< Atty.Wenziel>
Di ko alam kung pamilya nga ba ang tawag sa pamilya ni James.
Kaibigan namin ni Dr.Eriez si James noong nasa College kami kahit magkaiba-iba ang Department namin. Ako nasa College of Law, habang si James sa Bussiness administration at si Eriez sa Medicine.
Sa aming tatlo si James lamang ang nagkaroon ng asawa. Siya din ang pinakabusy sa amin.
Masaya kami malaman na nanganak na si Mitchelle ng isang malusog na batang lalaki ngunit ikinalulungkot namin ng pumanaw si Mitchelle matapos ang ilang minuto ng iluwal si Zhio.
Naiiwan kay James ang responsibilidad bilang isang ina at ama ni Zhio... At ang kompanya na pinapapalakad ni Mitchelle ang Cryzastic Corporation... kaya lalong bumigat ang pasanin ni James.
Nawalan ito ng oras kay Zhio, na kapag nagkakasakit si Eriez mismo ang nangangalaga, dahil para sa amin anak din ang turing namin kay Zhio. ..At kahit ano pang mangyari nanatili kaming sumusuporta sa mag-ama.
Hangang sa isang araw, nabalitaan naming nagkasakit si James.
Sa awa ng Diyos...nanatili siya sa hoapital upang magpagaling.
At sa tatlong araw na yun nangako kami sa kanya na kaming dalawa muna ang mangangalaga ng kompanya.
Pagkatapos ng tatlong araw, bumalik si James..at nagpasalamat sa aming nagawa.
Ngunit , hindi pa natatapos ang araw na yun, itinakbo sa hospital si James at sinabing hinimatay sa gitna ng pagpupulong.
Ang nakakalungkot... di namin inanaasahan na di na magigising si James matapos ideklara ng Doctor na na-comatose ito.
Labing pitong taon si Zhio noon. Wala kaming posisyon upang mamahala sa mga iniwang responsibilidad ni James sa kompanya... kundi si Zhio ang kailangang sumalo nito.
Kalat ang balita tungkol sa unang paglabas ng mukha ni Zhio sa publiko
kami ni Dr. Eriez ay nasa tabi lamang niya upang gabayan siya.
Tinalikuran ni Zhio ang Kabataan niya, upang isakatuparan ang pangako niya sa kanyang ama.Hinarap niya ang lahat ng problema na dumating sa kompanya habang di pa nagkakamalay si James. Doon ko napatunayan na magaling ang pagpapalaki ni James kay Zhio. Matalino at Madiskarte sa pamamahala.
Ang tanging nagbago sa kompanya ang pagpapa-alis ni Zhio sa mga malalanding babaeng empleyado.
Dahil magkaibang dalawang kompanya ang pinapatakbo ni Zhio, naging strikto, masungit At seryoso si Zhio sa trabaho. Parang nakaligtaan ang sarili at sumabay sa agos nang negosyo.Resulta upang umunlad ng mabilis ang kompanya.
Limang taon ang lumipas, lumaki ng lumaki ang kompanya.
At sa loob ng mga taon na yun unti-unting nawawalan ng pag-asa kung magigising pa ba si James.Dahil alam naming lahat makina na lamang ang nagbibigay buhay sa katawan ni James na sa sobrang payat parang matagal ng pumanaw ito.
Ngayon, hawak ni Dr.Eriez ang ducomentong nagsasabi kapag di pa nagising sa loob ng isang buwan si James...ay gagawin na namin ang pamamaalam sa kanya.Bilang malapit na kaibigan at kapamilya ni James...Ako, si Eriez at higit sa lahat si Zhio ang pipirma sa ducomentong iyon. Pumirma na kami ni Eriez...
Nang ipatong namin sa mesa ni Zhio ang ducomento...
tinignan niya kami.
"Huwag kang mag-alala Zhio, may isang buwan pa ang iyong ama. Sa loob ng buwan na yan malalaman natin kung kailangan pa ba natin ipagpatuloy ang pagbuhay sa kanya."
Tanging ginawa ni Zhio ay ibasura ito.
"Walang makikialam tungkol sa aking ama."
Kung ako nga rin si Zhio di ko agad mapipirmahan ang ducomentong iyon.
Ngunit ano mang iwas ni Zhio ay hindi niya matatalikuran ang tungkulin niya sa kanyang ama.
Isang araw ako mismo ang nagdala kay Zhio sa hospital kung saan naroroon ang katawan ng kanyang ama.
" Limang taon nang walang senyales na ipinapakitang magigising pa ang iyong ama , Zhio. Kaibigan namin ang iyong ama ... at alam namin ang nararamdaman mo." si Dr.Eriez.
Nakamasid lang ang mga mata ni Zhio sa boung hinihigaan nang katawan ng kanyang ama.
" Limang taon mo na rin pinapatakbo ang kompanya Zhio.Kahit wala ka pa sa tamang gulang. Malaki ang tiwala namin sa'yo at lalo na ng iyong ama na hindi mo pababayaan ang kompanya na iniwan niya sayo ng dis-oras. Saka ilang beses mo nang pinatunayan sa amin na hindi mo ito pababayaan. At bilang nag- iisang tagapamana ng boung ari-arian ng Zel Cantheliz at kompanya ng iyong ina ,ang tanging aalalahanin mo lang ay ang mga habilin nila sayo.At ngayon nasa iyong pagpapasya kung hahayaan mo na iyong ama kung saan man tutungo. Ito ang tandaan mo ... tanging makina na lamang ang sumusuporta sa katawan ng iyong ama."
Napahaplos sa mukha si Zhio.
Tama parang matagal ng patay ang kanyang ama.
Mismo sa araw na ito... kailangan na niyang magdisisyon.
Malamig ang boung silid at lahat ng paningin ay nakatuon kay Zhio.
"Iwan niyo muna ako." malamig niyang sinabi.
Tumango si Dr. Eriez at sabay kaming lumabas... ngunit bago ako tumalikod nakita ko ang pagpatak ng luha ng isang anak para sa kanyang ama.
Is Mercy Killing is Murdering someone?
Share your Opinions!
I love you so much Ka-Webnovel!