(EL POV)
Pagaspas ng mga dahon, kasabay ng hingal na paghinga ko. Napa-ismid ako ng makita ko si Uncle Rankin na kulang na lang maturok sa akin ang napakatalim niyang mga mata. Nang inataki ako nitong harapan na sa huli muli na naman akong mapapatay kung di siya tumigil.
Nagtawanan kaming dalawa. Unti-unting bumalik sa pagiging tao ang tiyuhin ko. Habang nga nakahiga na kami pareho sa damuhan. Uulan, dahil papdadilim ang kalangitan, hindi dahil gagabi na. Ang amoy sa paligid pinagsisigawan ang pagdating nito.
"Kaya mo nang kontrolin na di lumabas ang anyo mo EL." Natawa ako sa sinabi niya. Di pa oras para makita ang anyo ko bilang lobo.
"Bakit kasi kailangan pa natin gawin to." medyo naiirita ko ngang tanong sa tiyuhin ko. Ngunit tawa ang itinugon niya sa akin.