakanganga.

"Hindi ka naman masiyadong bilib sa sarili mo ano, Binibining Gonzaga?"

"Talented lang. Besides nag aalala lang ako sa langaw na papasuk diyan sa bibig mo kapag nagkataon baka ma extinct ang lahi nila."

"Muka mo!" Sigaw niya.

"Alam ko na yan. Maganda!" pang aasar ko.

"Hoy, kayong dalawa ah—" lapit ni Marlon at ang lakas niyang maka tsimosa. "Usap-usapan kayo sa buong campus." Pinandilatan niya kami na parang may ginawa kaming mortal na kasalanan.

"Usap usapan?" para akong hinampas ng tubong hugis question mark sa ulo. Bakit naman nila kami pag uusapan aber?

"Naka teybol niyo daw ang Fafa Kenneth at Puppy Wesley ko?" pabulong na sagot niya at parang praning na nagpalingon lingon sa paligid.

"Maka teybol naman, ano tingen mo samen GRO?" pambabara ni Andi.

"Di hindi, waiter nalang pwedena Andi?" sabay irap kay Andres. "What i'm trying to say mga ses ay nuknukan kayo ng swerte." Dinutdot niya ang bilbil ni Andres. "Kayo lang ang namumukod tanging beklu ang nakalapit ng ganun sa dalawang yun ng di inaaway ng mga "Mean Girls." mahabang paliwanag niya.

'Napansin kong nanahimik si Andi. Nakakapanibago. Sino na naman kayang mga Mean Girls yung tinutukoy niya.'

"Nagkataon lang yun teh. Baka di na nga maulet hehehe!" palusot ni And sabay tawa pero hindi yun umabot sa mata. 'Hmmm, something fishy.'

"Pero mga ses mag ingat parin kayo dahil kapalit ng panandaliang kaligayahan na yan ay sandamukal na kamalasan kapag umabot sa radar niyang may kahati siya sa lalake niya." Naiintriga tuloy ako sa mga pagbulong bulong niya. Sino namang "niya" ang tinutukoy ni Marlon?

"Walang nakikipag hatian sa kanya. Kanyang kanya na seshie!" pagmamaasim ni Andres. Baklang 'to, kanina lang halos sambahin niya yung magpinsan habang kumakaen kami sa mesa. Don't tell me natatakot siya sa taong tinutukoy ni Marlon? Sa laki niya siya nga ang dapat katakutan. Tch!

"Oh siya mauna na ako, Congrats Lucky ikaw ang pinakamataas na score kanina, second ka Andres sabi ni Sir Villanueva." Kinindatan ako ni Marlon at nag high five naman sila ni Andres.

"Wow, Congrats satin Lucky! Lets celebrate!" masayang bati ni Andi.

"Celebrate bakit finals na?" Sabay dampot ng bag at niyaya siyang lumabas.

Matapos ang huling subject namin nagpasama ulet ako kay Andres sa parking lot para dalhan ng pagkaen si Muning. Kating kati na talaga akong iuwe siya sa bahay kaso hindi ko pa ipinapaalam kay Nanay.

"Bakit di mo nalang kasi ampunin yang kuting na yan ng makasama mo na habang buhay!" komento ng kaibigan kong maputi...maputi ang mata kakairap dahil hands on ang pagpapakaen ko kay Muneng.

"Pinag iisipan ko nga siyang i-uwe na ngayon kaso di ko pa pinapaalam sa bahay."

"Bakit may hika ba ang miyembro ng pamilya mo kaya nag aalangan ka?"

"Wala naman. Siyempre dapat dalhin ko muna siya sa Vet Clinic para siguradong wala siyang sakit siya at mapabakunahan ko bago ko iuwe." Ngiting sagot ko.

"Push mo na yan seshie, dahil kapag makita yan ng maintenance personnel siguradong ipapatapon yan sa labas ng campus!" pananakot niya at agad kong inakap si Muneng.

"What? No way walang makakapag hiwalay sa amin ni Muning ko!" at napangiwi si Andi sa sinabi ko.

"Ay seshie dyowa mo? Maka arte kalamo may nakikiagaw sayo. Para ka din yung isang kilala ko eh. Mema lang!" emote niya habang animoy may ipinaglalaban.

Matapos ang huling subject namin inaya ko si Andres na tulungan akong humanap ng box na pwedeng paglagyan kay Muning. Si Andres na rin ang nakaisip na bumalik kami sa stock room kung saan ko itinago si Muneng nung isang araw baka sakaling may naitatabi sila.

Habang abala ako sa pagkalkal ng kayamanan sa loob ng stock room narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Andres sa likod ng pinto.

"BAKIT KASAMA NIYO SI "KENNETH JAMES ANG" MAGBREAKFAST KANINANG UMAGA?!" Malakas at nakaka iritang sigaw ng pamilyar na boses ng isang babae. Pawisan at kunot noo akong lumabas para silipin ang pinanggalingan ng maingay at nakakarinding boses.

Tatlong maarteng babae ang nakatayo dalawang dipa mula kay Andi. Nasa gitna yung babaeng matangkad, payat at mukhang manika. Sa left and right side niya dalawang babaeng pandak at mataba at lahat sila naka all pink. 'Ano to mga alagad ni Pink Ranger?' Hindi muna ako lumapit inantay ko lang kung anong gagawin nila. Sa laki ni Andres alam kong hindi niya kakailanganin ang tulong ko.

"YOU!" duro nung nasa gitna yung mukhang manika kay Andi. "WHO GAVE YOU THE RIGHT TO TALK TO MY BOYFRIEND AND EVEN SIT AND EAT ON ONE TABLE WITH HIM, HUH!?" taas kilay at mayabang na tanong niya.

'Luh? Boypren niya yun? Bagay n abagay sila pareho silang mga payatot. Hahaha!'

"H-Hah?" Natulalang sagot ni Andi at hindi alam kung papaano sasagutin ang maarteng babae.

"ANSWER ME OR ELSE WALA KA NG BABALIKANG SCHOOL BUKAS?" pananakot niya na akala mo hawak niya yung susi ng school gate. Makasigaw anong palagay niya kay Andi bingi? Kingena, match na match nga talaga sila ng payatot na yun parehong masama ang ugali at palaging nakasigaw.

"Ba't di mo tanungin yung "UNGAS" na yun kung bakit sila ang sumabay samen?" marahang sagot ko dun sa pinaka lider ng pink ranger habang papalapit. Maganda nga kaso kairita lang ng boses niya. Tinitigan niya ako ng masama mula ulo hanggang paa.

'Sige kaya mo yan teh, wala akong katulad nag iisa lang to sa buong Quezon City!'

"At bakit naman sila sasabay sa inyo, aber?" Nakapamewang na tugon niya. Akala mo naman mortal na kasalanan ang sabayan ang mga damuhong yun.

"Sila ang sumabay sa table namen at hindi kame." Hinila ko si Andres sa tabi ko. "Kaya dun ka magtanong sa sinasabi mong boyfriend kung bakit sila ang sumabay samin."

"Seshie, huwag ka ng sumagot." Paulit ulit na hinihila ni Andres ang laylayan ng t-shirt ko.

'Hindi! Papansin ampota, mema lang din 'to si ate.'

"And who da hell are you?!" maarteng tanong niya. Napangiwi ang nguso ko ng magpalit ng pwesto ang dalawang babaeng mukhang alalay niya. Taray dapat may blocking?

"I'm no one. So back off. Sayong sayo na at walang nakikipag agawan sayo." Wala kagana kaganang sagot ko sa kanya.

"SINO KA NGA SABIHIN MO BAGO UMINIT ANG ULO KO!!" bulyaw niya sa akin. Nakakainit ang ulo ang pagsigaw sigaw niya.

Nginitian ko siya ng matamis para kalmahin ang sarili ko. "Eh ano naman kung uminit ang ulo mo? Antayin mong uminit ang ulo ko Barbie, exciting." Sarkastikong sagot ko saka ko siya tinitigan ng masama mula ulo hanggang paa. May ibinulong ang isang kasama niya at parang diring diring pinasadahan ako ng tingin.

"Huh? Do you know who I'am fag?" 'sing taas din ng heels niya ang tingin niya sa sarili.

"Sorry dear, never heard." pang gagaya ko sa kaartehan niya.

"So hindi mo nga ako kilala?" pagtataray niya. "Coz if you did.. you'll never act like that infront of me?" parang liwanag na nagsabog ang kayabangan niya.

"I told you i'm not interested with you Barbie. Well unless you are Ken." At nginisihan ko siya ng nakakaloko. At para siyang nagliyab na palito.

"YOU'LL REGRET EVERYTHING YOU'VE SAID FAGGOT!" Tss, pikon! At naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Andi sa braso ko. Anong problema bakit takot na takot siya sa babaeng yan?

"Lucky, tama na huwag mo ng siyang galitin please.." kinukurot kurot na niya ako sa likod at panay hila sa laylayan ng t-shirt ko.

"Hmmm—Maybe yes." Kibit balaikat na sagot ko at hindi ko pinansin si Andi. "Nasa huli naman talaga ang pagsisisi. Try mo minsan magsisi sa umpisa para makita mo kung sino sa atin ang mukhang tanga." Lalo lang siyang namula sa pamimilosopo ko.

"You really don't have any idea who you're talking to faggot." Umiiling na tugon niya at napapakagat pa siya sa lower lips niya.

"Pader ang binangga niyo mo mga bakla, PADER!" sigaw nung isang matabang babae sa amin ni Andi.

"OWS? Pader ba? Akala ko nga kanina naglalakad kayong PINK URINAL FOR MEN ng MMDA." At kitang kita ko ang pamumula ni Barbie sa galit at bumungisngis si Andi sa likod ko. "Ganda nga ng formation niyong tatlo 'e isang payat at dalawang matataba." Amaze na amaze na paliwanag ko.

"Diba ikaw yung ta-tangang tranferee na nadapa nung flag ceremony?" sabat ng isang matabang bansot din na kasama nila.

"May tama ka beh!" kumindayt at nag thumbs up ako sa kanya. "Andi, bigyan ng kulay pink na corduroy na jacket yung kasama niya!" pumalakpak ako ng malakas. Narinig kong bumungisngis si Andi sa tabi ko.

"Seshiee awat na." hila ni Andi sa braso ko.

'Wait lang at nag e-enjoy pa akong makipag asaran sa kanila eh. Tingna natin kung makakatagal sila.'

"Matapang ka. Gusto ko yan pero walang lugar ang pagiging matapang mo dito sa campus. Lalo na ako ang napili mong banggain." Banat ng maarteng babaeng nasa gitna.

"Noted. Pero wala din sa lugar yung pagsugod sugod mo dito dahil lang diyan sa pagseselos mo."

"ME?! JELOUS OF YOU? NO FUCKING WAY!" saksakan ng arteng sagot niya.

"E anong inaarte arte mo dito ngayon?" Hindi siya nakapag salita at tinitigan lang ako ng sobrang masama at parang toro na sunod sunod ang paghinga sailong.

"Next time na makikita ko kayong kasama si Kenneth. You better pack up your things and get out of my school." Nahilo ako sa pagkumpas kumpas niya ng patpating braso niya sa ere.

'WTF? School nila to? Yabang ah este yaman ahh. Pader nga!'

'Teka bakit kami? Unfair! Bakit hindi yung Kenneth na yun ang pagsabihan niya?'

"Kingenang yan!" humakbang ako papalapit sa kanila. "Sino ba kasing KENNETH yan huh!?!" gigil na bulalas ko. Tinatakot ko lang sila alam kong makukuha sa sindak ang mga ganitong klaseng bullies kagaya sa dati kong school.

"FYI FAG, KENNETH JAMES ANG IS MY BOYFRIEND!" taas noo at super proud na sagot ni Barbie.

"Kapag makita ko yang Kenneth James Ang na yan WARRNEEENNNNGGG na yan saken!" Malakas na sigaw dun sa lider nila at nakita kong napa atras sila.

'O_O Mean Girls

"Anong problema mo huh!?" aktong susugod yung isang matabang naka pink pero hinarang siya ng mapayat na braso ni Barbie.

'Taray ako pa ngayon ang may problema.. Ihanap niyo ko ng karton at ng maiuwe ko na si Muneng!'

"Just do what i ask faggot. Ayokong nakikitang may kasamang iba si Kenneth aside from me or my girls." Sabay senyas sa mga kasama niya.

"No problem with that Barbie." Nginisihan ko siya. "Ang gawin mo itali mo sa leeg yang Kenneth James Ang mo, bago mo ibuhol sa bewang mo para di na makawala sa katawan mo--" Bigla akong natigilan sa paglilitanya ng magtama ang paningin namin ni Kenneth. As usual dinaig ng noo niya ang kusot na tshirt na suot ko. Kasalukuyan silang nakatayo mga apat na dipa mula sa likuran nila Barbie habang nanunuod kasama si Wesley na abot tenga ang ngiti.

"This serve as your final warning faggots. You're messing with the wrong person. " At sabay sabay silang nag walk out sa harap namen ni Andi. Binangga pa ako ng mahina sa balikat ni Barbie. Papatirin ko sana kaso baka magkalas kalas yung buto niya mahirapan pa silang i-assemble.

Tch! Kuda siy ang kuda nasa likuran lang pala yung ipinagmamalaki niyang boypren!

Napairap lang ako ng kawayan ako ni Wesley.

'Change is coming mga lalake na ngayon ang tsimoso.'

KENNETH'S POV

Umagang umaga pa lang tinawagan naku ni Wesley yung pinsan kong sinto sinto. Gusto niyang sabayan ko siyang pumasok ngayon dahil may gusto daw siyang makausap na student. Actually kagabe pa niya ako kinukulet ng sobra dahil hindi na raw siya mapakali.

Mukhang may nagugustuhan na ata 'tong bugok nato ah. Good for him dahil never pang nagka girlfriend si Wesley. Honestly, curious din ako sa babaeng gusto niya kaya pumayag narin akong isabay siya ngayon pagpasok.

"Bakit pa kasi kailangang kasama pa ako diyan sa panliligaw mo." Biro ko sa kanya habang nagmamaneho.

"Adik, anong panliligaw?" Mabilis na sagot niya. Defensive. Halatang guilty.

'Eh anong gagawin namen ngayon? Don't tell me mag go-ghost hunt ulet kami masasapak ko na talaga siya!'

"Gusto ko nga lang makabawi dun sa student na tinamaan ko ng bola ng soccer." Nakangusong sabi niya.

"Ano patatamaan mo ulet?" Natatawang biro ko sa kanya.

"You have no idea kung gaano siya kasungit bro." Tumagilid siay ng upo at humarap sa akin. "Alam mo bang nakakatuwa siyang panuorin kapag nagagalit siya?" Natatawang kwento niya at hindi nawawala ang ngiti niya.

'Whoa. Inlab na ata tong pinsan ko eh. Weird.'

Kakaiba kasi siya simula pa kagabi at natatawa talaga ako sa mga kwento niya kung paano sila nagkakilala. First time daw na may tumangging makipagkilala sa kanya at hindi man lang daw apektado sa presence niya. At ang pinaka exciting sa lahat yung tinakasan siya nito at ako ang sinisisi niya.

Oo ako nga dahil tinawagan ko siya habang kausap niya yung student na yun at paglingon niya nawala na sa paningin niya. Mukhang pareho silang tinamaan sa isa't isa. Yung isa tinamaan ng bola sa ulo, ito namang pinsan ko tinamaan ang ego niya.

Weird lang kasi never niyang binanggit yung name ng student na yun kahit isang beses na halos magdamag naming pinag usapan. As if naman makikipag agawan ako sa kanya. Tch!

' Malalaman ko din yan later on kung sino ka. Malas mo sa pinsan ko.'

"So ,ano ngang plano mo? Paano ka nga mag so-sorry 'e sabi mo nga tinatakasan ka diba?" gusto kong malaman ang pina plano niya. Wala kong oras para samahan siyang mag ikot ngayon sa campus dahil may basketball practice ako ngayon.

"I don't know.." mahinang usal niya. "Tadhana ang nagdala sa amin para makakilala ang isa't isa at tadhana din ang gagawa ng paraan para magkita kaming dalawa ni Lucky." Nakatulalang sagot niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

'L-Lucky? Its that her name? Tss, Mukha siya ata ang tinamaan ng bola hindi yung Lucky.'

Pagpasok namin sa main gate sumaludo pa sa amin ang school guard. Parang bata naman na hindi mapakali si Wesley at panay ang silip sa bintana. Pailing iling nalang ako at napapangiti habang nag mamaneho. Inlove na nga ang tukmol na 'to! Hahaha!

Tanaw ko na ang usual parking space ko ng biglang may tumawid sa gitna ng daan. Jesus! Buti nalang mabilis ang reflexes ko. At maswerteng naka kabit parin ang mga seatbelt namin ni Wesley kundi su-subsob kame pareho sa harap. Parang bolang tumalbog talbog ang puso ko sa sobrang takot at kaba. Napahampas ako sa manibela sa sobrang inis. Palagi na lang ba akong mamalasin sa parking area na 'to? Peste!

"B-Bro are you okay?" bakas ang kaba sa boses ni Wesley. Para kaming tumakbo ng ilang kilometro dahil pareho kaming hinihingal sa kinauupuan namin.

"No! I'm not!" natutuyuan ako ng laway sa kaba. Pagbaling ko sa harap ng kotse ko, nakita ko yung isang student na kasalukuyang nakapikit, nakataas pa ang dalawang kamay habang nakaluhod sa gitna ng parking space ko na parang tanga.

'GRRRR! Magtago ka na sa pinaggalingan mo dahil malalagot ko sakin sigurado!'

"OH MY GOD!" Gulat na sambit ni Wesley at mabilis na bumaba ng kotse at tumakbo sa harap. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pinto at sumunod ako sa kanya.

"HOLY COW! Jesus! What are you doing?!?" Natatarantang tanong ni Wesley dun sa student.

Para siyang nasilaw habang dahan dahang nag angat ng tingin kay Wesley.

"I-Ikaw pala W-Wesley. Kamusta?" aniyang babaeng nakaluhod.

'WTF? KAMUSTA? MUNTIK NA SIYANG MASAGASAAN KAMUSTA PA?'

"KAMUSTA?!? ARE YOU INSANE? MAGPAPAKAMATAY KA BA?" Hindi na ako makapag pigil at kaya nasigawan ko siya. Hindi biro ang ginawa niyang abala, masasagasaan ko siya dahil sa kapalpakan niya. At panandalian akong natigilan ng magtama ang mga mata naming dalawa. Nakita ko yung pagod at takot sa mga mata niya. Bahagya akong kumalma sa kabila ng galit na nanunupot sa mga ugat ko kanina.

'Wait!! Namumukhaan ko siya.. Jesus Christ! E siya din yung student nakaharang noong isang araw sa harap ng Guidance office ah. Tss!

*** F L A S H B A C K ***

Dahil sa incident sa parking lot nung isang araw na confiscate yung ID ko. At tulad ng ikinakatakot ko ngayon naman ipinatawag na ako sa guidance office dahil nalaman na ni coach ang nangyareng insidente. Hindi ko mai-tap yung ID ko sa electronic box dahil sa babaeng nakaharang. Naka long sleeved, black skinny ripped jeans. Long blonde wavy hair, matangkad at payat.

'Ano namang ginagawa nito sa harap ng electronic box?'

"Excuse me--" mahinang sambit ko. Lumingon lang siya ng bahagya pero hindi ako tiningnan at muling humarap ulit sa elec box.

'Tss, ayos to ah. Ganito na ba magpapansin ang mga babae ngayon? Delaying tactics. Tch!'

"EHERRRMMM--" sinadya kong lakasan ang pagtikhin ko. Dyahe, parang ako pa tuloy ngayon ang nagpapansin sa kanya.

'Ano bang inaantay nito pasko?'

Umiiling na napalingon siya sa akin. "Kung dadaan ka dumaan ka---" masungit na sagot nito pagharap pero bago niya pa matapos yung sasabihin niya at dahil mas matangkad ako tinap ko na agad yung ELID ko sa puting box.

Ilang pulgada lang ang ang agwat namin sa isa't isa. Dahan dahan akong napapikit ng maamoy ko ang strawberry scent niyang buhok. Para akong suminghot ng Vics Vapor Rub dahil sa ginhawang naramdaman ko ng dumaloy ang mabangong amoy ng buhok niya sa ilong ko. Naka consious tuloy ako bigla dahil nakadikit yung mukha niya siya sa dibdib ko. Patay! Nakakahiya naalala kong hindi pa ako nakakapag shower after practice.

I'm fucked! Hindi ko mautusang ang katawan kong gumalaw. Unti unting kumakalat ang init sa mukha ko ng maamoy ko pa ang pabango niya. She smell so amazing. Like a newborn baby. Hindi ko maipaliwanag, napapangiti lang ako sa isip ko at nai-imagine ko ang mga cute na mga bagong paligong babies. Nanlalambot tuloy ang tuhod ko sa amoy niya.

**TEEEETTTTTT**

Bumalik lang ang tamang pagiisip ko sa kasalukuyan ng tumunog ng malakas ang electronic box hudyat na nakabukas na ang pinto. Kung may makakakita man sa amin iisipin nilang magka yakap kaming dalawa.

"Nakaharang ka sa dadaanan ko, stupid!" Mabilis akong pumasok sa loob at naiwan siya sa labas mag isa.

Hanggang paglabas ko ng GO nakita ko padin siya. Tss. Maganda nga may engot naman.

*** E N D O F F L A S H B A C K***

Namukhaan ko siya agad ng makita ko siya sa canteen kahapon. Naalala ko agad ang kaakit akit na amoy ng buhok niya. Kaso mabilis din akong napailing ng makita ko kung paano siya kumaen. Halatang walang breeding. Sigh. Tapos kahapon habang nagtatalo kame ni Amber dito sa parking lot nakita ko din siya kasama ng matabang kaibigan niya. Galit na galit si Amber ng makita silang dalawa lalo na ng sagut sagutin siya nito ng pang aasar na parang bata. Ang ikinatuwa ko pa ng sobra 'e nung umalis silang ng kaibigan niya. Lakas loob na sa harap namin sila dumaan at sa di inaasahan bumahing ng malakas si Amber at tumalsik ang laway niya sa mukha ko. Kadiri! Ngunit yun ang naging way ko para iwan siya mag isa kahapon.

Nagkatitigan kami ngunit una akong nagbawi ng tingin ng mapansin ko ang pusa sa tabi niya. Don't tell me kaya sila nandito kahapon dahil lang dito sa pusa? Yung pusa na kasalukuyang na panay ang hagod ng ulo sa hita niya.

Nagulat ako ng isubsub nito ang sarili sa harap ng pinsan ko. Nakita kong paani nagulat si Wesley sa ginawa niya. Ang akward tingnan ng position nilang dalawa. Basta ang laswa sa paningin! Ang sagwa nilang tingnang dalawa. Hindi ko alam kong maiinis ako o matatawa. Pinili ko yung una dahil hanggang ngayon nakaharang parin siya sa harap ng kotse ko.

"Are you ok? Nasaktan kaba?" mabilis na itinayo ni Wesley yung student at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Lucky, get up ang akward ng position natin." Natatawang dugtong ni Wesley. Buti naman nahalata niya rin.

'Wait, L-Lucky? Siya yung Lucky na kinukwento ni Wesley? NO FREAKING WAY!!'

"Wait, lang ang sakit ng tuhod ko eh." Nakatingalang sagot nito sa kanya. At muli itong sumubsob sa tiyan ni Wesley. Yan na naman sila hindi ba sila nasasagwaan? Ito namang pinsan ko mukhang nag e-enjoy sa ginagawa nila.

'Hindi parin talaga ako makapaniwalang siya yung Lucky.'

"Jesus, what are you guys doing?" iritabling tanong ko sa kanila. Nakakahiya kung may makakakita samin dito sa parking lot baka ano pa ang isipin nila.

"Kaya mo na bang tumayo?" tumango ito bago alalayan ni Wesley na tumayo.

"Si Muning!" hinawi yung kamay ni Wesley at hinanap yung pusa niya.

"Meowww--Meowwww" biglang sumulpot yung pusa sa paanan niya.

"MUNEEEEEENNNG BUHAY KA! PRAISE THE LORD!" biglang dampot niya sa pusa. Tibay binuhat pa pataas bago niyakap. Ito namang pinsan ko hindi maalis ang mga mata kay Lucky.

"Tss!" sa inis napapa iling nalang ako sa nakikita ko. Kinilabutan ako sa sama ng tingin niya. Yung tipong parang mananapak siya anytime soon. "Magpapakamatay ka dahil sa pusang kalye na yan? Nababaliw ka na ba? o baliw ka talaga?" napipikang sigaw ko sa kanya habang nakaturo sa pusa.

"Oo handa akong magpapakamatay dahil sa pusang 'to!" taas noong sagot nito at dahan dahan ibinaba yung pusa. "Bakit may angal ka?" maangas na sagot niya. Yan ang gusto ko sa babae palaban. Sige subukan naten kung tatagal ka sa akin ng hindi ka naiilang na kausap ako. Tingnan kung sino ang mas malakas ang charm ako o si Wesley.

"Tss! So feeling mo kahanga hanga ang ginawa mong pagpapakabayani?" Hindi ko alam kung paano magpa cute. Ang awkward pala. "Don't tell me handa kang magpapakamatay para sa isang stray cat?" nag sungit nalang ako. Mas madali yun dahil yun a ng personality ko.

"Hoy, UNGAS! Pagmamalasakit ang tawag dun." Mukhang tinatapan niya ang anagas ko. "At para sa ikasasaya mo." Tumingala pa ito sa akin. "Oo handa akong mamamatay para sa isang pusang kalye. Ganun ako ka-intense handa akong isugal ang buhay ko para sa mga mahal ko." Bigla akong natulala sa sinabi niya. All of a sudden nag flashback sa utak ko ang babaeng nakita ko noon sa parking lot sa isang mall habang nakikipag sapakan sa dalawang lalake dahil din sa isang pusa. This person reminds me of that girl. I actually admired who ever she was for being so brave. Yung mga babaeng astg na akala mo sa pelikula mo lang makikita.

"Lucky you're so cool!" masiglang cheer ni Wesley. Gusto kong batukan si Wesley. Ako ang bestfriend niya pero dun siya sa kabila nag tse-cheer?

"Thank you! Thank you!" ito namang isa sinakyan pa ang pinsan ko at nakuha pang kumaway kaway sa paligid.

"Sabagay ang laki nga ng pagkakahawig ng ugali niyo." Seryosong usal ko.

"Talaga? Napansin mo din?" inosenteng tanong niya. Lumambot ang facial expression niya.

'Gotcha! Inuuto ka lang naniwala ka naman. Tch!'

"OO! PAREHO KAYO NG ALAGA MONG ASAL KALYE!!" sigaw ko sa harap niya. Tinalikuran ko sila at pumasok sa loob ng kotse para mai-park ko na ng maayos ang kotse ko.

Mula sa loob nakita ko kung pa-paano siya biglang sumugod sa direksiyon ko ngunit mabilis siyang pa akap na hinarang ni Wesley. Si Wesley na mukhang nag e-enjoy sa pag awat at di mawala ang ngiti dun sa weirdong student.

'Tss bagay sila parehong silang sinto sinto.'

"Calm down! Huwag mo ng patulan. Mabait yang pinsan ko, i swear!" narinig kong awat ni Wesley habang papalapit na ako sa kanila. "Believe me Lucky, my cousin is a very nice guy." Sa wakas ipinagtanggol din ako ng tukmol na 'to.

"Whew! Yan nice guy?" Hindi makapaniwalang sigaw niya. Kwits lang bakit siya rin naman ah? "ISASANLA KO PUSTISO NG LOLA KUNG YANG PINSAN MO MAY TINATAGONG BAIT!" Pero kay Wesley ito nakatingin at yung loko ng mukhang aliw na aliw na panuorin ang inaawat niya. Bumaba ako kaagad matapos akong makapag park ng maayos.

"Ang aga-aga ang ingay ingay mo." Yun lang ang nasabi ko paglapit ko sa harap nila.

"SEE WHAT I MEAN?!" buti nalang mahigpit ang pagkakaakap ni Wesley sa pagpiglas niya kundi naabot niya ako. "IPUPUSTA KO RIN YUNG IBABANG PUSTISO NG LOLA KO. OH PARTIDA NA UP AND DOWN NA 'YUN PUCHA!!" malakas na sigaw niya ulet. Ang totoo kanina pa ako sa loob ng kotse natatawa sa sinabi niya at 'di lang ako nagpapahalata.

"BWAHAHAHAHAHAHAHA" Malakas na tawa ni Wesley habang nakahawak sa tiyan niya.

Mukhang tama nga si Wesley sa obserbasiyon niya. Natural siyang kumilos sa harap namin at mukhang hindi nga siya katulad ng ibang school mates namin na natataranta kapag nakikita o nasasalubong kami sa campus. Mukhang hindi nga siya apektado sa presence naming dalawa. Hindi naman man siya mukhang masungit pero ang ingay ingay naman ng bibig niya at dun ako ang naiirita.

Kusa siyang huminto ng mapansin niya sigurong siya lang ang tumatawa.

"AHERRM!" malakas na tikhim niya. "Bro, this is Lucky Gonzaga my new found friend." Seryosong pakilala niya sa akin at pinaglapit kaming dalawa.

"GOOOOOOOOOOD MORNINNNNNNGGGGGG!!" Napalingon kaming tatlo at nakita ko ang kaibigan niyang mataba. "Ang sarap naman ng breakfast ng seshie ko, ITLOG NA MAALAT AT JUMBO HOTDOG!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng titigan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Hi Andi!' masayang bati ng pinsan ko sa bagong dating. Magkakilala din sila?

"Hi KENNETH!" masiglang bati niya sa akin imbes na sagution ang pagbati ng pinsan ko. Tipid na ngiti lang ang isinagot ko.

"Nag breakfast ka na ba Lucky?" kahit pabulong dinig ko parin si Wesley.

"B-Bakit?" walang emosiyong sagot niya sa pinsan ko.

"Kung hindi pa, tara kaen tayo sa canteen treat ko." Nakatitig lang siya kay Wesley na parang unang beses palang niya itong nakikita.

"Salamat. Sa susunod nalang siguro." nagulat ako sa isinagot ni Lucky. Mukhang hindi nga tumatalab ang charm ni Wesley sa kanya. Maging ako parehi niyang ituring. Nakakapagtaka. Nakakainsulto.

"Wesley tara na huwag mo ng pilitin yung ayaw." Sabat ko sa kanila. Sumusobra naman ata siya. Sino siya para tumanggi sa pinsan ko? Hindi naman siya ganun kaganda. Tss!

"Mas gugustuhin ko pang makasabay si Muning kesa makasabay yang pinsan mong nasa menapausal stage na." Biglang atake niya pero kay Wesley nakatingin.

"The feeling is mutual." Mayabang na sagot ko bago sila talikuran. Tinanong niya ba kung gusto ko siyang kasabay? Hell, NO!

"Kenneth wait!" mabilis na humabol si Wesley at hinawakan ako sa braso. "B-Bro.. please. Gusto ko lang makabawi sa kanya." Nakikuusap na sambit niya.

"Tss! Bakit feeling niya gusto ko din siyang kasabay?" agad tinakpan ni Wesley ang bibig ko.

"Bro naman.. Just this one. Ask me anything in return gusto ko lang magpa good shot kay Lucky." hindi ko alam kong matatawa ako o maawa sa kanya. Tinabig ko ang kamay niya. Madalas nasasakyan ko ang pagiging isip niya pero itong kakaibang trip ni Wesley, BLURRED!

But Wesley is my bestfriend. Magkapatid ang parents namin at higit pa sa magkapatid ang turingan naming dalawa. And i can't say no to this monster. Lalo na ngayong kakaibang kilos na ipinapakita niya. Hindi niya ugali ang makiusap unless its really urgent.

"Fine. Malaki ang utang mo sa akin Ongapauco." Dinuro ko siya sa mukha. Umikot ang mata ko ng makita ko ang naging reaksiyon niya. For christ sake daig pa niya ang nanalo sa lotto bago magtatakbo pabalik sa taong kinahuhumalingan niya.

To be continued..


Load failed, please RETRY

Estado de energía semanal

Rank -- Ranking de Poder
Stone -- Piedra de Poder

Desbloqueo caps por lotes

Tabla de contenidos

Opciones de visualización

Fondo

Fuente

Tamaño

Gestión de comentarios de capítulos

Escribe una reseña Estado de lectura: C7
No se puede publicar. Por favor, inténtelo de nuevo
  • Calidad de escritura
  • Estabilidad de las actualizaciones
  • Desarrollo de la Historia
  • Diseño de Personajes
  • Antecedentes del mundo

La puntuación total 0.0

¡Reseña publicada con éxito! Leer más reseñas
Votar con Piedra de Poder
Rank NO.-- Clasificación PS
Stone -- Piedra de Poder
Denunciar contenido inapropiado
sugerencia de error

Reportar abuso

Comentarios de párrafo

Iniciar sesión