(Dahlia POV)
Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ko ng biglang narinig kong may humahanap sa akin sa ibaba. At sa boses nito magigising si Lolo. Umuwi na yung isa pang walang magawa sa buhay nila kundi pahirapan ang mga magulang nila na umaasang nag-aaral sila ng mabuti.
Nagpatuloy [arin ako sa pagsusulat. Nang Bumukas ang pinto. "Dahlia!" nabitawan ko ang aking ballpen saka humarap sa kanya.
"Natutulog si Lolo. Di na ba kayo marunong tumingin kung ano nang oras?"
"Wala akong paki-alam. Kailangan ko ng pera. Ngayon din!" Kagaya din ng dahilan ni Karen kung bakit niya inistorbo ang tulog ko.
Bakit lagi na lang nila ako nilalapitan tungkol sa perang hinihingi nila? Sobra-sobra naman ang allowance na binibigay sa kanila ng mga magulang nila.
"Pera Dahlia. Bilisan mo na!" Aba naman nangangalaete pa siya.
"Bakit?"
"Sige! Sa matanda na alang ako hihingi."
"Carlo! Bakit kailangan mo ng pera?! At magkano ba ang kailangan mo."