( Monina POV's )
"Wala na din naman akong kinalaman kung bakit nawawala ang kapatid mo."
Naiyukom ko ang aking mga kamay. Nagkatitigan kaming dalawa. Tinutuya niya ako.
Ngunit kinakabahan at natatakot ako sa mga kapatid ko.
Kaya naman… sa unang pagkakataon kahit di ko pinayagan ang mga luha kong lumabas sa aking mga mata, tumulo ito ng kusa.
Saka nga itinabon ko ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Napaupo at di ko na napigilang umiyak.
Cedrick naman! Talagang wala akong magagawa sa situation na ito!
"Iiyak ka na lang?" alam kong sa akin ang tanong na yun ni Cedrick. Kung may kinalaman ito tungkol na naman sa sindikatong humahabol sa aking ama, siguradong wala talaga akong magagawa.
"Cedrick!" na siyang luhaan na ang aking mukha.
"Tulungan mo ako."
Ako ang kailangan na ibaba ang pride dito. Kaligtasan ng mga kapatid ko ang iniisip ko dito.