Capítulo 609: Chapter 394 Weird
Di ako makapagfocus sa mga sinabi sa akin ni Missamy. Ang ayoko sa lahat yung Physical boundaries na yan. Tss. Pero para sa kanya, edi gagawin ko. Sure win na din naman ako dahil siya na ang nagsabi ng Tips na ito kung paano nga ligawan ang babae. Maging seryoso nga sa desisyon.
Nang makapag bihis na ako, di ko nilagay ang tie ko at lumabas. Hinanap si Missamy. Nakita ko siyang nakikipaglaro kila Icy at Seven. She is a mother like at a lovable wife for sure.
"Missamy, can you put this to me?"
Lumapit naman siya sa akin at siya nga ang naglagay.
"Goodluck Jeff." at parang galit na hinigpitan, ngunit inayos naman niya. At tinapik-tapik ako sa balikat. "Ayan gwapo na."
"Bye." Bumalik sa mga bata na di niya alam, naghahanda nga ako para sa kanya.
Hinatid nila ako sa sasakyan. Mga mata nilang kumikislap na parang ayaw kong umalis. Pinipigilan nila ako. But I just wave back.