(Dominic POV's )
"Makapanakit ka!"
Ngumiti siya sa akin. "naghahanp lang ako ng mapagbubuntungan ko din ng hampas. Sa nagsawa ako sa mag-iina ko niyan."
"Bakit ako?"
"Kung ikaw sana ang nagmamanage ng kompanya edi sana nadisiplina ko ang mga bata at di si Monina ang sinusunod nila."
Saka niya ako tinalikuran.
Nahanap ko na lang ang sarili ko na nakatitig sa dingding kung saan, walang sawang mga larawan ng boung pamilya ang ni Cedrick ang naroroon. Palibhasa mahilig kumuha ng larawan si Monina.
Plus, magaling na napa-amo ang demonyo kong kapatid na ayaw na ayaw magpakuha ng larawan noon.
Nakuha ng pansin ko, ang larawan na muli silang ikinasal sa simbahan ni Monina nang tatlong taong gulang na ang mga bata.
Ang ganda ng larawan.
Thanks, Monina na ginawa mo ngang masayang gulong ang buhay ni Jeff. Gulong dahil alam ko kahit ganito na ang pamilya nila, may pinagdadaanan parin sila.
(Monina POV's)