((( Secretary Kim POV's )))
Iniwan nga ni Miss Monina ang kahon na pinaglagyan ng pera na siyang utos naman ni Master Cedrick.
Ngayon Boss, sabihin mo sa akin, talaga bang yung babae ang naghahabol sa kapatid niyo?
Ngunit bigla na naman itong natawa na parang kinulam kung sino man ang nagpapatawa sa kanya na wala namang nakakatawa.
Napatayo. Humarap sa akin.
"Narinig mo siya? Hinahamon niya ako. Tungkol sa first kiss niya? Sabihin mo nga, di ba siya swerte na ako nakakuha ng first kiss niya?"
Napatitig ako sa kanya. Seryoso na ito ang tinatanong niya sa akin? Gusto kong mapahilot sa leeg ngunit pinigilan ko. Di makapag react sa tanong niya.
"Dagdagan mo pa ang perang yan! Triplehin mo!"
"Master Cedrick, hindi kaya…"
"Sinusuway mo ako?" Napailing na lamang ako. "Do it. Ayokong ginugulo niya ang kapatid ko."saka tumalikod siya na ang taas ng pride halos di mo makita kung saan na nga nakarating. Napailing na lamang ako.