Capítulo 531: Chapter 315 I didn't Sleep
Tinulungan na ako ni Mother IN law na maghanda ng hapunan. Hindi naman siya yung tipong maarte at masungit na Step Mother. Sa katunayan napakabait nga niya kay Jeff, kahit nga may maga anak siyang nakikipagkompentensya kay Jeff. Sabagay pinalaki na nila ito at sila na ang bahala sa mga desisyon nila sa kanilang buhay.
Inihanda na namin sa hapag, at masayang nagsi-sulputan ang mga bata dahil kay Shin na ano na naman ang ginawa niya sa mga ito. Siguro nagdala na naman ng mga laruan na si alam ni Jeff.
Si jeff, kinakausap ang Elder na may kinalaman nga sa pamamalakad ng kompanya. Kapag ganito sila parang di lang mag-ama. Ganyan nga Jeff, impress mo lang Daddy mo ng wala na ngang extension na mangyari.
Sa tabi ko si Jeff at si Mother In law saka Shin ang tinabihan ng dalawang bata. Dahil tinatamad na naman kumain mag-isa gusto na lang magpasubo.