Capítulo 272: Chapter 55 Sweetie
"Kapag ganyan ka Seven… di makakalapit sayo ang mga babaeng nagkakacrush sayo. Bahala ka, magiging katulad ka ng Daddy Jeff niyo. Hmph!" Naupo na ako sa gitna nila Seven at Icy… at sa harapan kong tong si Jeff, pabilog yung mesa… na masaya sa ginawa ni Seven.
Marahas talaga ang lalaking to… di man lang pinagalitan.
"Missamy." Tawag pansin niya sa akin… habang ini-inform ko si Missamy kung anong mga Vitamins ang makukuha sa kinakain namin ngayon.
Tumaas ang kilay ko sa tawag sa akin ni Jeff.
"Be preapared sa mga sasagutin mo sa school mamaya. Dahil nalaman ko kay Jay na, maaga pa lang naroroon na ang taga media."
"Huh?" ito na ba yung iniisip ko kagabi? Kala ko imagination lang na mangyayari. Bakit…
Ah… heartrob pala itong si Jeff sa Campus namin kahit nga di naman siya doon nag-aral. Parang artista lang din ang buhay ng mga Lee Chan.